Hindi niya kayang tingnan si Jared. Masaya siyang nagdadalang-tao, pero sa puso’t isipan niya’y may matinding pangamba na para sa kanyang anak.“Dok... kamusta po ang anak ko?” mahinang tanong ni Colleen, halos pabulong. “Ligtas po ba siya kahit ganito kahina ang katawan ko?"“Ligtas ang sanggol,” sagot ng doktor na may kalmadong tinig, “hindi mo kailangang mag-alala sa kanya. Ang dapat mong pag-isipan ay kung itutuloy pa ba natin ang operasyon o hindi. Pero base sa itsura mo ngayon... parang alam ko na ang sagot.”Nanlaki ang mata ni Jared. “Anong ibig mong sabihin? Pagkapanganak niya, pwede pa rin naman siyang operahan, 'di ba?”Umiling si Dr. Gerard. “Hindi na. Masyado na siyang mahina kapag dumating ang panahong ‘yon. Ang tiyansa niyang mabuhay ay sobrang baba na. At kung sakaling mabuhay man siya, walang kasiguraduhan na tatagal ang bagong puso. Baka ni hindi niya ito magamit nang kahit isang taon man lang."Tumigil sandali ang doktor at tiningnan si Jared sa mata. “Isa pa, may d
Third Person's POVMaaga pa lang ay nasa ospital na sina Jared, Claire, at Ingrid, sa silid ni Colleen."Tinawagan ko si Betty. Pinapunta ko siya rito para dalhan ka ng damit. Naalala ko kasi, pinuno mo ng gamit ni Colleen ang bag pero ni wala kang damit para sa sarili mo," wika ni Claire habang iniaabot ang bag kay Jared."Salamat, Mom," sagot ni Jared habang tinatanggap ang bag mula sa ina. Kita sa mukha niya ang pagod pero pilit niyang ngumiti."Kamusta ka na, iha?" tanong ni Claire kay Colleen habang nilapitan ito. "Mahimbing ba ang tulog mo kagabi?""Opo, Mommy Claire. Si Jared po ang nag-alaga sa’kin buong magdamag," sagot ni Colleen na may mahinang tinig ngunit may ngiting sumilay sa kanyang labi. "Pero ang totoo, mas ako ang nag-alala sa kanya. Hindi yata siya nakatulog nang maayos," dagdag pa niya, sabay tingin kay Jared na halatang puyat at nakayuko."Nakakatulog naman ako," sagot ni Jared sabay upo sa tabi ng kama. Halata sa kilos niya ang pag-iwas sa pag-uusap tungkol sa s
Third Person's POV“Nasaan ka na? Gising na si Colleen. Bumalik ka na rito,” may halong pag-aalala ang boses ni Ingrid sa tawag.“Nasa bahay lang ako, kukuha ng mga gamit niya,” sagot ni Jared habang pinipilit maging kalmado ang tono. Alam niyang alalang-alala si Ingrid para kay Colleen, kahit pa gising na ito. Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung paano haharapin ang asawa. Pero buo na ang loob niya, handa na siyang ipaliwanag ang side niya.Kinuha niya ang isang bag at nagsimulang mag-impake ng ilang damit ni Colleen at mga gamit na sa tingin niya’y kakailanganin nito sa ospital. May kutob siyang hindi pa ito makakalabas agad, at iyon ang mas lalong nagpapabigat sa pakiramdam niya.Pagdating niya sa ospital, agad siyang nagtungo sa silid ng asawa. Nadatnan niya roon si Mommy Claire na kausap si Colleen.“Colleen…” tawag niya, bahagyang nanginginig ang boses.“Nasaan ka ba?” tanong ni Colleen sabay ngiti, tila tinatago ang emosyon sa likod nito. Pareho siyang tiningnan ni Mommy Cla
Jared's POVSelos ang una kong naramdaman, pero kasunod agad noon ang matinding pag-aalala kay Colleen. Kanina lang, habang papunta kami sa ospital, halatang pilit niyang nilalabanan ang pagkawala ng malay. At mula noon, iba na ang tingin ko sa kanya, napagtanto kong isa siyang matapang na babae. Hindi ko akalaing may ganung lakas siya sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.Agad kong tinawagan sina Mommy at Ate Ingrid para ipaalam na nasa ospital na kami. Pagkatapos no’n, tahimik akong naghintay sa labas ng Emergency Room.Pagdating nila, agad akong nilapitan ng aking ina na halatang balisa.“Ano’ng nangyari? Bakit siya inatake?” tanong niya na puno ng pag-aalala.Hindi ko alam kung paano sasabihin ang totoo. Dahil pakiramdam ko ay may parte ako sa nangyari, sigurado akong magagalit sila sa akin. At baka... may karapatan naman silang magalit.Matagal kaming naghintay. Nang lumabas si Dr. Gerard, agad kaming sumugod papalapit.“Kumusta na siya, Doc?” tanong agad ni Ate Ingrid.“Sa ng
Jared's POVPagkauwi namin sa bahay, hinayaan ko na lang siya. Halata sa kilos niya na gusto niyang mapag-isa. Malamang ay galit pa rin siya dahil kay Stacey. Sinigurado ko munang ayos siya bago ko siya iniwan sa kwarto namin at nagtungo sa study room para bigyan siya ng espasyo.Makaraan ang isang oras, bumalik ako sa kwarto. Mahimbing na siyang natutulog kaya naupo na lang ako sa gilid ng kama at pinanood siya. Sa kabila ng lahat, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng makita siyang payapa kahit alam kong may bumabagabag sa loob niya.Naghapunan kami pagkalipas ng ilang sandali matapos siyang magising. Habang kumakain, dumating si Betty na may dalang sobre. Tahimik niya itong iniabot kay Colleen. Tinanggap niya iyon ngunit hindi man lang binuksan; sa halip, ibinaligtad niya lang ito at marahang inilapag sa lamesa na tila ba wala lang iyon.Patuloy siya sa pagkain, habang ako naman ay paulit-ulit na sumusulyap sa sobre. Hindi ko mapigilang mapaisip kaya tinanong ko siya.“Ano ‘yan?”
Jared's POV"Hindi na ako nagulat. Alam ko na kung sino ang lalaki mo, at hindi imposibleng malaman niya ang kahit ano," matalim na sabi ni Colleen kay Stacey. "Hindi ko 'yan sinabi kay Jared kasi, sa totoo lang, wala akong pakialam sa'yo o sa relasyon niyo."So, alam na niya. Alam niya ang ginawa ni Stacey. At hindi niya sinabi sa akin. Kung alam niya, imposibleng hindi rin alam nina Mommy at Ingrid. Niloko nila ako. Ginamit nila ako. Kaya nila ako ipinakasal kay Colleen.At ang babaeng ito, ang babaeng nasa harapan ko ngayon, nag-aakting na parang siya pa ang biktima? Hindi, hindi ako papayag. Siguradong-sigurado akong papatulan ko ang pulitikong karelasyon niya. Ngunit hindi ako nagsalita. Hindi pa. Gusto kong magwala sa galit pero pinipigilan ko ang sarili ko, dahil iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Colleen."Hintayin mo ako sa upuan malapit sa snack kiosk, 'yung katabi ng ticket booth," utos ko kay Stacey habang marahas ko siyang hinila palayo. Ayokong marinig niya ang sasabihin