(Sabrina's POV)
Bigla akong nakaramdam na may parang lumapat na malambot na bagay sa pisngi ko. Pagkamulat ng mata ko, isang anghel mula sa langit ang bumaba na ngayon ay nakangiting nakatitig sa 'kin.
Ayaw ko mang isipin pero natatakot ako na baka patay na ako. Bakit may guwapong anghel na bumaba? Siya na ba ang susundo sa akin? Kung gano'n di ko expect na mapupunta pala ako sa langit.
"Susunduin mo na ba ako guardian angel?" Biglang tanong ko dito ngunit nagtaka ako nang 'yong matamis na ngiti na gumuhit sa mga mapupulang labi nito kanina ay napalitan ng isang seryosong mukha.
Pero teka, anghel ba 'yon? Parang si...
"Damien," ani ko sa kinakabahang boses. Kung ano-ano pa naiisip ko si Damien lang pala 'yon. Pero seryoso, ang amo ng mukha niya kanina at animo'y isang tunay na anghel sa langit na bumaba para pasayahin ako.
"Kung
(Sabrina's POV)Sa loob nang isang oras na biyahe ay sa wakas nakarating na din kami sa paroroonan namin. Sa mga oras na ito ay sinusundan ko si Damien sa paglalakad sa loob nang isang magarang resort dito sa London.Parang gusto ko na nga magtalon-talon sa sobrang tuwa dahil unang pagkakataon ito na makakaapak ako sa pinakasikat na Resort. Ang mas nagpanganga sa 'kin kanina ay ang pangalan na nakalagay sa labas. It was named after Mr. Cullen.Grabe na talaga ang pagiging mayaman ni Damien. Nakaabot na ata sa London. Sabagay isa siya sa kilalang Business Tycoon kaya't asahan mo ang iba'it-ibang uri nang negosyo niya.Manghang-mangha ako sa napakagandang tanawin na hindi man lang namalayan na naiwanan na pala ako. Lumingon-lingon pa ako pero hindi ko na mahagilap si Damien.Bigla naman akong kinabahan. Na sa London kami kaya kinaka
(Sabrina's POV)Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto dahil pakiramdam ko naninigas ang paa ko at hindi ko ito maigalaw. Tuluyan na nga kaming nakapasok ni Damien sa loob at gano'n na lang ang kaba sa dibdib ko nang makita ang buong kuwarto.Sobrang napakaganda nito at malaki ang espasyo sa loob. Pansin ko din ang kulay puting kama sa kabilang banda at sobrang laki din nito kaya't alam ko mamaya makakatulog ako nang maayos katabi siya."Why aren't you moving?" Napatalon pa ako nang biglang magsalita ito. Sa ngayon ang mga mata niya ay na sa akin nakatitig. Napalunok naman ako nang magsimula itong tumayo at maglakad patungo sa direksiyon ko.Bigla akong napayakap sa sarili ko habang umaatras. Siya naman ay dahan-dahang naglalakad patungo sa 'kin. Hanggang sa tuluyan na nga niya akong na corner."D-damien," sambit ko sa uutal-utal na boses.
(Sabrina's POV)Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Mr. Cullen. Pakiramdam ko bigla na lang umurong ang dila ko dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito."Nagkakamali ka lang siguro, Mr. Cullen." Sabi ko na agad umalis sa pagkakahiga sa kama para tumalikod sa kanya.Sobrang kinabahan ako. Gusto ko rin sabihin sa kanya na gusto ko din siya pero hindi ko alam kung paano. Mas nangingibabaw sa 'kin ang kaba 'dito sa dibdib ko."Nevermind," aniya ni Mr. Cullen at hindi ko maiwasang masaktan sa inakto niya."Kailangan ko na ba maghanda, Mr. Cullen?" Tanong ko para ibahin ang topic. Sinulyapan ko din siya at ganoon na lang ang kaba ko nang maghubad ito ng damit sa harapan ko. Bigla kung nayakap ang sarili habang napapalunok sa laway ko.Sa kabilang banda ay na sa ak
(Sabrina's POV) Dalawang araw na ang lumipas simula noong makarating kami dito ni Damien sa resort at dalawang araw na din na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang libutin, maligo at minsan mas pinipili na lang namin ang magkulong sa loob at walang ibang ginawa kung hindi ang maglaro sa kama. Ewan ko din sa sarili ko. Hindi ko magawang tanggihan si Damien. Sa ngayon 'yong nararamdaman ko sa kanya ay mas lumalalim. Alam ko nagsisimula na akong mahalin siya. Hindi siya mahirap mahalin. Hindi mahirap sa isang tulad niya na madaming magkakagusto na babae. Bukod sa guwapo nitong mukha at pera ay may katangian siya na gustong-gusto ko. Hindi ko lang matiyak kung ano iyon. Basta't ang alam ko, nagsisimula na akong mahalin siya. Ang hindi ako aware ay ganoon din siya sa 'kin. Unti-unti na ba niya akong minamahal. Ang sabi niya gusto niya ako pero hindi naman ni
(Sabrina's POV)Agad namang inihinto ni Mr. Cullen ang paghalik sa 'kin matapos ang ilang sigundo. Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang kanyang mga labi na nakalapat sa 'kin. Pulang-pula pa din ang mukha ko at hindi ko alam kung saan ako titingin dahil halos lahat nang anggulo ay may mga tao na nakatingin sa amin banda.Bigla namang hinawakan ni Damien ang kamay ko dahilan para mapatingin ako 'dito. Lumakas na naman ulit ang pagkabog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Mas kinagulat ko pa ang sunod niyang ginawa. Bigla niyang hinalikan ang kamay ko at napaawang na lang ang labi ko doon.Bakit ba nagiging sweet ang lalaking ito ngayon. Ano kayang nakain niya at ipapakain ko ulit. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na ganito siya. Mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.&nb
(Sabrina's POV)Ikatatlong araw ngayon namin ni Damien at mamayang gabi ay babalik na kami sa lugar kung saan kami nanggaling. Nalulungkot lang ako kasi hindi ko pa masyado nalibot ang lugar na ito dahil sa kaunting panahon namin.Matapos ang pag-uusap namin kanina ay nagpaalam si Damien na makikipag-usap muna sa kanyang mga Business partners. Sabi pa niya ako na lang daw muna ang pumunta sa malapit na Mall dito sa resort. Wala akong nagawa kung hindi ang mapatango.Pinasama niya sa akin ang dalawang tauhan niya. Hindi sana ako papayag pero nagpumilit kaya't sa huli ay ako na lang ang sumuko.Kasalukuyan akong naglalakad ngayon dito sa loob ng Mall at nakabuntot sa 'kin ang dalawa niyang tauhan. Ang totoo talaga kung bakit ko gustong pumunta dito ay may Bibilhin lang akong remembrance para sa akin at siyempre bibilhan ko na din si Mr. Cullen.Habang naglalakad ay may ki
(Sabrina's POV)Kinakabahan pa din ako nang magsimulang buksan ni Damien ang Paper bag kung saan nando'n ang binili kung remembrance para sa kanya. Napakunot ang noo nito nang tuluyan niya nang mahawakan ang key chain na binili ko para sa kanya.Napatungo na lamang ako dahil sa magkahalong kaba at excitement. Kinakabahan ako na baka hindi niya ito magustuhan at excited din siyempre."This is a key chain," aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I love how your name being put in here." Tuluyan na nga akong napakagat sa ibabang parte ng labi ko dahil sa sinabi niya. Kanina kasi napagdesisyonan ko na ilagay ang pangalan ko sa key chain. Ewan ko din ba kung bakit ginawa ko 'yon. Buti na lang at mabilis nila itong nailagay."Sorry Damien, kung bakit inilagay ko ang pangalan ko diyan. Kung ayaw mo puwede mo naman 'yang tanggalin." Sabi ko na ngayon a
(Sabrina's POV)Umaga na din nang makauwi kami dito pabalik sa lugar namin. Hindi na ako kumain at nagpahinga sa kuwarto. Si Damien naman ay dahil hindi nakaramdam nang pagod ay Business meetings naman ang inatupag. Nagpaalam na lang ako sa kanya na hindi muna ako sasama at magpapahinga na lamang.Mabuti na lang at pumayag. May jetlagged pa din kaya ako. Kailangan kung ipahinga ang katawan ko. Ilang oras din kaming bumiyahe dahil sobrang layo ng London.Na sa kalagitnaan na ako nang pagtulog nang bigla namang tumunog ang telepono ko. Napabuntong na lang ako sa hininga ko at pinilit buksan ang mata para sagutin ang tumatawag."Hello," ani ko sa napapagod na boses. Bigla naman akong napatuwid nang upo ng si Damien ang na sa kabilang linya. Iyong tipo na kanina ay sobrang napagod ako pero no'ng marinig ko ang boses niya ay bigla akong nabuhayan.