MasukIsla Moretti POV
"Fiancee?!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Gusto kong sumigaw, gusto kong ituro si Kalix at sabihing ‘Hoy!, hindi ko kilala ang lalaking ito!’ Pero bago pa man bumukas ang bibig ko, naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang mga daliri sa aking baywang. Isang mahigpit at masakit na hawak, isang malinaw na babala. Tumingin ako sa tatlong matatandang lalaki sa harap namin. Ang kanilang mga mata ay parang sa agila, sinusuri ang bawat hibla ng buhok ko at ang dumi ng icing sa aking apron. "Isla Moretti," pag-uulit ng isa sa kanila, ang boses ay mahaba at malamig, may bahid ng banta. "Hindi namin alam na may hilig ka pala sa mga... panadera, Don Kalix." Don? Don ang tawag nila sa kanya? Ano ito, Godfather? "She is more than just a baker, Councilman," malamig na sagot ni Kalix. Ang boses niya ngayon ay wala nang bahid ng emosyon, malayo sa "lambing" na ipinakita niya kanina. "She’s the woman who will carry the Valerio name. And as you can see, we were having a private moment before you interrupted." "Very well," sabi ng matanda, bagaman bakas pa rin ang pagdududa. "We will discuss the shipment tomorrow. At asahan mong sisiyasatin namin ang background ng babaeng ito." Nang makaalis ang tatlong matanda, kasama ang duguang lalaki na binuhat ng mga tauhan ni Kalix, parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Pero hindi pa ako nakakahinga nang malalim nang bigla akong itulak ni Kalix palayo sa kanya. "Bitawan mo nga ako!" bulyaw ko sa kanya habang inaayos ang nagulo kong apron. "Ano ba ‘yung fiancee-fiancee na ‘yun? At sino ka ba talaga? Pulis ka ba o kriminal? At ‘yung cupcakes ko, nasaan na ang bayad?" Hindi niya ako sinagot. Sa halip, kinuha niya ang isang puting panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang strawberry frosting sa kanyang sapatos na tila ba iyon ang pinakamalaking krimen na nangyari sa kwartong ito. "Tie her up and bring her to the car," utos niya sa dalawang lalakeng naka-suit. "Ano?! Teka! Sandali!" pumalag ako pero bago pa man ako makatakbo, nahawakan na nila ang magkabila kong braso. "Magnanakaw! Kidnapper! Tulong!" "Shout all you want, Little Bird," sabi ni Kalix habang isinisilid ang baril sa kanyang holster sa ilalim ng tuxedo. "This hotel is mine. The police won't come. No one is coming for you." Ilang minuto ang lumipas, nahanap ko na lang ang sarili kong nakaupo sa likod ng isang mamahaling itim na SUV. Nakaposas ang mga kamay ko sa harap. Sa tabi ko, nakaupo si Kalix, prenteng nakasandal habang nakatingin sa labas ng bintana. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko. pilit kong itinatago ang panginginig ng boses ko. "Gusto ko lang namang mag-deliver ng cupcakes. Maawa ka naman, may sakit ang nanay ko. Sino ba ang magpapakain sa kanya kung papatayin mo ako?" Lumingon siya sa akin. Sa ilalim ng mga ilaw ng kalsada na dumadaan, mas lalong nagmukhang gawa sa marmol ang kanyang mukha. Napakagwapo, pero napakatigas. "I don't kill innocent people unless they get in my way," simula niya. "But you... you saw the Council. You saw a hitman from the Greco family. If I let you go now, they will find you, torture you for information, and kill you anyway just to get to me." "Greco family? Council? Ano ba 'to, pelikula?" hinarap ko siya nang buong tapang kahit na ang totoo ay gusto ko nang maihi sa takot. "Sino ka ba talaga?" Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Isang ngiting nakakakilabot. "They call me The Reaper. I am the head of the Valerio Syndicate. In simpler terms, Isla... I am the man who owns this city's underworld." Mafia. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi lang siya basta masamang tao. Isa siyang Mafia Boss. Ang mga kwentong naririnig ko lang sa balita tungkol sa mga nawawalang tao at mga barilan sa kalsada, siya ang nasa likod niyon. "So... papatayin mo rin ako?" bulong ko. "Depende," sagot niya. Hinawakan niya ang panga ko at iniharap ako sa kanya. Ang mga daliri niya ay malamig. "I need that alibi. The Council wants me married before I can fully take over my father's seat. You, by some stroke of idiocy, saved my life tonight. That makes you the perfect candidate." "Anong candidate? Kandidato sa pagka-asawa? Ayoko nga! Hindi nga kita kilala!" "You don't have to know me. You just have to obey me," mariin niyang sabi. "Anim na buwan. Magpapanggap ka bilang asawa ko sa harap ng Council. In exchange, I will pay for your mother's hospital bills, I will protect your bakery, and after six months, you can go back to your boring, flour-scented life with a billion pesos in your bank account." Nanlaki ang mga mata ko. Bilyon? Pera na 'yun na hindi ko kikitain kahit gumawa pa ako ng cupcakes hanggang sa kabilang buhay. Pero kapalit niyon ay ang kalayaan ko. "At kung tumanggi ako?" Inilapit niya ang kanyang mukha sa tapat ng mukha ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga. "Then I’ll have to dispose of you now. A witness is a liability, Isla. And I don't keep liabilities." Napalunok ako. Wala akong choice. Mamatay ngayon o mabuhay bilang asawa ng isang demonyo sa loob ng anim na buwan? "B-bakit ako? Maraming babae diyan na mas maganda, mas sexy, mas... mas hindi amoy harina," tanong ko. "Because you're a nobody," diretsahan niyang sagot. "No connections, no hidden agendas. And you're brave enough to hit a hitman with a basket. I need someone unpredictable." Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang dambuhalang gate. Nang bumukas ito, tumambad sa akin ang isang mansyong mukhang palasyo pero balot ng dilim. May mga lalakeng naka-suit at may dalang mahahabang baril sa bawat sulok. Dinala ako ni Kalix sa loob ng isang silid na puno ng mga libro at amoy lumang alak, ang kanyang opisina. Pinaupo niya ako sa isang leather chair at tinanggal ang posas ko. "Pirmahan mo ito," sabi niya sabay lapag ng isang folder sa mesa. Binasa ko ang title: MARRIAGE CONTRACT AND NON-DISCLOSURE AGREEMENT. "Teka, hindi ba pwedeng... engagement lang? Bakit kailangang kasal?" reklamo ko. "The Council doesn't play games, Isla. They want a signed contract. They want to see a ring. They want to see a wife," sabi niya habang nagsasalin ng alak sa baso. "Sign it, and your mother's bills are paid tonight. Refuse it, and... well, you know the drill." Tumingin ako sa ballpen, pagkatapos ay sa kanya. Ang lalakeng ito ang kumuha sa kalayaan ko, pero siya rin ang tanging paraan para mabuhay ang nanay ko. "Kailangan ko ng dagdag na condition," sabi ko nang may halong tapang. Napatigil siya sa pag-inom at tinaasan ako ng kilay. "You're bargaining with me?" "Oo. Una, hindi mo ako pwedeng saktan. Pangalawa, hindi mo ako pwedeng pilitin sa... alam mo na, 'yung mga marital duties. At pangatlo... babayaran mo 'yung cupcakes na nasayang ko kanina. Extra charge 'yung delivery f*e." Sandaling natahimik si Kalix. Pagkatapos, sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon, narinig ko siyang tumawa. Isang tunay na tawa na kahit papaano ay nagpabawas sa takot ko. "Deal, Little Bird," sabi niya. "Sign it." Nanginginig ang kamay kong kinuha ang ballpen at idiniin ang pirma ko sa ibabaw ng pangalan ko. Hindi ko alam kung ito ba ang simula ng kaligtasan ko, o ito na ang simula ng impiyerno ko. "Welcome to the family, Isla Valerio," sabi niya sabay abot ng isang itim na velvet box. Sa loob niyon ay ang pinakamalaking diamond ring na nakita ko sa buong buhay ko. "From this moment on, you are the Queen of the Underworld. Try not to get killed on your first day." Napatingin ako sa singsing. Queen of the Underworld? Ako? Ang tanging alam ko lang ay mag-bake ng pandesal at mag-icing ng cake. Paano ako mabubuhay sa mundong ito?Isla Moretti POV Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap ni Kalix. Pumapasok siya sa kwarto para matulog, pero bago pa sumikat ang araw, wala na siya sa tabi ko. Ang tanging ebidensya na pumasok siya ay ang amoy ng kanyang pabango na humahalo sa lamig ng aircon. Alas-diyes ng umaga nang bumukas ang pinto. Inakala kong si Kalix na may dalang tray, pero si Dante ang pumasok. Hawak niya ang isang paper bag mula sa isang sikat na restaurant. "Ma'am, pinabibigay po ni Boss. Hindi siya makakaakyat, may meeting po sa mga heads ng logistics," sabi ni Dante at inilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa malapit sa bintana. "Salamat, Dante," sagot ko. "Kumusta siya?" Nag-alangan si Dante. "Medyo... mainit pa rin po ang ulo. Kanina, sinipa niya ang upuan sa conference room dahil lang sa maling report." Napabuntong-hininga ako. "Sabihin mo sa kanya, kumain na rin siya."
Isla Moretti POV Ang agahan ko ay dinala na naman ni Kalix sa kwarto. Simula nung nalaman naming buntis ako, parang bawat sulok ng mansyon ay nilagyan ng harang. Hindi na ako nakakababa sa dining area, at lalong hindi na ako nakakalanghap ng sariwang hangin sa garden. "Kain na, Isla. May gatas dyan at prutas," sabi ni Kalix habang inaayos ang tray sa tapat ko. Tiningnan ko lang ang pagkain. "Kalix, pangatlong araw na itong nakakulong ako rito. Gusto ko lang bumaba. Kahit sa sala lang." "Hindi pwede," mabilis niyang sagot nang hindi tumitingin sa akin. Busy siya sa pag-check ng tablet niya, tinitingnan ang mga bagong security feed. "May mga bagong tauhan sa baba. Hindi ko pa sila lubos na kilala." "Eh di bakit mo kinuha kung hindi mo pala kakilala?" tanong ko, medyo tumataas na ang boses ko. Ibinaba niya ang tablet at hinarap ako. Ang mga mata niya ay may malalalim na itim sa ilalim. "Kailangan ko ng manpower, Isla. Pero hangga't hindi sila dumadaan sa vetting ni Dante, ban
Isla Moretti POV Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang maliit na stick. Dalawang guhit, malinaw. Hindi nagkakamali. Napasandal ako sa pader ng banyo at napatingin sa kisame. Sa gitna ng gulo, sa gitna ng mga baril at bantay, may bagong buhay na nabubuo sa loob ko. "Isla? Buksan mo 'to. Ano’ng nangyayari sa loob?" Boses ni Kalix 'yun, puno ng kaba. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakatayo siya roon, gusot ang polo at tila hindi pa rin nakakatulog. Tinitigan niya ako, tapos bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Inabot ko sa kanya ang pregnancy test. Nanlaki ang mga mata ni Kalix. Kinuha niya ang stick ng may pag-iingat. "Isla... totoo ba 'to?" "Positive, Kalix," bulong ko. Bigla niya akong binuhat at niyakap nang mahigpit. "Diyos ko, salamat. Salamat, Isla." Pero ang saya sa mukha niya ay mabilis ding napalitan ng panginginig. Ibinaba niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Hindi ka na pwedeng lumabas. Mula ngayon, sa kwarto ka lang. Walang lalapit sa’yo ku
Isla Moretti POV Nakahawak pa rin ako sa telepono kahit naputol na ang linya. Ang boses ni Sofia ay parang yelo na dumikit sa tenga ko. Lumingon ako kina Dante at Rico na kapwa naghihintay ng sasabihin ko. "Sino 'yun, Ma'am?" tanong ni Dante habang inaayos ang benda sa braso ni Rico. "Sofia Valerio. Pinsan daw ni Kalix," sagot ko. "Sabi niya pupunta siya rito dahil balita niyang magulo na ang sitwasyon." Nagkatinginan ang dalawa. Bakas sa mukha ni Dante ang kaba, habang si Rico naman ay napahawak sa kanyang panga. "Bakit, Dante? Kilala niyo ba siya?" tanong ko. "Naririnig ko lang ang pangalan niya nung nasa Italy pa kami, Ma'am," sagot ni Dante. "Siya ang itinuturing na 'Dark Horse' ng pamilya. Matatalino ang mga Valerio, pero si Sofia... iba siya maglaro. Mas gusto niya ang sikretong galaw kaysa barilan." Hindi na ako nakasagot dahil narinig ko ang mabilis na pagpreno ng mga sasakyan sa driveway. Si Kalix. Pagkalipas ng ilang minuto, bumukas ang pinto ng infirmary. Puma
Isla Moretti POV Napakatahimik ng mansyon pagkatapos ng pagsabog ng drone. Kahit tapos na ang usok, ang amoy ng sunog na garden ay pumasok hanggang sa loob ng kwarto. Nakaupo ako sa gilid ng kama, pinapanood si Kalix na tinitignan ang kanyang mga baril sa ibabaw ng dresser. Isang linggo na ang nakalipas simula nung libing ni Nanay, at bawat araw, mas lalong nagiging "vulnerable" pero paranoid si Kalix. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Sa basement," maikling sagot ni Kalix nang hindi tumitingin sa akin. "Dinala doon nina Dante si Rico." Nanigas ako sa kinauupuan ko. "Kalix, huwag. Sinabi ko na sa'yo, walang kinalaman si Rico sa drone na 'yun." Humarap siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay pagod, pero may kakaibang talim. "Isang insider lang ang nakakaalam kung paano patayin ang signal ng jammer sa part na 'yun ng garden, Isla. Si Rico ang naka-duty sa console kanina." "Baka may glitch lang! O baka may mas matalino sa labas!" "Wala akong oras para sa mga 'baka na 'yan', Isla
Isla Moretti POV Gising ako pero nanatili akong nakapikit sa kama. Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto at ang mabibigat na yabag ni Kalix. Amoy sigarilyo siya at kape—ang amoy na naging permanenteng tatak na niya nitong mga nakaraang araw. "Alam kong gising ka, Isla," mahina niyang sabi. Hindi ako kumibo. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko, pero hindi ko maramdaman ang lambing. Ang tanging nararamdaman ko ay ang bigat ng kanyang kontrol. "Kailangan nating gawin ito. Para sa'yo rin ito," bulong niya. "Para sa akin o para sa katahimikan ng isip mo?" tanong ko habang dahan-dahang dumidilat. Hindi siya sumagot. Tumayo siya at hinarap ang malaking monitor sa tapat ng kama namin. Ipinakita niya ang footage nung nakaraang gabi. "Tignan mo ito. Nakita ng security team na may gumagalaw sa may gate, pero nung chineck nila, wala na. Isang tao lang ang pwedeng mag-disable ng alarm sa part na 'yan nang hindi napapansin." "Sino?" tanong ko,







