Share

Chapter 7: A day to Remember

[Adem P.O.V]

The class was ended and I can’t believe that Talitha will become my member. I am currently walking towards at the terminal, smiling under the sun. Paulit-ulit na nagrereply sa isip ko ang lahat ng mga nakita kong reaksyon sa kaniya.

‘Yong mga ngiti niya nang makita ko kung gaano siya kasaya na nakatanggap na regalo. ‘Yong pagtataka kung bakit kusa na lang ako napangiti kanina sa harapan niya, kahit ‘yong gulat niya nang bulungan ko siya. Ginawa ko ‘yon para madistract siya at para hindi niya magawang makapag-focus sa jack and poy. Mabuti na lang at pumabor ang tadhana sa akin.

Bigla akong napalingon sa paligid ko at lahat ng mga kasama ko rito sa jeep, nagtataka sa akin. Napansin ko na lang bigla na nakangiti pala ako nang wala sa sarili kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at pinigilan ko muna ang ngumiti pero at the end hanggang sa makababa ako ng jeep, nakangati pa rin ako.

“Mom! Pa! I’m home!” I immediately removed my shoes and put it on the side of our door. Lumabas naman mula sa kusina sina mommy and dad.

“Ow my son! Saktong sakto ka! Nagluto si mommy mo ng paborito natin!” bungad sa akin ni dad.

Mabilis akong tumakbo sa kanila at nang malanghap ang amoy ng isang tinapay, hindi na ako makapagtiis! Amoy pa lang sobrang sarap na! Mahilig mag-bake si mommy and she also loves to cook any kind of dish.

“Mom! Ensaymada for real!”

Mas lalo akong naglaway nang makitang punong-puno ng cheese ang ibabaw nito. Kaya hindi na ako nakapaghintay at kumain na ako.

Narinig ko lang napatawa sa akin sina mommy and daddy habang kumakain na rin ng ensaymada. This is really what we love to eat. Dito kasi lahat nag-start kung bakit kami nakaahon sa kahirapan. My mom tried to practiced her skills in baking until one time she decided to built her own business. Mabuti na lang at nagustuhan ng maraming tao.

Sa haba ng buwan na hindi na nakakakain nito dahil sobrang busy ko sa sarili, minsan hindi ko na nagagawang makakain. But this time, hindi ko hahayaan na hindi makakain.

Lumipas ang gabi, nakahiga lang ako sa kama habang pinag-iisipan kung ngayon na baa ko gagawa ng group chat namin. Maya-maya lang din, I decided to create our groupchat pero hindi ko makita ang f******k account ni Talitha.

I scrolled down pero wala akong makitang legit na account niya. Mabilis ko tinawagan sa chat si Mark. Mabilis naman niya itong sinagot.

[Bro?”] bungad ni Mark sa kabilang linya.

“Gagawa sana ako ng group chat natin for communication purposes, alam mo ba ccount ni Talitha?”

[Bro, alam kong chickboy ako pero hindi ko ugaling kumukuha agad ng account ng babae.] Namimilosopong sabi niya.

“Ang kapal talaga ng mukha mo,” natatawa kong sabi.

[Bro, seryoso ako! Ano ba!]

Pero sa huli pinagtawanan ko na lang siya. Kung hindi ko lang alam kinuhanan niya noon ng account si Sunshine dahil natipuhan niya ito, siguro baka maniwala pa ako sa’yo.

Napabuntong-hininga na lang ako nang ibaba ko na ang linya naming. Gusto ko pa naman sana siyang ichat tonight. Tapos aabutan kami ng madaling araw. Kaya wala akong ibang choice kundi hintayin na lang ang bukas para makuha ang account niya.

Maya-maya lang naaisipan kong lumabas ng kwarto at ganoon ko na lang naabutan sina mommy and dad na nagpe-prepare ng dinner. Napangiti ako nang wala sa oras dahil sobrang swerte ko sa kaniya. I know they are busy in their own businesses but still they have time to take care of me.

“Son, sit. Let’s eat,” bungad sa akin ni mommy at ganoon din ang ginawa nila.

“How’s your school?” nakangiting tanong sa akin ni mommy.

Muli na naman pumasok sa isipan ko si Talitha. “I enjoy my schooling today, mom.” Atsaka ko pinipigilan ang pagngiti sa harapan nila.

“What’s that smile, son?” Nagtatakang tanong ni dad.

“Nothing dad.” Ngumiti pa ako ng isa atsaka ko na tuluyang hindi pinakita ang ngiti ko. Baka anon a isipin sa akin nina mommy.

The next day, maaga akong nagising. I immediately went to my rest room and I took a bath. Mabuti na lang at kagabi pa lang naplantsa na ni Aling Isang ang uniform ko. Ilang minute pa ako nagstay sa harapan ng salamin para malaman if okay na ba ang itsura ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, tahimik na ang bahay. Si Aling Isang ang naabutan kong nagpupunas ng lamesa. Nakita ko siyang lumingon sa orasan na nakasabit sa dingding naming.

“Ang aga mo naman nagising, Adem? Alas-sais pa lang at nakabihis ka na pang-eskwela?”

Napangiti naman ako agad. “Aling Isang, may importante po kasi akong lakad.”

Mabilis kong kinuha ang tinapay na nasa lamesa at patakbong lumabas ng bahay.

Mabilis akong nakasakay ng jeep habang iniisip kung paano ko personally hihingin ang account niya. Pagkababa ko sa harap ng university, takbo-lakad ang ginawa ko. Nagbabakasali na mag-isa lang siya sa classroom at baka doon ako magkaroon ng lakas ng loob pero nang makarating ako ay mag-isa pa lang ako sa classroom.

Naghintay ako ng ilang oras pero wala pa rin siya. Hanggang sa dumating ‘yong prof namin sa Math, wala pa rin siya. Kalahating oras na ang lumipas simula nang mag-start ang klase naming pero bakante pa rin ang upuan niya.

Ano kayang nangyari sa kaniya?

Hindi ko maiwasang mapaisip. Maya-maya lang, nagulat kaming lahat nang may biglang nagbukas ng pinto at bumungad doon si Talitha na hingal na hingal. Pawis na pawis dahil siguro tinakbo niya ang sobrang habang hallway.

“Sorry sir, I’m late,” sabi niya habang hingal na hingal. Sum

enyes lang ang prof naming sa kaniya at mabilis siiyang naupo.

Nahuli ko na lang ang sarili ko na nakangiti sa itsura niya. Mukha siyang basang sisiw pero umaapaw pa rin ang kagandahan niya.

Mas lalo tuloy akong nainspire mag-aral.

“Okay class, dismiss,” sabi nang prof naming sa huling subject naming this morning.

Maya-maya lang nakita kong yumuko siya agad sa lamesa habang nakapikit. Tumayo ako at nagpunta sa gilid niya, tama lang para makita ko ang mukha niyang natutulog pero mabilis din niya itong inangat para magulat kaming pareho sa isa’t isa.

“Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong.

“Just want to ask for your social media account.”

“Ha?”

“Social media account” pag-uulit ko. Pero mukhang wala pa rin siyang ideya.“We need to have communication. I’ll create group chat for us. So, give me your account.”

“Sorry, pero ano ‘yon?” Nahihiya niyang tanong.

“You don’t know social media? F******k, I*******m?” Gulat na pagtatanong ko.

Umiling-iling siya. “Wala ako no’n,” nahihiya niyang sabi.

Napabuntong-hininga naman ako agad. Kaya pala hindi ko siya mahanap sa kahit na anong platform! Hays.

“Cellphone number?”

Umiling-iling na naman siya sa akin. Seriously? Tagabundok ba siya?

“Don’t tell me wala kang cellphone, like this?” Pinakita ko ang gamit kong phone at ganoon na lang siyang nahihiyang tumatango.

Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kaniya or maiinis. Hindi ako agad nakatulog kakahanap ng account niya kagabi. This is so unfair.

Wala akong ibang naging choice kundi ang i-inform na lang siya even though wala akong assurance for her presence kasi may possible na baka makalimutan niya.

“After the class we will be having our preparation about the report. Meeting, something like that.”

I saw her writing something in her notebook. “Sige, pupunta ako. Salamat.” Atsaka na siya mabilis na tumayo sa pagkakaupo at mabilis na naglakad palabas ng classroom.

Mabilis ko siyang hinabol.

“Talitha!”

Huminto naman siya sa paglalakad. Lumingon siya sa gawi ko nang nagtataka,

“Take my phone for this moment. I set the alarm clock para ma-remind ka. Tutunog ‘yan once it’s already time.”

“H-ha?”

Tinapik ko lang ‘yong balikat niya atsaka marahan na ngumiting umalis sa harapan niya.

To be continued…

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status