Share

Chapter 6: Reporting

[Talitha P.O.V]

“Here,” sabi sa akin ng may pangalang Adem. Nagtataka ko naman siyang tinitingnan habang papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa paper bag na inaabot niya sa akin. Dito ko lang din napagmasdan na mayroon pala siyang napakagandang kulay abong mga mata.

“Ano ‘yan?” Nagtakaka kong tanong.

Kukunin ko na sana ang paper bag sa kaniya nang bigla niyang ipinatong ‘yon sa ibabaw ng waching machine. Natawa pa ako sa kilos niya dahil para syang natataranta at kinakabahan.

“Kung hindi mo kasya, pwede mo siyang ipamigay,” sabi niya sa akin. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Sinilip ko ang laman ng paper bag pero nananatili pa rin sa akin ang pagtataka.

Narinig namin pareho na tumunog ang machine hudyat na tapos na itong malabhan. Mabilis naman kinuha ni Adem ang damit niya at naiwan ang akin atsaka lumabas ng laundry room.

Teka? Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos nito, okay na ‘yong damit? Wow. Grabe. Kinuha ko na rin ang damit kaso ang inaakalang tuyo na ang damit ay basa pa pala. Nagtataka ko naman muling binalikan ng tingin ang pinto kung saan lumabas si Adem.

Saan naman kaya niya isasampay ‘yong damit niya?

Napabuntong hininga na lang ako nang wala sa oras. Lumingon-lingon pa ako sa paligid. May nakita akong nakasulat na dryer sa ibabaw ng isa pang machine. Napakamot pa ako ng kilay kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya imbis na gamitin ang machine na ‘yon at masira ko pa, gumawa na lang ako ng paraan.

Humingi ako ng alambre sa maintenance office, atsaka ko lang itinali sa magkabilang gilid ng room at doon isinampay ang damit. Bahala na kung pagalitan ako pagbalik ko nito mamaya.

Habang naglalakad ako pabalik ng classroom, doon ko naisipang silipin ang laman ng paper bag. Kinuha ko ito sa loob at laking gulat ko nang makitang isa itong puting damit. Plain lang siya pero ang ganda ng tela niya dahil malambot.

Nang makarating, napahinto pa ako nang maramdaman ang tingin ng mga kaklase ko maliban kay Adem na kasalukuyang nakayuko sa lamesa niya at mukhang natutulog. Wala pa naman ang teacher namin pero ganito na katahimik ang mga kaklase ko habang nakatingin sa akin sa hindi ko matukoy na paraan.

Huminga na lang ako nang malalim at naglakas loob na pumasok ng room at tahimik na naupo. Napalingon ako sa kaliwa, sa gawi ni Adem pero gano’n na lang ang gulat ko nang masalubong ang mga kulay abo niyang mga mata na nakatingin sa akin habang nakahiga ang ulo niya sa lamesa. Dumapo ang paningin niya sa paper bag na hawak ko na galing sa kaniya atsaka siya napangiti.

Para akong nakuryente kung paano niya ako titigan nang hindi kumukurap. Muli na naman akong nagtaka.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang biglang may pumasok na prof kaya ang lahat ay nag-ayos na ng pagkakaupo even siya.

“Good afternoon, class,” bati sa amin ng isang lalaki na nakasuot ng suit. Masyado siyang malinis tingnan sa paningin ko. May bigote siya pero iba ang dating ng kaniyang tindig, masyado niyang pinapakita ang awtoridad niya pero mukha naman siyang mabait.

“Good morning, sir,” bati namin lahat.

“You will be having your first reporting. Last week, I saw two potential students in your section to become the leaders. When I once call your name, kindly stand in front.”

Palinga-linga ako sa paligid at halos sa mga kaklase ko, nakikita kong excited sila sa mangyayari.

“But unfortunately, not everyone will be part of the first reporting. Two groups with three members including the leader and if these chosen leaders will choose you then, you’re lucky.”

“Aww,”“Sana mapili ako!”

“Hindi na ako umaasa.”

“Sayang naman…”

“Omg, allow me to join them!”

‘Yan ang halos naririnig ko sa mga kaklase ko. Hindi ko sila maintindihan. Are they really excited is because of grade? Or may iba pa’ng dahilan? Kung ako, magdadasal na ako sa lahat ng santo na huwag muna ako makasali sa reporting this time kasi sobrang nakakakaba at the same time bago pa lang ako? But instead, they’re look so excited and hopeful.

“Mr. Adem and Mr. Aerol, come over.”

At nag-umpisa na nga silang magsitilian nang mahihina habang kasalukuyang naglalakad ang dalawang bigatin papunta sa harapan. ‘Yong ibang kaklase ko, talagang patago pa silang nangilay at naglagay ng lipstick sa labi.

Now, I know kung bakit nila gustong mapili. Sino ba naman ang hindi nanaiisin na mapili ng mga kinikilalang mga bigatin sa paaralan? Pareho silang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil sa angkin nilang kaguwapuhan at kagisigan. Tingin ko, matagal na silang pinagpapantasyahan ng mga kaklase ko. Salit-salit ang naging tingin ko sa dalawang lalaking kasalukuyang naglalakad papunta sa harapan, pagtapos ay sa mga kaklase ko naman.

“Mga kaibigan ko ‘yan, sir!” sigaw ni Mark. Umiiling-iling naman sa upuan niya si Agustin habang napapangiti.

“Mr. Salvientez, quiet!” Bawal sa kaniya no’ng prof namin.

“Your going to do a jack ‘n poy challenge.” Baling niya sa dalawang lider na nasa harapan. “The first who will win, will be the first one to choose his member.”

Nagkatitigan ang dalawa sa isa’t isa. Si Aerol medyo nakikita kong naglalaro pa pero si Adem biglang sumeryoso ang mukha at biglang sumilip sa gawi ko dahilan para lumaki ang mga mata ko.

Nagtuloy na nga ang dalawa sa jack ‘n poy. Lahat ng mga kaklase ko excited kung sino sa amin ang pipiliin nila para maging miyembro.

“Yes!” sigaw agad ni Adem nang siya ang maunang manalo sa kanilang dalawa ni Aerol. Bato si Adem at gunting naman si Aerol.

“I choose Talitha,” Adem said na ikinagulat ko. Wait, what? Ako?

“What’s going on here?”

“Why siya? Baguhan pa lang siya, ah? Ang yayaman ng mga lider natin. Hindi kaya siya bagay na maging member nila. Magmumukha lang siyang alalay.” Atsaka tumawa ang mahaliparot kong kaklase. Kung hindi lang ako nagpipigil, baka kanina pa dumapo palad ko sa bibig niya.

“With the handsome and rich guys? She’s lucky. Tsk.”

“Pero dapat ako ‘yon! Mas bagay ako!”

“Akala ko chance ko na makabingwit!”

Isa-isa ko nang naririnig ang reklamo ng mga kaklase kong babae. Lumipat ang tingin ko kay Aerol na kasalukuyan nang nakatingin sa gawi ko at napangiti ng pilit.

“I choose Mark,” Aeriol said.

“Man! You chose a right member!” Mark shouted again dahilan para tingnan na naman siya nang masama ng prof namin.

“Agustin,” Adem chose.

“Sunshine,” Aerol said.

“Mas deserve pa ni Sunshine, e. Kasi anak naman siya rin ng mayaman. Pero ‘yong Talitha? No way!”

“True, girl.”

Lumingon naman ako kay Sunshine at ganoon na lang niya ako nginitian ng nakakainsulto atsabay inismiran.

Nakaramdam naman ako ng hiya. Pakiramdam ko, literal nila akong tinatapakan, isa-isa. Matalino naman ako. Alam kong hindi nila ako kasingyaman pero kaya kong makipagsabayan pagdating sa talino!

Gusto ko ‘yan isigaw sa kanila. Wala silang karapatan para laitin ako. Kaya imbis na magsalita, pinili ko na lang ang tumahimik.

“Finally, but there’s a twist. You need to do a jack ‘n poy with your members. If your member is the same with yours, then he/she will be your officially member.”

“What?” rinig kong reklamo ni Adem. “It’s a waste of time, sir,” dagdag niya.

“No, we are doing this is because I want to see on how you communicate with the other team’s members. How will you lead despite that these people will not your members in the first place? And I want this reporting will be the start of war. The best group for presentation will be given one hundred direct to the card for the prelims. No exams but still need to take quizzes.”

Mas lalo kaming na-pressure. Kinakabahan ako. One hundred direct to the card? Malaking points ‘yon to maintain my scholarship! Iniisip ko tuloy kung kaninong panig ako sasali. Dapat ko ba’ng piliin si Adem or dapat si Aerol? Sino ba mas magaling sa kanilang dalawa?

Inalog-alog ko ang ulo ko. No. Hindi ko kailangan pumili. Kung kanino ako kapareha ng kamay, doon ako.

Isa-isa nang sumabak ang mga kaklase ko. Si Adem ay kasalukuyang nakatalikod, haharap siya bigla para ibagsak ang kaniyang kamao at si Agustin naman ay nakapikit, kapag pareho sila ng bagsak ng kamay, mananatili silang magka-miyembro pero hindi naging kapareho ni Adem ang kamay ni Agustin pero pagdating kay Aerol ay naging magkapreho silang papel.

Si Mark naman ay ganoon din ang nangyari nang magbigay silang pareho ng bagsak ni Aerol, hindi naging magkapreho pero pagdating kay Adem ay naging magkapareho sila. Kaya si Mark ay miyembro na ni Adem at si Agustin ay miyembro na ni Aerol.

Nang kaming dalawa na ni Sunshine ang susubok, ay naglakas loob na akong tumayo sa pagkakaupo. Ramdam ko na mas naging seryoso si Adem at Aerol. Pareho silang nakatingin sa gawi ko habang naglalakad sa harapan. Wala naman akong magawa kundi ang mas kabahan sa ginagawa nila sa akin.

Nang nasa harapan na ako ni Adem bigla ba naman niyang nilapit ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. “Make you mine.”

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Bumilis ang takbo ng puso ko. Anong sabi niya?

Imbis na tumayo sa harapan niya ay sa harap ni Aerol ako tumayo. Nagtaka naman agad si Aerol.

“Talitha? What are you doing?” Aerol asked pero hindi ako kumibo at kinakabahan lang ako sa harapan niya.

“I think, it’s better to shift your members,” biglang sabi ni sir dahilan para makuha ni Aerol ang dahilan kung bakit nasa harapan niya ako.

Napabuntong-hinga na lang agad siya sa akin.

Kasalukuyan nang nakatalikod si Aerol sa akin at ganoon din si Adem kay Sunshine. Maya-maya lang pagkasabi ni sir ng go ay bigla silang humarap sa gawi namin habang nakapikit ang mga mata namin ni Sunshine.

“Omg!”

“Is that really what we called destiny?”

“Tsk! I really hate Talitha! Agh!”

“Sana ako na lang ‘yon, huhu.”

Pagkabukas ko ng mga mata ay ganoon na lang ang gulat ko nang makitang hindi masaya si Aerol. Dumapo agad ang tingin ko sa kamay namin at hindi kami magkapareho. Nakabato siya habang ako naman ay nakapapel.

Lumingon ako sa gilid ko at ganoon na lang ang ngiti ni Adem sa akin. Nakita ko na hindi rin pareho ang kamay nilang dalawa ni Sunshine. So, ang ibig sabihin lang ay…

“She’s mine, sir!” sigaw ni Adem at mabilis na hinila ang braso ko paupo sa pwesto namin at muli na naman siyang lumapit sa tainga ko. “I got you.” Sabay kindat sa akin.

Nababaliw na ba ‘tong lalaking ‘to? Hindi ako makapaniwala sa mga kilos niya.

“It looks like Mr. Cruz used his charm, ha,” pang-aasar ng prof namin. “Anyway, I’ll send on your email your topic. Kindly wait and prepare for it.”

Pagkatapos sabihin ‘yon ng prof namin ay agad naman siyang naglakad palabas ng room namin. Sumunod naman ang iilan kong mga kaklase habang nagbubulungan at masama ang tingin.

Napahawak ako sa dibdib ko at napabuga ng mabigat na hininga. Parang pakiramdam ko ngayon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Lumipas pa ang ilang oras, ‘yong ibang prof namin today hindi nagsipagpasok dahil may mga emergency meeting daw. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magstay lang sa loob ng classroom. Nang oras na ng uwian ay agad akong nag-ayos ng sarili. Nilagay ko na agad sa bag ko ang mga gamit.

“Magsasara na ‘yong laundry room. Dalisan mo.”

Lumingon ako sa nagsalita and it was Adem. Kaya naman, nataranta ako at patakbong pumunta ng laundry room.

Pagkarating ko ng laundry room, nakita ko ang isang lalaki na kasalukuyan na ngang kinakandado ang pintuan.

“Manong! Saglit lang po! Kukunin ko lang po ‘yong blouse ko sa loob!”

“Saiyo ba ‘yon, iha? Naku. Binigay ko pa naman sa lalaki kanina. Sabi niya sa girlfriend daw niya ‘yon.”

“Ano po?” Gulat na sabi ko.

“Sa’yo ba ‘to, miss?”

Mabilis akong lumingon sa likuran ko. And it was Adem na naman.

Kinuha ko agad ang blouse ko na kasalukuyan niyang hawak-hawak.

“Ikaw, ha! Hinid porket nagkausap tayo kanina pwede mong sabihin na girlfriend mo na ako!”

Atsaka ko malakas na binangga ang katawan niya. Kainis! Sikat na sikat siya rito sa school bakit kailangan niya pa akong pasikatin. Mabuti na lang talaga at walang gaanong nakarinig sa amin kanina, kundi naku! Pagpepiyestahan na naman ako sa classroom, bukas!

>>>> to be continued…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status