May ngiti sa labi ni Leigh habang naglalakad na siya pauwi ng bahay ni Wayne. Wala siyang pamasahe kaya naglakad lang siya ulit, pero okay lang ‘yun dahil masaya naman siya sapagkat natanggap siya sa trabaho. At dahil masaya siya at malaki rin ang pasasalamat niya kay Pio dahil ito ang tumulong sa kaniya na makahanap nang mapapasukan na work kaya tinawagan niya agad ito para ibalita ‘yon.“Hello, Pio?” May ngiti sa labi ni Leigh nang mag-activate na ang tawag niya.[Oh, Leigh. Napatawag ka? Anong balita? Natanggap ka ba?]“Oo. Natanggap ako, at salamat ‘yun sa’yo?”[Talaga? Masaya ako na malaman ‘yan.]“Ang bait rin ng boss ko, si Ma’am Sammie.”[Oo, mabait talaga ‘yan. Siya ‘yung tinutukoy ko sa’yo na naghahanap nga ng empleyado sa kaniyang maliit na restaurant. So, kamusta, nagsimula ka na ba kanina?]“Hmm. Tumulong lang ako ng konti sa pagse-serve kanina pero hindi talaga server ‘yung vacant nila kaya hindi ‘yun ‘yong trabaho na nakuha ko,” sagot ni Leigh.[Eh ano pala?]“Delivery
Kasalukuyan lang na ini-init ni Leigh ang pagkain na niluto ni Manang para sa kanilang dinner para sa gabing ‘yon. Wala na sana siyang balak na kumain dahil pasado 11 na nang gabi, kaya lang hindi naman siya makatulog dahil sa gutom. Habang hinahalo niya ang nilagang baboy na ulam, hindi niya maiwasan na isipin ang mga nangyari kanina. Bakit nga kaya atat na atat si Denise na magpakasal na si Wayne? At sa kabila no’n, bakit nga ba ayaw pa ni Wayne na pumasok sa isang relasyon? Dahil ba masyado talaga siyang busy sa kaniyang trabaho? Pero tama rin naman kasi ang sinabi ni Wayne kanina, bakit iispin ng ate niya ang pagpapakasal niya at ang pagkakaroon niya ng relasyon kung maging ito ay wala ring karelasyon. Ang gulo naman nilang magkapatid. Alam kong may part na hindi ko maiintindihan ang sitwasyon na ‘to dahil wala naman akong kapatid. Wala namang taong pwedeng mag-alala sa akin dahil nag-iisa lang ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya na sana siyan
Sakto sa napag-usapan ay dumating na nga si Wayne at si Leigh sa cafe kung saan sila magkikita-kita. Pormal na pormal ang itsura ni Wayne habang nakasunod sa may likuran niya ang dalaga. Nandoon na rin ang kanilang ka-meeting na nakatingin na rin nang diretso sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Leigh ang nakataas agad na kilay ng matandang babae. “Don’t get triggered by her look,” pasimpleng bulong ni Wayne kay Leigh. Nakikita rin kasi niya kung paano tumingin ang matandang babae sa direksyon ni Leigh. “Sanay na ako sa mukha niyan ‘no. Wala namang pinagbago,” bulong din pabalik ni Leigh na ikinangiti ng lihim ni Wayne. Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila sa lamesa kung saan ay ‘yung abagado ng matanda ang agad na tumayo. “Nice to see you again, Attorney Ferrer,” bati ni Khalil kung saan ay walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito habang nilalahad ang kamay. ‘Wow! Siya ‘yung attorney ng matandang babae na ‘to? In fairness huh, ang gwapo niya. Mukhang magkasi
“So, what now? This is a win-win situation for the all of us para hindi na matuloy pa ang kaso.” Huminga muna nang malalim si Leigh bago siya nagsimulang magsalita, “Magkano naman ang makukuha ko?” “Huwag kang umasa na malaki, dahil sa laki ng utang ng ama mo… baka wala na ring matira sa’yo. Maliit lang din naman ang lupa na ‘yon. Walang masyadong halaga.” Mataray naman na sagot ni Ms. Cruz. Umirap si Leigh sa narinig. “Maliit na nga eh, pero pinag-iinteresan mo pa ng sobra.” “Ang mga kalapit na lupa ng lupa niyo ay pagmamay-ari ko na. ‘Yun na lang ang natitira at ang sakit na ng mata ko na makita ang sira at lumang bahay na nakatayo doon. May balak akong ipatayo sa parte na ‘yon, kaya kung ako sa’yo, pumayag ka na lang. Kailangan mo ng pera ‘di ba?” Sasagot pa lang sana si Leigh kaya lang natigilan siya nang mahagip ng kaniyang mata ang kamay ni Wayne sa may bandang hita niya na parang sumenyas ito ng ‘tama na’. Buti na lang at naintindihan niya ‘yon agad kaya naman nagsalita na
Habang nagmamaneho si Wayne ay hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ang tahimik ni Leigh sa tabi niya kaya naman nagsalita siya. “Sa tingin ko ay malakas ang laban natin sa kaso mo. I just found out na meron talaga siyang ibang intensiyon kaya niya gustong makuha sa’yo ang lupa. It’s like, she’s not really interested to get paid from your father’s debts. Gusto niya lang talaga na makuha ang lupa niyo.” “Hindi ko alam kung magandang balita ba ‘yan o hindi,” mahinang saad ni Leigh na para bang wala ito sa sarili. “Ano bang nangyayari? May problema ba?” “Wala,” sagot na lang ni Leigh sa kaniya. “Gutom ka na siguro. Let’s eat.” “Wala akong gana. Umuwi na lang tayo.” At nakita na nga ni Wayne sa gilid ng kaniyang mata na itinuon na lang ni Leigh ang atensyon niya sa labas ng bintana. Hindi na lang nakinig si Wayne sa sinabi ni Leigh at imbes na umuwi ay ibang daan ang pinupuntahan nila ngayon. Alam niyang hindi makakahindi si Leigh sa pagdadalhan niya ngayon sa dalaga. “Teka, hind
Sa sobrang tagal na umiyak ni Leigh matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan na si Cattleya ay nakaramdam naman siya ng uhaw. Ipagpapabukas na lang sana niya ‘yon at hindi papansinin, kaya lang hindi naman siya makatulog. Doon ay nagpasya na nga siyang lumabas muna ng kaniyang silid. Pahid-pahid niya ang kaniyang luha ay naglakad na nga siya. Ngunit, awtomatiko siyang natigilan nang mapadaan siya sa nakasaradong pintuan ng silid ni Wayne. May naririnig siyang umu-ungol mula sa loob.Kumunot ang noo ni Leigh.“Ano kaya ‘yun? Gising pa kaya si Wayne?” tanong ni Leigh sa kaniyang sarili. “Hindi naman ‘yon simpleng ungkol lang, dahil kung tama ang pagkakarinig ko… ungol ‘yun nang may iniindang sakit. May nararamdaman kayang masakit si Wayne? Ano kayang nangyayari sa kaniya sa loob? Kakatukin ko kaya siya?” sunod-sunod na tanong pa rin niya dahil bigla siyang nakaramdam nang pag-aalala.Ipinagsawalang bahala muna ni Leigh ang uhaw na kaniyang nararamdaman sapagkat na
Buong kalahating araw ay tinulungan ko lang si Mama na maglaba. Pagsapit ng tanghalian ay nagluto muna ako ng lunch namin tapos nagpatuloy na ulit ako sa pagtulong. Mga bandang alas-tres ng hapon ay nagsasampay na ako ng mga damit sa likod ng bahay. Actually nawala na nga sa isip ko ang oras dahil itinuon ko lang talaga sa ginagawa ko ang buong atensyon ko. At habang abala nga ako sa pagsampay ng mga damit na nilabhan namin ay biglang narinig ko naman si Mama na tinatawag ang pangalan ko sa harapan ng bahay.“Bakit po, ma? May ginagawa pa ako eh,”sigaw ko dahil nasa likod nga ako ng bahay habang nasa harapan naman si Mama.“Pumunta ka muna dito, bilisan mo.”“Opo. Nandiyan na.”At iniwan ko muna ang ginagawa ko saka nagpunta na sa may harapan ng bahay. Agad akong natigilan nang makita ko si Wayne na nasa harapan ni Mama. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kotse niya na nakaparada sa labas ng gate namin. Bitbit niya sa kabilang kamay niya ‘yung bag ko habang nap
Kahit na hindi nakatulog ng maayos si Leigh noong gabi dahil sa mga iniisip niya, idagdag pa na sinisilip-silip din niya ang lagay ni Wayne sa kabilang kwarto, ay nagawa niya pa rin na gumising ng maaga kinabukasan.Medyo madilim pa ang paligid nang gumising siya. Pagdaan niya sa harapan ng kwarto ni Wayne ay sumilip pa siyang muli roon upang makita kung mahimbing pa rin ba na natutulog ang binata. Kinusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata ng bahagya niyang binuksan ang kwarto ni Wayne.Doon ay nakita niya na natutulog pa nga si Wayne. Dahan-dahan niya nang sinado’ ng muli ang pintuan at dumiretso na sa may kusina. Sa pagkakaalam niya ay tuwing alas-otso pa ng umaga dumarating si Manang Fracia. Naisip niya na kailangan na ring uminom ng gamot ni Wayne pagkagising nito kaya naman siya na ang nagkusa na magluto.Pinili niya na lang na lutuin ay ‘yung madadali lang. Kailangan niya na rin kasi na magmadali lalo na at may trabaho pa siya.Nagluto siya ng ready to mix na panc