“Kita mo nga naman, huwag mong sabihin na may girlfriend ka na namang bago? Tss, ang bilis naman. Hindi pa namin napapatay si Mariella sa harap mo, pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makikita mong mamatay ang bago mo!” sigaw nito. Dumagundong sa buong lugar ang boses niya. Mga limang tao na ang nakahandusay sa sahig dahil sa tama ng baril ng mga ito sa puso.
Pumaikot ang grupo ng mga armado kay Louis. Nasa likod si Elaine na kanina pa nanginginig sa takot. Hawak niya pa rin ang pistol na ibinigay sa kaniya ng binata, ngunit hindi niya alam kung paano ito gagamitin.
Naranasan niya lang makahawak ng ganito noong magpunta sila nina Venice at Elena sa isang bagong bukas na firearm training na nagtuturo kung paano humawak ng baril, ngunit nagtungo lamang sila roon dahil sa poging instructor na crush na crush ni Elena. Halos matanggal nga ang kaluluwa nito sa tuwing lalapitan siya ni Xypen. Kaya lang ay hindi pa sila nagtatagal sa training ay nakita nilang may kasama itong babae na ikinaselos ni Elena. Kaya inaya sila nito na sa iba na lang ulit mag-enroll na tinanggihan na nilang dalawa ni Venice.
“Huwag kang magalit, Louis, ngunit may mata ako sa likuran mo. Kaya mamili ka kung sino ang pagkakatiwalaan mong mabuti,” wika ng lalaki. Dahan-dahan itong lumapit kay Louis na ngayon ay nakalabas na ang isang pistol.
Nang makalapit ang lalaki ay hinawakan nito ang baba ni Elaine na agad tinabig ni Louis. “Don’t f*cking touch her!” asik ng binata habang nanlilisik ang mga mata sa galit.
“Chill, Louis. Wala naman akong balak agawin ang girlfriend mo,” wika nito at itinaas ang dalawang kamay upang patigilin si Louis. Nakatutok na sa kaniya ang pistol habang hawak naman nito sa braso si Elaine na parang pinoprotektahan ito.
“Hayaan mo. Dumilat ka, Elaine. Ako nga pala si Serverus, tandaan mong mabuti ang mukha ko dahil ito na ang pagkakataon mo na makita ang papatay sa inyong dalawa ni Louis,” sambit ni Serverus. Ang mga mata niya ay napupuno ng galit at poot kay Louis dahil sa ginawa nito sa kaniyang magulang.
Ipinangako niya sa sarili na ipaghihiganti ang mga ito.
Dahan-dahang dumilat si Elaine upang tingnan si Serverus. Ang mga mata nito ay napupuno ng galit. Mukha itong sobrang nai-stress dahil sa malaking eyebags nito at bitak-bitak na labi. Mukhang masyado itong nagfo-focus kung paano makapaghihiganti kay Louis kaysa sa kalusugan nito.
“Mukhang mas maganda ang nabihag mo ngayon kaysa kay Mariella,” wika ni Serverus. Nagbulungan naman ang kasamahan niya dahil sa sinabi ng kanilang amo.
“Sa tingin mo ay nahihibang na si bossing? E ang pangit naman ng kasama ni Louis Montemayor. Mas sexy at matangkad ang kasama niya n’on,” panlalait ng isang lalaki na nasa gilid ni Elaine, sapat na upang marinig niya ito.
“Ul*l, huwag mo akong pangunahan!” sigaw ni Serverus at binaril ang kasamahan niya na nagsalita nang masama tungkol kay Elaine. Ang ayaw niya sa lahat ay pinakikialaman ang kaniyang mga sinasabi. Hindi niya ito pinatay dahil sa dalaga, dahil wala naman siyang nararamdaman dito na kahit ano.
“Bakit mo pinatay si Felix? Tama naman ang sinabi niya tungkol sa babaeng ’yan!” sigaw ng isa. Itinutok nito ang baril kay Serverus na nakangisi lang sa kaniya. Masyado itong maingay.
“Bakit, gusto mo bang sumunod sa kapatid mo?” tanong niya. Ang labi ng kapatid ni Felix ay nagngingitngit sa galit.
“Totoo naman ang sinabi niya. Huwag mong sabihing gusto mo na ang kasama ni Louis!” sabat naman ng isa na ikinapikit ni Serverus sa inis. Kung papatulan niya ang mga ito ay baka maubos ang mga kasamahan niya.
“P*tangina, tahimik!” sigaw niya at nagpaputok ng baril sa taas upang makuha ang atensiyon ng mga kasamahan.
“Si Louis ang kalaban natin kaya kung wala kayong magandang sasabihin, huwag na lang kayo magsalita kung ayaw ninyong matulad kay Felix,” sambit niya. Tumango naman ang mga ito.
Agad namang nagsalita si Louis na kumuha ng atensiyon nila. “Then shoot me, but if you ever try to touch her, I’ll kill all of you,” pagbabanta niya na ikinatawa nang malakas ni Serverus.
“Hindi mo kami tauhan, Louis, para utusan. Papatayin kita kasama ng pinagtatanggol mong babae kaya huwag kang mag-alala!” sigaw nito at tuluyan nang sumugod ang mga tauhan ni Serverus kay Louis.
Ang mga unang sumugod ay mga kutsilyo lang ang gamit kaya bago pa man sila makalapit ay binabaril na sila ni Louis. Si Elaine naman ay napatakip ng tainga dahil sa ingay. Parang bumabalik tuloy siya sa lugar kung saan laging may dumudukot sa kaniya noong bata siya. Mabuti na lang at lagi siyang naliligtas ng ama niya.
Palipat-lipat pa nga sila ng bahay noon dahil sa mga pagtatangka sa kanila. Kaya one time, tinanong niya ang ama kung bakit siya dinudukot ng mga ito, pero lagi lang nitong sinasagot na malalaman din niya ito sa madaling panahon.
“Nakapagtataka lang, Louis, kung bakit inuuna mo pang ipagtanggol ang babaeng ’yan kaysa sarili mo. Hindi ka ba natatakot kay Kamatayan na naghihintay sa ’yo?” sambit ni Serverus. Pawisan na si Louis dahil sa pagbaril nito sa mga lumalapit sa kanila ni Elaine.
Ngunit sa tuwing naaalala niya ang sinabi ng ama niya na protektahan ang dalaga nang buong buhay niya ay nagtataka siya kung bakit. Lalo na ngayong nalaman niya na anak ito ng dati niyang yaya. Siguradong may koneksiyon ito sa lahat ng bagay na kailangan niyang pagsama-samahin.
“Puntiryahin ninyo ang babaeng kasama ni Louis!” sigaw ni Serverus na sinunod ng mga kasama niya. Itinutok nila ang mga baril sa dalaga at sinimulang paputukan ito, ngunit binuhat lamang siya ni Louis upang i-dodge ang bala na tatama sa kanila.
Nang idilat ni Elaine ang kaniyang mata ay nakita niya ang binata na pinagpapawisan na. Nakakatatlong tapon na ito ng pakete ng bala, ngunit sa sobrang daming tauhan ni Serverus ay parang mas mauuna pang maubos ang mga dala niyang bala kaysa mga ito.
Nanlaki ang mata ni Elaine nang biglang magpaputok ng baril si Serverus mula sa malayo na tatama sa kaniya, parang naestatwa siya sa kinatatayuan at unti-unting nag-flashback sa kaniya ang nangyari sa kaniyang ina.
***
“Elaine, umalis ka na rito!” sigaw ng kaniyang ina habang tumatakbo sila sa madamong kagubatan. Hindi niya alam kung bakit sila hinahabol ng mga armadong lalaki, ngunit may tama na ang kaniyang ina sa tagiliran nito kaya kinakapos na ito ng hininga.
Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Ang akala niya ay pupunta lamang sila sa tito niya na sinasabi ng ina niya.
“Anak, umalis ka na rito bago ka pa nila mahabol. Nagmamakaawa ako sa ’yo. K-Kapag nakita mo ang ama mo, sabihin mong mahal na mahal ko siya,” wika nito. Tuluyan na itong kinapos ng hininga. Hindi na niya kayang tumakbo pa at napapapikit na rin siya. Alam niya anumang minuto ay matutunton na sila ng kapatid niya at hindi ito mag-aalinlangan na patayin ang anak niya.
Ang buong akala niya ay nagbago na ito at balak sumapi sa kaniya, ngunit nagkakamali siya.
Nagulat ang batang si Elaine nang marinig niya ang hakbang na patungo sa kanilang dalawa ng kaniyang ina. Tumutulo na ang mga luha niya. Hinalikan lamang siya ni Serena sa noo. “Shhh. K-Kailangan lagi kang maging matapang,” nauutal na wika nito bago siya tuluyang itulak ng kaniyang ina upang tumakbo na.
Hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya habang binabagtas ang daan palabas sa kagubatan. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang bala ng baril na ang ibig sabihin ay natunton ng mga ito ang kaniyang ina.
Napahawak na lang si Elaine nang mariin sa bracelet na ibinigay ng kaniyang ina. Bata pa lamang siya, pero ito ang nagbigay ng trauma sa kaniya. Ilang buwan siyang hindi nakapagsalita dahil dito kaya nagpupunta sila ng kaniyang ama sa psychologist upang laging patingnan ang kalagayan niya.
***“F*ck, wife. Get down!” sigaw ni Louis. Tumakbo ito papunta sa kaniya na ikinatama ng bala ng baril sa likuran ng binata. Nagulat siya sa ginawa nito nang tuluyan silang bumagsak sa sahig.
Puro dugo ang nahawakan niya mula sa likuran nito na ikinaiyak niya. Nangyayari na naman ang bagay na ito dahil sa kaniya. Nagsimulang tumulo ang luha niya, ngunit agad naman siyang pinatahan ni Louis. “Shhh,” sambit nito. Nanginginig na si Elaine.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ngunit nagsalita siya habang humihikbi. “K-Kasalanan ko ito, sorry. Hindi mo dapat ginawa ang bagay na ’yon. Para sa akin ang bala, hindi para sa ’yo,” wika ni Elaine habang sinisisi ang sarili sa nangyari. Ngumiti lamang sa kaniya ang binata.
“It’s my duty to protect you, so don’t feel guilty about it. Besides, I’m happy that you’re fine. I can’t forgive myself if something happened to you,” sambit ng binata. Kaagad namang nagsalita mula sa likuran nila si Serverus na pumapalakpak pa.
“Wow, napaka-romantic naman. Akala ko ay nanonood ako ng teatro. Hayaan mo, isusunod kita kay Louis,” wika nito. Itinutok nito ang baril kay Elaine. Dahan-dahan namang humarap si Louis habang hawak ang likod nito na tinamaan ng baril at itinutok din ang baril kay Serverus.
“As if I will let you do that,” sambit ni Louis. Nanghihina na siya sa tama ng bala sa likod niya, ngunit hindi niya hahayaang galawin nito si Elaine.
“Tss, ayaw mo bang makasama ang girlfriend mo sa impyerno? Dapat nga, magpasalamat pa kayo sa akin dahil hindi na kayo magkakalayo,” wika ni Serverus. Nagulat sila nang bumukas ang pinto at tumambad roon sina Volstrige na may kasamang mga tao.
“Damn, you’re all late,” mura sa kanila ni Louis. Humingi naman ng tawad ang mga ito at tuluyan nang sinugod ang mga kasamahan ni Serverus.
“Sumuko ka na, Serverus. Napaliligiran na namin kayo!” sigaw ni Brennon. Mas lalong nanlisik ang mga mata ng binata at tinutukan muli ng baril si Louis.
“Kung lalapit kayo, papatayin ko muna ang boss ninyo!” sigaw nito. Bakas sa mga mata niya ang galit dahil hindi pa siya tuluyang nakapaghihiganti kay Louis.
Hindi naman sila makalapit kay Serverus na ikinatawa nito nang malakas. “Masunurin naman pala kayo, e. Hayaan ninyo, bibilisan ko ang pagtapos sa boss ninyo,” wika nito. Nanlalabo na ang mga mata ng binata.
“Ano’ng problema, Louis? Mukhang nanghihina ka na yata,” pang-aasar nito sa binata na hindi na makatayo. Mabuti na lamang ay inalalayan ito ni Elaine na ngayon ay sinisisi pa rin ang sarili.
“F*ck!” mura ni Louis dahil tuluyan nang nanlalabo ang mga mata niya. Hindi naman siya ganito sa tuwing tinatamaan siya ng bala. Sa totoo lang ay parang sanay na nga ang katawan niya sa ganito, pero kakaiba ngayon.
“Ano’ng problema? Kawawa ka naman. Ilang sandali na lang ay mamamatay ka na dahil sa cyanide na inilagay ko sa bala ng baril. Akala mo ba ay maiisahan mo ako, Louis?” wika nito habang humahalakhak na ikinalaki ng mata ni Elaine. Kailangan nilang madala agad sa hospital ang binata. Kung hindi ay mawawala ito sa piling niya. Tuluyan nang nanghihina ang tuhod ng binata. Itinutok nito ang baril kay Elaine na ikinagulat niya.
“W-Wife, go away,” nauutal na sambit ng binata. Umiiyak lamang si Elaine. Hindi niya iiwan ang binata na isinakripisyo ang sarili para sa kaniya.
“Barilin mo na ako, pero huwag na si Louis!” wika niya habang umiiyak. Tiningnan lamang siya ni Serverus at kinalabit ang gatilyo, pero bago pa man ito tuluyang tumama sa kanila ay niyakap ni Elaine si Louis at nagpagulong sa sahig hanggang sa bigla na lamang bumagsak si Serverus sa sahig dahil sa tama ng baril nito.
“Tss, hindi ko alam na may kakayahan ka palang humawak ng baril,” wika ni Serverus at akmang papaputukan pa sila ng baril ni Louis nang muli niyang barilin ito na tumama sa kamay nito.
“Damn you, woman!” sigaw nito. Bago pa makalapit ang binata kina Elaine ay may tumamang baril dito na galing kay Alex.
Agad itong napadapa dahil sa tama ng baril nito. “B-Bakit mo ako tin—” Naputol ang sasabihin ni Serverus dahil pinaulanan ito ng bala ni Alex upang hindi na ito tuluyang makapagsalita.
Nabitiwan naman ni Elaine ang baril na hawak niya at tuluyan nang nahimatay sa tabi ng binata.
Sana lang ay maging maayos ang kalagayan nito.
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par
ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k
ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi
ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.