Share

Chapter 6 (Part 2)

Mabilis na kumalas sa isa't-isa si Rona at Liza nang marinig ang boses na iyon ni Hunter na hindi nila namalayang nasa harapan na pala nila.

Naunang tumayo si Liza habang tinutuyo ang mga luha niya gamit ang mga palad. Si Rona naman ay nanatiling nakaupo ngunit mariin na nakatitig kay Hunter.

Rona was frowning as she stared intensely at Hunter na para bang inaalala nito kung saan nito nakita ang lalaki. Ni hindi na nga ito nag-abala na tuyuin ang mga luha nito na nagsipaglaglagan sa mga pisngi nito.

"Bakit nandito ka na naman? And how did you get in?" Masungit na tanong ni Liza.

“The door was open, so I invited myself in.” Sagot naman ni Hunter.

"Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na huwag basta-bastang pumapasok sa bahay ng walang pahintulot? I can sue you for trespassing!"

“Can you still even afford to sue me when you’ve already lost your only job?”

“Tanginang—”

“And even if you try to sue me, we both know you won’t win. Have you already forgotten who I am?”

Liza snorted.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status