Third Person’s POV
Lubos ang galit ni Jared matapos ang hiwalayan nila ni Stacey. Habang naaawa siya sa babae dahil sa sakit na dulot niya, sigurado rin siyang galit na ito sa kanya ngayon. Akala niya, mahal na mahal siya ni Stacey kaya lalo siyang nadismaya at nainis.
Tungkol naman kay Colleen, ang babaeng pakakasalan niya, hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila. Para kay Jared, ang kasal ay isang panghabambuhay na obligasyon, at naniniwala siya sa kabanalan ng pag-aasawa. Sa lahat ng bagay sa mundo, ito ang pinakasineryoso niya.
Sa oras na iyon, nasa silid-aklatan si Jared at nagpasya na magbasa para kahit sandali ay makalimutan ang kaguluhan sa kanyang buhay. Para sa kanya, ang pagbabasa ang pinakamabisang gamot para luminaw ang isipan. Mula noon pa man ay mahilig na siyang magbasa, at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya iyon.
Naupo siya nang komportable sa sofa habang nagbabasa ng librong isinulat ni Tom Clancy. May kape rin sa mesa sa tabi niya, na ipinadala pa niya sa katulong. Hawak niya ito at s******p habang naghihintay ng sasabihin ng kapatid niyang si Ingrid, na kapapasok lang sa silid.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya habang inilapag ang libro sa kanyang kandungan.
Alam ni Ingrid na masama ang loob ng kapatid niya. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kay Colleen at sa kanilang ina, pero may pangakong binitawan siya sa dalawa.
"Gusto ko lang humingi ng paumanhin kung pakiramdam mo ay kinulong ka namin sa kasal kay Colleen. Anuman ang iniisip mo, gusto ko lang malaman mong ang gusto lang namin ni Mama ay ang makabuti para sa’yo," wika ni Ingrid habang kinakalikot ang kanyang mga daliri. Isang kilos na palatandaan na may gusto siyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin iyon.
Tumaas ang kilay ni Jared. Hindi siya makapaniwalang sinasabi ng kapatid niyang iyon ang kabutihan para sa kanya ang makipaghiwalay sa kasintahang si Stacey at pakasalan ang ibang babae. At bukod pa roon, tinakot pa siya tungkol sa kompanya.
"Ang alisin ang karapatan kong pumili kung sino ang gusto kong pakasalan at ang pagbantaan akong ipamimigay ang kompanya. Iyan ba ang tinatawag mong kabutihan para sa akin?" galit na tanong ni Jared. Sa isip niya, nababaliw na ang kapatid niya.
"Alam ko na ang ginawa mo. Nakipaghiwalay ka kay Stacey at tinanggap mong pakasalan si Colleen. Gusto ko lang malaman mong natuwa si Mommy, hindi dahil pinili mong pakasalan si Colleen, kundi dahil hiniwalayan mo si Stacey," paliwanag ni Ingrid habang naupo sa sofa sa harap ni Jared. Kinuha niya ang librong nasa kandungan nito at ngumiti. "Mahilig ka pa rin sa pagbabasa, lalo na sa author na ‘to. Espionage at military intelligence, talagang paborito mo ang mga puzzle ng utak."
"Naalala kong nakita rin kitang nagbabasa ng romance novel noon. Alam ko, hanggang ngayon nagbabasa ka pa rin ng mga ganong genre. Wala pa akong kilalang lalaking katulad mo na nagbabasa ng romance. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hopeless romantic ka," dagdag pa ni Ingrid.
"Hindi ko kailangan ng puri mo tungkol sa hilig ko sa pagbabasa. Kung wala ka nang ibang sasabihin kundi kalokohan, pwede ka nang lumabas," mariing sagot ni Jared habang inaagaw pabalik ang libro.
Napabuntong-hininga si Ingrid at tumayo. "Maiintindihan mo rin balang araw. Ang isang bagay lang na sigurado ako: mabuting tao si Colleen. Huwag mo siyang sasaktan, pisikal man o emosyonal. Hindi niya ‘yon deserve," sabi ni Ingrid bago siya tuluyang umalis.
Para kay Ingrid, nagampanan na niya ang tungkulin niya bilang ate. Ang paalalahanan ang kapatid na huwag sasaktan si Colleen. Gusto niya ang babae, at hangad niya ang kaligayahan nito at ni Jared.
Pagkaalis ni Ingrid, sumanndal si Jared at pumikit kasabay ang paghinga ng malalim at napaisip sa sinabi ng kapatid niya. Naging curious siya kay Colleen dahil bihira lang mapalapit si Ingrid sa kahit sino. Kahit si Stacey ay hindi makalapit sa kanya. Palaging mailap at intimidating ang kanyang ate.
Pero si Colleen, nakuha niya ang loob ng nakakatandang kapatid. Mataas ang tingin ni Ingrid sa kanya, kaya humiling pa ito na huwag niyang sasaktan si Colleen. Napaisip tuloy si Jared kung isa nga ba ang sensitive at fragile na babae?
Ibang-iba si Stacey. Laging wild at palabiro. Ayaw niya sa mga boring na tao at laging gumagawa ng paraan para sumaya. Kaya naman, biglang kinabahan si Jared.
Habang paalis siya sa hotel, narinig niyang pinagwawasak ni Stacey ang lahat. Hindi pa niya ito kailanman nakitang nagalit nang ganoon. Lagi itong mapagpatawad at maunawain. Dahil dito, napaisip siya kung kilala ba talaga niya si Stacey.
Pero dahil alam niyang nasaktan ito, pinilit na lamang niyang isantabi ang kanyang pag-aalala. Naiintindihan niyang kahit sino ay maaaring umakto ng ganon kapag nawalan ng taong mahal nila. Kahit inaasahan niyang magiging kalmado si Stacey, masaya na rin siyang nalamang mahal talaga siya nito dahil sa ganoong reaksyon niya.
Nagpasya siyang pumunta na lang sa kanyang silid. Nawalan na siya ng gana sa pagbabasa. Imbes na mapawi ang isipin niya, lalo pang gumulo dahil kay Ingrid. Isinauli niya ang libro sa shelf at bitbit ang tasa ng kape palabas ng silid-aklatan.
Habang papunta sa kanyang kwarto, nakita niya ang isang katulong. Inabot niya rito ang tasa at hiniling na hugasan ito. Kinuha ito ng katulong at umalis.
Habang naglalakad paakyat, aksidente niyang narinig ang boses ni Ingrid na nakikipag-usap sa kanilang ina. Ayaw man niyang makinig sa usapan ng iba, nakutuban siyang may mas malalim na dahilan kaya tila galit si Ingrid.
"Baka marinig ka ni Jared, hinaan mo naman ang boses mo," saad ni Claire habang nakaupo sa kama.
"Ma, hindi mo kayang gawin lahat ng mag-isa. Alam mong hindi ka pa lubos na magaling. Dapat mong alagaan ang sarili mo," malumanay ngunit may pangaral na wika ni Ingrid.
Nagulat si Jared, hindi niya alam na may sakit pala ang kanyang ina. Hindi na siya nakatiis at pumasok sa kwarto nito.
"Anong ibig mong sabihin na hindi pa siya lubos na magaling? Kailan pa siya nagkasakit?" tanong ni Jared, na ikinabigla ng kanyang ina at kapatid.
Jared's POVLumipas na ang mahigit isang linggo mula nang nalaman namin ang totoong kalagayan ni Colleen. Nasa kwarto namin kami ngayon, dating kanya lamang nang maalala ko ang mga sulat na itinago niya sa drawer ng bedside table."Itatapon ko na lahat ng 'to," sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang mga papel. Tumingin siya sa mga iyon, walang imik. "Nung nasa ospital ka pa, nakita ko ‘tong mga sulat. Binuksan ko… at napansin kong may ilan kang nabuksan rin. Gusto ko lang sanang ipaliwanag ‘yon," dagdag ko, at tumango siya."Matagal na kaming wala ni Stacey. Walang nangyari sa amin. Yung perang pinadala ko sa kanya, kabayaran lang 'yon para manahimik siya tungkol sa kung anuman ang iniisip kong ginawa mo raw sa kanya," paliwanag ko pa, at napakunot ang noo ni Colleen."Hindi ko siya ginawan ng masama," mahinahon niyang sagot, may lungkot sa mata, at tumango ako habang pilit na ngumiti."Alam ko na ngayon ‘yon. Sinabi niya na pinapadalhan mo raw siya ng mensahe na lumayo sa akin. Pero
Jared's POVNoong unang gabi ni Colleen sa ospital, nag-usap kami tungkol sa amin. Ramdam kong may hindi siya sinasabi, parang may tinatago siya sa akin. Pero alam kong sa tamang panahon, malalaman ko rin ang totoo. Umaasa akong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng operasyon niya, kahit pa sinabi ni Dr. Gerard na sa ngayon ay imposibleng mangyari iyon.Habang mas nakikilala ko si Colleen at nalalaman ang pinagdaanan niya, pakiramdam ko’y isa akong hangal. Ang tanga ko, at kung anu-anong masama ang iniisip ko tungkol sa kanya. Pero mali pala ako. Napakabuti niya. Napakamaunawain.Ang dami na niyang pinagdaanan, pero nananatili siyang positibo sa buhay. Samantalang ako, kahit wala sa katiting ng dinanas niya ay nakadama pa rin na hindi patas ang mundo ng sabihin ako n i Mommy na pakasalan siya two years ago.Sinabi ko na sa kanya ang totoo, na nagseselos ako kay Dr. Gerard. Na mas madalas siyang ngumiti rito kaysa sa akin. At inamin kong... mahal ko na siya. Kaya ko siya tinanong kun
Stacey's POVHanggang ito ngang huli kong tawag sa kanya. Sinabi niyang babayaran niya ako. Pero hanggang ngayon, ni isang kusing, wala pa rin akong natanggap. Sinabi ko pa ngang tumatawag si Colleen habang kausap ko siya sa telepono, pero pinutol ko ‘yung tawag para lang makausap siya nang maayos. Kailangan kong malaman kung ano na talaga ang nangyayari, kaya sinundan ko siya… at doon ko sila nakita ni Colleen sa mall.Nag-abang ako. Naghintay ako hanggang sa nag-iisa na lang si Colleen. Suwerte kong pumasok siya sa restroom. Sinundan ko siya roon, at nagkunwari akong nagulat na lang ako nang makita siya. Pero tiningnan lang niya ako, hindi man lang ako pinansin. Ang kapal!Hindi ko ‘yun pinalampas. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang makaalis.Naalala ko na nasa labas na kami ng restroom noon. Sinabi ko sa kanya ang totoo… tungkol sa kalagayan niya. Pero ang tapang talaga niya. Parang hindi siya natatakot mamatay.Wala akong pakialam kung mamatay man siya kinabukasan. Hi
Stacey's POVIniwan ako ni Jared, at hindi ko matanggap 'yon. Sa akin siya. Sanay na akong ibinubuhos niya sa akin ang lahat. Pera, regalo, at atensyon. Ayokong mawala ang lahat ng ‘yon. Oo, magaling si Derrick sa kama, hindi ko itatanggi. Pero si Jared? Mayaman siya. Siya ang nagbibigay sa akin ng lahat ng gusto ko.Mali ba ako na ibuhos ang damdamin ko kay Derrick, kahit alam kong ginagamit lang din niya ako para makinabang kay Jared? Hindi. Mahal ko ang pakiramdam na binibigay niya sa akin sa tuwing magkasama kami. At inaamin ko, hinahanap-hanap ko rin 'yon. Pero kailangan kong makuha muli si Jared. O kung hindi man, dapat mapilitan siyang ibigay pa rin sa akin ang gusto ko.Madali lang namang alamin kung ano ang nangyayari sa pagitan nila ng asawa niya. Napag-alaman kong hindi sila nagkakausap, at parang hindi sila magkasundo. Palaging nasa trabaho si Jared, laging wala sa bahay. Pero bakit niya ako iniwan kung ni hindi man lang niya inaalagaan ang sarili niyang asawa? Sigurado ako
Colleen's POV“Magiging ayos ka rin. Gagawin namin ang lahat para gumaling ka,” sabi ni Jared habang mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ko. Napangiti ako kahit na ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko at doon ko nakita ang pagkabahala niya. Ramdam ko. Totoo iyon.Kakagising ko lang matapos ang matinding pangyayari. Wala nang ibang tao sa paligid maliban sa kanya. Magkatabi kaming dalawa sa malamig na kama ng ospital. Sinabihan ko siyang pwede na siyang umuwi at magpahinga dahil alam kong may trabaho pa siya kinabukasan. Pero kahit sinabi ko iyon, sa totoo lang… ayoko pa siyang umalis.Nang idilat ko ang mga mata ko noong una, umaasa talaga akong siya agad ang unang makikita ko. Kahit pa anino lang niya, sana siya. Pero si Mommy Claire ang bumungad sa akin, at sinabi niyang umalis na raw ito. Sinundan daw ng tawag ni Ingrid. Medyo nalungkot ako. Pero nang bumalik siya, bitbit ang mga gamit ko ay parang may humugot ng tinik sa dibdib ko. Hindi ko na
Colleen's POV"Gusto ko sanang sabihin na agad lahat sa iyo, pero gaya ng sinabi ko, ang sobra ay hindi rin maganda. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mong ayos na lahat ng vital signs mo, bumalik na sa normal. Pero hindi ibig sabihin noon ay okay ka na. Kailangan mo pa ring manatili rito. Nalampasan mo na ang pinakamapanganib na yugto, pero... ikinalulungkot kong sabihin, hindi pa rin pwede ang operasyon hangga’t hindi pa natin naistabilize nang tuluyan ang kondisyon mo at matapos ang sunod-sunod na mga pagsusuri."Paliwanag ni Dr. Gerard habang marahang inilagay ang clipboard sa gilid ng kama.May kutob na ako simula ng magising ako. Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Kilala ko si Dr. Gerard, hindi siya ‘yung tipong magpapaligoy-ligoy kapag may kailangang sabihin. At ngayong parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita nang direkta… doon ako natakot.Hindi ako natatakot mamatay. Ang kinatatakutan ko ay ang masaktan ang lahat ng nasa kwartong ito ngayon. Mahal ko na sila