แชร์

The Mafia Boss Saved Me
The Mafia Boss Saved Me
ผู้แต่ง: Shakira29

Chapter 1

ผู้เขียน: Shakira29
last update วันที่เผยแพร่: 2024-06-03 23:23:59

Pumatak ang mga luha sa mata ni Tyra nang malaman niyang kaibigan pala niya ang kabet ng kaniyang asawa. Hawak-hawak ni Tyra ang cellphone ni Maximo habang nakaupo sa sahig at luhaan itong hinahapo ang dibdib. Nagising si Maximo sa kalagitnaan ng gabi at napansin niyang hawak ni Tyra ang cellphone niya. Hinablot nito agad mula sa kaniyang kamay- nagulat ito ng nakabukas ang convo nila ni Luviana.

"How dare you to access my privacy?!" bulyaw ni Maximo.

"Privacy? Niloko mo ako maximo," saad ni Tyra sa garalgal na boses.

"Wala ka ng pakialam doon. Look at you, ang pangit mo na at ang taba-taba mo na," anito.

"Kaya mo ako pinagpalit dahil nagbago ang itsura ko? Ikaw? Nagbago karin naman ah pero kahit kailan hindi ako naghanap ng iba. Kahit nasasaktan na ako at kahit sakal na sakal na ako hindi kita iniwan," ani ni Tyra.

Dinampot ni Maximo si Tyra na parang basahan at isinandal sa pader. Dinuro ito at pinanlikisikan ng mata.

"Huwag na huwag kang manghimasok sa relasyon namin kung hindi-"

"Kung hindi? Ano? Ano? Papatayin mo ako ha?" bulyaw ni Tyra.

Sinampal siya ni Maximo at napayuko na lamang ito habang bumabagsak ang luha. Iniwan siya ni Maximo at kinuha ang kotse sa garahe. Samantala, wala sa sariling pumunta si Tyra sa bahay ni Luviana at doon na niya hinarap ang traydor na kaibigan.

-------

"Luviana lumabas ka!" bulyaw ni Tyra sa labas ng mansyon ng kaniyang kaibigan. Kinalampag nito ang mataas na tarangkahan habang sinasalakay ng ibat-ibang emosyon. 

 Hindi nag-aatubiling buksan ni Luviana ang gate, lumabas itong taas-noo na parang hindi nang-agaw ng asawa. Matangkad, balingkinitan ang katawan, mayaman, maganda, at mistisa si Luviana. Hindi mapagkaila kung bakit mabilis niyang naagaw ang pagmamay-ari ng iba.

 "Problema mo?" mahinahon na tanong nito kay Tyra.

 "May amnesia kana ba?"

 "Ahh.. About your husband?" Ngumisi ito na parang demonyong napadpad sa lupa. "Uy! Hindi ko kasalanan kung gusto niya ako." 

Nangilid ang luha ni Tyra habang nakakuyom ang kamao, sa isip niya ay parang sampung beses na niya itong sinuntok sa mukha. Huminga ito ng malalim bago nagsalita... 

 "Grabi! hindi ko inasahan na ipagpalit mo lang ang pagkakaibigan natin sa isang lalaki."

 'Kaibigan? Not anymore, Tyra. Mas mapakinabangan ko si Maximo kaysa sa'yo. Look at you now?" pangmata-mata nitong pagkasabi, tiningnan niya si Tyra mula ulo hanggang paa. "Walang-wala kana, kahit piso panigurado wala na."

 Itinaas nito ang sulok ng kanyang labi at hinagis ang papel sa mukha ni Tyra. Dahan-dahang pinulot ni Tyra ang papel saka tiningnan. Kumunot ang noo nito habang nanginginig sa galit. Marriage contract ng asawa niya at ni Luviana ang kanyang hinawakan. Inangat niya ang kanyang tingin at unti-unting tumutulo ang luha nito.

Kumunot ang kaniyang noo at sabay tinanong ang kaibigan.

 "A-anong ibig sabihin nito? Kasal na kayo ni Maximo?" tanong niya sa garalgal na boses.

 "Oo" sagot nito na ngumingiti pa na parang nang-aasar. 

 Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at tila'y tinusok ng libo-libong karayom ang kanyang dibdib. Hinilot niya ang kaniyang sentido na parang may bumabalik na alaala sa kaniyang isipan.

"Ibig-sabihin... Divorce paper ang pinaperma ni Maximo sa akin noong nag-inuman kami? Na ang sabi niya ay share ko iyon sa kompanya?" sambit niya sa kaniyang sarili habang inaalala ang mga nangyari 2 weeks ago.

Iniwan na lamang siya ni Luviana sa labas ng gate at pinagsarhan ito. Napaupo na lamang siya sa labas habang hawak-hawak ang mga hibla ng kaniyang buhok. Halos hindi na makita ang mukha nito sa gulo ng buhok, walang bihis at naka-pantulog lamang ito. Patuloy na bumabagsak ang luha kasabay sa pagbagsak ng ulan. Napakahayop! Hindi niya lubos inakala na aabot sa ganitong pag traydor ang kaniyang asawa.

Hindi na niya naramdaman ang ulan sapagkat ang puso niya'y puno ng galit at pagsusumamo. Nawala na lahat sa kanya: Sarili niya, pamilya niya at ang kaisa-isang anak niyang inampon na ang akala niya ay mamahalin rin ni Maximo, hanggang ngayon hindi parin alam ni Maximo na ampon iyon ni Tyra. Namatay ito na wala man lang saktong imbestigasyon kung bakit na disgrasya ang sinakyan nito ngunit may bumabagabag sa kanya na baka hindi aksidente ang nangyari sa anak niya. 

Habang nakaluhod sa kalsada naalala niya ang mga ginawa ni Maximo sa kaniya. Habang siya ay nagluluksa sa pagkawala ng kaniyang anak, si Maximo naman ay uuwi lamang na lasing at sa tuwing umuwi ito, halos di maipaliwanag ni Tyra ang kaniyang kaba dahil hihilain lang siya bigla ni Maximo sa kuwarto para makipag-s*x. Walang gana si Tyra makipag-s*x kay Maximo dahil pinapalo lamang siya ng bakal ni Maximo. Puro pasa ang kaniyang katawan pagkatapos nilang pagsaluhan ang gabi.

Para kay Tyra, hindi siya minahal ni Maximo kundi isa lamang siyang parausan. Ngayon naintindihan. niya na kung bakit nanlamig na si Maximo sa kaniya dahil mayron na pala siyang pinag-iinitan. Ang sakit ay napalitan ngayon ng galit habang naiisip niya ang mga ginawa ni Maximo at ng kaniyang kaibigan.

 Kumidlat, kumulog at patuloy na bumuhos ang ulan ngunit hindi parin niya kayang itayo ang dalawang paa. Sumigaw ito ng malakas... "Ma...xi...mo!!... Pagbabayaran mo lahat ang mga ginawa mo sa akin!" Madiin nitong pagkasabi na tila ba'y isusumpa niya ang kaluluwa nito. Hindi lang si Maximo ang gusto niyang isumpa kasama na rito ang babaeng tinuring niyang kaibigan ngunit ahas pala. 

 "Balang araw, sasang-ayon rin sa akin ang tala. Maghihiganti ako at pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo sa akin. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad! Kung kaya kong ilibing kayo na buhay, gagawin ko!" madiin niyang pagkasabi habang matiim na nakatingala sa mansyon.

Basa ang damit at halos mapiga na ang mga mata sa mga luha. Pinilit niyang tumayo at naglakad pauwi sa kanilang bahay. Maganda at balingkinitan rin ang katawan ni Tyra noon at makinis rin ang kaniyang kutis ngunit simula noong nag-iba ang trato ni Maximo sa kaniya ay na stress ito at ang tanging nagpapakalma sa kaniya ay pagkain. Bagsak ang balikat na naglalakad si Tyra sa gilid ng kalsada. Dumadagundong sa kaniyang tainga sa mga sinabi ni Luviana sa kaniya, napakahayop nilang tao.

Nagawa nilang lokohin ang inosenteng babae na walang hinahangad kundi ang magkaroon ng masayang pamilya. Malalim ang iniisip habang naglalakad. Tumawid ito sa kalsada nang biglang may bumusenang sasakyan sa kaniyang harapan. Napaupo si Tyra habang tinatakpan ang kaniyang tainga ngunit pagbaba ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan ay nakahiga na ito sa kalsada dahil nawalan ito ng malay. Walang pag aatubiling kinarga ng lalaki si Tyra sa sasakyan niya at isinugod ito sa hospital. Nagpaharurot itong nagpatakbo at tinawagan ang hospital na pasyenteng dadating.

 ---------- 

 Nagising si Tyra na ang bumungad sa kaniya ay puting kisame. Maga ang kaniyang mata sa pag-iyak kaya masakit rin ang kaniyang ulo. Dahan-dahan itong bumangon ngunit nakaramdam ito ng sakit nang napagtanto niyang naka dextrose pala siya. Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib, naalala niya ang nangyari kahapon na muntikan siyang masagasaan. Paglingon niya ay may nurse na nag-papalit ng kaniyang dextrose.

 "Anong nangyari Ma'am sino po nagdala sakin dito?" pagtataka niyang tanong sa nurse.

 "Hinatid ka rito ni Mr-" naputol ang kaniyang sinabi ng biglang pumasok ang lalaking naghatid sa kaniya. Matangkad, naka black tuxedo, moreno at naka brush style ang kaniyang buhok. May mga guards pa itong kasama na nakabantay sa kaniyang likuran. Nag bow naman agad ang nurse sa kaniya at binigyan ng daan itong lalaki para makalapit kay Tyra.

 "So you're awake na pala?" Malamig niyang tugon at walang ekspresyon sa mukha. "Nurse, pwede mo ng palabasin ang babaeng ito at ibigay mo na sa kaniyang ang bill ng hospital."

 "Sige po, Mr. Grey Cisco," tugon ng nurse at tuluyang nilisan ang room ni Tyra.

 Gulat at may halong pag-alala ang naramdaman ni Tyra dahil ni kahit piso ay wala ng laman ang kaniyang bulsa. Lahat ng meron siya ay kinuha na ng kaniyang gagong asawa. Kahit ang kaniyang ari-arian na sana'y pinamana sa kaniya ng kaniyang late mom and dad ay napasakamay na ni Maximo.

 "What are you waiting woman? Maghanap kana ng paraan para mabayaran mo ang hospital bills saka kailangan natin mag-usap sa police station. Akala mo ma peperahan mo ako? Sinadya mo bang magpasagasa ha?" bulyaw ng lalaki sa kaniya. Lumunok si Tyra at nagsalita ito.

 "Sir... I don't have money right now. Maawa ka tulungan mo muna ako ngayon. Nilo-" 

 "Maawa? What a bullshit word! Naabala mo pa nga ako tapos ang bigat mo pa," pagputol niya kay Tyra.

 "Sir... Niloko ako ng asawa ko... Lahat ng meron ako ay kinuha niya. Sir maawa ka... Gagawin ko lahat basta tulungan mo muna ako ngayon," tugon ni Tyra habang umiiyak. 

 Matiim siyang tiningnan ng lalaki at nag-isip ito saglit. Suminghap habang nakapamulsa.

 "Sure ka ba na gagawin mo ang lahat? Sige! Tutulungan kita pero sa isang kondisyon."

 Kabadong inaabangan ni Tyra kung anong kondisyon ang sinasabi ng lalaking kaharap niya. 

 "Be my rented wife." 

 Nanlaki ang mata ni Tyra, para bang nabingi siya sa sandaling iyon. 

 "Ano ho? Rented wife?"

 "I thought gagawin mo lahat then be my wife. Bigyan mo ako ng anak, pagsilbihan mo ako kapalit ng dalawang bilyon."

 Hindi man manguya ni Tyra ang nangyayari ngayon ngunit wala siyang ibang option. Kailangan rin niya ng pera para makapaghiganti kay Maximo at Luviana. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng kaniyang luha at kinuha ang kamay ng lalaki.

 "Sige, deal! Gagawin ko po lahat!"

 Walang ekspresyong nakatingin lamang si Mr. Grey sa kaniya. 

 -------

  Pagkatapos nag-mabutihan sa hospital ay nakalabas rin si Tyra sa hospital na walang binayaran. Isinama na siya ni Mr. Grey at pinasakay ito sa kaniyang sasakyan. Nang nakarating na sila sa paroroonan ay agad na bumaba si Tyra sa kotse at nilibot ang kaniyang tingin. Namilog ang kaniyang mata ng nasa shop sila ng mga damit. Pinapasok siya roon at pinapili ng mga damit, mga sandals at mga bags. Napakamot nalang si Mr. Grey nang inabot sila ng dalawang oras ngunit wala parin kumasya sa kaniya na damit. Naghintay pa sila ng mga plus size na damit na galing pa mismo sa main branch ng shop at iyon ay sobrang mahal pa ang presyo.

 Pagkatapos ay dinala ito sa salon at pinaayosan saka sila pumasok sa photo studio. Nagtataka man si Tyra ngunit sumunod lang siya sa utos ni Mr. Grey dahil ang tanging dalawang bilyon lamang ang gusto niya para makapag-higanti. Pagpasok nila ng photo studio ay hindi natiis ni Tyra magtanong kung bakit sila kailangan mag pa-picture at bakit sa dami ng kulay bakit naka puro itim sila. May namatay ba? 

 "S-sir, bakit ho nandito tayo?" Madiin na hinila siya ni Grey at hinapit ito sa bewang papalapit sa kaniyang dibdib. 

 "Shut up, woman! We need a picture together dahil simula ngayon, asawa na kita."

 "Asawa agad? How about the fake wedding?" ani ni Tyra. 

 "I'll make sure first kung wala naba tayong problema sa papers," saad ni Grey. 

 "Of course wala na, nag-perma na ako ng divorce paper," malungkot at nangingilid ang luha na paliwanag ni Tyra. Malalim naman siyang tiningnan ni Mr. Grey na para bang kakainin siya sa tingin nito. Bigla siyang napayuko at inayos ang kaniyang damit.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Mafia Boss Saved Me   Chapter 9: Sugat ng Nakaraan

    Habang abala si Tyra sa pag exercise ay sumilip naman si Grey sa siwang ng pintuan. Nakasout ito ng cycling short at over sized shirt. Pinasadahan niya ng tingin mula sa paa hanggang sa pwet at sa kaniyang maamong mukha. Napangiti na lamang ito at biglang nagsalita sa kaniyang isip. "Soon, magiging masaya ka rin sa maging resulta. Kung ako lang, tanggap kita pero kailangan mong ipakita kay Maximo ang hindi mo pa naipakita sa kaniya." Pagkatapos titigan si Tyra ay umalis rin ito habang sinagot ang tumatawag sa kaniyang cellphone."Hello!""This is from taekwando team, nag request raw po kayo boss na gamitin muna ang gym?" saad nito sa kabilang linya. "Yes, we will be there tomorrow."Hindi lamang pag-exercise ang ipagawa ni Grey kay Tyra. Tuturuan niya rin itong mag taekwando, magaling si Grey dito kaya nag-desisyon siyang siya na mismo magturo kay Tyra. Agad itong sumakay ng kaniyang kotse at pumunta sa kanilang hide out upang mag monitor ng mga updates sa kanilang mga kliyente. S

  • The Mafia Boss Saved Me   Chapter 8: Tyra, Grey, and Maximo

    Nanlaki ang mata ni Tyra nang makita si Grey. Hindi alam ni Tyra kung ano ang kaniyang gawin dahil wala naman sa kanilang dalawa ang gusto niyang makasama kaso hindi niya maintindihan kung bakit nang nasilayan niya si Grey ay para bang nakahanap siya ng kakampi. Akala niya'y sa movie lang ang mga super hero pero sa puntong ito iyon ang naramdaman niya kay Grey. Agad niyang hinila si Grey at sinirado ang pintuan. "Just please forgive me this time, Grey," saad niya habang nanginginig ang mga daliri at tuhod nito. Biglang may kumatok... hindi alam ni Tyra ang kaniyang gagawin. Hawak-hawak niya ang kaniyang kamay habang tinitigan ang siradura ng pintuan na pinipilit buksan. Nakita niya ang wine sa mesa at agad itong nilagok, hindi ito sanay sa inuman ngunit ito lamang ang paraan niya para maibsan ang kaba. Dinikit niya ang kaniyang tainga sa pintuan upang marinig ang pinag-usapan ng mga tao sa labas. Sa isip niya ay panigurado si Maximo itong kumakatok."Bring me a key!!" Bulyaw ni Max

  • The Mafia Boss Saved Me   Chapter 7: Secret VIP Bar

    Pina- set up agad ni Grey ang mga gamit pang exercise sa dati niyang mini workout gym. Dati kasi ay laging nag e-exercise si Grey pero ngayon ay medyo malimit na ang kaniyang pagbuhat. May exercise parin pero halos jogging and boxing nalang pinagkakaabalahan nito. Nang naayos na ang lahat ay napatitig siya sa malapad na salamin. Naalala niya noong bata pa sila ng kapatid niya na lagi silang naglalaro noon sa workout room ng kanilang daddy. Sadly, he parted ways with his family- maalimoot ang storya ng buhay ni Grey pareho sila ni Tyra kaya gano'n na lamang ang kaniyang gusto na matulungan si Tyra na maghigante kay Maximo. He knows everything about Tyra, vip client niya si Maximo pero di niya alam na may kinukulong pala itong asawa sa loob ng kaniyang mansyon. Ang akala niya'y malaya itong nagpapalit ng mga babae yun pala ay may na agrabyado na siyang asawa. He wants to help Tyra sa hindi malamang dahilan- maybe because magiging ina siya ng kaniyang anak o baka dahil pinapatibok na ni

  • The Mafia Boss Saved Me   Chapter 6: Be Fit and Healthy, Tyra

    Mabigat man sa kamay ang mga pagkaing nasa harapan ni Tyra ay naubos niya rin ito. Naalala niya ang kaniyang ina na isang vegetarian na pinipilit rin siyang pakainin noon ng gulay. Tumikim siya ng kaunti ngunit maubos niya rin nang magustuhan niya ang lasa nito. Pagkatapos kumain ay agad niligpit ang mga plato at inilagay sa kusina. Pinanindigan niya ang kanilang sunduan ni Grey na pagsilbihan siya ngunit agad na inagaw ni Manang Alma, ang pinakamatandang maid dito sa mansion- siya ang mayordoma sa pamamahay na ito ngunit mabait at malumanay ito magsalita. "Ay! Naku! Huwag ka ng mag-abala riyan, Tyra sila na ang bahala maghugas." "Okay lang ho, at least naman makatulong ako rito sa mansyon," si Tyra."Hindi na, magpahinga kana. Dapat pagsilbihan rin namin ang mapapangasawa ng aming boss saka halata saiyo na hindi ka sanay sa gawaing bahay, malamang anak ka rin mayaman." Tuluyang binitawan na ni Tyra ang plato at nagpatuloy nakipag-kwentuhan kay Manang Alma."Alam niyo po ba ang tun

  • The Mafia Boss Saved Me   You Need To Prepare for The Wedding

    Pabalik na ng mansyon sina Tyra at Grey, habang nagmamaneho si Grey, si Tyra naman ay pilit binubuo ang mga nangyari sa buhay niya. Hindi niya lubos-maisip na mas hayop pa pala si Grey kaysa kay Maximo, isang mafia boss! Pumapatay at isang Drug dealer sa mga mayayamang tao. Kinakagat niya ang kaniyang sariling kuko habang iniisip paano siya makatakas. Bubuksan nalang ba niya ang kotse at tatalon siya? O aagawin niya ang manibela kay Mr. Grey para sabay-sabay nalang silang mawala sa mundong 'to? Litong-lito na si Tyra kung ano ang kaniyang gagawin ngunit nagbago ang kaniyang isip nang pagtingin niya sa bintana ay naroon sa malaking gusali nakasabit ang malaking billboard ni Luviana, ang traydor niyang kaibigan na akala niya'y tinuring siyang mabuti. Nakasaad roon sa billboard na mag-opening ito ng kaniyang sariling negosyo na mga damit, Clothing business. Kinuyom niya ang kaniyang kamao at unti-unting tumutulo ang mga luha. Tiningnan niya si Maximo na kanina pa seryusong nagmamaneho.

  • The Mafia Boss Saved Me   Chapter 4: Maximo

    Namawis si Tyra sa puntong ito, hindi niya alam kung talaga bang susundin niya ang utos ni Grey sa kaniya. Palapit nang palapit ang mukha ni Grey sa mukha ni Tyra at dahan-dahan hinawakan ang leeg nito na parang balak na itong sakalin. Pumikit si Tyra at dahan-dahan ng ginapang ang kamay sa boxer ni Grey upang hubarin ito samantala pahigpit nang pahigpit ang pagsakal sa kaniya. Ibababa na sana niya ngunit napatigil si Tyra nang may naisip siya..."Bakit hindi nalang bra at panty ko ang unahin mong hubarin at gayong paghubad ko ng boxer mo ay dire-diretso na tayo?" Ang angas at matiim na pagtitig ni Grey ay napalitan iyon ng hindi mawaring ekspresyon. Napalunok ito at unti-unting binitawan ang leeg ni Tyra. Natulala at hindi alam ang sasabihin. Tumalikod si Tyra at hinubad ang kaniyang pantulog na damit at pinapatanggal ang hook ng kaniyang bra. As if she is bold, but the truth is wala na talaga siyang maisip na rason. Hinawi niya ang kaniyang mahabang buhok at nilagay iyon sa harap

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status