Share

Chapter Eight (Part Three)

Avyanna's Pov

Napakunot ang nuo ko nang paglabas ko ng elevator ay makasalubong ko ang mga empleyado mula sa Marketing Department na nagtatakbuhan.

Sa sobrang pagka-aligaga nila ay hindi na nila ako nabati na ngayon lang nangyari. Araw-araw naman kapag pumapasok ako sa hotel ay palagi silang bumabati saakin.

Huminto ako sa paglalakad at hinatid ng tanaw ang isang empleyadong lumagpas saakin. Papuntang Penthouse ang tinungo niya.

Anong meron doon?

Nagpatawag kaya ng pagpupulong si Rowan?

Nagkibit-balikat ako at ituloy ang paglalakad.

Nang makapasok ako sa aking opisina ay agad akong sinalubong ni Lena.

Mababakas rin ang pagkataranta sa kilos niya.

"Miss Avyanna. Bakit ang tagal mo? Kanina pa tawag nang tawag si Sir Rowan. Pumunta daw agad kayo sa Penthouse pagkadating na pagkadating mo."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Nilagpasan ko siya at naglakad ako patungo sa table ko. Sumunod naman siya saakin.

Sinulyapan ko ang relo ko. Mag-aalas diyes na. I was late because I had a hard time
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status