Share

Chapter 2

Author: Admiralzxc
last update Last Updated: 2025-01-16 14:27:58

"Kateryna, be my rented wife," sabi ng lalaki kanina na nagpauwang sa labi ko.

"A-anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko.

Kaharap ko ngayon ang lalaking muntik ng makasagasa sa akin kanina at seryoso ang kan'yang mukhang nakatingin lang sa akin.

"Be my rented wife," ulit nito sa sinasabi niya kanina.

"R-Rented wife? Anong pinagsasabi mo?" gulong tanong ko ulit bago tumingin sa table nameplate. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakalagay ro'n.

"I-Ibig sabihin...." hindi ko na naituloy pa ang sana ay sasabihin ko nang biglang ngumisi ang lalaki sa akin.

"Yes, I am Everett Gunner. The CEO of Gunner Corporation," sabi nito bago muling sumeryoso ang kan'yang mukha at muling nagsalita.

"I need someone to be my wife in order for me to get all the money that my father had left before he died. But that f*cking old f*rt left a last will and testament saying he wants me to have a wife before I turned twenty-five, or else I'm going to lose all my money," sabi niya bago tumalikod muli at humarap sa malaking bintana na nasa likuran niya.

"I don't want those money, but I just need it to protect this d*mn sick company," pagpapatuloy niya bago siya bumuntong hininga.

Nanatili naman akong nakatayo, hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

"E-Edi anong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko. Muli siyang tumingin sa akin.

"Act as my wife. Let's have a sham marriage. After I got the money, we'll separate ways," sagot nito bago naupo.

"H-Hindi ko maintindihan," sabi ko naman sa kan'ya.

"Here. This is the copy of our contract," untag nito bago inilapag sa ibabaw ng mesa niya ang isang folder.

Naglakad naman ako papunta sa mesa at kinuha ang folder. Nanginginig din ang mga kamay na binuklat, at binasa ko ang laman no'n.

"F-Fifty thousand pesos monthly?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kan'ya. Tumango naman si Everett sa akin.

"All the things that you wanted to know are written on that contract," sabi nito kaya muli akong napatingin sa folder na hawak ko.

"You wanted a job, right? I am giving you one right now. I need a wife, you need money, fair and square. And also, I did this for you to pay the damages you caused earlier," sabi pa nito bago nag-iwas ng tingin.

"T-Teka lang. Hindi ka ba nagbibiro?" tanong ko. Dahil baka kasi pinag-ti-trip-an niya lang ako.

"Why would I?" nakakunot noong tanong nito.

"Hindi ko r-rin alam sa'yo," naguguluhang sabi ko. Umiling naman siya sa akin bilang pagsagot.

"Eight A.M tomorrow. If you're not here, then I'll take your answer as a no," sabi nito.

Hindi naman ako kaagad nakasagot at napatingin lang muli sa lalaki.

"P-Pag-iisipan ko," sabi ko bago ako bahagyang nag-bow at lumabas na ng opisina.

Tinignan kong muli ang folder bago ako huminga ng malalim. Patuloy lang akong naglakad habang nakatingin sa folder hanggang sa may narinig akong tumawag sa akin.

"Miss?" kaagad akong napalingon sa lalaking nakatayo habang nakangiti sa harapan ko.

Napalingon-lingon pa ako sa paligid ko bago ko itinuro ang sarili ko. Tumango naman siya.

"Hi, Ms. Kateryna. I'm Asher Rein. Tinawagan ako ni Mr. Gunner para ihatid ka pauwi sa bahay niyo," sabi nito bago ngumiti.

"Hindi na kailangan," sabi ko pa bago ako umiling.

"No. I insist. Ako kasi malalagot doon sa lalaking 'yon," pilit na tawang sabi ng lalaki.

"Kagaya ni Drake Griffin, hindi ako masamang tao. Sumusunod lang din ako sa utos," sabi nito. Huminga naman ako nang malalim bago ako tumango. Ngumiti naman siya sa akin bago nagsimula ng lumakad.

"Pero bakit pala kailangan akong ihatid?" tanong ko.

Gusto ba malaman ng lalaking 'yon kung saan ako nakatira para alam niya kung saan niya ako hahanapin?

"Hindi ko rin alam, eh," sagot nito bago ngumiti sa akin at nagkamot ng kan'yang ulo.

Hindi naman na ako sumagot at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang parking lot.

"Ituro mo na lang sa akin ang daan," nakangiting sabi nito. Tumango naman ako bago ako sumakay sa sasakyan.

Napahinga ako nang malalim. Ang daming nangyari ngayong araw. Biglang sa isang iglap, trabaho na ang lumapit sa akin. Biglang sa isang iglap, magbabago na ang ikot ng mundo ko.

"Tinanggap mo ba ang offer ni Mr. Gunner?" biglang tanong ni Asher na patuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Alam mo ang tungkol sa bagay na 'yon?" gulat na tanong ko. Natawa naman siya sa isinagot ko sa kan'ya.

"Oo naman, 'no. Ilang buwan na ring naghahanap ng pekeng mapapangasawa si Everett. Rented wife nga ang tawag niya sa babaeng mapipili niya na magkunwaring asawa niya," natatawa habang iiling-iling na sagot niya sa akin.

Napasandal naman ako sa upuan ng sasakyan at tumunghay sa bintana.

"Tanggapin mo na ang offer ni Everett. Masasayang kasi ang lahat kapag hindi niya nakuha ang perang ipinamana sa kan'ya ng tatay niya. Masasayang lahat ng pinaghirapan niya kapag nangyari 'yon," dugtong pa nito sa sinasabi niya kanina.

"G-Gusto kong tanggapin. At isa pa, desperada na akong makahanap ng trabaho. Natatakot lang ako dahil kakaiba ang gusto niyang mangyari. Parang laro lang kasi ang kasal para sa kan'ya," sagot ko naman. Nakita ko naman ang pag-iling ng lalaki sa tabi ko.

"Hindi naman. Sadyang may nangyari lang para hindi na maniwala si Everett sa pagmamahal na 'yan," sabi naman nito.

Hindi na ako sumagot kaya nagpatuloy na lamang si Asher sa pagmamaneho. Itinuro ko naman ang daan papunta sa bahay.

"Dito na lang," sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng eskenita ng inuupahan namin ni Kaleigh.

Inihinto naman ni Asher ang sasakyan bago bumaba at binuksan ang pinto kung saan ako nakaupo.

Nahihiya naman akong lumabas ng sasakyan bago bahagyang nag-bow sa kan'ya.

"Tanggapin mo sana ang offer ni Everett. Hindi ka magsisisi," sabi nito bago ngumiti. Ngumiti lamang din ako pabalik sa kan'ya bago ako nagsimulang maglakad papasok sa eskenita.

Gusto kong tanggapin ang offer pero natatakot ako. Hindi ko kilala ang lalaking 'yon maliban sa isa siya sa pinakamayamang lalaki sa buong mundo.

Pero hindi ko inakala na binata pa pala ang may-ari ng Gunner Corporation dahil hindi naman siya nagpapakita kahit sa mga interviews sa T.V.

Patuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bukas ang pinto at may mga nagkalat na basag na gamit sa tapat nito. Nasa harapan din ng bahay ang mga kapitbahay namin.

"Nako! Mabuti naman at dumating ka na, Kateryna! May mga lalaking dumating kanina at sinira ang pinto ng bahay niyo. Nagalit nga ang landlord mo pero wala siyang nagawa kasi ang lalaking tao ng mga pumunta rito kanina," biglang sabi ng isa sa mga kapitbahay namin.

Bigla naman akong kinabahan.

"S-Si Kaleigh po?" nanginginig ang mga labing tanong ko.

"Nandoon sa loob ng bahay n'yo. Pumasok ka na dahil kanina siya ang pinagsisigawan ng mga lalaki," sagot naman nito kaya agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay at doon, nakita ko si Kaleigh na nakaupo sa sahig habang umiiyak.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya.

"Anong nangyari, Kaleigh?! Sinaktan ka ba nila?!?" nanginginig na tanong ko.

Hindi agad sumagot si Kaleigh pero patuloy siyang umiyak.

"S-Si Manong Saldo, pumunta siya rito at kinuha ang mga gamit natin," umiiyak na sabi nito. Napatingin naman ako sa paligid at doon ko lang na-realize na wala na kaming gamit kahit isa maliban sa mga damit na nagkalat sa sahig.

"A-Ate," untag nito habang patuloy pa ring umiiyak. Niyakap ko naman siya habang nilalabanan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"H-Huwag kang mag-alala. Hindi na mauulit 'to. Makakaahon na tayo sa hirap. M-May trabaho na ako," sabi ko habang yakap pa rin ang kapatid ko.

Napatingin naman ako sa folder na nilalagyan ng kontrata na nasa lapag katabi ni Kaleigh.

I'll be Everett Gunner's rented wife.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 91

    Vivian's POVPatuloy kami sa pagtakbo at pagtago ni Kateryna sa tuwing may mga makakasalubong kaming mga lalaking armado ng baril.Nasa trenta minutos na rin siguro magmula nang patayin ang ilaw kanina. Tanging ang generator na lang ng lugar na 'to ang gumagana kaya naman may ibang area na madilim at wala talaga kahit kaunting liwanag.Damage na rin at wasak ang ibang parte ng building kaya may ibang ilaw na nagpapatay sindi."Kaya mo pa bang tumakbo?" tanong ko kay Kateryna matapos naming pumasok sa isang kwarto.Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko sa buong kwarto kung safe ba kami rito. Nandito pala kami sa isang bedroom."O-Oo," naghahabol din ang hiningang sabi ni Kateryna.Ngumiti naman ako bago ako nagsalita."Mabuti naman," sagot ko bago ako napaupo sa upuan malapit sa amin.Alam kong malapit nang mag-collapse ang building na 'to ano mang oras mula ngayon dahil sa dami ng mga bombang sunod-sunod na sumabog kanina."Vivian...B-Bakit ka pala nandito?" tanong bigla n

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 90

    Kateryna's POVMatapos lumapit nang lalaki kanina ay hindi na ako napakali pa. Mukha namang walang iniisip si Drake sa tabi ko, at gano'n din si Everett na naging maya't maya ang ginawang pagtingin sa akin."Are you okay?" bigla niyang tanong nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa.Napalunok naman ako bago ako tumango pero natigilan ako nang may makita akong isang babae na naglalakad papunta sa gawi namin.At hindi katulad ng ibang mga babae na nandito na elegante ang mga suot na damit, siya ay simple at plain black dress lang ang suot.Tumayo naman ako, at dahil sa ginawa ko ay napatingin na rin sa harapan namin si Everett.Tumayo na rin siya at tinabihan ako bago hinawakan ang kamay ko.Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong klaseng kaba ba 'tong nararamdaman ko."Nice meeting you again the infamous, Everett Gunner," bungad niya sa amin.Napalunok naman ako bago ko tinignan din ang lalaking katabi ko na bah

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 89

    Mazy's POVI was staring at Everett since they came here. I really can't wait to kill that Kateryna. She even has the audacity to throw a party. I pity her, because before, si Everett mismo ang gumagawa no'n without me asking."Alam mo, if looks could kill nakabulagta na kanina pa 'yang asawa ni Gunner," sabi ni Theodore na katabi ko.Hindi na ako nagsalita pa at ininom na lang ang alak na laman ng baso na hawak ko."Ayaw mo talaga kumain?" tanong niya."No," sagot ko.He had been asking me if I want to eat since we came here. Kanina niya pa ako paulit ulit na tinatanong."You know what, I know that Kateryna was the one who asked Everett to throw a party," sabi ko lang.Because duh, it's obvious! Halata namang hindi nag-e-enjoy si Everett sa mga nangyayari ngayon.Natawa naman si Theo na kumakain sa tabi ko."So, what's your plan?" biglang tanong nito kaya mabilis ko siyang nilingon.A smile escaped my lips after thinking about my plan."Once she went to the bathroom, I'll make sure h

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Author's Note:

    Magandang Araw! This is Admiralzxc, at pasensya na po kung matagal ako bago makapag-update. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraan pero pipilitin kong makabawi. Pipilitin ko ring mag-doble o triple o kung mas kaya maka-limang kabanata kada araw. Maraming salamat pa rin sa pagmamahal sa kwento kong ito. Patungo na rin tayo sa exciting parts, at paniguradong kung may mga katanungan kayo ay masasagot na sa mga susunod na updates ko.Salamat muli! May ginagawa nga pala akong bagong kwento, sana suportahan niyo rin ito dahil katulad ng TMBRW, hindi ko rin kayo bibiguin.Maraming salamat! Nawa'y patuloy niyo pa rin akong suportahan.xxx

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 88

    Hunter's POV"All goods na ang control room, mga tsong," nakangiting sabi ko sa earpiece habang nakatingin sa mga monitors na nasa harapan ko.Nandito ako ngayon sa CCTV room nitong venue. Bago pa man magsimula ang party, nauna na ako rito para i-check kung may mga daga na namang nakapasok.Ayaw kasi ni bossing masira ang gabing 'to dahil may mga special guests din daw siyang kailangang asikasuhin.Ang sabi niya sa amin, kailangan ma-secure ang safety ni Ms. Kateryna, dahil ang party raw na 'to ay para talaga mahuli kung sino ang tunay niyang kaaway.FlashbackTahimik akong kumakain habang nakatingin sa hawak kong tinapay. Minsan talaga, napapaisip din ako kung anong klaseng buhay mayroon ako."Muni-muni, Hunter?" natatawang sabi ni Drake kaya tinignan ko siya ng masama."Ginagawa mo rito?" tanong ko matapos niyang umupo sa tabi ko."Hindi mo ba nabasa ang sabi ni boss? Pumunta raw rito," simpleng sagot niya bago kinuha ang kape ko at saka ininuman."Tangina mo naman," nandidiring sabi

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 87

    Kateryna's POVMagkatabi kaming nakaupo ni Everett sa isang round table. Nandito pa rin sina Asher at Drake."Hubby? Hanggang anong oras ang party?" tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko. Tinignan niya naman ako bago siya sumagot."Later, we'll leave," sagot lang nito bago ngumiti.Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumango.Kanina pa kasi kami narito. Tapos na rin kaming kumain, at tapos na rin akong ipakilala ni Everett sa mga kakilala niyang mga negosyanteng katulad niya."Ma'am Kateryna, ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Drake kaya mabilis akong tumango."Rein," biglang pagtawag ni Everett kay Asher kaya ako napatingin sa kan'ya.Tumango naman si Asher na nakaupo malapit sa akin bago niya pinagpagan at kunwaring inayos ang suot niyang suit."Una na ako, Kateryna. See you later," sabi nito bago sumaludo at saka umalis.Napahinga naman ako ng malalim pero agad nawala ang pag-iisip ko nang bigla na lamang may lumapit sa amin."Mr. Gunner! What a great evening, isn't i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status