Share

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez
The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez
Author: LauVeaRMD

Prologue

Esha/Ayiesha POV

"WELCOME back, Lady Ayiesha." nakayukong sambit ng butler na nasa siyang sumalubong sa akin.

Agad kong inilibot ko ang aking paningin sa buong mansion o mansion ba talaga ang tawag dito? Dahil sa sobrang lawak at laki ng mansion na ito. Namamangha ako sa mansion na ito.

"Bahay namin 'to ng sinasabi mong asawa ko?" Di makapaniwala na tanong ko sa lalaking nasa gilid ko. Nilingon ko ang lalaki na kasama ko. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na bahay ito ng sinasabi nitong asawa ko.

"Yes, milady!" nakangiti nitong sambit.

"Wow, Hindi talaga ako makapaniwala." ngiti ko sa butler na kasama ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa malawak na mansion na ito. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako. Magtatanong sana ako sa kanya, kaso paglingon ko ay nawala na ito sa aking tabi.

"Welcome back, Ayiesha!" malamig na sabi sa akin ng babae. Maganda ito, di nakakasawang pagmasdan ang kagandahan nito. Siguro nasa 20s  na ito. Nasa may hagdan ito, dahil nasa sala ako ay tiningala ko ito. Nasa may puno ng hagdan kasi ito. Di ko ito kilala, pero pamilyar siya sa akin. Para bang nakita ko na siya dati.

"Nagkita na ba tayo?" tanong ko sa kanya. Di ko talaga siya maalala. Saan ko ba siya nakita?

"Yes, maraming beses na." bumaba ito sa may hagdan. "When you and my brother are married." sabi nito, sabay lakad papuntang sofa. Umupo ito sa may sofa na may pagka elegante, nanatili pa rin akong nakatayo. Nakamasid sa kanya at sa kabuuan ng mansion na ito.

"Sit!" utos nito sa akin.

 'Ay parang aso lang?!'

Umupo na ako sa sofa na kaharap nito. Naiilang ako ng titigan niya ako ng taimtim. Kaya inilibot ko na lang ang paningin ko sa buong mansion.

"Let's straight to the point, Ayiesha." tinignan niya ako ng pailalim. "Pinahanap kita, cause it's my brother wish. Sino ba naman ako para tanggihan siya di 'ba? He just woke up, 4 years ago."

Kumunot ang noo ko. Woke up, 4 years ago? Ano ba ang nangyari sa kapatid nito, na asawa ko daw. Nababasa siguro niya ang nasa isip ko base na rin sa expresion ko ay nagsalita ito.

"He meet an accident na 4 years ago at siyang naging dahilan ng pagka-coma niya, that accident is a platonic one. Planong patayin talaga ang kapatid ko." sabi nito sa akin na labis kong ikinabahala.

"Kung gano'n nasaan na siya? Sabi mo nga kagigising lang niya 4 years ago? nasaan siya ngayon? Bakit ikaw ang nagpahanap sa akin? Bakit hindi siya." sunod-sunod kong tanong.

Napa buntong-hininga ito. "Dahil, wala siya dito." tumayo ito. "Nasa ibang bansa siya. But, soon. He will be home." humarap ito sa akin at nakangiti ako nitong tinignan.

"Pwedeng magtanong!"

"Yes, go ask me,"

"Bahay ba namin talaga ito?!" nilibot ko pa talaga ang aking paningin sa kabuuan ng mansion."

Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako makapaniwala.

"Yes, he made this house for you." sabi nito sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras. Wow, may sarili na akong bahay. I thought di ito mangyayari. Ako na nagtitinda lang ng isda ngayon ay may asawa pa lang multi-billionaire. I can't believe it.

"Anong hitsura ng asawa ko?" tanong ko sa kanya. Curious kasi ako, Baka kasi matanda na pala ito, pero di naman siguro, bata pa ang kaharap ko eh, nasa 20s pa siguro ito. Nanatili itong nakatayo at nakatalikod sa akin.

"S'yempre, gwapo at bata pa, he's older than me." tumango-tango nalang ako. Inilibot kung muli ang aking paningin.

Sobrang pamilyar sa akin ang bahay. Nawala kasi ang ala-ala ko 7 years ago. Nakita nila ako nanay Cedes na walang malay. They bring me to the hospital. Then, boom wala na akong maalala at sa kasamaang palad pa. Buntis ako, wala naman akong asawa. Di ko maalala ang mga nangyari sa akin.

"When he comeback?" basag ko sa katahimikan na namumuo sa aming dalawa.

"Soon! Don't worry." humarap na ito sa akin. Umupo ulit ito. "Magkakasama rin kayong dalawa. Di naman masyadong nagtatagal do'n ang lalaki na iyon. Totok na totok yon sa paghahanap sa iyo. Ganyan ka niya kamahal."  Naka cross arm na sagot nito.

Tumango-tango ako. "But, you hurt him. You betray him. Sinaktan mo ang kapatid ko. To the point, kahit ang buhay niya ay handa niyang ibigay sa iyo." nakatingin ito sa akin na may nanlilisik na mga mata.

Pero agad din iyon nawala at napalitan ng lungkot. "But, he love you. So much. Kaya kahit na ubusin niya ang yaman niya para lang mahanap ka ay gagawin niya." malungkot niyang saad.

Tumayo ito at naglakad paalis. "Pasasamahan kita sa mga katulong sa kwarto n'yo. I need to rest. May lakad pa kasi ako mamaya." saad nito, bago umakyat.

Napatingin na lang ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. Di ko akalain na nasaktan ko ang asawa ko. Nagawa ko ba talaga iyon sa kanya? Ano ba ang klase ng buhay na meron ako dati? Bakit ba kasi di ko maalala ang nakaraan ko. Ano ba talaga ang nangyari sa akin, 7 years ago?! Bakit ba na aksidente ako. Napa buntong-hininga na lang ako.

"Ma'am, dito po tayo!" Sulpot ng isang katulong. Nagulat ako at napahawak sa aking dibdib.

"Ate naman wag kang mang gulat. Baka atakahin ako sayo n'yan eh." nanatiling nakahawak ako sa aking dibdib.

"Sorry po, Ma'am!" alanganin nitong ngiti. Umakyat na kami sa hagdan. Kung saan umakyat ang babaeng kausap ko kanina.

"Ate, kilala mo ba yong babaeng kausap ko kanina?" tanong ko dito. Nauna kasi itong naglalakad at nakasunod lang ako dito.

"Si Ma'am Beatriz po iyon. Kapatid ni Sir Terrence." sagot sa akin ng katulong.

"Ano pala ang pangalan n'yo ate?" tanong ko dito.

"Meray po." sagot naman nito.

"Matagal na po kayo dito?" tanong ko ulit.

"Bago lang po." tumango-tango na lang ako. Terrence pala ang pangalan ng asawa ko. Sumunod na lang ako sa kanya. Kung saan ang kwarto daw naming mag asawa.

"Dito Ma'am." saad nito sa akin. Pumasok kami sa isang kwarto. Agad kung inilibot sa buong paligid ang aking paningin. Napakaganda nito at napakalawak. Mas malaki pa ito sa apartment na inuupahan namin. Ang asawa ko kaya ang ama ng mga anak ko? Baka hindi. Sabi ng babae kanina, niloko ko at sinaktan ko daw ang kapatid niya.

Nilingon ko ang babae. "Salamat pala sa paghatid sa akin dito." Pasasalamat ko sa kanya.

"Walang ano man yon Ma'am!" lumabas na ito sa kwarto kung sa'n ako nakalagi. Iginala ko ang aking paningin.

Lumakad ako papasok ng maisara ko na ang pintuan ng kwarto at nilapitan ang mga picture frame na nakatayo sa may mesa. Hinawakan at iniangat ko ito. Tinignan at hinawakan ko ang isang picture. Hawak ko ang picture na kung saan ay kamukha ko ang babae at siguro siya ang asawa ko. Hinimas ko ang larawan na hawak. Bigla na lang akong nalungkot.

Ikaw ba ang asawa ko? Bakit nagawa kitang saktan, kung totoo man ang sinabi ng babaeng kausap ko kanina? Mahal ba kita? Kasi sabi niya mahal mo daw ako. Inilapag ko ang larawan at pumunta sa kama. Humiga ako, nagmumuni-muni. Tumitig ako sa kisame. Hanggang sa nakatulog ako ng tuluyan.

Terrence POV

KAKALAPAG lang ng private plane ko ng ibalita sa akin ng isa sa mga tauhan ko na nasa bahay na ang asawa ko. Sa wakas ay nahanap ko na siya. After 7 years, nahanap ko na ang asawa ko. Pero sabi ng PI ko, wala daw itong maalala sa nakaraan nito at may kasama pa itong dalawa bata. Baka kambal pa daw.

Di ko na muna ipinasama ang dalawang bata dahil, baka bunga iyon ng pagtataksil niya sa akin noon. Kahit na galit ako sa kanya dahil sa pagtataksil niya sa akin ay mahal ko pa rin siya. Walang pinagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Handa kung ibuhis ang buhay ko, maprotektahan at masiguro lang itong ligtas. Gano'n ko siya kamahal.

"Terrence, welcome back bro!" salubong sa akin ni Craige. Sila ang sumundo sa akin mula sa airport. Ayaw ko man, ay kailangan. Dahil hanggang ngayon ay may banta pa sa buhay ko. Di pa kasi nadadakip ang taong may gawa ng pagkacoma ko.

Inayos ko ang suot kung tuxedo galing pa kasi ako sa isang conference sa ibang bansa. Sumakay na ako sa aking sasakyan at napapalibotan ako ng mga bodyguard na di naman na kailangan, for my proteksyon. Kaya ko namang protektahan ang aking sarili. Pero makulit at mapilit ang mga kasama ko. Baka daw mapatay ako, wala pa naman daw akong tagapag mana.

I'm not an ordinary man. I'm a mafia, sa mundo na ginagalawan ko ay din talaga maiiwasan ang inggitan. Kaya maraming may gusto na mapabagsak ako. Maraming sila na gusto na mamatay ako at mapunta sa kanila ang trono ko.

They want my position, my power. Kung sino man ang makakapatay sa akin ay siya ang magiging makapangyarihan. As if na hahayaan ko silang magtagumpay. Nasa kanto pa lang sila. Uunahan ko na sila.

"Sa bahay tayo!" utos ko sa driver ko. Nagbago ang isip ko. Instead na magpahatid ako sa hideout ay bibisitahin ko muna ang aking asawa.

"Akala ko ba, sa hideout ka muna."

"Sisilipin ko lang si Claire." malamig kong utas dito. Nakatingin lang ako sa may labas ng bintana.

"Oyyy ang sabihin mo. I-s-score ka." Pang aasar ni Carlo sa akin. Tinignan ko ito ng malamig. "Kung bala kaya ang ipangscore ko sa iyo? Abutin ka pa kaya hanggang bukas!" pananakot ko sa kanya.

Ngumisi ito ng alanganin. Alam kasi niyang di ako nagbibiro. "Di ka naman mabiro, dude."

Tahimik ang byahe namin, papunta sa bahay ko. Pagpasok ko ay agad akong umakyat sa 2nd floor. Yon naman ang pag labas ni Beatriz mula sa kung saan.

"Nandito ka na pala!" salubong sa akin ni Beatriz. She kiss my cheek. The girly thinggy.

"Di rin ako magtatagal." sabi ko sabay akyat sa may hagdanan. "Aalis din ako. May sisilipin lang ako."

Nang makarating na ako sa may kwarto namin ay agad akong pumasok sa kwarto naming mag asawa.

Ngayon lang akong muling nakapasok, dito. Simula ng magising ako, mula sa pagka coma. Di na ako pumasok sa kwarto na ito. Kasi everytime na pumasok ko at mag isa lang ako. I see Ayiesha everywhere, saan mang sulok ng kwarto na ito. Di ko din, kayang matulog dito.

Kahit sa'n kasi ako tumingin, ang nagmamakaawang mukha ni Claire ang nakikita ko. I feel guilty that time. Kung sana ay di ko siya hinayaang umalis, sana ay di siya nawala sa akin. Nadatnan ko siyang natutulog sa aming kama. She had still this effect in me. I kiss her forehead at kumuha ng ilang damit. Sinulyapan ko muna siya bago lumabas ng tuluyan sa aming kwarto. Sa ngayon, di muna tayo magsasama. Dahil marami pang banta sa buhay ko. Ayaw kung madamay ka. Mas makakabuti ito sa ating dalawa. Mas mabuti na ako ang punteryahin nila, kesa, ikaw.

Balang araw, mahal ko. Magsasama din tayo. Isinara ko na ang pintuan ng aming kwarto. Bumaba ako at naabutan ko si Beatriz doon na naghihintay sa akin.

"Alert everyone Beatriz, lalo na't nandito si Ayiesha." bilin ko sa kapatid ko, bago ako lumabas sa may pintuan. Sumakay na ako sa sasakyan ko para pumunta ng hideout, kung sa'n muna ako mamalagi.

Balang araw ay magkakasama din tayo, mahal ko. Sa ngayon lalayo muna ako. Para di ka mapahamak. Para din ito sa ikabubuti mo.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status