Two years ago…
Third Person’s POV
Natagpuan ni Jared ang sarili sa gitna ng unos. Ang maayos at stable na takbo ng buhay niya ay biglang naging kumplikado at punong puno ng frustrations.
Nagsimula ang lahat ng ito sa isang kumprontasyong nagpabago ng takbo ng kanyang buhay. Sa kanilang maalwan na saka ay mararamdaman ang galit at inis ni Jared. Ang kanyang tingin ay punong puno ng galit na nakatuon kay Colleen na matamang nakaupo sa isa sa mga couch.
“Gusto mong pakasalan ko siya?” Ang tanong nitang halos umalingawngaw ang boses sa buong kabahayan habang nakaturo ang daliri kay Colleen. Halos magwala siya dahil sa nalaman.
Si Colleen naman ay nanatiling composed, ang mga mata ay sinalubong ang tingin ni Jared na lalong nagpakulo ng dugo ng lalaki. Paanong hindi eh aiya ang puno't dulo ng mga pangyayari. “May girlfriend ako at alam nyo yon.” Ang patuloy na sabi Jared as his voice rising in frustration. “Ano ang pumasok sa isip nyo at bigla kayong nagdesisyong ipakasal ako sa babaeng iyan?”
Dahil dito ay hindi na napigilan ni Ingrid, na kanyang ate ang hindi magsalita. “Jared, you're shouting at Mom.” Ang iritado nitong sabi. “Hindi ba pwedeng magsalita ka na parang isang sibilisadong tao? Tsaka anong problema kay Colleen? Kitang kita ko na di hamak na mas mabuti siya kaysa sa sinasabi mong girlfriend na hindi ko alam ang pangalan.” Dugtong pa niya na parang nagpadagdag ng tensyon sa paligid.
Ang kaninang galit ni Jared na nakatuon kay Colleen ay nabaling na sa kanyang ate. “Tell me Ate, which part of her surpasses Stacey?” He snapped, voice filled with exasperation. “Tsaka kailangan ba may reason ako para mahalin ang isang tao? Apat na taon na kami ni Stacey, Ate. Tapos gusto mong itapon ko lang iyon?”
Hindi naman papatinag si Ingrid na sumagot, “Yan ang hindi ko maintindihan sayo, ang tagal mo ng kakilala at karelasyon ang babaeng yon. Apat na taon to be exact and yet, parang hindi mo pa rin siya ganun kakilala. Anong ginagawa mo sa mga panahong iyon?” Mabigat ang pagkakasabing iyon ng kanyang ate na tila may gustong ipahiwatig. Ngunit tila bulag at bingi ang binata sa lahat ng rason dahil na rin sa sama ng loob.
Umiigsi na ang pasensya ni Jared ng muli itong mapatingin sa nananahimik na si Colleen. “At siya? Gaano nyo na siya kakilala para itapon niyo ng walang panghihinayang ang relasyon namin ni Stacey, na siyang babaeng mahal ko?” damang dama sa tono ng kanyang boses ang sama ng loob habang sinasabi niya iyon. “Inuulit ko ate, BABAENG MAHAL KO.“ ipinagdiinan pa niya ang huling tatlong letra, umaasang mauunawaan siya ng kanyang ate at ina.
Sa umiinit na usapan at bugso ng emosyon ng bawat isa, si Colleen na naiipit sa sitwasyon at tahimik lamang na nakikinig ay muling napagtuunan ng pansin ni Jared na umabot na din sa sukdulan ang galit. “At siya, anong pakiramdam niya? Gusto ba niya ako? Kung nakahihigit siya kay Stacey, hindi siya dapat pumayag sa setup ma ito. Hindi niya dapat hayaan na maghiwalay kami ng dahil lang sa kasakan niya sa pera.” Ang madiin niyang sabi.
“Jared, that's enough! “ Ang hindi na mapigilang sabi ni Claire, ang kanyang ina. Hindi na ito makapagtimpi dahil sa asal na ipinapakita ng anak kaya naman nilagyan din niya ng dion ang pagsaway at ipinaparamdam sa binata ang kanyang authority bilang ina nito.
Nakangiting bumaling si Claire kay Colleen at nagsabi. “I’m sorry, dear. Nakita mo pa ang ganitong eksena ng pamilya namin.”
“Okay lang Mommy Claire. Kailangan niyo pong mag-usap ng maayos at mahinahon kaya aalis na po muna ako.”
“Hayaan mong ipahatid kita sa driver, at huwag ka ng tumanggi pa.” Ngumiti si Colleen bago tumayo at b****o sa ginang. Nagpaalam na rin siya kay Ingrid na ngumiti din sa kanya. Isang tango naman ang binigay niya kay Jared. Dumating ang driver at sabay na silang lumabas ng bahay.
Nang tuluyang mawala sa kanilang paningin si Colleen ay nagpatuloy si Claire. “Ayaw ko ng marinig pa ang pagsigaw mo at pagtanggi na parang wala ako dito. Kung ayaw mo siyang pakasalan, fine. Ang ate mo na ang bahalang mag handle ng lahat. Pwede ka na ring mag resign sa posisyon mo sa kumpanya.”
“What?” Ang sabay na gulat na tanong ng magkapatid.
“Kakasabi ko lang, I don't want any more objections.” Ang pinal na sagot ng matanda.
Dahil sa hindi inaasahang desisyon ng ina ay hindi niya rin maiwasang mag komento, “Mom, alam nyo naman na wala akong hilig sa pagnenegosyo. Paano na ang career ko?” Umaasang mababago pa ang desisyon ng ina.
“At ikaw Jared, why would I consider you? Capable ka naman na, sumisigaw at nagwawala sa harap ng sarili mong ina ng dahil sa babaeng sinasabi mong mahal mo.” Ang baling ni Claire sa anak na binata.
Malinaw ang ultimatum. At sa isang iglap, sumiklab ang galit ni Jared habang sinusubukang intindihin ang bigat ng magiging kapalit ng kanyang mga ginawa.
"Anong ibig mong sabihin, Mom? Tinatanggal mo ako sa kompanya?!" sigaw niya, hindi maitago ang poot at kirot ng pagtataksil sa boses niya. "Pinagpaguran ko ang posisyon ko! Hindi basta-basta yun!"
Hindi nag-atubili si Claire sa kanyang sagot, malamig at matalim. "At ano? Akala mo ikaw lang ang naghirap?" ganting tugon niya, ang bawat salita ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ni Jared. "Paano kami ng ama mo? Wala kaming ambag? Lahat ng ito, inangkin mo?"
Nanginginig sa galit, nagpatuloy pa si Claire. "Sige, puntahan mo ang babaeng mahal mo. Tignan natin kung mananatili siya sa'yo kapag wala ka nang kahit na ano."
Wala nang ibang sinabi si Claire. Sa halip, binalingan niya si Ingrid na tahimik na nakaupo sa gilid ng sala.
"Kung ayaw mong pamahalaan ang kompanya, humanap ka ng propesyonal na gagawa niyan para sa akin," mariin niyang bilin, tapos ay iniwan silang magkapatid na nag-aalab pa ang tensyon sa pagitan nila.
Pagkaalis ni Claire, nanatili si Jared at Ingrid sa gitna ng sala, parehong puno ng gulat, galit, at hindi malaman ang susunod na hakbang.
Nagpanting ang tainga ni Ingrid habang nakatingin sa kapatid. Hindi niya napigilang ibunton dito ang sisi.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito," mariin niyang sabi, nanginginig ang tinig sa hinanakit. "Dahil sa'yo, pati ako ay nadamay pa."
Tumayo si Jared, namumula ang mukha sa galit. "Kasalanan ko? Hindi ba kasalanan mo rin?" balik niya, halos pasigaw na. "Gusto mong pakasalan ko ang gold digger na 'yon, hindi mo man lang ako pinagtanggol."
Napapailing si Ingrid, ngunit matatag ang kanyang paninindigan.
"Hindi mo kilala si Colleen. At sa totoo lang," matalim niyang saad, "hindi ko gugustuhin na mapangasawa ka niya. Masyado siyang mahalaga para masaktan ng isang katulad mo."
Nagpatuloy pa siya, hindi pinapansin ang nanlilisik na tingin ng kapatid.
"Kung hindi mo makita ang nakikita namin ni Mommy, problema mo na 'yan. At kung ako ang tatanungin, mas mabuting ibang tao na ang humawak ng kompanya."
Hindi na naghintay si Ingrid ng sagot. Iniwan niya si Jared sa gitna ng sala, bitbit ang matinding bigat ng hindi nila pagkakaunawaan.
Nang mag-isa na si Jared, naupo siya sa sofa, hawak ang ulo sa magkabilang kamay. Ang init ng kanyang emosyon ay unti-unting napalitan ng malamig na pag-aalala.
Sa huli, tumayo siya at dahan-dahang umakyat sa kanyang silid. Mabigat ang bawat hakbang na akala mo ay dala niya ang bigat ng buong mundo.
Sa tahimik ng gabi, doon niya hinarap ang pinakamalaking desisyon ng buhay niya.
Mahal niya si Stacey, walang duda. Ngunit mahal din niya ang kompanyang itinayo ng kanyang mga magulang. Isa iyong pamana na hindi basta-basta pwedeng bitiwan. Nakita niya kung paano nagsumikap ang kanyang ama at ina, kung paano nila nilabanan ang lahat ng unos para marating ang narating nila ngayon.
Hindi niya makakalimutan ang galit na titig at pagdududa sa mata ni Claire. Hindi niya kayang pabayaan ang lahat ng iyon... kahit pa ang kapalit ay ang sariling pag-ibig.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga, kinuha ang kanyang cellphone, at dinial ang numero ni Stacey.
"Hello, honey!" masiglang bati ni Stacey sa kabilang linya, walang kaalam-alam sa bagyong nag-aalimpuyo sa puso ni Jared.
"Uh... Honey, pwede ba tayong magkita bukas? Sa usual nating lugar," alok niya, pilit pinatatag ang nanginginig niyang boses.
Nagdududang sumagot si Stacey, "Bakit, may problema ba?"
"Nothing serious..." mabilis niyang sagot, ayaw niyang ibuhos lahat ng bigat ngayon. "Kailangan lang nating mag-usap."
"Okay, honey. See you tomorrow. Love you!" malambing na paalam ni Stacey.
"Love you too..." mahina niyang tugon bago ibaba ang tawag.
Tahimik siyang nahiga sa kama, nakatingin sa kisame habang paulit-ulit sa isipan ang desisyong ginawa niya. Sa dilim ng gabi, marahan niyang pinikit ang mga mata at bumuo ng isang tahimik na pangako.
Ipagpapatuloy niya ang pamana ng kanyang pamilya at pipiliin niya si Colleen. Hindi dahil sa utang na loob o dahil sa takot. Kundi dahil sa tingin niya ay iyon ang dapat niyang gawin.
Hindi man niya alam kung anong mangyayari, isang bagay ang sigurado: handa siyang harapin ang lahat... alang-alang sa pangalan at dangal ng kanilang pamilya.
Jared's POVLumipas na ang mahigit isang linggo mula nang nalaman namin ang totoong kalagayan ni Colleen. Nasa kwarto namin kami ngayon, dating kanya lamang nang maalala ko ang mga sulat na itinago niya sa drawer ng bedside table."Itatapon ko na lahat ng 'to," sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang mga papel. Tumingin siya sa mga iyon, walang imik. "Nung nasa ospital ka pa, nakita ko ‘tong mga sulat. Binuksan ko… at napansin kong may ilan kang nabuksan rin. Gusto ko lang sanang ipaliwanag ‘yon," dagdag ko, at tumango siya."Matagal na kaming wala ni Stacey. Walang nangyari sa amin. Yung perang pinadala ko sa kanya, kabayaran lang 'yon para manahimik siya tungkol sa kung anuman ang iniisip kong ginawa mo raw sa kanya," paliwanag ko pa, at napakunot ang noo ni Colleen."Hindi ko siya ginawan ng masama," mahinahon niyang sagot, may lungkot sa mata, at tumango ako habang pilit na ngumiti."Alam ko na ngayon ‘yon. Sinabi niya na pinapadalhan mo raw siya ng mensahe na lumayo sa akin. Pero
Jared's POVNoong unang gabi ni Colleen sa ospital, nag-usap kami tungkol sa amin. Ramdam kong may hindi siya sinasabi, parang may tinatago siya sa akin. Pero alam kong sa tamang panahon, malalaman ko rin ang totoo. Umaasa akong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng operasyon niya, kahit pa sinabi ni Dr. Gerard na sa ngayon ay imposibleng mangyari iyon.Habang mas nakikilala ko si Colleen at nalalaman ang pinagdaanan niya, pakiramdam ko’y isa akong hangal. Ang tanga ko, at kung anu-anong masama ang iniisip ko tungkol sa kanya. Pero mali pala ako. Napakabuti niya. Napakamaunawain.Ang dami na niyang pinagdaanan, pero nananatili siyang positibo sa buhay. Samantalang ako, kahit wala sa katiting ng dinanas niya ay nakadama pa rin na hindi patas ang mundo ng sabihin ako n i Mommy na pakasalan siya two years ago.Sinabi ko na sa kanya ang totoo, na nagseselos ako kay Dr. Gerard. Na mas madalas siyang ngumiti rito kaysa sa akin. At inamin kong... mahal ko na siya. Kaya ko siya tinanong kun
Stacey's POVHanggang ito ngang huli kong tawag sa kanya. Sinabi niyang babayaran niya ako. Pero hanggang ngayon, ni isang kusing, wala pa rin akong natanggap. Sinabi ko pa ngang tumatawag si Colleen habang kausap ko siya sa telepono, pero pinutol ko ‘yung tawag para lang makausap siya nang maayos. Kailangan kong malaman kung ano na talaga ang nangyayari, kaya sinundan ko siya… at doon ko sila nakita ni Colleen sa mall.Nag-abang ako. Naghintay ako hanggang sa nag-iisa na lang si Colleen. Suwerte kong pumasok siya sa restroom. Sinundan ko siya roon, at nagkunwari akong nagulat na lang ako nang makita siya. Pero tiningnan lang niya ako, hindi man lang ako pinansin. Ang kapal!Hindi ko ‘yun pinalampas. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang makaalis.Naalala ko na nasa labas na kami ng restroom noon. Sinabi ko sa kanya ang totoo… tungkol sa kalagayan niya. Pero ang tapang talaga niya. Parang hindi siya natatakot mamatay.Wala akong pakialam kung mamatay man siya kinabukasan. Hi
Stacey's POVIniwan ako ni Jared, at hindi ko matanggap 'yon. Sa akin siya. Sanay na akong ibinubuhos niya sa akin ang lahat. Pera, regalo, at atensyon. Ayokong mawala ang lahat ng ‘yon. Oo, magaling si Derrick sa kama, hindi ko itatanggi. Pero si Jared? Mayaman siya. Siya ang nagbibigay sa akin ng lahat ng gusto ko.Mali ba ako na ibuhos ang damdamin ko kay Derrick, kahit alam kong ginagamit lang din niya ako para makinabang kay Jared? Hindi. Mahal ko ang pakiramdam na binibigay niya sa akin sa tuwing magkasama kami. At inaamin ko, hinahanap-hanap ko rin 'yon. Pero kailangan kong makuha muli si Jared. O kung hindi man, dapat mapilitan siyang ibigay pa rin sa akin ang gusto ko.Madali lang namang alamin kung ano ang nangyayari sa pagitan nila ng asawa niya. Napag-alaman kong hindi sila nagkakausap, at parang hindi sila magkasundo. Palaging nasa trabaho si Jared, laging wala sa bahay. Pero bakit niya ako iniwan kung ni hindi man lang niya inaalagaan ang sarili niyang asawa? Sigurado ako
Colleen's POV“Magiging ayos ka rin. Gagawin namin ang lahat para gumaling ka,” sabi ni Jared habang mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ko. Napangiti ako kahit na ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko at doon ko nakita ang pagkabahala niya. Ramdam ko. Totoo iyon.Kakagising ko lang matapos ang matinding pangyayari. Wala nang ibang tao sa paligid maliban sa kanya. Magkatabi kaming dalawa sa malamig na kama ng ospital. Sinabihan ko siyang pwede na siyang umuwi at magpahinga dahil alam kong may trabaho pa siya kinabukasan. Pero kahit sinabi ko iyon, sa totoo lang… ayoko pa siyang umalis.Nang idilat ko ang mga mata ko noong una, umaasa talaga akong siya agad ang unang makikita ko. Kahit pa anino lang niya, sana siya. Pero si Mommy Claire ang bumungad sa akin, at sinabi niyang umalis na raw ito. Sinundan daw ng tawag ni Ingrid. Medyo nalungkot ako. Pero nang bumalik siya, bitbit ang mga gamit ko ay parang may humugot ng tinik sa dibdib ko. Hindi ko na
Colleen's POV"Gusto ko sanang sabihin na agad lahat sa iyo, pero gaya ng sinabi ko, ang sobra ay hindi rin maganda. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mong ayos na lahat ng vital signs mo, bumalik na sa normal. Pero hindi ibig sabihin noon ay okay ka na. Kailangan mo pa ring manatili rito. Nalampasan mo na ang pinakamapanganib na yugto, pero... ikinalulungkot kong sabihin, hindi pa rin pwede ang operasyon hangga’t hindi pa natin naistabilize nang tuluyan ang kondisyon mo at matapos ang sunod-sunod na mga pagsusuri."Paliwanag ni Dr. Gerard habang marahang inilagay ang clipboard sa gilid ng kama.May kutob na ako simula ng magising ako. Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Kilala ko si Dr. Gerard, hindi siya ‘yung tipong magpapaligoy-ligoy kapag may kailangang sabihin. At ngayong parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita nang direkta… doon ako natakot.Hindi ako natatakot mamatay. Ang kinatatakutan ko ay ang masaktan ang lahat ng nasa kwartong ito ngayon. Mahal ko na sila