Home / Romance / The Mafia King's Deadly Bargain / KABANATA 1: THE ACCIDENTAL WITNESS

Share

The Mafia King's Deadly Bargain
The Mafia King's Deadly Bargain
Author: Nightshade

KABANATA 1: THE ACCIDENTAL WITNESS

Author: Nightshade
last update publish date: 2026-01-09 01:42:54

Isla Moretti POV

Sabi nila, ang mga malas na araw ay nagsisimula sa pagbangon mo sa maling panig ng kama. Pero sa kaso ko, nagsimula ang kamalasan ko sa isang tray ng double-chocolate cupcakes na may extra-thick strawberry frosting.

​Alas-diyes na ng gabi, at dapat ay sarado na ang maliit kong bakery, ang Moretti’s Sweets. Pero dahil sa sunod-sunod na hospital bills ni Nanay, hindi ako pwedeng tumanggi sa kahit anong order. Kahit pa ang order na iyon ay galing sa isang VIP client sa Diamond Hotel, isang lugar na hindi para sa mga taong amoy harina at vanilla ang buong pagkatao.

​"Kaya mo 'to, Isla. Isang delivery na lang, may pandagdag ka na sa pambili ng gamot," bulong ko sa sarili ko habang maingat kong inilalagay ang huling kahon sa aking delivery basket.

​Dali-dali akong sumakay sa lumang motor ko. Pagdating sa Diamond Hotel, halos malula ako sa ginto at kristal na paligid. Pero wala akong oras para mag-sightseeing. Kailangan kong maihatid ito sa Suite 808.

Pagdating ko sa 8th floor, napansin ko agad ang kakaibang katahimikan. Walang mga staff, walang ibang guests. Ang carpeted hallway ay tila s********p sa tunog ng aking mga hakbang.

​"806... 807... Heto na, 808."

Bahagyang nakabukas ang pinto. "Special Delivery po! Ang cupcakes ninyo ay narito na..." sabi ko habang dahan-dahang itinutulak ang pinto gamit ang aking siko dahil puno ang mga kamay ko.

Pero ang eksenang bumungad sa akin ay hindi isang gutom na kliyente.

​Sa gitna ng marangyang kwarto, may isang lalaking nakaluhod sa sahig. Duguan ang kanyang mukha, nanginginig, at nagmamakaawa. At sa tapat niya? Isang lalaking tila kinuha mula sa isang dark luxury magazine. Matangkad, malapad ang balikat, at suot ang isang itim na tuxedo na mas mahal pa yata sa buong bakery ko.

Pero ang mas nakakatakot ay ang hawak niya. Isang itim na baril. Nakatutok iyon mismo sa ulo ng lalaking nakaluhod.

Wait. Shooting ba ito? Movie set ba 'to? lumingon ako sa paligid pero wala akong nakitang camera.

“S-sorry... maling kwarto yata ako,” pabulong kong sabi. Ang boses ko ay parang kuting na naiipit.

Mabilis na lumingon sa akin ang lalaking may baril. Ang mga mata niya... kulay abo na parang langit bago ang isang malakas na delubyo. Matalas at malamig.

“Who the hell are you?” angil niya. Ang boses niya ay malalim na baritono na yumanig hanggang sa mga buto ko.

“I-Isla... Isla Moretti po. I’m the owner of the bakery... magde-deliver lang ng cupcakes. Room 808... d-dito ba 'yun?” Halos maiyak na ako. Gusto kong tumalikod at tumakbo pero ang mga binti ko ay parang naging semento.

“Do you think you can just walk away after seeing this?” Sabi niya habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

Bawat hakbang niya ay parang tunog ng hatol ng kamatayan. Sa sobrang takot ko, hindi ako makagalaw. Pero napansin ko ang lalaking nakaluhod. Bigla itong bumunot ng kutsilyo mula sa kanyang medyas at tatangkain nitong saksakin ang lalaking nakatutok sa akin!

“Look out!” sigaw ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Binuhat ko ang mabigat kong delivery basket at buong lakas na iwinasiwas ito sa ere.

THWACK!

Eksaktong tumama ang matigas na gilid ng basket sa mukha ng lalaking may kutsilyo. Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Ang mga cupcakes ko? Ayun, nagliparan sa ere at nagkalat sa mamahaling carpet.

Napatingin ang estranghero sa paanan niya, sa lalaking napatumba ko, at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. Ang talim ng tingin niya ay napalitan ng gulat.

“Did you just... neutralize a hitman with a basket of cupcakes?” tanong niya.

Nanginginig ang mga kamay ko. “S-sayang ‘yung cupcakes ko... b-bayaran mo ‘yan. Eight hundred pesos ang isang set niyan.”

Gusto kong sapukin ang sarili ko. Heto na, baka mamatay na ako, pero presyo pa rin ng cupcakes ang iniisip ko. Sino ba talaga ang lalakeng ito? Bakit siya may baril?

Isang madilim na tawa ang kumawala sa kanya. Mabilis siyang lumapit at isinandal ako sa pader. Ang isang kamay niya ay nasa gilid ng ulo ko, at ang dulo ng baril niya ay dahan-dahang idiniin sa ilalim ng panga ko.

“You have guts, Little Bird. Pero dahil nakita mo ang mukha ko, hinding-hindi na kita hahayaang makalabas dito.”

“Wala akong nakita! Malabo ang mata ko! Sino ka ba talaga? Pulis ka ba?” tanong ko habang nanginginig.

Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit ang mga tauhan niya. “Don Kalix, the Council is here. Papunta na sila sa kwartong ito.”

Nagmura ang lalakeng ito, si Kaliz raw? Sino ba ang 'Don' at 'Council' na 'yan?

“Shut up and play along if you want to live,” utos niya sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong matatandang lalaki na seryoso ang mga mukha. Mukha silang mga business tycoon pero may kakaibang dilim sa kanila.

“Don Kalix? What is the meaning of this?” tanong ng isa.

Biglang hinapit ni Kalix ang baywang ko. Sa sobrang lapit namin na nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. Bago ako makapagsalita, hinalikan niya ako sa noo.

“My apologies, gentlemen. My woman here is a bit... clumsy. We had a little fight,” sabi ni Kalix sa isang boses na napakalambing pero nakakatakot. “Meet Isla Moretti. My fiancee.”

Nanlaki ang mga mata ko. Fiancee? Mas pipiliin ko pang magpakasal sa isang oven kaysa sa lalakeng ito!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nightshade
maraming salamat po🤍
goodnovel comment avatar
Rosanna Santos
exciting basahin mukhang mg enjoy Ako God bless po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Mafia King's Deadly Bargain   CHAPTER 155: THE LOG BENCH

    Isla Moretti POV Medyo malamig na ang simoy ng hangin na nanggagaling sa mga bundok kahit alas-singko pa lang ng hapon. Biyernes. Ang huling sikat ng araw ay naglalatag ng mahahabang anino sa ibabaw ng bagong tabas na damuhan sa likod ng bahay. Katabi ko sa mahabang log bench si Kalix, habang si Gabriel naman ay abalang-abala sa paggapang sa tapat ng mga sunflowers, sinusubukang abutin ang mga nahuhulog na tuyong dahon. "Isla, approved na raw 'yung final structural inspection ni Engineer Santos kaninang tanghali," marahang boses ni Kalix habang sumasandal sa sandalan ng kahoy na upuan. Inilagay niya ang kanyang braso sa likod ng balikat ko, dahan-dahang pinisil ang braso ko para ilayo ako sa lamig. Wala na siyang suot na safety helmet o vest; tanging isang simpleng itim na sweater na lang ang pambahay niyang suot ngayon. Malinis na ang kanyang mga kamay, wala na ang mga bakas ng grasa at alikabok mula sa site. "Mabuti naman kung ganoon," ngiti ko habang isinasandal ang ulo ko sa k

  • The Mafia King's Deadly Bargain   CHAPTER 154: THE ROOFING SHINGLES

    Kalix Valerio POV Medyo magaspang ang ibabaw ng aspalto nang hilahin ko ang dulo ng structural shingle mula sa kahon. Huwebes ng umaga. Maswerte kami dahil walang ulan ngayon, tanging makapal na hamog lang ang nakalutang sa pagitan ng mga pine tree sa ibabaw ng ridge. Naka-angkla ang dalawang paa ko sa steel scaffolding ng sector four. Mula rito sa itaas, kitang-kita ko ang buong clearing ng Pine Haven at ang maliit na aluminum cabin office kung saan abala si Isla sa mga layout. "Kuya Kalix! 'Yung isolation switch sa ibaba, naitaas ko na!" sigaw ni Kuru mula sa tapat ng utility room, nakatingala habang nakasukbit ang kanyang gamit sa baywang. "Sabi ni Kuya Seb, pwede mo nang simulan 'yung test line para sa solar panels kung tapos na kayo dyan!" "Sige! Sabihin mo kay Seb, hintayin ako sa main breaker bago nila selyuhan 'yung conduit pipe!" ganting sigaw ko bago ko ibinaba ang nail gun sa ibabaw ng log platform. Inayos ko ang suot kong safety helmet at dahan-dahang bumaba sa bakal n

  • The Mafia King's Deadly Bargain   CHAPTER 153: THE LATE AFTERNOON WALK

    Isla Moretti POV Medyo humupa na ang ingay ng mga crane nang bumalik ako sa loob ng cabin para kunin ang cardigan ko. Alas-kwatro na ng hapon. Ang sikat ng araw ay hindi na kasing sakit sa balat tulad kanina, sa halip ay unti-unti nang nagiging kulay kahel ang gilid ng mga ulap sa likod ng West ridge. Malinis na ang staging area; ang mga structural steel na dinala ng mga flatbed flatbed kaninang tanghali ay maayos nang nakasalansan sa ilalim ng mga makakapal na terpal. "Isla, tapos na kami mag-check nung welding specifications sa likod," boses ni Kalix habang binubuksan ang pinto. Inalis niya ang kanyang neon orange na vest at isinabit ito sa likod ng pinto, kasunod ang kanyang safety helmet. May kaunting marka ng uling at alikabok ang manggas ng kanyang suot na dark blue na t-shirt, pero ang mukha niya ay mas relaks na kumpara kaninang umaga bago pumirma si Engineer Santos. "Si David?" tanong ko habang isinusuot ang cardigan. "Nasa bunkhouse pa, tinatapos 'yung attendance log ng

  • The Mafia King's Deadly Bargain   CHAPTER 152: THE STEEL TRUCKS

    Isla Moretti POV Napakalakas ng ugong ng mga preno ng truck mula sa ibaba ng ridge. Sumunod ang sunod-sunod na busina, hudyat na nakapasok na ang dalawang mahahabang flatbed na may dalang mga structural steel mula sa San Fernando. Ramdam ko ang kaunting panginginig ng plywood na lamesa rito sa loob ng cabin tuwing may dadaan na mabigat na sasakyan sa temporary access road sa labas. Inilapag ko ang tasa ng kape na ibinigay ni Kuru. Lumapit ako sa may bintana para tignan ang sitwasyon sa ibaba. Kasalukuyang umaatras ang unang truck patungo sa staging area malapit sa main gate. "Ma'am Isla, si Bossing ba nandoon na sa ibaba?" tanong ni Kuru habang sumisipat din sa gilid ng braso ko. "Sabi kasi nung checker kanina, kailangan daw ng pirma ni Kalix bago ibaba 'yung mga load cell." "Oo, kabababa lang niya kasama si Seb," sagot ko habang pinapanood ang pamilyar na bulto ni Kalix sa malayo. Suot na niya ang kanyang puting safety helmet at neon orange na vest sa ibabaw ng jacket. Seryoso s

  • The Mafia King's Deadly Bargain   CHAPTER 151: THE SITE CABIN

    Isla Moretti POV Medyo maamoy ang bagong pinturang drywall nang itulak ko ang pinto ng maliit na cabin. Miyerkules ng umaga. Masakit sa balat ang sikat ng araw dito sa itaas ng ridge pero malamig pa rin ang bugso ng hangin na humahampas mula sa mga bundok. Gawa sa simpleng aluminum panel at drywall ang kabon na itinayo sa gilid ng sector four. Ito na ang pansamantala kong site office. Ibinaba ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesang gawa sa murang plywood. Sa sahig, may iilang piraso pa ng turnilyo at mga dumi ng semento mula sa pagmamadali ng mga tauhan ni David Reyes kanina. "O, Isla, okay ba? Pasensya ka na kung medyo nagmamadali 'yung mga karpintero kahapon," boses ni David mula sa likuran ko habang pumapasok, may bitbit na plastic chair. "Sinigurado ko lang na bago dumating ang mga delivery ng bakal, may matataguan ka na ng mga blueprint." "Maayos naman, David. Salamat," ngiti ko habang pinupunasan ng tissue ang ibabaw ng lamesa. "Masyado nga lang maamoy 'yung pintura, baka sumaki

  • The Mafia King's Deadly Bargain   CHAPTER 150: THE BLUEPRINT MARKINGS

    Isla Moretti POV Medyo malagkit ang dulo ng stabilizer pen ko habang binubura ko ang ikatlong bersyon ng structural layout sa tablet screen. Lunes ng gabi. Ang lakas pa rin ng ulan sa labas, at naririnig ko ang mabigat na hampas ng mga sanga ng pine tree sa may salamin ng bintana ng sala. Nakakalat sa ibabaw ng malaking coffee table ang mga printout ng drainage plan ng Pine Haven na dinala ni David kaninang hapon. "Isla, inumin mo muna 'to. Lumalamig na 'yung gatas mo," paalala ni Kalix habang inilalapag ang isang ceramic mug sa tabi ng siko ko. Umupo siya sa tabi ko sa carpet, isinandal ang kanyang likod sa gilid ng sofa, at dahan-dahang hinila ang isang piraso ng topographic map na kanina ko pa tinititigan. May bakas pa ng putik ang dulo ng suot niyang pambahay na pantalon mula sa pagbisita niya sa site kaninang umaga bago bumuhos ang malakas na ulan. "Masyadong mababa ang elevation ng foundation sa sector four, Kalix," sabi ko sabay turo sa screen gamit ang dulo ng pen. "Kung s

  • The Mafia King's Deadly Bargain   KABANATA 42: FACE TO FACE (THE RETALIATION)

    Isla Moretti POV Nasa loob kami ng interrogation room sa ilalim ng mansyon ng mga Valerio. Malinis ang kwarto, masyadong maliwanag ang mga ilaw, at amoy na amoy ang kemikal na panlinis na ginamit ni Dante para burahin ang bakas ng mga naunang "bisita." Sa gitna ng kwarto, nakatali sa isang bakal

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • The Mafia King's Deadly Bargain   KABANATA 28: THE ART OF PRETENDING

    Isla Moretti POV "Dito? Seryoso ka, Kalix? Sa studio apartment na 'to na kasing-laki lang ng oven ko sa mansyon?" Hingal na hingal kong ibinaba ang clutch bag ko sa isang kupas na wooden table. Pagkatapos ng mala-action movie na pagtakas namin sa Gala, kung saan muntik nang maging confetti ang go

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • The Mafia King's Deadly Bargain   KABANATA 75: THE CALM BEFORE THE STORM

    Isla Moretti POV Naramdaman ko ang bahagyang pagyanig ng eroplano bago ito tuluyang lumipad nang diretso sa itaas ng makapal na ulap. Sa loob ng private jet, tanging ang mahinang ugong ng makina ang naririnig ko. Naka-stretcher pa rin ako, pero itinaas nang kaunti ang sandalan para makasandal ako

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • The Mafia King's Deadly Bargain   KABANATA 76: MID-AIR

    Isla Moretti POV Nagising ako dahil sa bahagyang paggalaw ng jet. Hindi na ito 'yung malakas na turbulence gaya kanina, kundi parang dahan-dahang pag-angat at pagbaba. Nang idilat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang dim lights ng cabin. Tiningnan ko ang bintana sa gilid ko pero wala akong mak

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status