Share

The Mafia Boss' Rented Wife
The Mafia Boss' Rented Wife
Penulis: Admiralzxc

Chapter 1

Penulis: Admiralzxc
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-16 14:27:04

Agad akong tumakbo pauwi sa bahay nang makita ko si Aling Silvia. Paniguradong sa bahay ang punta niya upang singilin ako.

Nang makarating ako sa bahay ay kaagad kong isinara ang pinto at nagtago.

"Kaleigh! Isara mo 'yong mga bintana!" sigaw ko sa nakababata kong kapatid.

Kumunot naman ang kan'yang noo pero agad din naman siyang tumakbo para isara ang mga bintana.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga mabibigat na yabag.

"Kateryna! Nasaan na 'yong ipinangako niyong hulog kahapon?! Nagtatago na naman ba kayong magkapatid?!" sigaw ni Aling Silvia mula sa labas.

Napahinga ako nang malalim bago tinignan ang kapatid ko na nakaupo sa sahig, at nagtatakip ng tenga.

Ito na ang naging buhay naming magkapatid matapos mamatay ng mga magulang namin. Kaming dalawa na ang nagbabayad ng mga utang na naiwan nila sa amin.

"Kateryna!" sigaw muli ni Aling Silvia mula sa labas habang kinakalabog ang pintuan. Ilang beses niya iyong ginawa bago muling sinigaw, at tinawag ang pangalan ko.

"Wala atang tao?" sabi ng isang lalaki sa kalagitnaan ng pagsigaw at pagkalabog ni Aling Silvia sa pintuan namin.

"Palagi na lang walang tao. Kapag nahuli ko ang magkapatid na 'yan, sisiguraduhin kong magbabayad sila ng buo sa akin! Palagi na lang nila akong pinaaasa. Kapag ako nainis, 'yang si Kaleigh ang kukunin ko para maging katulong, at magbayad sa mga utang ng pamilya nila!" narinig kong sigaw ni Aling Silvia mula sa labas.

Sumilip naman ako sa maliit na siwang sa pinto at nakita silang naglalakad na palayo sa bahay.

Napasandal na lamang ako sa pinto nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

"Ate," narinig kong untag ni Kaleigh na hanggang ngayon ay nakaupo sa sahig at namumula ang mga mata.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya.

"Ayos lang 'yan. Makakaalis din tayo rito," sabi ko sa kapatid ko kahit na alam kong mahihirapan kaming gawin 'yon.

Maraming pinagkakautangan sina Mama at Papa. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n karami ang utang nila, ang alam ko lang noon ay pareho silang walang trabaho at palipat-lipat kami ng tinitirahan.

Wala kaming permanenteng bahay, hindi ko rin alam kung bakit hindi nagtatrabaho ang mga magulang ko noon.

"Ate, hindi lang si Aling Silvia ang tinataguan natin, ang dami nila. Nakaraan nakasalubong ko si Kuya Reynold at sinisingil na niya tayo, anong gagawin natin?" sabi ni Kaleigh sa pagitan ng pag-iyak. Huminga naman ako ng malalim bago ko siya bahagyang itinulak palayo sa akin.

"Kaya nga ako aalis ngayon, 'di ba? Maghahanap ako ng trabaho," sabi ko.

Bago ko kasi makita si Aling Silvia kanina, paalis talaga ako upang mag-apply ng trabaho.

"Aalis ka pa ba? Paano kung makita mo sila d'yan sa labas?" tanong ni Kaleigh habang nakatingin sa akin.

"Hindi nila ako makikita, mabilis kaya ako tumakbo," sabi ko habang pilit na tumatawa.

Ngumiti naman si Kaleigh sa akin. Ginagawa ko ang lahat hindi lang dahil para makabayad ng mga utang nila Mama, kung hindi para na rin mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid ko.

Seventeen years old pa lamang siya, at twenty-two years old naman ako. Seven years na rin ang nakalipas nang mamatay ang mga magulang namin.

"Aalis na ako. Isara mo ang pinto, at 'wag kang magpapapasok ng kahit na sino," sabi ko sa kan'ya bago ako tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang mga gamit ko sa sahig.

"Mag-i-ingat ka, Ate," sabi naman ni Kaleigh habang pinupusan ang luha sa kan'yang mga mata.

Ngumiti muna ako sa kan'ya bago sumilip sa labas, at binuksan ang pinto. Nang masigurado kong wala na talaga sila Aling Silvia ay tuluyan na akong lumabas ng bahay at umalis.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahapon natapos ang kontrata ko sa dati kong trabaho, hindi ako pwedeng magpahinga dahil magugutom kaming magkapatid.

Ngayon, plano kong sumubok mag-apply bilang janitor sa isang sikat at kilalang kompanya sa buong mundo, ang Gunner Corporation.

Wala akong natapos, pero sana palarin ako. Ayaw kong habang buhay kaming nagtatago sa bahay na inuupahan naming magkapatid, at ayaw kong makitang palaging umiiyak sa takot si Kaleigh.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Malayo kasi talaga ang sakayan ng jeep sa lugar namin, pero wala akong pangbayad sa tricycle para agad akong makarating doon.

Napabuntong hininga naman ako bago kinuha ang wallet ko.

"Siguro naman ka---" hindi ko na natapos ang pagbibilang nang bigla na lamang akong nakarinig ng sunod-sunod na busina.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang sasakyan na papalapit sa akin. Napaupo naman ako sa kalsada sa sobrang gulat at takot, pero bago pa man 'yon tumama sa akin ay agad 'yong lumihis papunta sa isang poste.

Ilang segundo muna ang lumipas bago nag-sink in sa akin ang nangyari. Nanginginig ang mga tuhod akong tumayo at naglakad papunta sa kotse. Kailangan kong makita kung ayos lang ba ang driver. Kung hindi niya nailihis ang sasakyan niya, baka kung ano na ang nangyari sa akin.

Hindi ko kasi namalayan na nasa kalsada na pala ako kanina sa sobrang dami kong iniisip.

Napahinga ako ng malalim nang tuluyan na akong makalapit sa sasakyan. Hindi naman 'yon masyadong nakadikit sa poste.

Akma ko na sanang kakatukin ang bintana ng sasakyan para malaman kung maayos lang ba ang driver nang bigla na lamang 'yong bumukas.

"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko habang nakatingin sa lalaki na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"What the f*ck are you doing, Miss? Do you want to f*cking die?" inis na tanong nito sa akin.

Napakurap ako ng mga mata ko bago ako napatingin sa sasakyan niya na muntikan ng sumalpok sa poste.

"S-Sorry. Hindi ko kasi namalayan na nasa kalsada na pala ako kanina," sabi ko.

Mukhang mayaman ang lalaking 'to. Baka ipakulong ako nito kapag nagkamali ako ng sagot.

Hindi siya agad nagsalita pero nakatingin siya sa akin. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya umiwas ng tingin.

"Tss. Hop in," biglang sabi nito.

Nakakaintindi naman ako ng english dahil mahilig naman akong magbasa, at mag-self study pero tama ba ang narinig ko?

"Can't you f*cking hear me? I said, hop in," nakakunot ang noong sabi niya kaya kaagad kong binuksan ang pinto ng sasakyan pero kaagad akong napatigil.

"B-Bakit p-pala ako sasakay?" tanong ko.

Nakita ko namang mas lalong nainis ang lalaki.

"I have to make sure that you are going to pay for the damages of this d*mn car," inis na sagot niya bago tumingin sa akin. Napalunok naman ako.

"T-Teka, hindi ka naman tumama sa poste," sabi ko pero hindi siya kumibo.

"At isa pa, w-wala akong per---" hindi ko na natapos pa ang sana ay sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Are you going to hop in, or we'll settle this with the authorities?" mahinahon ngunit bakas ang inis sa boses na sabi niya. Agad ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan at saka ako dali-daling umupo sa loob.

"Pakiusap, wala akong pera pangbayad sa'yo. Paalis pa lang ako dahil maghahanap ako ng trabaho," sabi ko bago ko ipinakita ang folder na hawak ko sa kan'ya.

Kumunot naman ang noo niya bago humawak sa manibela at nagsimulang mag-drive. Kinakabahan ako. Ipapakulong na ba ako ng lalaking 'to? Bakit ba kasi hindi ko namalayan na nasa kalsada na ako kanina?

"Where are you going?" tanong nito.

Bakit niya tinatanong? Ipapakulong niya ba talaga ako?

"Tss. I am asking so I know where to f*cking drop you off, and also to know where to f*cking find you for the payment," seryosong sabi nito.

Napahinga naman ako ng malalim. Dapat kumalma ako. Dahil baka hanggang mamaya madala ko ang kaba na 'to.

"S-Sa Gunner Corporation," sagot ko. Nakita ko namang napakunot ang noo niya.

"Mag-a-apply ako ng trabaho. W-Wala pa akong pera pero kapag nagkaroon ay babayaran kita," dugtong ko pa.

Nalaman ko kasi sa dati kong katrabaho na hiring ngayon ang Gunner Corporation.

"What make you suitable to work on that company?" biglang tanong nito.

Napaupo naman ako ng maayos bago tumingin sa labas ng sasakyan.

"Kasi kailangan ko ng maraming pera para makapagbayad sa mga utang na naiwan ng mga magulang ko. At kailangan ko rin ng pera para mabuhay kami ng kapatid ko," sagot ko.

"At ngayon, p-pati na rin para mabayaran ka," sabi ko pa bago tumingin sa gawi niya.

Wala namang naging reaksyon ang kan'yang mukha.

"What's your name? I need it so I could file a police report," sabi niya. Kinabahan naman ako bago ako napahawak sa kamay niya.

"M-Magbabayad ako. H-Hindi mo na ako kailangang i-report sa pulis. Kapag nagkaroon ako ng record hindi na ako makakahanap pa ng trabaho," pakiusap ko.

Nakita ko namang napaiwas siya ng tingin sa akin bago tumingin sa harapan niya.

"Just tell me your name," seryosong sabi nito sa akin.

"Kateryna D-Davis," kinakabahang untag ko.

Hindi naman na kumibo ang lalaki at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa Gunner Corporation. Agad naman akong bumaba sa sasakyan at pumunta sa bintana ng driver seat. Bumaba naman ang bintana no'n, at sumalubong sa akin ang walang emosyong mukha ng lalaki.

"Kunin ko na lang ang number at pangalan mo para mabayaran kita," sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang dami-dami ko ng dapat bayaran, tapos nadagdagan pa nito.

"Do what you f*cking want," sabi nito bago biglang umalis.

"A-Ano 'yon?" naguguluhang tanong ko.

Napalunok naman ako. Sana hindi talaga ako ipakulong o i-report sa pulis ng lalaking 'yon.

Napahinga ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa entrance ng Gunner Corporation. Sinunod ko ang lahat ng pinagawa ng guard bago ako nakapasok sa loob ng kompanya.

Halos mapanganga naman ako sa ganda at laki ng loob nito.

Ayos lang sa akin kung magiging tagalinis ako ng lugar na ito, kung ganito naman palagi ang makikita ko.

Matapos kong mamangha sa laki at ganda ng loob ng Gunner Corporation ay kaagad akong naglakad papunta sa lugar na sinabi ng guard na a-apply-an ko.

Nang makarating ako sa isang hall ay may nakita akong mga nakahilera roong mga upuan. Akma na sana akong uupo nang bigla na lamang may isang lalaki ang lumapit sa akin.

"Ms. Kateryna Davis?" tanong nito sa akin habang nakangiti.

Napatingin naman ako sa kan'ya bago bahagyang tumango.

"Sumama ka sa 'kin," sabi nito. Kumunot naman ang noo ko na siyang ikinatawa niya.

"Don't worry hindi ako masamang tao. Wala akong gagawing masama," nakangiting sabi nito.

"Okay. To put you at ease, let me introduce myself. I am Drake Griffin, so shall we go?" sabi nito. Napalunok naman ako bago ako nagdadalawang isip na tumango at sumunod sa kan'ya sa paglalakad.

Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit kilala ako ng lalaking sinusundan ko ngayon. Kinakabahan ako pero may nagsasabi sa isip ko na sumunod na lamang ako sa kan'ya.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang sinisipat ang hallway kung saan kami naglalakad. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya bago umiling.

"Sa totoong masamang tao," sagot nito.

Napakunot naman ang noo ko at akma na sana akong magsasalita ngunit napatigil ako nang bumukas na ang elevator sa harap naming dalawa. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng isang elevator. Sumakay na ang lalaki kaya naman sumunod na ako sa kan'ya.

Gusto ko sana magsalita pero hindi ko na itinuloy pa. Hindi pa rin kasi nag-pa-process sa isip ko kung ano ang nangyayari.

"Nandito na tayo," biglang sabi ng lalaki sa harapan ko.

Naglakad naman siya palabas ng elevator at pumunta sa nag-iisang malaking pinto sa harapan naming dalawa.

Ngumiti siya sa akin bago niya itinuro ang pinto.

"Pumasok ka lang d'yan, at masasagot ang mga tanong mo kung bakit ka nandito. Good luck!" sabi nito bago tumalikod at kaagad na umalis.

Akma ko sana siyang hahabulin ngunit mabilis siyang nakasakay ng elevator. Napahinga naman ako ng malalim bago tumingin sa pinto at nagkatok. Matapos no'n ay mabagal ko 'yong binuksan.

Tumambad naman sa mga mata ko ang isang malawak na opisina na may nag-iisang mesa sa pinakagilid nito.

Ngunit hindi pa man nag-po-proseso sa utak ko ang nasa paligid ko ay bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko.

"Ms. Kateryna Davis?" sabi ng lalaking nakatalikod habang nakaupo sa isang upuan sa tapat ng mesa.

Bakit parang pamilyar ang boses ng lalaking 'to? Akma na sana akong magsasalita ngunit bigla itong humarap sa gawi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Ngumisi naman siya nang makita niya ang naging reaksyon ko.

"Kateryna, be my rented wife."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Patreng Graciano
marami din akong utang HAHAHAHAHA wala bang mag ooffer jan ng gantong trabaho? HAHAHAHAHAHA
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 118

    Kateryna's POV"Na-contact mo na ba, pre?" tanong ni Liam kay Drake.Umiling naman si Drake na kanina pa pindot ng pindot sa hawak niyang cellphone."Nasaan na ba kasi 'yong dalawang gagong 'yon?" sabi naman ni Drake.Nilingon ko naman si Everett na kanina pa tahimik at panay rin ang dutdot sa cellphone niya."Hubby, nag-reply na ba sa'yo?" tanong ko.Hindi naman niya ako kinibo kaya naman sinilip ko kung ano ang ginagawa niya."Ano ba naman 'yan? Akala ko ba tinatawagan mo sila Asher? Bakit nag-o-online shopping ka na naman?" reklamo ko."What? I'm just checking out the clothes of my baby," sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama."Alam mo, punong-puno na ng gamit ang nursery room ng anak mo. Gusto mo ba talaga mapuno ng gamit 'yon?" tanong ko.Natawa naman siya bago umiling."I love you," sabi na lang niya kaya tinignan ko siya ng masama."Mag-focus ka nga," sagot ko. Tumawa na lang siya at saka tumayo."Let's go," biglang sabi niya at saka kinuha ang baril na nakalagay sa likod n

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 117

    Fina's POVI was sitting in front while watching people going to and fro. Mas marami ng tao ngayon compared kanina.Napahinga ako ng malalim bago ako tumayo at lumapit sa pinaghihimlayan ni Theodore.Nox is in a mess right now. Kabilaang member namin ang mga nawawala at mga nakitang mga wala na ring buhay.I sighed before looking at Theodore's casket. It was closed dahil sa deform na ang itsura niya because days na siyang wala ng buhay bago siya nakita. Beside his casket was Ms. Mazy's casket. Like him, nakasara na rin ang casket nito dahil eroded na rin ang katawan nito dahil ilang araw na siyang palutang-lutang sa ilog bago siya nakita."This was Gunner's doing. I'm sure hindi naman mangingialam ang Cohens dito," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.Kagaya ko, palipat-lipat din ng funeral house na binibisita si Vince. He was my companion kahit saan man ako magpunta nitong mga nakaraan."How's Tita Coreen's daughters?" tanong ko, implying about Jeremiah and Anesha.Nagkibit

  • The Mafia Boss' Rented Wife   CHARACTERS

    Hi, Admirals! These are the characters that have been mentioned throughout the story. Nilagay ko na rin whether they are dead, just so hindi kayo malito.I also want to include their role na nabanggit ko na but decided not to, if you guys want to do it, at least you have a basis because of this list.Anyway, happy weekend!GUNNERS: Everett Gunner Kateryna Davis/Limuel Gunner Asher Rein Hunter Williams Liam Draeger Drake GriffinNOX: Trevor Franz Vivian Celine Luise Fina Murrey/Cohen Jezra Vince Yuhens Wilson Allen Theodore Franz - Dead Lucille Webb Franz - Dead Alanise Franz Anesha Franz Jeremiah FranzCOHENS: Eula Cohen Limuel Kamila Cohen Jezra Sheena Cohen Davis - Dead Mikaela Cohen Jezra Tristan Limuel - Dead Daveed Anthony LioMCKENZIE'S EMPIRE: Mazy Mariz McKenzie - DeadOTHER CHARACTERS Kaleigh Davis Stephen Davis - Dead Eliza Gunner - Dead Warren Gunner - Dead Clineth RiosAng dami pala haha. May mga hindi na ako sinali. Kung hindi sila kasali rito,

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 116

    Kateryna's POVNakahiga ako ngayon sa kama habang nakatingin sa bintana. Kanina ko pa talaga sinusubukang matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok.Simula kasi umakyat ako kanina ay wala na akong ibang ginawa kung hindi umiyak, at ngayong kalmado na ako, gusto ko na sana matulog."Baby, sorry dahil hindi makatulog si Mommy. Sabi pa naman nila ramdam ng baby ang nararamdaman ng mommy," sabi ko bago ko hinawakan ang tiyan ko."Wif," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa pinto."Hubby," sabi ko bago ako naupo sa kama."I'm sorry," bigla niyang sabi kaya natutop ang labi ko sa sana ay gusto kong sabihin.Hindi naman na ako nakapagsalita kaya naman naglakad na lang papalapit sa akin si Everett bago siya naupo sa kama."I'm sorry. I just don't want to put you at risk. You've endured enough of sufferings, and been targeted by different mafia groups already. I don't want you to go through that again," sabi niya kaya napahinga ako ng malalim.Naramdaman ko

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 115

    Kateryna's POVNakatayo ako sa harap ng pinto habang sinisipat-sipat ang orasan.Anong oras na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Everett."Kateryna, matulog ka na kaya? Kami na ang maghihintay kay boss," sabi ni Asher habang nakatayo silang apat sa likod ko.Ngumiti naman ako bago ako umiling."Ako na. Hindi pa rin 'yon kumakain si Everett, eh," sabi ko bago ako napahawak sa tiyan ko.Medyo umbok na rin ang tiyan ko at kung tititigan akong mabuti mahahalata mong malaki na nga ang tiyan ko at buntis ako."Nako, Ma'am Kateryna. Baka magalit si bossing kapag nalaman niyang gising ka pa," sabi naman ni Drake.Napahinga naman ako ng malalin dahil totoo naman ang sinabi niya.Halos ala-dos na kasi ng madaling araw. Simula umalis kanina si Everett, hindi pa siya umuuwi. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ko kahit tawag ng mga kaibigan niya."Baka busy lang si boss," sabi naman ni Hunter."Huwag ka mag-alala, Kateryna. Hindi naman mapapahamak si boss, si boss 'yon eh," sabi pa ni Liam kaya t

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 114

    Third Person's POVDiretso ang tingin ni Mr. Gunner habang pilit na iniiwasan ang mga mata ng mga lalaki na kanina pa nakamasid sa kanila.Kanina niya pa alam na may mga nakatingin sa kanila pero ayaw niyang makahalata ang mga 'yon at isa pa, kasama niya si Kateryna."What do you want?" tanong niya sa lalaki nang makarating siya sa likod nito habang nakatutok ang kutsilyo na hawak niya sa leeg nito."Coh---" hindi na natapos ng lalaki ang sana ay sasabihin niya nang mabilis siyang ginilitan sa leeg ni Everett. Walang emosyon ang mukha nito bago mabilis na pinuntahan ang isa pang lalaki at saka binaril ito diretso sa ulo.Sinubukan naman ng iba tumakbo at tumakas pero bigo sila dahil sa naging mabilis na pagkilos ni Everett."Tell to your fucking master to stop fucking digging her own grave. I'll threw her there myself," walang emosyong sabi niya bago binaril sa balikat ang lalaki.Mabilis namang umalis ang lalaki kahit pa malala ang sugat na nakuha niya kay Everett. Nais na lang niyang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status