Jared's POV
Kinakain ako ng pag-aalinlangan habang iniisip kung papayag ba si Stacey sa magiging desisyon ko. Nakakatakot isiping kailangang ikwento ko sa kanya ang lahat ng detalye tungkol sa nalalapit kong kasal.
Sa huli, napagpasyahan kong panatilihing simple at direkta ang usapan namin. Alam ko na masasaktan siya kaya naisip ko na hindi ko na lang ipapaalam sa kanya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay namin.
Sa totoo lang, halos hindi kapani-paniwala ang relasyon namin ni Stacey. Wala kaming matitinding pagtatalo o mainit na argumento tulad ng sa ibang magkasintahan.
Sa aming dalawa, masasabi ko na siya ang nagdadala ng relasyon namin at napapanatili niyang maayos iyon. Hindi siya nagagalit kahit pa minsan ay malapit na akong sumabog. Palagi siyang nakaunawa sa mga flaws ko.
May mga pagkakataon din na hindi ko natupad ang mga inaasahan niya lalo na kung nasa business trip ako. Kapag nagkita kami at wala akong dala para sa kanya na pwedeng magpalubag ng kanyang loob ay lagi niyang sinasabi na okay lang basta kasama na niya ako.
Pero kahit ganun, hindi niya ako sinumbatan. Bagkus, ipinakita niya ang matinding pang-unawa. Dahil doon, mas lalo kong naisip kung gaano ako kaswerte, at araw-araw ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Hindi rin siya clingy. Kapag nagdadalawang-isip ako, hindi niya ako pinipilit. Binibigyan niya ako ng kalayaang magdesisyon. Maayos at tahimik ang relasyon namin, at masasabi kong kuntento ako.
Ngunit habang iniisip ko ang magiging usapan namin tungkol sa kasal ko sa ibang babae, umaasa akong maiintindihan niya ang sitwasyon ko. Sa pagkakakilala ko sa kanya, si Stacey ay palaging may malawak na pang-unawa. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi iyon makita nina Mommy at kapatid Ate Ingrid sa parehong liwanag na nakikita ko siya.
Apat na taon silang tahimik tungkol sa relasyon namin ni Stacey. Kaya nang bigla nilang sinabi sa akin na kailangan kong pakasalan si Colleen at tapusin na ang lahat kay Stacey, nagulat ako. Hindi ko naman balak pakasalan si Colleen, ang gusto ko ay si Stacey ang makasama ko habang buhay.
Pumunta ako sa Poppy Hotel, ang madalas naming tagpuan ni Stacey. Naisip ko pa ngang bumili ng villa para sa amin, pero sa huli, nagdalawang-isip ako at nanatili na lang sa hotel. Napaaga ako ng dating, at mahigit isang oras akong naghintay. Habang lumilipas ang bawat minuto, mas lalo akong kinakabahan. Maya-maya’y bumukas ang pinto.
Dumating si Stacey at nakangiting mukha niya ang pasalubong sa akin. Mas lalo akong nasaktan sa dahilan ng pagkikita naming ito. Ang maamo niyang mukha na tila anghel na nakatunghay sa akin ngayon ay malamang na mabalutan ng lungkot at sakit. Maaring galit din na natural lamang na maramdaman niya dahil sa mga salitang bibitawan ko.
Lumapit siya sa akin, naupo sa kandungan ko at hinalikan ako, parang walang mali sa mundo. Isang matamis pero mapait na sandali iyon.
"Miss na miss kita, honey," bulong niya na puno ng lambing. Nakakatawang isipin, dahil nagkita lang kami dalawang araw ang nakalipas. Pero ganon talaga siya, parang ang oras ay wala sa amin.
"Miss din kita," sagot ko, sabay tanong, "Bakit ang tagal mo?"
Ngumiti siya. "Ayan, sigurado akong namiss mo nga ako," aniya sabay halik muli. Maalab, mapusok, punong-puno ng damdamin.
"Bakit pakiramdam ko ay may problema ka?" puna niya, alam na alam agad ang nararamdaman ko wala pa man akong sinasabi. Napuno ako ng guilt habang pinagmamasdan siya.
Tinitigan ko siya, pilit iniipon ang tapang para sabihin ang masakit na katotohanan. Ayokong saktan ang puso niya, pero alam kong kailangan naming pag-usapan ito. Ayoko maging lalaking naglalaro ng damdamin o naninira ng dangal.
Tahimik siyang naghintay habang magkahinang ang aming mga mata at sapo-sapo niya ang magkabila kong pisngi.
Masakit man, sinabi ko na ang dapat kong sabihin.
"Maghiwalay na tayo," bulong ko, mabigat ang bawat salita.
Nanlaki ang mata ni Stacey. Ilang sandali siyang tulala bago siya nakapagsalita.
"Maghiwalay?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala. Tumango lang ako.
"Bakit? May nagawa ba akong mali? Nasaktan ba kita?" sunod-sunod ang tanong niya, puno ng pag-aalala.
Umiling ako sa bawat tanong niya. Hindi ko kayang sabihin ang tunay na dahilan, masyadong masakit at nakakahiya.
"Bakit, Jared? Bakit mo ako hinihiwalayan?" umiiyak na siya. At habang pinagmamasdan ko ang mga luha niya, para akong binabarena sa dibdib.
"Ipinagkasundo ako nina Mommy at Ate Ingrid sa iba," amin ko sa wakas.
"Pero hindi mo naman siya mahal, 'di ba? Ako ang mahal mo. Bakit ka pumayag?" sigaw ni Stacey.
"Pasensya na... hindi ko kayang tumanggi sa kanila," sagot ko, bakas ang pagkalito sa boses ko.
"Mayaman ba siya? May maitutulong ba siya sa negosyo n'yo? Palalawakin ba niya ang kumpanya mo?" tuluy-tuloy ang tanong niya, puno ng desperasyon.
"Hindi. Isa lang siyang simpleng babae, walang masasabi na magandang background," sagot ko. Hindi ko na idinagdag na walang binatbat si Colleen sa kanya dahil ayokong bigyan siya ng maling pag-asa.
"Pasensya na, Stacey," mahinang sabi ko. At dahil hindi ko na kayang tiisin ang kanyang pag-iyak, tumayo ako matapos ko siyang ilapag sa sofa at lumabas ng hotel. Iniwan siyang mag-isa, basang-basa ng luha ang mukha na halos maghulas na ang makeup niya.
Masakit para sa akin ang nangyaring ito. Hindi ko man iniisip sa ngayon, pero siya na ang babaeng napupusuan kong iharap sa dambana at alayan ng aking buhay.
Na-imagine ko na rin ang buhay ko with her. Peaceful and full of love. She's beautiful, kind and sexy. She's good in bed at kahit na anong ipagawa ko sa kanya ay wala rin siyang reklamo.
Na-imagine ko na kapag asawa ko na siya at darating ako sa bahay ng pagod mula sa trabaho ay sasalubungin niya ako ng matamis niyang ngiti kasunod ang umaatikabong sex na magiging stress reliever ko.
Pero lahat ng imagination ko na 'yon ay naglaho na ngayon dahil tuluyan ko ng pinutol ang lahat lahat sa amin.
Habang palayo ako, binalot ako ng matinding paninisi. Hindi ko kayang ipaglaban ang babaeng mahal ko. Kinamuhian ko ang sarili ko. Pinayagan kong kontrolin ng kumpanya ang buhay ko. Pakiramdam ko ay dadalhin ko ang bigat ng damdamin kong ito sa habang buhay.
Ang tanging hiling ko: sana matagpuan ni Stacey ang tunay na kaligayahan. Kahit ako na lang ang bahagi ng kanyang nakaraan na puno ng panghihinayang.
Jared's POV“Anong ibig mong sabihin, Mommy?” tanong ko habang pinipilit na maging kalmado ang boses ko. Gusto kong marinig mula sa kanya ang totoong sagot at isang malinaw na paliwanag. Nang tumingin ako kayAte Ingrid, napansin kong nakatingin din siya sa aming ina na para bang binabalaan siya gamit lamang ang kanyang tingin.“Wala naman akong ibang ibig sabihin,” sagot ni Mommy habang nagkukunwaring kalmado. “Sinasabi ko lang, kung sakaling wala ka talagang maramdaman para kay Colleen... Ayoko sanang mauwi ito sa hiwalayan. Alam mo naman ang paninindigan ko sa bagay na 'yan. Kaya sana, subukan mong kilalanin siya nang mas mabuti. Tingnan mo rin ang mga positibong katangian niya,” dagdag pa niya, may bahid ng pag-aalala sa kanyang boses.Siguro nga, tunay ang pag-aalala ni Mommy para kay Colleen. Baka ayaw lang niyang may masaktan, o baka gusto lang talaga niyang mag-work ang kasal namin. Kung iyon ang hangad niya, wala naman akong karapatang sisihin siya. Susubukan kong maging maayo
Jared's POVNgayong araw, mag-uusap kami ni Mommy tungkol sa kasal. Kahapon, para akong nilamon ng gulo, at sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kung tumawag na naman si Stacey.Kailangan ko nang matutong umiwas. Hindi tama na lagi ko siyang pinapansin sa tuwing tatawag siya. Kahit pa pilit lang akong ipinasok sa kasal na 'to, may responsibilidad pa rin akong igalang si Colleen.Nasa hapag-kainan kami, at tahimik ang aking ina ganon din si Ate Ingrid. Wala ni isang salitang lumalabas sa kanila. Ako naman, naghihintay na siya ang unang magsalita, pero patapos na kami sa pagkain, at ni hindi man lang siya tumitingin sa akin. Parang wala lang."Mom," tawag ko. Napatingin siya sa akin nang bahagya."Pakakasalan ko si Colleen," dagdag ko. Napabuntong-hininga siya. Si Ate Ingrid naman ay nag-angat ng tingin sa akin.“Kailangan mo pa rin itong pag-isipan. Ayokong masaktan si Colleen,” sagot niya, at tila may bigat sa bawat salitang binibitawan niya.Hindi ko alam kung ano ang dapat ko
Third Person's POVPagkatapos ng kanyang check-up, agad na umuwi si Colleen. Magaan ang pakiramdam niya. Walang masama o kakaiba sa resulta, at iyon ang higit na mahalaga. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang inasal ni Stacey, gayong ang alam niya'y kanselado na ang kasunduan ng arranged marriage nila ni Jared, ayon kay Claire.Pagkarating niya sa bahay at matapos kumain ng hapunan, nagpasya siyang manood ng pelikula. Mahilig siya sa science fiction, ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pinili niyang panoorin ang lumang pelikula nina Mandy Moore at Shane West.Isa itong kwento ng pag-ibig na masaya sa simula ngunit may malungkot na wakas, para sa karamihan. Ngunit para kay Colleen, mas pinili niyang tingnan ito bilang isang masayang pagtatapos. Dahil kahit may sakit ang bidang babae ay naranasan pa rin niya ang maging masaya sa piling ng bidang lalaki.Napabuntong-hininga si Colleen. Napatanong siya sa sarili kung darating ba ang araw na makakatagpo rin siya n
Dr. Gerard's POVTinawagan ko si Colleen upang tiyaking hindi niya makakalimutan ang check-up niya mamaya. Kahit alam kong napaka-punctual niya, hindi ko pa rin maiwasang maging bahagi ng araw-araw niyang buhay. May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na parang gusto ko siyang protektahan sa kahit anong paraan.Isa siya sa mga pasyente ko. Isang pasyenteng may taning ang buhay. Tatlong taon na lang ang ibinigay ng medisina kung hindi siya maoperahan sa tamang panahon.Wala siyang kasama sa buhay. Ang kanyang mga magulang ay may sari-sariling pamilya na at tila nakalimutan na siyang anak nila. Wala ni isa sa kanila ang may alam sa kondisyon niya. Kaya ganun na lang ang paghanga ko sa kanya. Sa katatagan niya, sa tapang niya, at sa kabutihan ng puso niya. Sa kabila ng lahat, hindi ko siya kailanman nakita na nawalan ng pag-asa."Lagi kang nakangiti. Wala ka bang takot sa kamatayan?" tanong ko minsang nahuli ko siyang nagkukulay ng libro habang naka-IV.Ngumiti lang siya at sinabing, "Tak
ColleenDumating ako sa tamang oras at agad akong umupo sa paborito kong pwesto sa café. Doon sa may glass wall, kung saan tanaw ang kalye at naririnig ang mahinang musikang laging pinapatugtog sa loob.Paulit-ulit akong huminga nang malalim habang hinihintay siya. Wala akong ideya kung ano ang itsura niya, kaya ang tanging magagawa ko ay maghintay hanggang may lumapit.“Colleen?” tawag ng isang boses ng babae. Napatingin ako sa kanya. Sa unang tingin pa lang, alam ko nang siya na ‘yon. Maganda siya, maputi, matangkad, makinis ang kutis, at halatang sanay sa pag-aayos ng sarili. Kaya naman naintindihan ko agad kung bakit nahulog si Jared sa kanya.“Oo,” sagot ko nang mahinahon. Umupo siya sa harapan ko, ngunit hindi pa man kami nakakapagpalitan ng mabuting salita ay bigla na siyang nagbitaw ng mga salita na tila tinik sa aking pandinig.“Ikaw ba ‘yung malanding babae na gustong agawin ang boyfriend ko?” matalim niyang tanong.Napatingin ang ilang tao sa kabilang mesa sa direksyon nami
Colleen's POVAng pagbabasa ang nagsisilbing pahinga ko mula sa magulong mundo. Isa ito sa mga bagay na hindi ko kinakalimutan kahit paminsan-minsan lang. Ayokong hayaang pasukin ng negatibidad ang buhay ko, lalo na’t kakaunti na nga lang ang oras na meron ako. Hangad ko lang ay mamuhay nang payapa at tahimik, malayo sa gulo.Nakaupo ako sa maliit kong sofa habang nakalubog sa isang nobelang kinahihiligan ko, nang biglang tumunog ang notification tone ng cellphone ko. Kinuha ko ito agad at tiningnan ang mensahe. Galing ito sa hindi kilalang numero, pero binasa ko pa rin dahil baka mahalaga naman."Magkita tayo sa Lin’s Café. Ako ang girlfriend ni Jared."Napapitlag ako sandali. Paanong nakuha niya ang numero ko? Ang alam ko, sina Mommy Claire, Ate Ingrid, at ang doktor ko lang ang may contact sa akin. At siguradong hindi sila basta-basta nagbibigay ng number.Pero sa halip na malito, tumugon ako."Sige," sagot ko. Wala naman akong nakikitang masama sa pakikipagkita sa kanya. Marahil g
Jared's POV"May isang babae na lumapit sa akin; sinabi niyang siya raw ang magiging asawa mo at pinakiusapan akong lumayo sa'yo," umiiyak na sambit ni Stacey sa kabilang linya.Ramdam ko ang paglalambot ng boses niya, at ngayon, rinig na rinig ko na ang mga hikbi niya. Napakuyom ako sa cellphone ko, kinurot ako ng hinala. Si Colleen kaya ang may kagagawan nito?"Ano pa ang ginawa niya?" tanong ko, pilit na pinapanatag ang sarili, umaasang wala siyang ginawang masama o pananakit."Sinabi ko sa kanya na mahal kita… at alam kong mahal mo rin ako," nanginginig na ang boses ni Stacey. "Nagalit siya, sinaktan niya ako. Binugbog niya ako at ngayon ay nasa ospital ako. May mga pasa at galos sa katawan," dagdag niya.Parang sasabog ang dibdib ko sa galit. Hindi kailangang umabot sa ganito. Akala ko, kahit papaano, makakapag-ayos pa kami ni Colleen pagkatapos ng kasal namin. Pero kung ganyan ang ugali niya, parang hindi ko na yata kayang ituloy pa ang lahat.Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni
Jared's POVMatapos ang paghihiwalay namin ni Stacey, pinili kong manatili muna sa bahay. Bumabagabag sa akin ang konsensya. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya, at natatakot ako na baka puntahan ko lang siya kung hindi ko ilalayo ang sarili ko sa kanya. Kailangan kong pakalmahin ang isip ko at maging makatwiran sa lahat ng nangyayari.Ayokong magkaroon ng away sa pagitan namin nina Mommy at Ate Ingrid. Simula nang pumanaw si Dad, ako na ang naging sandigan nila. Bago siya tuluyang namaalam, huling bilin niya sa akin ay ang alagaan sila at iyon ang pangakong ayokong baliin. Alam ko kung gaano kalaki ang isinakripisyo ng aking ama para sa amin, at ngayong wala na siya, ako na ang kailangang maging matatag.Ngayon, ako naman ang kailangang magpigil. Magpigil para hindi ko sila kamuhian, kahit pa parang ako na lang palagi ang sumusunod. Mahal ko si Stacey, oo. Pero siguro, mas mahal ko ang pamilya ko. Hindi lang ito tungkol sa kompanya.Ang desisyon kong makinig sa kanila ay para rin sa ka
Ingrid's POVGusto ko sanang kaawaan si Jared dahil sa galit niya sa lahat ng nangyayari. Hindi ko rin naman ginusto ang lahat ng ito, alam ko ring ganoon din si Mommy.Nang malaman kong nasa library siya, pinilit kong ayusin ang sarili ko, huminga ng malalim, at pinuntahan siya upang makipag-usap kahit sandali.Pagpasok ko sa silid, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, malapit sa estante kung saan maayos na nakasalansan ang mga libro ng paborito niyang manunulat na ayon pa sa pagkakasunod-sunod ng taon ng pagkakalathala. Mula sa pinakaluma hanggang sa pinakabago. Ganoon niya kamahal ang pagbabasa.Alam ni Mommy kung gaano ka-interesado si Jared sa pagbabasa noong bata pa siya. Pakiramdam ko, doon siya nakakahanap ng kapayapaan at doon siya mas nagiging kalmado at nakakaisip nang mas malinaw.Kaya ko pinakiusapan ang aming mga magulang na magpagawa ng library sa bahay. Mahal na mahal ko ang kapatid kong ’yon, kahit minsan ay naiilang akong tawagin siyang “nakababatang kapatid,” lalo na’t