Elaine
Tahimik lang si Louis habang nagmamaneho. Patungo na kami sa resort na sinasabi ni Tita Hacel.
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ang naging daloy ng usapan nila ni ama. Noong bumalik kasi siya sa loob ay tahimik lamang at hindi na masyadong kumibo. Nanginginig na rin ako sa lamig ng aircon dahil nakatutok ito sa akin. Si Louis ang nagda-drive ngayon habang nasa kabilang sasakyan naman sina ama at si Kaizer.
Noong una nga ay ayaw pumayag ni Kaizer, ngunit pinilit siya ni ama na huwag silang sumabay sa amin.
“Wear this,” sambit ni Louis at dahan-dahang binuksan ang compartment niya upang kunin ang isang denim jacket.
Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kaunti na lang ay magiging yelo na ako sa lamig. Kahit ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw.
“Salamat,” wika ko. Tumango lamang siya at tuluyan nang nagmaneho. Hindi ko alam kung nauna na sina Kaizer sa amin sa resort dahil naipit kami sa traffic. Kaya baka mas mauna sila nang thirty minutes.
“Ano nga pala ang pinag-usapan n’yo ni Ama?” tanong ko dahil hindi ko na kayang pigilan ang curiosity na nararamdaman ko. Sa totoo lang ay kanina ko pa nga ito iniisip. Nahihiya lang ako na tanungin siya. Bakas sa mukha niya na ayaw sagutin ang tanong ko, pero mas lalo akong hindi mapapakali kung wala akong makukuha na sagot mula sa kaniya.
“It's not that important,” sambit ni Louis. Kinuha nito ang cellphone na nasa bulsa at agad na binasa ang nasa screen.
“My mom said that they will be having dinner in a French restaurant. They will also stay with their friends for a while. Kaizer and your father are there, too. Do you want to go or we should go ahead to our resort?” tanong niya na agad kong ikinalunok. Kung ganoon ay maiiwan kaming dalawa sa resort kung mauuna na kami roon. Mukhang bukas pa uuwi sina Tita Hacel.
Did they set us up so we could spend time together? Hmm, but I think my father would never agree to it.
“Kung ano’ng gusto mo, doon na lang ‘din ako,” sagot ko at marahang nagkamot ng ulo. Sa totoo lang ay nahihiya pa rin ako na kami lang dalawa lalo na noong may muntik nang mangyari sa amin. Hindi ko alam, but he was so kind to me na sana ay hindi magbago.
“Then we shall go ahead to our resort. I’m a bit tired and you should rest, too,” sambit niya na ikinatango ko na lamang. Mukhang magiging awkward ang gabing ito para sa aming dalawa.
***
Nang makarating kami sa resort ay agad niyang binuksan ang pinto ko habang lumapit naman ang isang staff sa amin.
“Welcome, Sir Louis and Ma’am Elaine. Your mother told us that the two of you will go here, so we prepared a special room for the both of you,” wika ng babae. Kasintangkad ko lamang ito. Nakasuot ito ng black skirt na above the knees habang naka-white long sleeve ito na nakabukas ang dalawang butones.
Sinundan namin ang babae na panay lang ang kuwento tungkol sa history ng resort na pinakikinggan ko naman. Nababagot naman si Louis sa sinasabi ng babae na parang hindi siya interesado na pakinggan ito. Marahil ay ilang beses na niyang narinig ang bagay na iyon dahil sila ang may-ari ng resort.
“Fuck, can you stop the—” Magsasalita pa sana si Louis nang hilahin ko siya upang halikan na nagpatigil sa kaniya. Napalingon naman ang babae, ngunit agad rin itong tumalikod nang makita ang ginagawa namin.
“Pasensiya na po, ma’am at sir sa pag-abala. Hayaan n’yo po at dadalhin ko na kayo agad sa inyong silid,” sambit nito. Agad naman akong bumitiw sa aming halikan upang magpaliwanag sa staff, ngunit hinila lang ako ni Louis sa baywang upang halikan nang mas marahas na agad kong ikinapikit.
Natigil ang ginagawa namin nang biglang may tumikhim sa harapan namin. Nang lumingon kami ay nakita ko si Tyron habang nakangisi sa aming dalawa.
“Nagambala ko ba ang mukbangan ninyo?” tanong nito habang nakangisi. Napatalikod naman ako dahil sa hiya nang ma-realize na nakita niya ang ginawa namin ni Louis.
Masyado itong nakakahiya, dapat ay patatahimikin ko lamang si Louis, ngunit bakit parang bumalik sa akin ang ginawa kong pagpapatahimik?
“What are you doing here, Tyron?” tanong ni Louis. Kahit ako ay nagulat din sa biglaan niyang pagsulpot. Ni hindi ko siya napansin na dumating.
“Well, Tita Hacel wants me to cook for the both of you. She instructed me to make your dinner memorable,” sambit ni Tyron na ikinagulat ko. Ibig-sabihin ay siya ang magluluto ng kakainin namin ngayon?
“A, puwede ko na po ba kayo maabala, ma’am and sir? Ihahatid ko na po muna sana kayo sa inyong silid,” sabat naman ng staff na agad ko na lang sinagot ng “oo” upang matapos na ang usapan.
“Hmm, mukhang may excited sa moment nila together. By the way, I will just call the both of you on the telephone. Enjoy each other,” wika ni Tyron at kumindat pa sa akin. Nagulat naman ako nang bigla akong hawakan ni Louis sa braso upang ilapit sa kaniya. “Why are you staring at him like that?” tanong niya sa akin na agad ikinapula ng pisngi ko.
Lumayo naman ako sa kaniya habang iwinagayway ang kamay ko upang ipagtanggol ang sarili. “Hindi ko naman siya tinitignan, ano ka ba!” depensa ko. Binuhat niya ako at sinundan ang babae na maghahatid sa amin sa silid.
Nang makarating kami sa loob ay maraming bumabati sa amin. Hindi ko naman mapigilang takpan ang mukha ko dahil sa dami ng nakatingin sa amin. Buhat-buhat niya na naman kasi ako na pa-bridal style, baka akalain ng iba ay binabakuran ko na agad si Louis, hindi pa naman kami kasal.
“Ayan ba ’yong mapapangasawa ni Sir Louis?” bulungan ng tatlong babae na agad kong ikinatanggal ng kamay na ipinantakip ko sa aking mukha.
Kitang-kita ang iritasyon nila habang tinitingnan ako. “Hindi bagay ang ganiyang itsura sa tabi ni sir. Magmumukha lang siyang basura,” sambit ng isa na may brown na buhok. Napatawa naman ang kasama niya. Sanay na ako makarinig ng pangungutya, ngunit kakaiba lang dahil ngayon ay nasaktan ako sa sinabi nila.
Ganoon ba ako kapangit para kay Louis?
“Ibaba mo ako, Louis,” wika ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko na tumulo, pero nais kong bumaba mula sa pagkakabuhat niya. Totoo naman sila, mukha lang akong basura sa tabi ni Louis katulad ng sinabi ni Karen.
“And why would I do that?” sagot niya naman sa akin pabalik. Hindi ko masagot ang tanong niya na parang naputulan ako ng dila.
“Tss, you should never listen to someone saying bad to you. The three of you, I will scrape your mouth if you will not stop saying stupid words,” sigaw ni Louis. Agad naman niya akong ibinaba sa harap ng mga ito na ngayon ay nanginginig na dahil sa tindig ni Louis.
“Do anything you want, wife. Here’s my pistol,” wika niya habang iniaabot sa akin ang baril na hawak niya. Napapikit ako nang mariin at hindi ko alam, pero dahan-dahan ko itong kinuha mula sa mga kamay niya.
Mas lalong nagulat ang mga nasa paligid nang itutok ko ang baril sa nasa gitnang babae na nagsabi na mukha akong basura kapag katabi si Louis, pero napalingon ako nang may narinig akong putok ng baril na nagmula sa aming likuran.
Mga nakasuot ito ng itim na suit habang nakatutok ang kanilang mga baril kay Louis.
“Mukhang tamang-tama ang araw na ito, Montemayor. Bakit hindi natin ngayon ayusin ang away ng organisasyon natin? Iyon ay kung buhay ka pa,” sambit nito at tumawa nang malakas na um-echo sa loob ng hotel. Nag-panic ang mga tao at ang iba ay nagtatakbuhan, binabaril lamang sila ng kasamahan ng lalaki bago pa sila makalabas.
“Hide on my back, wife. I will protect you,” bulong ni Louis. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito upang halikan ako sa noo. “Close your eyes when I say I love you, okay?” malambing na wika niya. Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa kaba.
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par