Share

Chapter 7.1

[Talitha's P.O.V]

Nagtataka kong pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko ngayon. Bagamat hindi ko alam ang dahilan ni Adem bakit pinahiram niya sa akin ang sarili niyang phone ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at laki nito. 

May tatlong camera sa likod. Kulay itim naman ang case nito. Mas malaki pa ang phone na 'to kaysa sa mga palad ko.

Napalunok pa ako nang mapagtanto kung gaano ito kamahal. Kaya imbis na gamitin ito, maingat kong inilagay sa bag ang cellphone niya. Mahirap na baka magasgasan at mawala ko pa, wala akong ipambabayad. 

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalakad. Nagbabakasali akong makahanap ng isang lugar dito sa university na walang gaanong mga tao. Lunch time kasi namin ngayon at nahihiya akong kumain sa cafeteria baka pagtawanan nila ako dahil isang piraso lang ng tinapay ang dala ko habang sila masasarap ang mga kinakain.

Umupo ako agad sa isang malapad na upuan malapit dito sa field at pasik

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status