Share

Chapter 3

Author: Admiralzxc
last update Last Updated: 2025-01-16 14:28:30

Mahigpit ang hawak ko sa folder na lulan ng kontrata namin ni Everett. Nandito ako ngayon sa Gunner Corporation at naglalakad sa main hall.

Kahapon ay nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba ako sa alok na trabaho ni Everett pero ngayon, matapos nang nangyari, sigurado na ako sa papasukin ko.

"Woah! You really came," narinig kong sabi ni Asher nang makasalubong ko siya sa isang hallway bago makarating ng elevator.

Bahagya lang akong ngumiti. Wala ako sa mood ngayong araw, dahil nag-aalala pa rin ako na baka maulit ang nangyari kahapon kay Kaleigh. Kaya gusto ko na lang din talaga matapos ang plano ko sa lugar na 'to.

"Nasaan si Mr. Gunner?" tanong ko sa kan'ya.

Ngumiti naman sa akin si Asher bago siya nagsalita.

"Ang alam ko may meeting siya ngayong araw. Pero sasabihan ko ang secretary niya para maging aware siya na nandito ka," nakangiti pa ring sabi nito.

Tumango naman ako bago ko ipinakita ang folder na hawak ko.

"Gusto ko siyang makausap tungkol sa mga magiging kondisyon namin sa trabahong inalok niya sa akin kahapon," sabi ko. Mabigat ang loob ko sa pinapasok kong 'to.

Ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal pero wala akong magagawa. Kailangan kong isipin ang kapakanan ni Kaleigh, kailangan kong unahin ang nag-iisang pamilya na mayroon ako.

"Tara. Samahan kita papunta sa opisina niya," sabi nito bago nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Huminga naman ako ng malalim bago ako sumunod sa kan'ya.

Naging tahimik ang naging pagpunta namin ni Asher sa opisina ni Everett. Mabuti na lang 'yon, ayaw ko rin kasi na makipag-usap pa sa ngayon kahit na kanino.

Wala talaga ako sa huwisyo at ayaw ko talagang iwan si Kaleigh pero wala akong magawa. May oras lang kasing ibinigay sa akin si Everett, at ayaw kong isipin niya na tinanggihan ko ang alok niyang trabaho.

Ito na rin marahil ang paraan para makalaya kami ng kapatid ko sa matagal na pagkakakulong sa mga utang ng magulang namin.

"Pumasok ka na lang sa loob. Sasabihan ko na ang secretary ni Everett para malaman niyang nandito ka," sabi ni Asher bago umalis nang makarating na kami sa tapat ng opisina ni Everett.

Huminga naman ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking muntik nang makasagasa sa akin kahapon ay ang kilalang Everett Gunner sa buong mundo.

Hindi ko inaakala na ang simpleng pagpaplano ko na mag-apply sa Gunner Corporation ay magiging dahilan para kahit papaano ay makahinga kaming magkapatid sa gulong naiwan ng mga magulang namin.

Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa mga magiging consequence ng desisyon ko ngayong araw. Pero wala akong magagawa, kung gusto kong makaahon sa kahirapan, kailangan kong isaalang-alang ang pangarap kong maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako.

"You came," narinig kong boses ng isang lalaki sa likuran ko kaya kaagad akong napalingon.

Nakatayo si Everett sa tapat ng pinto, seryoso ang kan'yang mukha pero may kakaiba sa kan'yang mga mata.

"Payag na ako. Payag ako sa inaalok mong trabaho," sabi ko.

Hindi naman siya agad nagsalita. Nagsimula lang siyang maglakad papalapit sa akin.

"If that's the case, shall we get married today?" biglang tanong niya sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin. Inaasahan kong ikakasal kami, pero hindi ko naman inakala na ngayong araw kaagad.

"I-Ikaw ang bahala," sagot ko lang bago ako huminga ng malalim.

"Very well," sagot niya sa akin bago siya naglakad papunta sa mesa rito sa opisina niya.

"But, sign this contract first," narinig kong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kan'ya. Naglakad naman ako palapit sa mesa bago ko kinuha ang inilapag niyang folder.

Paniguradong ito ang tunay na kontrata. Photocopy lang kasi ang ibinigay niya sa akin kahapon.

"Write your name, the date, then sign it. After that, let's get married," sabi nito. Mabilis ko naman siyang tinignan bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.

Ganito lang ba talaga kabiro sa kan'ya ang kasal? Parang wala lang sa kan'ya kung sabihin niyang ikasal kami.

"Bago ko pirmahan, gusto ko lang muna linawin ang ilang bagay na nakasulat dito sa kontrata," panimula ko. Nakita ko namang napasandal siya sa swivel chair niya bago tumitig ng diretso sa mga mata ko.

"Una, sa iisang kama ba tayo matutulog? Pangalawa, gagawin din ba natin ang mga bagay na mag-asawa lang ang gumagawa? Pangatlo, sa bahay mo lang ba ako mag-i-stay at hindi ako mag-ta-trabaho?" pagpapatuloy ko. Nakita ko naman na bahagyang tumaas ang kilay niya bago siya ngumisi.

"Everything were written in the contract. Did you read it?" tanong nito.

Napalunok naman ako. Binasa ko ang lahat ng nakasulat sa kontrata, at ang tatlong tanong ko ang gusto kong bigyan ng linaw.

"You're my rented wife which means you are liable to act as my wife. And that also includes providing my needs as a man," sagot nito. Napalunok naman ako.

"And as my wife, the public should know your existence so the attorney who handles the last will and testament will going to know about you. And yes, we are going to sleep on the same bed, occasionally. But if the situation doesn't require us to do so, we are going to sleep on our respective rooms," pagpapatuloy nito.

"Why? Having hesitations?" tanong nito. Napatingin akong muli sa kontrata na nasa harapan ko.

Hindi naman masama sa totoo lang ang trabaho ko. Pero makakaya ko kayang ibigay ang sarili ko sa kan'ya kagaya ng nakasulat sa kontrata?

"You can leave, and forget about my preposition. But once you do, I cannot guarantee that I'll be offering you this once again if you ever change your mind. So, think about it carefully," biglang sabi niya nang hindi ako nakasagot.

Napapikit naman ako. Kapag hindi ko 'to tinanggap ngayon, hindi na ako ulit makakakita pa ng gan'tong opportunity. At habang buhay kaming guguluhin ng mga pinagkakautangan ng mga magulang namin.

Huminga ako nang malalim bago ko idinilat ang aking mga mata. At saka ko dinampot ang ballpen at pinirmahan ang kontrata.

Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko. Titig na titig lang siya sa akin.

Ilang segundo muna siyang nakatitig lang sa akin bago siya tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa tapat ng isang picture frame.

Napakunot naman ang noo ko nang may pinindot siya na kung ano sa frame. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang umangat ang frame at may kung anong nakalagay sa likod no'n.

"Vault?" tanong ko pero hindi ako sinagot ni Everett. Nagpatuloy lang siya sa kan'yang ginagawa kaya nanatili na lang din akong nakatingin sa kan'ya.

May kung anu-ano pa siyang ginawa sa vault bago 'yon tuluyang bumukas. At halos mapaawang naman ang labi ko nang makita ko kung ano ang kinuha niya sa loob no'n.

Mabilis siyang humarap sa akin bago ipinakita ang bagay na kinuha niya sa loob ng vault.

"Let's get married."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 91

    Vivian's POVPatuloy kami sa pagtakbo at pagtago ni Kateryna sa tuwing may mga makakasalubong kaming mga lalaking armado ng baril.Nasa trenta minutos na rin siguro magmula nang patayin ang ilaw kanina. Tanging ang generator na lang ng lugar na 'to ang gumagana kaya naman may ibang area na madilim at wala talaga kahit kaunting liwanag.Damage na rin at wasak ang ibang parte ng building kaya may ibang ilaw na nagpapatay sindi."Kaya mo pa bang tumakbo?" tanong ko kay Kateryna matapos naming pumasok sa isang kwarto.Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko sa buong kwarto kung safe ba kami rito. Nandito pala kami sa isang bedroom."O-Oo," naghahabol din ang hiningang sabi ni Kateryna.Ngumiti naman ako bago ako nagsalita."Mabuti naman," sagot ko bago ako napaupo sa upuan malapit sa amin.Alam kong malapit nang mag-collapse ang building na 'to ano mang oras mula ngayon dahil sa dami ng mga bombang sunod-sunod na sumabog kanina."Vivian...B-Bakit ka pala nandito?" tanong bigla n

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 90

    Kateryna's POVMatapos lumapit nang lalaki kanina ay hindi na ako napakali pa. Mukha namang walang iniisip si Drake sa tabi ko, at gano'n din si Everett na naging maya't maya ang ginawang pagtingin sa akin."Are you okay?" bigla niyang tanong nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa.Napalunok naman ako bago ako tumango pero natigilan ako nang may makita akong isang babae na naglalakad papunta sa gawi namin.At hindi katulad ng ibang mga babae na nandito na elegante ang mga suot na damit, siya ay simple at plain black dress lang ang suot.Tumayo naman ako, at dahil sa ginawa ko ay napatingin na rin sa harapan namin si Everett.Tumayo na rin siya at tinabihan ako bago hinawakan ang kamay ko.Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong klaseng kaba ba 'tong nararamdaman ko."Nice meeting you again the infamous, Everett Gunner," bungad niya sa amin.Napalunok naman ako bago ko tinignan din ang lalaking katabi ko na bah

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 89

    Mazy's POVI was staring at Everett since they came here. I really can't wait to kill that Kateryna. She even has the audacity to throw a party. I pity her, because before, si Everett mismo ang gumagawa no'n without me asking."Alam mo, if looks could kill nakabulagta na kanina pa 'yang asawa ni Gunner," sabi ni Theodore na katabi ko.Hindi na ako nagsalita pa at ininom na lang ang alak na laman ng baso na hawak ko."Ayaw mo talaga kumain?" tanong niya."No," sagot ko.He had been asking me if I want to eat since we came here. Kanina niya pa ako paulit ulit na tinatanong."You know what, I know that Kateryna was the one who asked Everett to throw a party," sabi ko lang.Because duh, it's obvious! Halata namang hindi nag-e-enjoy si Everett sa mga nangyayari ngayon.Natawa naman si Theo na kumakain sa tabi ko."So, what's your plan?" biglang tanong nito kaya mabilis ko siyang nilingon.A smile escaped my lips after thinking about my plan."Once she went to the bathroom, I'll make sure h

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Author's Note:

    Magandang Araw! This is Admiralzxc, at pasensya na po kung matagal ako bago makapag-update. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraan pero pipilitin kong makabawi. Pipilitin ko ring mag-doble o triple o kung mas kaya maka-limang kabanata kada araw. Maraming salamat pa rin sa pagmamahal sa kwento kong ito. Patungo na rin tayo sa exciting parts, at paniguradong kung may mga katanungan kayo ay masasagot na sa mga susunod na updates ko.Salamat muli! May ginagawa nga pala akong bagong kwento, sana suportahan niyo rin ito dahil katulad ng TMBRW, hindi ko rin kayo bibiguin.Maraming salamat! Nawa'y patuloy niyo pa rin akong suportahan.xxx

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 88

    Hunter's POV"All goods na ang control room, mga tsong," nakangiting sabi ko sa earpiece habang nakatingin sa mga monitors na nasa harapan ko.Nandito ako ngayon sa CCTV room nitong venue. Bago pa man magsimula ang party, nauna na ako rito para i-check kung may mga daga na namang nakapasok.Ayaw kasi ni bossing masira ang gabing 'to dahil may mga special guests din daw siyang kailangang asikasuhin.Ang sabi niya sa amin, kailangan ma-secure ang safety ni Ms. Kateryna, dahil ang party raw na 'to ay para talaga mahuli kung sino ang tunay niyang kaaway.FlashbackTahimik akong kumakain habang nakatingin sa hawak kong tinapay. Minsan talaga, napapaisip din ako kung anong klaseng buhay mayroon ako."Muni-muni, Hunter?" natatawang sabi ni Drake kaya tinignan ko siya ng masama."Ginagawa mo rito?" tanong ko matapos niyang umupo sa tabi ko."Hindi mo ba nabasa ang sabi ni boss? Pumunta raw rito," simpleng sagot niya bago kinuha ang kape ko at saka ininuman."Tangina mo naman," nandidiring sabi

  • The Mafia Boss' Rented Wife   Chapter 87

    Kateryna's POVMagkatabi kaming nakaupo ni Everett sa isang round table. Nandito pa rin sina Asher at Drake."Hubby? Hanggang anong oras ang party?" tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko. Tinignan niya naman ako bago siya sumagot."Later, we'll leave," sagot lang nito bago ngumiti.Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumango.Kanina pa kasi kami narito. Tapos na rin kaming kumain, at tapos na rin akong ipakilala ni Everett sa mga kakilala niyang mga negosyanteng katulad niya."Ma'am Kateryna, ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Drake kaya mabilis akong tumango."Rein," biglang pagtawag ni Everett kay Asher kaya ako napatingin sa kan'ya.Tumango naman si Asher na nakaupo malapit sa akin bago niya pinagpagan at kunwaring inayos ang suot niyang suit."Una na ako, Kateryna. See you later," sabi nito bago sumaludo at saka umalis.Napahinga naman ako ng malalim pero agad nawala ang pag-iisip ko nang bigla na lamang may lumapit sa amin."Mr. Gunner! What a great evening, isn't i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status