Share

The Law of Lust (Tagalog)
The Law of Lust (Tagalog)
Author: penpenthelarapen

CHAPTER 01

"Thank you so much Mr. Ferrer, we don't really regret na ikaw ang pinili namin na humawak sa kaso ng anak ko. You deserve a better price, a BIGGER price than what we have been discussed." She said with a full smile on her lips and shakes my hand repeatedly.

I just answered her with my simpliest smile that I can offer that time. Hinawakan ko kasi ang kaso ng anak niya about sa bribery and he found not guilty dahil lumabas na isang set up lang 'yun. His son is running for Vice Mayor in their province— normal na 'yung mga gano'n na kaso lalo na at malapit na ang kampanyahan.

"You don’t have to thank me Mrs. Winston, ginawa ko lang ang trabaho ko," sagot ko pa habang walang emosyon sa tono ng boses ko. "For now I have to go, tatawagan na lang kayo ng secretary ko about sa bills and payments," dagdag na saad ko pa at nag-shake hands na lang ulit kami for the last time then I immediately turn my head back and started to walk.

I am Wayne Ferrer, isa ako sa pinakamagaling na abogado ng bansa. Hindi 'yun sa pagmamayabang because I'm just telling the truth. Truth is my second name! My name is very well-known on this field,  hindi na 'yun nakakapagtaka. They called me 'Lawyer of No-Failed-Cases' hindi ko naman na siguro kailangan pang ipaliwanag sa inyo ang tungkol do'n, right? Because ever since I started defending my clients inside of the court, wala pa akong naitatalo. They trust me enough reason why I already built my firm.

The WHF Law Firm. Ever since ay 'yun naman talaga ang pinangarap ko dahil gusto ko na ako ang boss when it comes to the firm. Hindi ko rin kasi gusto 'yung ibang Law Firm na pipilitin kang humawak ng kaso na labag sa loob mo. I don't want to defend someone who's guilty from their doings because I still have principles in life.

Hindi ako nag abogado para ipagtanggol ang mga maling tao. I'm here because aside from I'm really good at this... I want to help those people to be free from wrong accusations. You'll never expect how smart I am when I'm inside of the court— and on bed. I'm very much single but I still choose the women I have sex with dahil ayaw kong mawalan ng lisensya in instant kapag may nangyaring issue.

TULUYAN na akong pumasok sa loob ng office ko at pabagsak na naupo sa swivelling chair ko. I immediately grab the white folder na nakapatong dito sa lamesa dahil may panibago na naman akong kaso na kailangang hawakan this coming week.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay biglang bumukas 'yung pinto ng opisina ko kahit na wala naman akong narinig na katok.

Bago ko pa man batuhan kung sino 'yun ay narinig ko na ang sunod-sunod na palakpakan. I gave my famous poker face when I recognized him. Bastos talaga ang ugali ng lalaking 'to, abogado pa naman pero hindi marunong kumatok. Pero dahil kaibigan ko naman siya kaya pinagsawalang-bahala ko na lang 'yun dahil sanay na rin naman ako.

By the way, he's Attorney Brent Ong, he's on the field of being a company lawyer. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa Legal Department siya sa El Zey Group... ‘yung isang kompanya ng kaibigan ko rin na si Zeid. Hindi ko pa specialization ang company law dati kaya hindi ko 'yun natanggap pero okay na rin ‘yun dahil masyado na akong busy sa pagiging trial lawyer ko.

Dito siya nagtatrabaho sa firm ko, siya ang pinakaunang abogado na pumasok dito matapos kong maitayo ito kaya malapit ko na rin siyang kaibigan.

"Bravo! Bravo! Bravo!" Sunod-sunod na wika niya habang lumalapit na siya dito sa lamesa ko. "Congratulations, for the n'nt time ay napanalo mo na naman ang isang mabigat na kaso Ferrer." Dagdag na saad pa niya.

Napailing naman ako habang napapangiti dahil do'n. Muli ko na lang na ibinalik ang aking atensyon sa binabasa ko nang maupo na siya sa harapan ng lamesa.

"Hanga na talaga ako sa'yo." Wika niya pa.

"Tsk. That's not hard as I expected," I simply answered.

"Hays. Ikaw na talaga ang magaling. So? Tara, celebrate tayo mamaya?"

"Pass. May next case ako na dapat reviewhin," sagot ko na hindi man lang siya binabatuhan nang tingin dahil nasa hawka kong folder ang atenspyon ko.

"What? May next case ka na agad? Iba ka talaga!" Hindi makapaniwala na wika niya. "About naman saan 'yan ngayon?"

Sasagot pa lang sana ako nang ma-interrupt kami dahil sa mga sunod-sunod na pagkatok sa pinto mula sa labas... "Come in!" sagot ko at pareho kaming nakatingin sa dahan-dahan na pagbukas ng pinto.

I saw Yella... Brent's secretary holding a black folder,  isa lang siyang intern dito sa firm ko dahil naghihintay na lang siya sa resulta ng bar exam bago siya maging ganap na lawyer.

"Good afternoon Attorney Ferrer, good afternoon Attorney Ong." Pagbati niya sa aming dalawa.

Nag-nod na lang ako bilang tugon. Sanay na kasi siya na kapag hindi niya nakita si Brent sa office nito ay tiyak na nandito lang 'yun sa office kaya siguro siya nandito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto namin bago siya nagsalita, "Attorney,  nasa may lounge po ngayon si Miss—"

"I knew it, siya na naman?" Putol ni Brent sa sinasabi ng kaniyang secretary.

Ibinalik ko na lang ulit ang paningin ko sa binabasa ko dahil I have nothing to do with their topic.

"Yes po Attorney Ong." Mahinang sagot ni Yella at nakita ko pa sa peripheral vission ko ang pag-abot niya kay Brent ng folder na hawak niya.

Tinanggap naman 'yun ni Brent at saglit lang na tiningnan 'yun at saka napabuntong hininga. "I told her countless times na hindi pa ako available for Pro-bono." Mahinahon na wika ni Brent dito.

"Willing naman daw po siyang magbayad ng kalahati Sir."

Napabuntong hininga ulit si Brent. I understand him dahil minsan may makukulit talaga na kliyente na hindi makaintindi kapag hindi pa available ang pro-bono.

"I already told her na babalikan ko na lang ang kaso niya kapag available na ako sa pro-bono, kailangan ko pang unahin ‘yung mga fully paid na. Ang kulit niya talaga. Bumalik ka na lang sa pwesto mo at 'wag mo na lang siyang pansinin." Wika pa ni Brent at isinarado na 'yung hawak niyang folder.

"Pero sir, nasa waiting area po kasi siya ngayon."

"Hayaan mo siya, maghintay siya sa wala." Sagot pa ni Brent. Wala na lang akong comment kung paano niya asikasuhin ang mga kliyente niya dahil iba-iba naman kami nang pamamaraan.

Narinig ko na lang ang pagkakasara ng pinto at pagkatapos no'n ay ang pag-buntong hininga na naman niya.

"Nakakastress talaga, mukhang kailangan ko talaga na uminom mamaya." Wika niya. Napailing na lang ako habang natatawa.  Alam ko naman na kahit hindi siya stress ay mag-iinom pa rin siya. "Talagang makulit ang Leigh Devon na 'yun." Rinig ko pang bulong ni Brent na naging dahilan nang mabilis na pagbato ko sa kaniya nang tingin habang nakakunot ang noo ko.

Wait? Leigh Devon? "What did you just said? Leigh Devon?" agad na tanong ko sa kaniya at mabilis naman niya akong binatuhan nang tingin. I need to clarify kung tama ba ang narinig ko... it’s been ages since I heard that name.

"You knew her?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Ibig sabihin, tama nga ako nang narinig. Mabilis kong isinara ang hawak kong folder para pagtuunan siya nang pansin.

"What's her case?" I asked directly. Inabot naman niya sa akin 'yung folder na ibinigay sa kaniya ni Yella kanina kung saan ay agad ko naman ‘yun na tinanggap.

"Tungkol lang ‘yan sa lupa." Sagot niya sa akin habang tiningnan ko naman na ngayon 'yung nakapaloob do'n. "Why? Are you interested? Maliit na kaso lang 'yan Ferrer, hindi pa matibay ang depensa niya." Saad pa niya pero hindi ko na lang siya binabatuhan nang tingin dahil busy na ako sa pagtingin sa mga nakasulat dito sa papel.

About sa lupa ang finile niyang case which is siya ang complainant.

"Malaki ang pagkakautang ng Father niya sa isang matandang babae... and if I'm not mistaken ay 'yung Ms. Cruz ang inirereklamo niya dahil gusto raw nu'ng matanda na ang maging kabayaran sa lahat ng utang na naiwan ay ang lupa nila pero hindi pumapayag si Ms. Devon kaya nag-file siya ng kaso." Paliwanag pa ni Brent sa akin at napatingin na ako sa kaniya this time.

"And what's the problem? Bakit hindi mo tanggapin?" tanong ko pa.

"Bukod sa mahina ang laban ng kaso niya, she's asking for a pro bono. At sinabi ko na sa kanya noong una pa lang na hindi pa ako tumatanggap ng pro bono at ngayon... nag-file ulit siya ng paper at sinabi naman niya na kalahati muna ang ibabayad niya sa akin. I have lots of pending cases kaya hindi ko talaga siya matatanggap. Then the whole next month ay baka sa El Zey Company ako mamalagi. At saka syempre, uunahin ko muna 'yung mga bayad na." Sagot niya sa akin at alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo.

I close the folder. "Okay... then pass this case to me," seryosong sabi ko at napansin ko na naman ang pagkakakunot ng noo niya na para bang nagtataka.

"Wayne, are you serious? Hindi niya nga mabayaran ang retainer fee ko that worth 25,000 pesos per hour-- ikaw pa kaya na umaabot ng 250,000 per hour?" hindi makapaniwalang sabi pa niya.

Yes! You read it right. My retainer fee is much more higher than others. Mas mahal naman talaga ang bayad sa mga trial lawyer kesa sa iba. Pero syempre, depende pa 'yun if the case appealed to the higher court like court of appeals and the supreme court. Well, majority of cases that I handled appealed on the supreme court that's why my fee doubled or even tripled in just an hour.

"Then I'll make a pro bono," I answered back.

He laughed at me like I throw a corny joke. "Are you f*cking kidding me? Your signature is fucking precious like hell bro... tapos pipirma ka lang ng basta-basta para sa pro bono Tell me, what's the catch?" 

I can't help it but to smirk at him and stand up quickly. Wala naman akong balak na sagutin 'yun. Personal na 'yun.

"Basta sa akin na 'to huh," sabi ko pa at tatalikod na sana ako sa kanya para lumabas ng opisina pero nagsalita na naman siya.

"You knew her, don't you?" Tanong niya pa habang nakatalikod ako.

Napangiti na lang ako kahit alam kong hindi niya nakikita.

"Maybe yes,  maybe no," 'yun na lang ang sinagot ko sa kaniya at saka tuluyan nang lumabas ng opisina habang hawak-hawak ko 'yung folder.

Yeah. I f*cking knew her. I knew everything about her but that was before because now, I think that's gonna change! It's been almost 5 years at hindi ko akalain na magkikita pa kami. DITO PA SA SARILI KONG LAW FIRM!

Inayos ko pa ang coat ko at nang makasalubong ko si Celine which is ang intern ko ay agad akong tumigil sa paglalakad at na-gets naman niya ‘yun kaya nagmadali siyang lumapit sa pwesto ko.

"Go to the waiting area, call Leigh Devon at papuntahin mo siya sa meeting room. Don't say anything to her,"

"Yes Attorney." She answered.

Tuluyan na akong pumasok sa may meeting room at agad na akong umupo sa harap ng isang mahabang lamesa dito sa loob.

      While waiting for her,  I face the transparent wall and keep smirking out of nowhere. I didn't expect na dito pa kami magkikita. What's really the catch? You'll see.

Maya-maya pa ay napatigil na ako nang marinig ko na ang mahinang pagkatok sa may pinto. I'm 100% sure na siya 'yun kaya naman hindi ko na siya pinag-aksayaan pa ng panahon para lingunin.

Narinig ko na lang ang mahinang pagsarado nu'ng pinto hanggang sa magsalita na siya, "Attorney Ong?" Tawag niya mula sa may likuran ko. Her voice is still sweet like before.

Akala niya siguro ay si Brent ang nagpatawag sa kaniya ngayon at hindi niya pa ako nakikita dahil nakatalikod pa ako sa kaniya. Dahan-dahan na akong tumayo at saka unti-unting humarap sa kaniya.

Napansin ko ang awtomatikong paglaki ng mata niya sa sobrang gulat siguro nang makita niya ako. Alam kong hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya ngayon dito sa loob ng meeting room. I immediately make a scan of  her from her head to toe, secretly.

Walang masyadong nagbago sa kaniya, except her wavy light brown hair and a sexy body na hindi tulad ng dati. Medyo lumaki rin ng konti 'yung hinaharap niya na hindi rin tulad ng dati. I smirk in my own thoughts. She still look beautiful on her simple white blouse and her faded jeans.

"You seem amused," I said and smirk after scanning her visual. Ilang segundo pa siyang hindi nakapagsalita hanggang sa hindi na nga nagtagal at umimik na siya.

"W- Wayne." Banggit niya sa pangalan ko.

I smirk again. Halatang guilty siya sa ginawa niya noon. I noticed it dahil abogado ako.

"Yeah. Buti at kilala mo pa ako," malamig na tono na sabi ko sa kaniya.

She gulped badly. "I'm- I'm here for Attorney Ong, n-not you." 

Pinilit niyang maging matapang at palaban ang tono ng boses niya pero dahil kilala ko na siya in and out kaya alam kong kinakabahan siya sa mga oras na 'to. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya pero mabilis siyang napaatras palayo sa akin kaya napangiti na naman ako.

"I don’t bite... don't be afraid," nakangising wika ko sa kanya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Zhaine Antonio
Update nmn po
goodnovel comment avatar
Armi H. Navarrofb
kelan PO ulit uodate
goodnovel comment avatar
Armi H. Navarrofb
update n po Sana Kayo...tagal n po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status