Share

Chapter 5: First Conversation

[Adem P.O.V]

I was so shocked when I saw her wet blouse stuck to her chest. I could not look directly at her that’s why I immediately took my handkerchief at my pocket and handed it to her.

"Cover your chest,” I commanded her.

Nagtataka naman niya akong tiningnan pero when she realized the reason why I commanded her to cover her chest, she was also shocked and grabbed it immediately and suddenly felt embarrassed.

"Talitha!" Mark called her name when he finally reaches out in our place.

“Are you okay?” Aerol asked with his worried eyes.

“What happened?” Agustin asked.

She stayed silent. Hindi niya nasagot ang mga sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko. We are worried about her. Kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang umalis sa kinatatayuan niya pero hindi niya alam kung paano.

Unti-unti na rin niyang nakukuha ang atensyon ng iba pang mga studyante sa paligid. Lalapitan ko na sana siya para ayusin ang buhok niyang nagulo pero bigla na lang siyang tumakbo palayo sa amin nang umiiyak.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kaniya. She’s just a transferee pero ito na agad ang bumungad sa unang araw niya sa university na ‘to unlike me, transferee rin ako pero they give respect because of my family’s wealth and looks. This is so unfair. Pero why do I even care? Hindi ko ugaling mag-alala para sa iba pero may nagsasabi sa sarili kong I want to protect her.

Kaya naman, I immediately run palabas ng university. Tumakbo ako nang mabilis. Iniwan ko ang mga kaibigan ko roon atsaka mabilis na nagpunta sa malapit na clothing line rito. Mabilis kong kinuha ang plain na puting damit at binayaran. Hindi ko na nga ata naisip kung kasya niya ba ito or what pero kailangan kong iabot sa kaniya ito para hindi siya makaramdam ng hiya sa bawat students na makakasalubong niya dahil sa basa ito at may mantsang kumapit sa blouse niya.

Hingal na hingal man, pero tiniis ko ang init ng araw. Minsan pa akong napahinto sa pagtakbo at napakawak sa tuhod habang hinahabol ang hininga nang makapasok ulit ako sa university. Inilibot ko ang paningin sa paligid pero wala siya rito kaya naman nagpatuloy ulit ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko siya.

I found her…

But with someone else…

Kasalukuyan silang tumatakbo sa hallway. Hila-hila ni Aerol ang kaliwang kamay ni Talitha habang ang kabilang kamay ay may hawak-hawak na paper bag na galing pa sa mamahaling brand. Nakita ko naman si Talitha, nagtataka sa nangyayari, miski ako, gustong magtaka pero hindi na kailangan dahil alam ko naman na Aerol is a very kind man. Ayaw niya na may tao siyang nakikitang inaapi lalo na pagdating sa mga kababaihan. Napalingon ako sa paper bag na hawak-hawak ko atsaka sabay na napabuntong hininga.

Nakaramdam ako ng inis sa sarili. I felt disappointed. I expecting myself to be the one who will be at Talitha’s side but it didn’t happen.

Saglit akong pumunta sa locker room para kumuha ng extra shirt para magpalit ng damit kasi sobrang basa nito kanina kakatakbo. Napailing na lang ako nang makitang may tumalsik na mantsa rin pala sa polo ko. I tried to remove it pero mas lalo lang kumalat ang mantsa sa damit. Mukhang sermon ang aabutan ko kay mommy this day. Napabuntong-hininga na lang ako.

“Huwag mon nang patagalin ‘yong mantsa, bro. Go to laundry room.”

Mabilis akong napalingon sa nagsalita and it was Agustin. Sa sobrang occupied ng isip ko hindi ko napansin na nandito pala siya.

Tinuro ni Agustin sa’kin ang laundry room. I don’t have any choice but to go there. We have our own laundry facilities daw dito for those taking up vocational course para sa mga gustong matutong maglaba. Mga anak mayayaman kasi raw halos ang mga nag-aaral dito. Walang oras matuto sa bahay ng gawaing bahay.

Habang naglalakad, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko sina Aerol and Talitha. It looks like a movie in my head, with slow motion and some movie effects. I hate to admit it but they’re look good together.

I just pouted.

Wala ako sa sariling pumasok ng laundry. Walang katao-tao. Nakapatay ang ilaw miski mga machines. Napakatahimik. So, I decided to open the light and plug the electrical outlets. This is my first time here. Tahimik lang akong naglalagay ng tubig and sabon sa machines. Mabuti na nga lang at automatic ang iilan sa mga rito.

Habang hinihintay na matapos umikot ang machine, nakasandal lang ako sa isa pang machine habang nakatingin sa sahig.

“Ay, petrang kabayo!”

Napatalon ako nang wala sa sarili nang marinig ang sigaw ng isang babae na kapapasok pa lang dito. Pagkalingon ko, hindi ko agad magawang makapagsalita. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Tumalikod agad ako sa kaniya at kumukuha nang lakas para pakalmahin ang bumibilis na tibok ng puso ko.

Para naman akong bakla nito!

“Sorry, nagulat ako.” rinig kong sabi niya. Nang makaharap na ako sa kaniya ay iba na ang damit na suot niya. Hindi na ito basa at wala nang mantsa. Napakaganda niya. Nakatali na ang buhok niya para mas lalong makita ang hugis ng mukha niya. Maliit lang pero bagay na bagay sa kaniya.

Nahihiya siyang pumasok dito. Minsan niya pa akong sinulyapan bago niya itinuon ang tingin sa mga washing machines na nasa harapan niya. Maya-maya lang, dahan-dahan niyang hinahawakan ang ibabaw ng automatic machine na tila namamangha.

“Ikaw si Adem, hindi ba?”

Nagulat ako dahilan para mapalunok ako at sinisikap na hindi mapiyok kapag nagsalita.

“Y-yes,” nauutal na sabi ko. Hindi ko inaasahan na matatandaan niya ang pangalan ko.

“Pasensya na, hindi ko nagawang magpasalamat sa’yo kanina. Sobrang nahiya na kasi ako sa mga tumitingin sa akin,” sabi niya habang nakayuko tila nahihiya.

Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa harapan niya. Tama ba ako? Natatandaan niya ang pangalan ko?

“Ganito ang washing machine rito?” pag-iiba niya ng usapan.

“Yhup,” I replied. Pero ‘yong ngiti ko hanggang langit na.

Dumapo pa ang paningin niya sa buong silid. “Grabe, napakaganda…”

I witnessed the one of the beautiful things happen today and it was her smile. Ito ‘yong ngiti na nakita ko sa kaniya noon. Sobrang peaceful ng dating.

Binalutan kami ng katahimikan. Maya-maya lang nakikita kong pinagmamasdan niya lahat ng button sa machine. Tingin ko sinisikap niyang intindihin ang mga ‘yon kaya naman mabilis kong kinuha ang blouse niya sa kamay niya at pinasok agad sa loob ng machine.

“Thank you,” nahihiya niyang sabi. Pareho lang kaming nakatayo sa harapan ng machine habang hinihintay na matapos itong umikot.

“Why? Is it your first time?” I tried not to show my interest and not to sound sarcastic. Kasalukuyan akong nakapulsang nakatayo sa tabi niya.

Nakangiti siyang tumatango-tango sa akin. “Oo. Kami kasi sa bahay, batcha lang na malaki atsaka tabla lang at manipis na brush lang ang gamit namin sa paglalaba.”

Sinabi niya sa akin ang mga ‘yon nang hindi nakakaramdam ng hiya. Nakita ko na naman siyang ngumiti. “Balang araw makakabili rin kami ng ganito.” Sabay hawak ulit sa automatic machine.

Because of curiosity, I can’t stop myself not to ask her. “Hindi ka ba nahihiyang sabihin sa akin na wala kayong automatic na machine?”

Nagtaka naman siya bigla sa sinabi ko. “Ha? Bakit? May mali ba sa sinabi ko?” Naguguluhan niyang sabi.

Mas lalo akong napangiti dahil sa pagiging inosente niya. “Nothing. Anyway…” Huminga muna ako nang malalim bago ko matapang na inabot sa kaniya ang paper bag na hawak ko. Mabuti na lang at hindi ko ito iniwan sa locker ko. Umaasa pa rin kasi talaga ako na makita ko siya at least para maibigay lang ‘to kahit may nauna na.

“Here,” sabi ko habang iniaabot ang paper bag. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.

“Ano ‘yan?”

Hindi ko na hinintay pang kuhanin niya sa kamay ko baka ma-disappoint na naman ako kapag tinanggihan niya. Kaya naman agad ko na lang pinatong sa itaas ng machine ang paper bag baka hindi ko na kayanin din ang kilig ko kapag naramdaman ko pang nahawakan ang kamay niya.

“Kung hindi mo kasya, pwede mo siyang ipamigay.”

Kasabay no’n ay ang paghinto ng ikot ng machine. Ida-dryer ko pa sana kaso bigla na lang ako lumabas ng pinto nang wala sa sarili.

Pero sana kasya niya o kaya naman itago na lang niya.

Isang mabigat na buntong hininga naman ang naibuga ko pagkalabas pero hindi ko pa rin maialis ang ngiti ko.

She knew my name!

>>>> to be continued…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status