Isla Moretti POV"Fiancee?!"Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Gusto kong sumigaw, gusto kong ituro si Kalix at sabihing ‘Hoy!, hindi ko kilala ang lalaking ito!’ Pero bago pa man bumukas ang bibig ko, naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang mga daliri sa aking baywang. Isang mahigpit at masakit na hawak, isang malinaw na babala.Tumingin ako sa tatlong matatandang lalaki sa harap namin. Ang kanilang mga mata ay parang sa agila, sinusuri ang bawat hibla ng buhok ko at ang dumi ng icing sa aking apron."Isla Moretti," pag-uulit ng isa sa kanila, ang boses ay mahaba at malamig, may bahid ng banta. "Hindi namin alam na may hilig ka pala sa mga... panadera, Don Kalix."Don? Don ang tawag nila sa kanya? Ano ito, Godfather?"She is more than just a baker, Councilman," malamig na sagot ni Kalix. Ang boses niya ngayon ay wala nang bahid ng emosyon, malayo sa "lambing" na ipinakita niya kanina. "She’s the woman who will carry the Valerio name. And as you can see, we were having a private m
Terakhir Diperbarui : 2026-01-09 Baca selengkapnya