Colleen's POV
“Hubby, pwede ba akong makahiram ng pera?” ang malambing kong tanong sa aking asawa na ngayon ay pagkasama sama ng tingin sa akin. Paano ba namang hindi eh feeling close ako sa kanya.
“Why would I give you? Sa tingin mo ba ay dahil pumayag akong makasal sayo ay makukuha mo na, at ibibigay ko sayo ang mga kailangan mo ng ganun ganun lang?” galit na galit at parang gustong manakit na sabi ni Jared. Ewan ko ba kung bakit sinubukan ko pang lumapit sa isang ito kahit na alam ko naman sa sarili ko na hinding hindi niya ako pagbibigyan.
***
Iyon ay dalawang taon na ang nakararaan matapos naming makasal ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang ina. May sakit ako sa puso at kakatanggap ko lang ng balita na after ng medyo matagal tagal din na paghihintay ay mayroon ng available na heart na compatible sa akin. Sino ba naman ang hindi ma-e-excite at subukang lumapit sa aking asawa na sandamakmak ang kaperahan? Grabe ang pag-asang naramdaman ko sa kaalamang kahit papaano ay madurugtungan ang aking buhay kahit ng ilang taon pa. Yun nga lang, hindi nga pumayag ang aking asawa dahil sa kadahilanang galit siya sa akin at lalong wala siyang pakialam sa akin.
Sa totoo lang ay naiintindihan ko ang galit niya. Kagaya ng nasabi ko ay pinilit lamang siya ng kanyang ina kasama na pati ang kanyang ate. Hindi niya ako mahal dahil may mahal na siyang iba. Siya si Stacey. Ang kanyang girlfriend sa loob ng 4 na taon bago pa man kami nagpakasal. Marahil ay plinano na rin niya na pakasalan ito yun nga lang ay pumagitna ako. Hindi ko rin naman kasalanan iyon at pwede rin naman siyang tumanggi. Malaki nga lang ang at stake kaya naman naintindihan ko rin na kahit sa lang sa kanyang kalooban ay pumayag siya na maikasal sa akin.
Ang sabi ni Jared ay mahal niya si Stacey and that wala akong magagawa para magbago iyon. Hindi ko alam kung nakipaghiwalay na siya sa babae pagkatapos naming ikasal. Although wala naman akong pakialam na doon ay umaasa pa rin ako na ginawa pa rin niya kung ano ang tama. Hindi ako selfish na tao, pero wala naman sigurong babae o kahit na lalaki na gugustuhing may kinakasamang iba ang asawa nila di ba? Kahit pa sabihing hindi nila mahal ang isa’t isa, the fact that they agreed to marry each other, dapat na maging responsible sila sa decision nila.
Sa ngayon ay nakakahinga naman ako ng maluwag na after 2 years of being married ay hindi pa naman lumitaw sa pintuan ng bahay namin si Stacey at sinasabing dala niya ang anak nila ng asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkataon. Hindi ko man siya mahal ay nirerespeto ko pa rin naman ang marriage namin at umaasa akong ganun din siya. Ngunit kung hindi, basta huwag lang niyang ipangalandakan at walang nakakaalam maliban sa kanila ay sige, okay lang sa akin.
Hindi ko din alam kung bakit ba pumayag payag pa ako na magpakasal sa asawa ko. Kung ang iba ay imbyerna sa mga in-laws nila ay total opposite ang sa akin. They love me like I’m one of them talaga and na feel ko ang pagkakaroon ng family through them. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin at alam kong kapag may ginawang hindi maganda si Jared sa akin ay siguradong hinding hindi nila ito mapapatawad kahit na kadugo pa nila ito.
Galing ako sa isang broken family. My mom divorced my dad dahil wala na siyang trabaho at wala ng maibuhay sa amin. Nagsimula ang pag-aaway nila nung ako ay 8 years old pa lamang at iyon ay dahil sa pera. Perang wala kami. Kaya naman hate na hate ko ang pera kahit na ba marami ang may gusto at nagmamahal dito. At 16 years old ako ng tuluyan na silang magkahiwalay.
May sarili ng pamilya ang nanay ko ganun din naman ang tatay ko. Kung alam nyo lang kung gaano sila kasaya matapos nilang matagpuan ang kanilang second family. Akala nyo siguro ay ako rin dahil hindi ko na sila naririnig na nag-aaway at nagbabangayan. Noong simula ay oo. I was happy, pero ng pareho na nila akong kalimutan at nagpakalayo layo kasama ng mga bago nilang pamilya at wala ni isa sa kanila ang may gustong kuhanin ako ay para na akong naupos na kandila. Hindi ko alam kung may magiging masaya pa ba sa sitwasyon kong iyon.
Sabi ng nanay ko ay ayaw niya sa akin dahil maaaalala niya lang ang tatay ko. Habang ang tatay ko naman ay ayaw din sa akin dahil naalala niya rin ang nanay ko at kung gaano daw ito ka-greedy. Pero mas sobra akong na-disappoint sa aking Dad, dahil napaka daddy’s girl ko noong bata pa ako at lagi akong nasa piling niya at tumatakbo sa kanya sa kahit na ano pa mang dahilan.
Kaya ayun, namuhay akong mag-isa. Sa loob ng 8 taon ay nabuhay ko ng maayos at kuntento ang sarili ko. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang magkaroon ng bubong sa ulunan ko at regular meals sa hapag kainan. Nag-aral ako kasabay ng pagtatrabaho at laking pasalamat ko na kahit na maraming kurap sa gobyerno ay may mga proyekto pa rin silang nakatulong sa isang kagaya ko at nabigyan ng free college education. Kaya naman puro aral at trabaho lang ako dahil gusto kong mag survive sa mundong ito.
Mas matagal akong nagka degree kumpara sa iba dahil na rin nga sa kakapusan, pero feeling satisfied pa rin ako. Hindi madaling mag-aral at magtrabaho at the same time. Ni hindi ko magawang gumastos para sa ibang bagay maliban sa mga gamit ko sa paaralan at ilang pangangailangan. Kahit na ng magkatrabaho na ako ay doon lang din ang naging focus ko. Ni hindi ko nagawang tumingin na rin sa ibang lalaki kahit na ano pang subok nila na magpapansin sa akin.
Okay na sana, kuntento na ako sa buhay ko. Pero sadyang napaka lupit ng mundo. I am working for myself fair and square pero ng magpa check up ako dahil sa nahihirapan akong makahinga ay para akong pinagsakluban ng langit at ng lupa. Ayaw ba akong maging masaya ng mundo? Akalain mo na mahirap na nga ako ay sakit pa ng mayaman ang dumapo sa akin. Mahina daw ang puso ko ayon kay Dr. Gerard kaya kailangan akong maging mahinahon sa lahat ng bagay. Lagi siyang nakagabay at nakaalalay sa akin ganun din ay lagi niyang chinecheck ang kondisyon ko. Kaya lang ay huli na rin ang lahat.
Kaya pala lagi akong parang pinapangapusan ng hininga noon ay dahil mahina na ang puso ko at hindi pa ako healthy eater. Binalewala ko siya syempre isip ko ay bata pa ako na naging dahilan na pala para hukayin ko ang sarili kong libingan. Hindi na basta isang paa ang nakabaon eh, dahil ang sakit na meron ako ay yung tipong may pambayad lang sa ospital. Tinaningan na ako agad agad ni Dr. Gerard, tatlong taon. Sa tatlong taon kailangan kong mag undergo ng surgery para naman humaba haba ng konti ang buhay ko. Eh mahal nga, ayun, tinanggap ko na lang ang lahat at hindi na umasang
Pinakasalan ko si Jared dahil na rin sa nanay niya, si Mommy Claire. Sobrang bait nito at akala mo ay tunay nya akong anak kung ituring niya. Kagaya ko ay may sakit din siya at gusto kong maging maligaya siya kaya naman pumayag na ako. Magkaroon man lang ng spice ang paupos ko ng kandila ng buhay.
Ngayon at saktong dalawang taon ng aming pagpapakasal. Ni hindi ako binigyang pansin man lang ng asawa ko maliban na lang kung may pag-uusapan kaming importante para sa kanya at hindi related sa amin. Hindi din kami laging nagkikita kahit na sa iisang bahay lang naman kami nakatira. Paggising ko ay nakaalis na siya at dumadating siyang tulog na ako. Kahit na ganun siya ay sinisikap ko na magawa ko ang aking duties and responsibilities bilang asawa niya. Hinahanda ko ang lahat ng kailangan niya sa umaga. Nakakaramdam ako ng kasiyahan kapag nakita kong wala na ang inihanda kong suit para sa kanya at maliit man na bagay ay kahit papaano ay nakakaramdam ako ng self fulfillment.
Ang ginagawa ko ay inihahanda ko ang kanyang susuuting pamasok sa gabi bago siya umuwi para pag gising niya ay hindi na niya kailangan pang mag hagilap. Sa simula ay hindi niya iyon pinapansin pero makalipas ang may 9 na buwan ay nanawa na siguro itong hindi iyon pansinin kaya naman sinuot na lang niya.
Kahit hindi siya kumakain sa bahay ay ipinagtatabi ko siya ng pagkain sa gabi para kung skaling magutom siya sa gitna ng gabi or kahit dumating siyang gutom. Maraming beses na ring nangyari na nakikita ang kinainan niya sa lababo kinaumagahan. Maliit na bagay and nothing to brag about pero para sa akin ay sobrang halaga na.
Kung matanggap man niya ako even after 20 years ay okay lang sa akin. Ma-appreciate ko pa rin iyon at sigurado akong magiging sobrang saya ko non dahil sino ba naman ang hindi kung makakapamuhay na kaming mag-asawa ng normal. Ni hindi ko na rin hihilingin sa kanya na mahalin niya ako dahil siya rin naman ang masasaktan sa huli, paanong hindi eh iiwan ko rin naman siya. Pero yan ay kung aabot pa ako ng 20 years, ang kaso mo, sa 3 years ko ay isang taon na lang ang natitira sa akin.
Masaya na ako na makaranas na magmahal. Matagal na panahon na rin na sarili ko lang ang minamahal at iniintindi ko at ngayon nga ay may asawa na ako sa katauhan ni Jared, ngayon ay mas feeling alive ako kahit na nasasaktan ako sa pambabalewala niya sa akin.
Gusto ko pang umasa na magbabago pa siya pero ayaw ko rin namang masaktan siya sa huli. So dapat ay okay na ang ganito, yung mahal ko na siya at siya ay may mahal ng iba. At least kapag nawala ako sigurado ako na magiging maligaya siya sa piling ni Stacey, ang babaeng nilalaman ng kanyang puso.
Colleen's POVGusto kong umiyak sa mismong sandaling 'yon habang ikinukuwento niya sa akin ang nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Noon pala'y may mabigat siyang pinagdaraanan, pero wala man lang akong nagawa para tulungan siya. Nagalit pa ako nang hindi ko alam na pareho pala kaming hirap sa sitwasyon namin ng mga panahong iyon.Ramdam ko ang tapat na paghingi niya ng tawad. Lalo na nang banggitin niya ang mga salitang iyon bago ako tuluyang nilamon ng antok. Hindi ko iyon inaasahan, pero ramdam kong mula sa puso ang bawat salitang binigkas niya.Gusto raw niya akong manatili. Gusto raw niya akong makasama, ako at ang anak namin. Pilit kong pinigilan ang luha ko. Ayokong malaman niyang gising pa ako at narinig ko ang lahat ng sinabi niya. Oo, totoo ‘yong mga sinabi niya, pero ayoko rin na maramdaman niyang pabigat siya sa akin. Marahil iyon ang paraan niya para gumaan kahit kaunti ang bigat sa dibdib niya.Tatlong araw na ang nakakalipas mula noon, pero sa tuwing titingnan ko s
Jared's POVNapakasaya ni Colleen nang malaman naming babae ang magiging anak namin. Matagal na niyang ipinagdarasal ‘yon at gaya ng sabi niya, sinagot nga raw ng Diyos ang dasal niya. Pero bakit hindi na lang ‘yon ang ipagdasal niya, na gumaling siya?Hindi naman ako pihikan pagdating sa kasarian ng anak. Para sa akin, basta’t ligtas silang mag-ina, sapat na ‘yon. Hindi lang sapat, mas higit pa. Walang katumbas ang pasasalamat ko kung pareho silang magiging maayos.Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti akong nilamon ng takot. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanya. Nakikita ko kung gaano siya nahihirapan. Kung pwede ko lang sanang akuin ang sakit na nararamdaman niya, matagal ko na sanang ginawa. Pero bakit ganun? Parang ang Diyos ay hindi patas. Bakit Siya pumipili ng kagaya ni Colleen para pahirapan? O baka naman... sakim Siya. Gusto Niyang mapasakanya si Colleen dahil siya ang isa sa pinakabusilak niyang nilikha.Ayokong isisi sa Kanya ang lahat. Alam kong may pagkukulang
Colleen's POV"Kumusta ka na?" muling tanong ni Dra. Chin sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko lalo na ngayong kasama ko si Jared. Ayokong mag-alala siya para sa akin, pero hindi ko rin mapigilang mag-alala para sa baby namin."Gusto kong sabihin na okay lang ako," sagot ko sa wakas. Pareho silang tumingin sa akin, si Dra. Chin at si Jared na halatang may pag-aalala sa mga mata nila. "Pero nitong mga nakaraang araw, parang may lungkot na bigla na lang sumisiksik sa puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ng awa para sa sarili ko. Maapektuhan ba nito ang baby namin?" dagdag ko pa habang hinigpitan ni Jared ang pagkakahawak sa kamay ko.Tumingin ako sa kanya at nakita kong may lungkot rin sa mga mata niya, tila naaawa rin siya sa akin. Hindi ko na kinaya ang damdaming ‘yon kaya inilihis ko ang tingin at sa halip ay tinitigan ko na lang si Dra. Chin, na mukhang ramdam din ang bigat ng pinagdaraanan ko."Normal lang ‘yan, Co
Jared's POVBinuhat ko si Colleen dahil mahimbing na siyang natutulog. Napabuntong-hininga ako nang mapansin kong napakagaan pa rin niya, kahit na limang buwan na siyang buntis.Maingat ko siyang inilapag sa kama namin. At tulad ng mga nagdaang gabi, tahimik ko siyang tinitigan, ang kanyang magandang mukha na bakas ang pagod at pag-aalala.Alam kong nahihirapan siya. ‘Yun ay isang bagay na siguradong-sigurado ako. Sino ba naman ang hindi? Kung sino man ang nasa kalagayan niya ngayon, tiyak na madudurog din ang damdamin, hindi lang dahil sa sakit ng katawan kundi pati na rin sa takot na unti-unti niyang tinatanggap.Habang ako’y tahimik na lumalaban sa kalungkutan, dahil alam kong darating ang araw na mawawala siya sa akin. Habang siya naman ay pilit na itinatago ang lungkot, ang pangambang iiwan niya ang pamilyang nagsisimula pa lamang naming buuin.Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi, at napangiti ako nang mapansin kong ngumiti rin siya kahit tulog. Parang isang sanggol na p
Pakiramdam ko ay tinamaan ako sa puso at sa simpleng kilos na ‘yon, ramdam kong espesyal ako. Kahit na ganun ang nararamdaman ko, alam kong napakarami kong dapat ipagpasalamat. Isa na roon ay ito, ang simpleng desisyon niyang ito na hindi ko kailanman inasahan. Pero heto siya ngayon, handang gawin ang lahat para lang mas makasama ako ng mas matagal.“Paano ako naging ganito kaswerte?” tanong ko sa kanya, habang nakatitig sa mga mata niyang puno ng lambing.“Siguro kasi may gwapo kang asawa?” sagot niya, may halong pang-aasar, kaya napangiti ako ng bahagya at napailing.“’Yon at marami pang iba na hindi ko na kayang isa-isahin,” sagot ko, sabay tawa.Tumawa rin siya, 'yung masarap sa pandinig na parang musika sa puso ko.“Hindi, wifey. Ako ang mas masuwerte. I must have saved the world in my previous life kaya binigyan ako ng Diyos ng isang tulad mo ngayon,” sagot niya habang hinawakan ng dalawang palad niya ang aking mukha, marahan, parang ako'y babasaging kristal.Gustung-gusto ko ‘p
Colleen's POV"Colleen, anak, bakit andito ka pa rin?" tanong ni Mama nang madatnan akong nakaupo sa isang silya malapit sa gilid ng pool. Halos lulubog na ang araw at ang malamig na simoy ng hangin ay gumapang sa aking balat lalo at wala akong suot na sweatshirt. Ramdam ko ang panlalamig ng hapon, pero hindi ko magawang pumasok."Gusto ko lang hintayin si Jared dito," mahina kong sagot habang pinagmamasdan ang langit na unti-unting nilalamon ng dilim. "Napapansin kong lately, palagi siyang gabi na nakakauwi. Kinakabahan ako na baka may problema sa kompanya."Napabuntong-hininga siya at lumapit sa akin. “Anak, huwag mong pahirapan ang sarili mo sa kaiisip. Kung meron mang problema sa kompanya si Jared, sigurado akong kaya niya ‘yon. Hindi mo kailangang dalhin lahat ng alalahanin sa balikat mo.”“Paano mo nasasabi, Ma?”“Hindi ko pa nakitang umuwi siya nang tila pasan niya ang mundo. Kung meron man siyang iniisip, siguro ay ikaw ‘yon, ikaw at ang baby nyo.”Napalunok ako at nag-alala.