Everest Pov Mabilis naman akong nakarating dito sa safe house nang mga Esteban. Agad ko ring pinindot ang doorbell sa labas ng gate. At agad din naman itong binuksan ng isa sa mga tauhan ni Mr. Esteban na nakasuot ng purong itim na tuxedo na tenirnohan naman nito ng kanyang suot na kulay itim na sunglasses, na agad naman niyang binaba hanggang sa kanyang bandang ilong para suriin ako. At ng makilala niya na ako ay sinuot niya naman itong muli at saka mabilis niya akong pinapasok sa loob. Nginitian ko naman siya pagkatapos ay bumaba na ako sa sasakyan ko para puntahan si Timothy, Dahil tiyak na sermon na naman ang aabutin ko kapag natagalan pa ako. Nilibot ko rin ang paningin ko sa buong lugar at talaga nga namang namangha ako dahil sa laki at ganda ng safe house ng mga Esteban. At talagang hindi rin ito basta-basta mapupuntahan ng mga taong may galit kay Mr Esteban dahil naka hidden ang location ng lugar na’to. At kahit eh google map ang lugar na ito, it's still useless d
Everest Pov Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko ng marinig ko ang malakas na pagkatok ni Timothy, sa labas ng kwarto ko. Ano kayang trip ng Disney princess na’to? Halatang mamahalin pa naman ang mga furniture dito sa loob ng condo kung saan kami mamalagi ng ilang araw. Kung sa bagay sa sobrang yaman ba naman niya, I'm sure kayang-kaya niyang bilhin ang buong Diamond Condominium na’to. Kaya habang hindi niya pa nasisira ang pintuan nitong kwarto ko. Ay mabilis kuna itong binuksan at don nga ay tumambad si Disney princess sa harapan ko ay este, Si Timothy pala na nakapamewang habang nakasuot ng robe na kulay pink at may tuwalya pa nakapulupot sa ulo niya na kulay pink din. Nakita ko rin ang hawak-hawak nyang sniper box na may logo ko. “Here's your baby. Matagal kong inalagaan ‘yan. Kasi ang sabi mo sa akin kapag may kahit ni isang gas gas kang makita dyan ay talagang malilintikan ako sayo.”Natawa naman ako sa naging reaksyon ng mukha ni Timothy, habang sinasabi niya sa akin ‘ya
Everest Hilton pov. Naka uwi na ako galing school pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko kung gaano ka sweet si Clarke at Amyths kanina at kulang na nga lang ang maghalikan silang dalawa sa sobrang lapit nilang dalawa kung magsalita. At masakit iyon para sa akin kasi kung gaano nya ako kabilis hiniwalayan ay ganon niya rin ako kabilis palitan. At ng matutulog na sana ako ay bigla naman akong tinawagan ni Timothy. Kaya mabilis akong bumangon ng kama at kaagad na sinuot ang kulay asul kung robe at pagkatapos ay lumabas ako ng bahay at nagpunta sa may swimming pool area para doon makipag-usap kay Timothy. “Is this Everest?”Pabirong sabi niya, kahit alam niya naman na ako ito. Ganyan lang talaga si Timothy kapag gusto niyang mang inis. “Ay sorry hindi ako ito.”Sagot ko naman sabay Mahinang tawa na ako lang ang nakakarinig para na tuloy akong baliw dito. Siguro kapag may nakakita sa akin dito ngayon. I'm sure mapagkakamalan talaga nilang baliw ako lalo pa't n
"Okay class listen! we have a new transferee student he's from Japan."Sabi ng Prof, namin kaya kaagad na nakatuon ang lahat ng atensyon namin ng mga kaklase ko sa bagong transferee na nakatayo lang at nakayuko sa harap namin."He's kinda shy and I guess he's handsome. Kasi tignan nyo oh, he's tall."Ani Ambria, kahit hindi pa nga niya nakikita ang mukha ng bagong transferee student dahil natatakpan ng hoodie ang mukha ng lalaki.Pagkatapos sabihin iyon ni Ambria ay sabay naman kaming dalawa ni Ynna na napatingin sa kanya. “So, nasa tangkad na pala makikita ang kagwapuhan ng lalaki ngayon?”Tanong ko naman.Marahan din na hinawakan ni Ambria ang kaliwang braso ko. Ngunit ang atensyon niya ay nasa bagong transferee student pa riin. "Sa akin lang naman. Opinion ko lang naman iyon. Everest.” "Opinion daw halata namang crush mo iyan kung makakatitig ka kasi parang wala ng bukas."Kako at bahagyang natawa ng makitang nag blush ang pisngi ni Ambria. Mabuti na lang talaga at wala dito si Marju.
Sobrang nag enjoy na sana ako sa gitna ng dance floor ng bigla na lang may humila ng braso ko.''Ano! nilayasan kana ba ng hiya dyan sa katawan mong babae ka? at talagang nag enjoy ka pa habang minamanyak ka ng mga lalaking iyan ng tingin!'' Pinilit ko naman na ngumiti sa harap ni Clarke, kahit gusto na talaga na tumulo ng mga luha ko sa mata ng makita ko na siya pala ang taong humila ng braso ko.''Deh... Ikaw pala. Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako matitiis kaya mo ako pinuntahan dito. Dont worry hindi naman ako galit sayo.'' ''I'm not your Deh, anymore! at para sabihin ko sayo, hindi ikaw ang pinunta ko rito. Kaya mahiya ka naman kahit konti lang dyan sa mga pinagsasabi mo. Hindi na kita mahal! At please lang. Wag ka ng magpakita pa ulit sa akin. Alis! Umuwi ka na!''Clarke, shouted at me. Kaya mabilis ko ng inalis ang tingin ko sa kanya. Para hindi niya makita ang mga nagbabadyang pag patak ng mga luha ko. ''I love Clarke, he's my world and Gab-Gab too. But he hates me now
"Pasensya ka na kay Clarke. Galit lang siya kaya niya nagawa sayo iyon."Ani Lance, na pinapagaan ang loob ko. "It's okay naiintindihan ko naman. Pero sana pinakinggan niya man lang kung ano rason ko. Dahil hindi naman lahat ng alam niya ay tama." Everest Hilton pov. I told Jax and Lance na ibaba na lang nila ako dito sa may bus station. Hindi ko kasi dala ang sasakyan ko. Ayaw ko rin umuwi ng bahay dahil gusto ko kasi na uminom kahit ngayong gabi lang. Para mailabas ko naman itong nararamdaman kong lungkot sa puso Hindi ko kasi matanggap na kaya pala akong hindi paniwalaan ni Clarke, dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Samantha. At binantaan niya pa talaga ako na papatayin niya ako. Ang bilis naman yata dumating ng karma sa akin. Pero bakit sila hindi man lang kina-karma sa ginawa nila sa amin ng pamilya ko? Ang unfair naman yata kung ako lang ang masasaktan at magdurusa tapos sila okay lang na para bang walang nangyari. Hindi ko na namalayan habang nag-iisip ako ay n