The Mafia Boss Saved Me

The Mafia Boss Saved Me

last update最終更新日 : 2026-08-16
作家:  Shakira29たった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
評価が足りません
9チャプター
3ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Tumaba sa stress si Tyra simula nang namatay ang kaniyang adopted child. Akala niya'y dadamayan siya sa hirap ni Maximo ngunit ipinagpalit lamang siya sa kaibigan nito. Akala niya'y katapusan na ng kaniyang buhay ngunit may isang mafia ang handa siyang protektahan.

もっと見る

第1話

Chapter 1

Pumatak ang mga luha sa mata ni Tyra nang malaman niyang kaibigan pala niya ang kabet ng kaniyang asawa. Hawak-hawak ni Tyra ang cellphone ni Maximo habang nakaupo sa sahig at luhaan itong hinahapo ang dibdib. Nagising si Maximo sa kalagitnaan ng gabi at napansin niyang hawak ni Tyra ang cellphone niya. Hinablot nito agad mula sa kaniyang kamay- nagulat ito ng nakabukas ang convo nila ni Luviana.

"How dare you to access my privacy?!" bulyaw ni Maximo.

"Privacy? Niloko mo ako maximo," saad ni Tyra sa garalgal na boses.

"Wala ka ng pakialam doon. Look at you, ang pangit mo na at ang taba-taba mo na," anito.

"Kaya mo ako pinagpalit dahil nagbago ang itsura ko? Ikaw? Nagbago karin naman ah pero kahit kailan hindi ako naghanap ng iba. Kahit nasasaktan na ako at kahit sakal na sakal na ako hindi kita iniwan," ani ni Tyra.

Dinampot ni Maximo si Tyra na parang basahan at isinandal sa pader. Dinuro ito at pinanlikisikan ng mata.

"Huwag na huwag kang manghimasok sa relasyon namin kung hindi-"

"Kung hindi? Ano? Ano? Papatayin mo ako ha?" bulyaw ni Tyra.

Sinampal siya ni Maximo at napayuko na lamang ito habang bumabagsak ang luha. Iniwan siya ni Maximo at kinuha ang kotse sa garahe. Samantala, wala sa sariling pumunta si Tyra sa bahay ni Luviana at doon na niya hinarap ang traydor na kaibigan.

-------

"Luviana lumabas ka!" bulyaw ni Tyra sa labas ng mansyon ng kaniyang kaibigan. Kinalampag nito ang mataas na tarangkahan habang sinasalakay ng ibat-ibang emosyon. 

 Hindi nag-aatubiling buksan ni Luviana ang gate, lumabas itong taas-noo na parang hindi nang-agaw ng asawa. Matangkad, balingkinitan ang katawan, mayaman, maganda, at mistisa si Luviana. Hindi mapagkaila kung bakit mabilis niyang naagaw ang pagmamay-ari ng iba.

 "Problema mo?" mahinahon na tanong nito kay Tyra.

 "May amnesia kana ba?"

 "Ahh.. About your husband?" Ngumisi ito na parang demonyong napadpad sa lupa. "Uy! Hindi ko kasalanan kung gusto niya ako." 

Nangilid ang luha ni Tyra habang nakakuyom ang kamao, sa isip niya ay parang sampung beses na niya itong sinuntok sa mukha. Huminga ito ng malalim bago nagsalita... 

 "Grabi! hindi ko inasahan na ipagpalit mo lang ang pagkakaibigan natin sa isang lalaki."

 'Kaibigan? Not anymore, Tyra. Mas mapakinabangan ko si Maximo kaysa sa'yo. Look at you now?" pangmata-mata nitong pagkasabi, tiningnan niya si Tyra mula ulo hanggang paa. "Walang-wala kana, kahit piso panigurado wala na."

 Itinaas nito ang sulok ng kanyang labi at hinagis ang papel sa mukha ni Tyra. Dahan-dahang pinulot ni Tyra ang papel saka tiningnan. Kumunot ang noo nito habang nanginginig sa galit. Marriage contract ng asawa niya at ni Luviana ang kanyang hinawakan. Inangat niya ang kanyang tingin at unti-unting tumutulo ang luha nito.

Kumunot ang kaniyang noo at sabay tinanong ang kaibigan.

 "A-anong ibig sabihin nito? Kasal na kayo ni Maximo?" tanong niya sa garalgal na boses.

 "Oo" sagot nito na ngumingiti pa na parang nang-aasar. 

 Nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at tila'y tinusok ng libo-libong karayom ang kanyang dibdib. Hinilot niya ang kaniyang sentido na parang may bumabalik na alaala sa kaniyang isipan.

"Ibig-sabihin... Divorce paper ang pinaperma ni Maximo sa akin noong nag-inuman kami? Na ang sabi niya ay share ko iyon sa kompanya?" sambit niya sa kaniyang sarili habang inaalala ang mga nangyari 2 weeks ago.

Iniwan na lamang siya ni Luviana sa labas ng gate at pinagsarhan ito. Napaupo na lamang siya sa labas habang hawak-hawak ang mga hibla ng kaniyang buhok. Halos hindi na makita ang mukha nito sa gulo ng buhok, walang bihis at naka-pantulog lamang ito. Patuloy na bumabagsak ang luha kasabay sa pagbagsak ng ulan. Napakahayop! Hindi niya lubos inakala na aabot sa ganitong pag traydor ang kaniyang asawa.

Hindi na niya naramdaman ang ulan sapagkat ang puso niya'y puno ng galit at pagsusumamo. Nawala na lahat sa kanya: Sarili niya, pamilya niya at ang kaisa-isang anak niyang inampon na ang akala niya ay mamahalin rin ni Maximo, hanggang ngayon hindi parin alam ni Maximo na ampon iyon ni Tyra. Namatay ito na wala man lang saktong imbestigasyon kung bakit na disgrasya ang sinakyan nito ngunit may bumabagabag sa kanya na baka hindi aksidente ang nangyari sa anak niya. 

Habang nakaluhod sa kalsada naalala niya ang mga ginawa ni Maximo sa kaniya. Habang siya ay nagluluksa sa pagkawala ng kaniyang anak, si Maximo naman ay uuwi lamang na lasing at sa tuwing umuwi ito, halos di maipaliwanag ni Tyra ang kaniyang kaba dahil hihilain lang siya bigla ni Maximo sa kuwarto para makipag-s*x. Walang gana si Tyra makipag-s*x kay Maximo dahil pinapalo lamang siya ng bakal ni Maximo. Puro pasa ang kaniyang katawan pagkatapos nilang pagsaluhan ang gabi.

Para kay Tyra, hindi siya minahal ni Maximo kundi isa lamang siyang parausan. Ngayon naintindihan. niya na kung bakit nanlamig na si Maximo sa kaniya dahil mayron na pala siyang pinag-iinitan. Ang sakit ay napalitan ngayon ng galit habang naiisip niya ang mga ginawa ni Maximo at ng kaniyang kaibigan.

 Kumidlat, kumulog at patuloy na bumuhos ang ulan ngunit hindi parin niya kayang itayo ang dalawang paa. Sumigaw ito ng malakas... "Ma...xi...mo!!... Pagbabayaran mo lahat ang mga ginawa mo sa akin!" Madiin nitong pagkasabi na tila ba'y isusumpa niya ang kaluluwa nito. Hindi lang si Maximo ang gusto niyang isumpa kasama na rito ang babaeng tinuring niyang kaibigan ngunit ahas pala. 

 "Balang araw, sasang-ayon rin sa akin ang tala. Maghihiganti ako at pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo sa akin. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad! Kung kaya kong ilibing kayo na buhay, gagawin ko!" madiin niyang pagkasabi habang matiim na nakatingala sa mansyon.

Basa ang damit at halos mapiga na ang mga mata sa mga luha. Pinilit niyang tumayo at naglakad pauwi sa kanilang bahay. Maganda at balingkinitan rin ang katawan ni Tyra noon at makinis rin ang kaniyang kutis ngunit simula noong nag-iba ang trato ni Maximo sa kaniya ay na stress ito at ang tanging nagpapakalma sa kaniya ay pagkain. Bagsak ang balikat na naglalakad si Tyra sa gilid ng kalsada. Dumadagundong sa kaniyang tainga sa mga sinabi ni Luviana sa kaniya, napakahayop nilang tao.

Nagawa nilang lokohin ang inosenteng babae na walang hinahangad kundi ang magkaroon ng masayang pamilya. Malalim ang iniisip habang naglalakad. Tumawid ito sa kalsada nang biglang may bumusenang sasakyan sa kaniyang harapan. Napaupo si Tyra habang tinatakpan ang kaniyang tainga ngunit pagbaba ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan ay nakahiga na ito sa kalsada dahil nawalan ito ng malay. Walang pag aatubiling kinarga ng lalaki si Tyra sa sasakyan niya at isinugod ito sa hospital. Nagpaharurot itong nagpatakbo at tinawagan ang hospital na pasyenteng dadating.

 ---------- 

 Nagising si Tyra na ang bumungad sa kaniya ay puting kisame. Maga ang kaniyang mata sa pag-iyak kaya masakit rin ang kaniyang ulo. Dahan-dahan itong bumangon ngunit nakaramdam ito ng sakit nang napagtanto niyang naka dextrose pala siya. Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib, naalala niya ang nangyari kahapon na muntikan siyang masagasaan. Paglingon niya ay may nurse na nag-papalit ng kaniyang dextrose.

 "Anong nangyari Ma'am sino po nagdala sakin dito?" pagtataka niyang tanong sa nurse.

 "Hinatid ka rito ni Mr-" naputol ang kaniyang sinabi ng biglang pumasok ang lalaking naghatid sa kaniya. Matangkad, naka black tuxedo, moreno at naka brush style ang kaniyang buhok. May mga guards pa itong kasama na nakabantay sa kaniyang likuran. Nag bow naman agad ang nurse sa kaniya at binigyan ng daan itong lalaki para makalapit kay Tyra.

 "So you're awake na pala?" Malamig niyang tugon at walang ekspresyon sa mukha. "Nurse, pwede mo ng palabasin ang babaeng ito at ibigay mo na sa kaniyang ang bill ng hospital."

 "Sige po, Mr. Grey Cisco," tugon ng nurse at tuluyang nilisan ang room ni Tyra.

 Gulat at may halong pag-alala ang naramdaman ni Tyra dahil ni kahit piso ay wala ng laman ang kaniyang bulsa. Lahat ng meron siya ay kinuha na ng kaniyang gagong asawa. Kahit ang kaniyang ari-arian na sana'y pinamana sa kaniya ng kaniyang late mom and dad ay napasakamay na ni Maximo.

 "What are you waiting woman? Maghanap kana ng paraan para mabayaran mo ang hospital bills saka kailangan natin mag-usap sa police station. Akala mo ma peperahan mo ako? Sinadya mo bang magpasagasa ha?" bulyaw ng lalaki sa kaniya. Lumunok si Tyra at nagsalita ito.

 "Sir... I don't have money right now. Maawa ka tulungan mo muna ako ngayon. Nilo-" 

 "Maawa? What a bullshit word! Naabala mo pa nga ako tapos ang bigat mo pa," pagputol niya kay Tyra.

 "Sir... Niloko ako ng asawa ko... Lahat ng meron ako ay kinuha niya. Sir maawa ka... Gagawin ko lahat basta tulungan mo muna ako ngayon," tugon ni Tyra habang umiiyak. 

 Matiim siyang tiningnan ng lalaki at nag-isip ito saglit. Suminghap habang nakapamulsa.

 "Sure ka ba na gagawin mo ang lahat? Sige! Tutulungan kita pero sa isang kondisyon."

 Kabadong inaabangan ni Tyra kung anong kondisyon ang sinasabi ng lalaking kaharap niya. 

 "Be my rented wife." 

 Nanlaki ang mata ni Tyra, para bang nabingi siya sa sandaling iyon. 

 "Ano ho? Rented wife?"

 "I thought gagawin mo lahat then be my wife. Bigyan mo ako ng anak, pagsilbihan mo ako kapalit ng dalawang bilyon."

 Hindi man manguya ni Tyra ang nangyayari ngayon ngunit wala siyang ibang option. Kailangan rin niya ng pera para makapaghiganti kay Maximo at Luviana. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng kaniyang luha at kinuha ang kamay ng lalaki.

 "Sige, deal! Gagawin ko po lahat!"

 Walang ekspresyong nakatingin lamang si Mr. Grey sa kaniya. 

 -------

  Pagkatapos nag-mabutihan sa hospital ay nakalabas rin si Tyra sa hospital na walang binayaran. Isinama na siya ni Mr. Grey at pinasakay ito sa kaniyang sasakyan. Nang nakarating na sila sa paroroonan ay agad na bumaba si Tyra sa kotse at nilibot ang kaniyang tingin. Namilog ang kaniyang mata ng nasa shop sila ng mga damit. Pinapasok siya roon at pinapili ng mga damit, mga sandals at mga bags. Napakamot nalang si Mr. Grey nang inabot sila ng dalawang oras ngunit wala parin kumasya sa kaniya na damit. Naghintay pa sila ng mga plus size na damit na galing pa mismo sa main branch ng shop at iyon ay sobrang mahal pa ang presyo.

 Pagkatapos ay dinala ito sa salon at pinaayosan saka sila pumasok sa photo studio. Nagtataka man si Tyra ngunit sumunod lang siya sa utos ni Mr. Grey dahil ang tanging dalawang bilyon lamang ang gusto niya para makapag-higanti. Pagpasok nila ng photo studio ay hindi natiis ni Tyra magtanong kung bakit sila kailangan mag pa-picture at bakit sa dami ng kulay bakit naka puro itim sila. May namatay ba? 

 "S-sir, bakit ho nandito tayo?" Madiin na hinila siya ni Grey at hinapit ito sa bewang papalapit sa kaniyang dibdib. 

 "Shut up, woman! We need a picture together dahil simula ngayon, asawa na kita."

 "Asawa agad? How about the fake wedding?" ani ni Tyra. 

 "I'll make sure first kung wala naba tayong problema sa papers," saad ni Grey. 

 "Of course wala na, nag-perma na ako ng divorce paper," malungkot at nangingilid ang luha na paliwanag ni Tyra. Malalim naman siyang tiningnan ni Mr. Grey na para bang kakainin siya sa tingin nito. Bigla siyang napayuko at inayos ang kaniyang damit.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


コメントはありません
9 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status