"Let's get married," walang emosyong sabi ni Everett habang hawak ang isang singsing.
Hindi naman ako kaagad nakasagot kaya naman lumapit siya sa akin at isinuot ang singsing sa daliri ko.
Hindi pa rin nagpo-proseso sa akin ang nakita ko nang bigla siyang nag-snap ng daliri sa harapan ko.
"Hey, are you f*cking okay?" nakakunot noong tanong nito. Agad naman akong tumango.
"That's an engagement ring. I'll give you the wedding ring later after we got married," sabi pa nito bago naglakad pabalik sa mesa niya.
Napalunok naman ako at napatingin ulit sa singsing na nasa daliri ko.
"Take care of it. It's a round brilliant cut diamond ring. Don't sell nor put it on a pawn shop to pay off the debts of your parents," sabi ni Everett habang nakaupo at nakatingin sa isang folder sa ibabaw ng mesa niya.
"K-Kailan tayo ikakasal?" tanong ko. Halos masamid ako sa sarili kong laway sa tanong kong 'yon.
Muli akong napalingon sa singsing na nasa daliri ko. Paniguradong mamahalin ang isang 'to. Hindi biro ang laki, at bigat niya sa kamay ko. Paniguradong kung isasangla o ibebenta ko nga 'to ay mababayaran ko ang lahat ng utang namin.
Napahinga ako ng malalim. Gusto ko mang gawin 'yon ay naunahan na ako ni Everett. Mukhang naisip na niya na baka nga gawin ko ang bagay na 'yon.
Muli ko siyang tinignan bago ako naglakad papalapit sa mini sala na nandito sa opisina niya.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na nakahanap na ako ng trabaho, basta ang alam ko, kailangan ko 'tong gawin para kay Kaleigh.
"Let's go," narinig kong untag ni Everett bago mabilis na naglakad papunta sa pinto. Agad din akong tumayo at sumunod sa kan'ya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kan'ya sa gitna ng paglalakad namin.
Hindi naman siya sumagot, pero mabilis niya akong nilingon bago ipinagpatuloy ang kan'yang paglalakad. Napahinga naman ako ng malalim bago rin ako nagpatuloy sa paglalakad.
Patuloy lang akong naglakad kasama si Everett hanggang sa nakarating kami sa main hall. Pansin ko lang din na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao, kanina pa rin ako tinitignan ng mga nakakasalubong namin mula ulo hanggang paa.
"Don't mind the stares. Just keep walking," narinig kong untag ni Everett sa unahan ko, pero laking gulat ko nang biglang itong huminto sa paglalakad at sinabayan ako sa paglalakad.
"You have to keep your face up, and let them see your authority. Because sooner or later, they'll going to recognize you as my wife," sabi pa nito. Napalunok naman ako bago ako tumango.
Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang parking lot. Huminto naman si Everett nang makatapat na kami sa isang itim na sasakyan. Pumunta siya sa passenger seat katabi ng driver seat bago binuksan ang pinto. Nilingon niya pa ako na para bang sinasabi na dapat alam ko na kung ano ang gagawin ko kaya dali-dali akong pumasok sa sasakyan at naupo.
Matapos niyang isara ang pinto kung saan ako pumasok ay agad din siyang pumunta sa driver seat at nagsimulang magmaneho.
Nanatili kaming tahimik na dalawa sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa isang private resort. Agad akong napalingon sa lalaking katabi ko pero walang reaksyon ang kan'yang mukha.
Nang tapos na kaming mag-park ay agad na bumaba si Everett at binuksan ang pinto sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kan'ya bago ako bumaba ng sasakyan.
"Let's go," rinig kong untag niya bago siya naglakad papunta sa isang kuwarto. Agad din akong sumunod sa paglalakad bago ako napatingin sa paligid at doon ko nakita 'di kalayuan ang isang swimming pool.
"Mr. Gunner," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses kaya agad akong napatingin sa harapan. At doon, nakita kong nakatayo ang apat na lalaking ngiting-ngiting nakatingin sa amin.
"How's the preparation?" biglang tanong ni Everett.
"Ayos na ayos na ang lahat, Boss! Bride at groom na lang ang kulang," nakangiting sagot ni Asher bago tumingin sa akin at ngumiti.
Napakunot naman ang noo ko. Doon ko na lang din na-realize na nakasuot ng formal attires sina Asher, Drake at ang dalawang lalaking kasama nila.
"Good. The team?" tanong naman ni Everett.
"Nasa kabilang kuwarto, Mr. Gunner," sagot naman ni Drake bago ngumiti sa akin.
"Alright," sabi ni Everett bago hinawakan ang palapulsuhan ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya, at halos manginig ako sa epekto ng naging paghawak niya sa akin.
Narinig ko namang may sumipol sa apat bago ako tuluyang hinila ni Everett papalabas ng kuwarto. Binitawan din niya ang kamay ko nang tuluyan na kaming makapasok sa isa pang kuwarto. Akmang lalabas na sana si Everett nang mabilis kong hinawakan ang suot niyang damit.
"S-Sino sila?" tanong ko bago ako sumulyap sa mga taong nakatayo malapit sa amin. May nasa pitong tao ang nakangiti sa amin habang nakatingin. Tinignan niya naman ako bago siya sumagot.
"They are the team who's going to fix you. Don't worry, they won't harm you," sabi niya bago tuluyang lumabas.
Agad na lumapit naman sa akin ang mga tao sa loob ng kuwarto at hinila ako papunta sa isang upuan. Nanatili lang akong nakatingin sa sarili kong reflection sa harap ng salamin habang kabilaang pag-aayos naman ang ginagawa nila sa buhok, mukha, pati na sa mga kuko ko sa kamay at paa.
Ngayon naiintindihan ko na kung ano ang nangyayari. Mukhang ngayong araw na nga gaganapin ang kasal na sinasabi sa akin ni Everett.
Matapos ng pag-aayos sa akin ay pinasuot ako ng isang puting dress na above the knee at sleeveless. Backless din ito, habang low-cut rounded naman ang neckline.
Iniabot din sa akin ng isang babae ang isang bouquet ng bulaklak. Agad akong napalunok nang makita ko ang kabuuang itsura ko sa tapat ng isang malaking salamin.
"Bongga! Paniguradong mas mai-inlove sa'yo si Mr. Gunner!" narinig kong komento ng baklang nag-ayos sa buhok ko kanina. Hindi naman ako nagsalita, tanging pag-ngiti lamang ang naisagot ko sa kan'ya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. Kinakabahan ako pero hindi ko maintindihan.
Agad namang nawala ang mga iniisip ko nang makarinig kami ng marahang pagkatok sa pintuan. Hindi nagtagal ay bumukas 'yon at pumasok si Drake ng nakangiti.
"Nice! Paniguradong speechless sa'yo nito si Mr. Gunner," narinig kong sabi niya habang iiling-iling. Napakunot naman ang noo ko pero hindi na ako nagtanong pa.
"Tara na? Kanina ka pa niya hinihintay sa labas," dugtong pa niya. Napalunok naman ako bago ako tumango.
Lumapit naman sa akin si Drake bago iminuwestra ang braso niya sa harapan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumapit sa kan'ya.
Ngumiti naman siya sa akin bago kami tuluyang lumabas. Hindi tulad sa dinaanan namin ni Everett kanina, sa ibang hallway kami dumaan ni Drake. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Napalunok naman ako nang bigla kaming huminto sa paglalakad. Doon ko lang na-realize na nasa tabi na kami ng swimming pool na nakita ko kanina.
"Congratulations in advance, Mrs. Gunner," narinig kong sabi ni Drake bago ako iniwang nakatayo.
Muli akong napalunok bago ko inilibot ang paningin ko. Doon ko lang na-realize na iniwan ako ni Drake sa tapat ng isang arko ng mga puting bulaklak. Habang ang sahig naman ay may mga nagkalat na mga puti ring bulaklak.
Mas lalong kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Mas lalo ring hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
Napatingin ako sa harapan, at doon, hindi kalayuan, nakatayo si Everett at titig na titig sa akin. Habang sina Drake, Asher at ang dalawa pang lalaki ay nakatayo sa gilid. Sa harapan naman ay may isang mesa at isang lalaking nasa mid-fifty's na ang edad.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Bigla namang may kantang tumugtog na siyang ikinagulat ko. Muli akong napatingin kay Everett. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimula na akong maglakad papunta sa kan'ya nang makita ko kung paano niya ako tignan.
Patuloy lang akong naglakad habang titig na titig din sa lalaking naghihintay sa akin sa unahan. Kinakabahan ako pero bukod doon ay may kung ano akong nararamdaman habang nakatitig sa mga mata niyang nakatitig pa rin sa akin.
Huminto na ako sa paglalakad nang isang hakbang na lamang ang pagitan naming dalawa. Walang emosyon ang kan'yang mukha, pero may kung anong sinasabi ang kan'yang mga mata.
Pareho naman kaming napatingin sa parang judge na nasa harapan namin nang bigla itong nagsalita.
"Ms. Davis, and Mr. Gunner?" nakangiting sabi ng lalaki. Humarap naman kami sa kan'ya. At nang makita ng judge na maayos na kaming nakapwesto ay muli siyang nagsalita.
"Today, we are gathered here to witness the holy formal joining of matrimo---" patuloy na nagsalita ang judge sa harapan namin habang napatingin naman ako kay Everett na nakatayo sa tabi ko.
Napatingin din siya sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kan'ya. Ilang segundo niya muna akong tinignan bago siya nagsalita na siyang nagpatindi sa kaba na nararamdaman ko.
"After this, you're officially my rented wife."
Third Person's POVMabilis ang lakad ni Everett Gunner habang sinusundan ang mga lalaki na nakatingin sa kanila kanina. Wala siyang pakialam kung nasaang lugar sila o kung maraming tao.Patuloy lamang siya sa pagsunod hanggang sa tumigil ang isa sa dalawa at biglang binaril ang kaniyang kasama."Mr. Gunner," panimula ng lalaki.Tinignan naman siya ni Everett na hindi na nabigla sa kung ano mang ginawa niya."Mr. Trevor Franz is nowhere to be found. Hindi pa siya nakikita ng kahit na sino sa Nox matapos ang party ni Mrs. Gunner," sabi ng lalaki.Hindi naman kumibo si Everett. Inilabas na lang niya ang bagay na kanina pa nasa bulsa ng suot niyang pantalon at inabot 'yon sa lalaki."She's at Makati. I've decided to sent her there to keep her safe. That's the key to the villa, I'll inform my men about you so they wouldn't come after you," sabi niya.Tumango naman ang lalaki bago ngumiti. Kita ang saya at lungkot sa mga mata nito."Is she already okay?" tanong niya.Umiling naman si Everet
Kateryna's POV"I taught you basic Muay Thai moves so that you know how to protect yourself against our enemies if ever I am not around. But this doesn't mean that you could go around fighting whoever you want," sabi ni Everett na siyang dahilan ng pag-irap ko."Anong tingin mo sa akin, war freak?" tanong ko. Ngumiti naman siya bago siya natawa."No. But with that little temper of yours..." may kakaibang ngiting sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama."Okay, okay. I was just kidding," sabi niya pa bago itinaas ang kamay niya na parang sumusuko. Nandito kami ngayon sa training area nitong bahay na tinitirahan namin ni Everett. Ilang linggo na rin niya akong tinuturuan mag Muay Thai pero dahil buntis nga ako, hindi kami madalas matagal mag-training dahil iniiwasan namin na mapagod ako ng sobra."Have you remember on what do to first?" bigla niyang tanong. Tumango naman ako bago ako nagsalita."Yes," simpleng sabi ko. Pumuwesto naman si Everett sa harapan ko bago siya nag-stance."Rem
Asher's POVNakayuko ako habang nakaupo sa sala ng vacation house ni Everett. Masama ang tingin niya sa amin habang may hawak siyang baril."I put my Wife's life on your hands, then what happened? You fucking lost her," walang emosyong sabi niya habang nakatayo sa harapan natin.Tangina. Mas gusto ko pa makipagbarilan sa bente katao kesa makaharap ng ganito kaseryoso si boss."Hubby, ang OA mo! Okay naman ako," sabi naman ni Kateryna na kabababa lang ng hagdan."Right now you're fucking okay. Why did you even left these assholes to begin with? Where did you go?" mahinahon pero nakakatakot ang boses na tanong ni Everett.Mabagal ko namang nilingon si Kateryna. Simula nang magpakasal ang dalawang 'to, never ko pa sila nakitang nag-away. Kaya ngayon na nangyayari 'to sa harapan namin, hindi ko maintindihan kung ano bang mararamdaman ko."Mga kaibigan ko naman 'yong pinuntahan ko," sagot naman ni Kateryna. Napatingin naman ako kay Everett na napahilamos na ng mukha.Alam ko namang magagal
Kateryna's POVHalos kagigising ko lang kanina nang bigla na lamang akong sinabihan ni Everett na lilipat kami ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, basta ang alam ko vacation house niya ang bahay na 'to."Bakit ba kasi tayo lumipat?" tanong ko habang nakaupo sa sala at kumakain ng sandwich."This is for the best," simpleng sagot lang niya sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa. Inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid.Simple pero elegante tignan ang buong bahay. Kagaya ng dating bahay ni Everett, manly ang interior design at para itong mini-mansion."Kanino pala 'to, Hubby?" tanong ko bago ako uminom ng tubig."Mom," simpleng sagot niya lang ulit kaya napatango ako."Are you hungry?" biglang tanong niya na naglalakad na ngayon papalapit sa akin habang may dalang bag."Hindi naman," sagot ko naman bago ko itinuro ang dala niya."Ano 'yan?" tanong ko.Tumingin naman siya sa dala niya bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin at saka siya naglakad papunta sa center ta
Third Person's POVMaingat na naglalakad pababa ng hagdan si Kateryna dahil sa madilim na paligid. Pinakikiramdaman niya kung may mga maririnig siyang mga paggalaw."Bakit ba kasi pinatay pa ang ilaw," kunwaring reklamo niya nang makarating na siya sa baba.Si Everett naman ay nakamasid sa asawa habang sinisipat ang isang lalaki na nakasunod dito. Hindi siya maaaring gumawa ng hakbang habang hindi pa tuluyang nakakababa ang asawa dahil baka mahulog ito sa hagdan kapag ito ay nagulat.At nang tuluyan nang nakababa si Kateryna ay mabilis ng pinatay ni Everett ang ilaw at saka dahan-dahan na lumabas ng kwarto. Ni-hindi napansin ng lalaki na naglalakad sa hagdan ang presensya ni Everett na mabilis na tinakpan ang bibig niya at saka iniikot ang ulo nito.Matapos ng kan'yang ginawa ay mabilis niyang hinila ang katawan ng lalaki pabalik sa hallway ng second floor at doon niya muling tinignan si Kateryna na naglalakad sa dilim at hinahanap ang switch ng ilaw.Madilim ang buong villa kung saan
Kateryna's POVNakangiti akong nakatingin kay Asher habang nagsasalita siya. Hindi ko pa rin lubos na maisip na mafia sila."Anong tingin mo Kateryna? Sino ang mas may itsura sa aming tatlo? Sino papasa bilang si Everett?" nakangiting tanong niya kaya natawa ako."Wala," sagot ko. Nakita ko naman ang malungkot na mukha niya.Kanina pa kasi silang tatlo nag-i-impersonate. Ginagaya nila kung papaano si Everett umakto. At hindi ko mapigilang hindi matawa sa kung paano sila gumalaw."Pero kuhang-kuha ni Hunter," tawa ko.Nandito kasi kami sa sala dahil pinalabas ako ni Everett kasama nila. Ang sabi niya sa akin ay may transaction daw siyang gagawin sa loob ng kwarto kasama 'yong lalaki kanina."Wif," narinig kong pagtawag niya sa akin.Agad namang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko siyang nakangiti sa akin. Dahil ewan ko ba, basta naiinis ako kay Everett lalo kapag pangiti-ngiti siya."Nakangiti ka na naman?!" inis na sabi ko. Kumunot naman ang noo niya."What?" nalilitong sabi ni