Share

CHAPTER 03

LEIGH DEVON's POV

Parang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang mga sinabi ng lalaking ito na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang ‘yun mula sa kaniya.

Anong akala niya sa akin? Bayarang babae?

Sa tagal naming hindi nagkita ay 'yan talaga ang unang ibinungad niya sa akin ngayon?  Nakakapanibago! Hindi ko maiwasan na pag taasan siya ng kilay at nilabanan ko ang mga titig niya sa akin kahit ang totoo ay parang bibigay na ang mga tuhod ko sa lapit ng mukha niya. Nakakapanghina!

Hindi na kasi ako sanay na ganyan siya kalapit sa akin.

"Nagpapatawa ka ba? Abogado ka ba talaga o p*rn star?" pang aasar na wika ko sa kaniya dahilan kung bakit nag-backward na siya nang konti palayo sa akin. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

Hindi niya siguro inaasahan na 'yun ang sasabihin ko sa kaniya dahil kahit kelan naman ay hindi ko siya napagsalitaan ng ganoon nu'ng nagsasama pa kami... I mean noong nasa iisang relasyon pa kami. Halatang-halata kasi ang hindi makapaniwalang eskpresyon  niya ngayon habang diretso lang na nakatingin sa mga mata ko. Well, sorry na lang siya dahil hindi na ako katulad ng dati at marami nang nagbago sa akin na hindi niya maiisip na kaya ko... And I can say na nagbago na rin naman siya, mas malaki pa sa inaasahan ko.

"Hindi ba at gwapo ka naman...successful ka na rin gaya nang gusto mong mangyari noon. Bakit hindi ka na lang maghanap ng babae o ‘di kaya naman ay mag bayad ka na lang ng babae sa mga club kasi obviously, marami kang pera," madiin ang mga salitang binibitawan ko sa kaniya at saka ko marahas na kinuha 'yung folder ko sa lamesa. "Thanks na lang sa alok mo. Pero hindi ko kailangan nang tulong mo at mas gugustuhin ko pang magpagamit sa ibang abogado... kesa sa’yo!" matapang pa rin na wika ko sa kaniya at saka tuluyan na akong tumalikod para umalis.

Alam kong nakakainis ang ugali ko ngayon dahil ang lakas ng loob ko na magalit sa kanya samantalang ako 'yung nang iwan sa kaniya noon pero wala na akong pakialam dahil labas na ang relasyon namin dati dito sa kailangan ko ngayon.

"Ngayon lang 'yan Leigh. Dahil alam kong babalik ka rin sa akin at sisiguraduhin ko 'yun." Biglang saad niya pa nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa may pintuan.

Mukhang sigurado talaga siya do'n pero hindi ko na lang siya nilingon pa at marahas ko nang binuksan 'yung pinto at saka malakas ko rin na sinarado 'yun kung saan ay medyo umalingawngaw pa sa buong hallway ang ginawang tunog no’n. Napatingin pa nga 'yung isang babae na nasa may front desk malapit dito sa may pinaglabasan kong kwarto dahil sa lakas no'n pero hindi ko na lang siya pinansin pa at dumiretso na sa pagalis.

Huminga ako nang malalim para makontrol ko 'yung galit na nararamdaman ko hanggang sa makasakay na ako sa elevator. Buti na lang at ako lang ang nasa loob noon kaya mabilis kong isinandal ang katawan ko sa wall ng elevator at mahigpit kong inihawak ang isa kong kamay sa railings no'n para hindi ako matumba.

Pakiramdam ko ay tuluyan na ngang lumambot ang mga tuhod ko dito sa pwesto ko dahil sa mga nangyari. Kung ano man ang pinagpapasalamat ko kanina ay 'yun 'yung buti na lang talaga at hindi ako bumigay sa mismong harapan niya.

Because to be honest, hindi ko talaga inaasahan na siya ang makikita ko kanina. Dahil siya pa naman ang kahuli-hulihang tao na gugustuhin kong makita sa buhay ko ng mga sandaling 'yun. 

Buti na lang at hindi ako masyadong nag-panic nang makita siya.

Buti na lang at nalabanan ko ang mga luha ko nang matitigan ko ang mga mata niya na para bang ang daming sinasabi. Alam kong may poot ang mga tingin niya na  'yun at hindi ko siya masisisi. Gusto ko siyang yakapin kanina pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong wala akong karapatan na gawin 'yun sa kaniya.

Narinig niyo naman siguro ang sinabi ko sa kaniya kanina hindi ba? Ako ang nang iwan sa kaniya! Ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang masasayang panahon na magkasama kami noon.

Walang ibang sisisihin kundi ako lang.

Hindi ko masabi kung pinagsisisihan ko ba talaga ang ginawa kong pag-alis noon dahil kahit papaano ay may magandang naidulot 'yun sa buhay ko at siyempre... kitang-kita ko rin na mas maganda ang naidulot no’n sa kaniya. Siguro,  more on sa nanghihinayang akong part kesa sa nagsisisi. Lalo na at hindi ako 'yung tipo nang tao na mahilig magsisisi sa huli... kasi kapag ginawa ko na ang isang bagay, kapag nangyari na ang isang bagay... tinatanggap ko nang buong-buo kung ano man ang magiging consequences nu'n at the end. Bakit ka ba kasi magsisisi sa huli kung nandoon na ‘yung nagawa mong damage ‘di ba? Maibabalik mo pa ba ‘yun? Obviously not?

Okay naman kasi kami ni Wayne. Masaya ang pagsasama namin noon.

Mahal ko siya at mahal niya ako. Nanghihinayang lang ako na wala ako nu'ng mga panahon na naabot niya na ang pinapangarap niya at 'yun ay ang maging isang ganap na abogado. We shared our dreams together, we were in each other's future. You know, like other couples na parang siguradong-sigurado na sa bawat isa. 'Yung tipong kasama na sila sa mga plano niyo for the future. But, like other love story... our story ends up like this. Natupad niya ang pangarap niya, pero ako hindi... and to be obvious, we made our future in parted ways which I have to considered a good thing.

Dahil kung hindi ako umalis... siguradong hindi siya naging ganap na abogado. Pareho sana kaming hindi mag go-grow as an individual kung nanatili pa rin kaming naka-depend sa isa’t-isa. Pareho siguro na magiging miserable ang mga buhay namin kung dumating sa punto na mas pinili namin ang relasyon namin kesa sa mga pangarap namin. Siguro, kailangan ko na lang tingnan ang heartbreaks namin in a brighter way.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status