แชร์

CHAPTER 2.1: THE BEAST

ผู้เขียน: Anak Ni Maria Clara
last update วันที่เผยแพร่: 2026-02-26 11:10:32

AMARA’S POV:

“Bes, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong iyan?” seryosong sabi ni Hershey habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Tumango ako.

“Alam mo bang base sa nahagilap kong impormasyon, masyadong toxic ang company na iyan?”

Binaba ko ang hawak na puting blouse na susuotin ko mamaya, naintriga tuloy ako dahil sa sinabi niya.

“Toxic? Bakit? Dahil ba sa dami ng trabaho?” takang tanong ko.

“Hindi lang trabaho bes, ang balita ko halos araw-araw daw may tinatanggal na mga tech developers ang CEO niyan. Marami rin akong kakilala riyan na natanggal, at ang sabi nila pang military daw ang higpit ni Laxus Morgan. Isang mali mo lang, o kahit may lumabas na isang line of code na hindi dapat... Out ka na agad. At ang masama parang na black bail sila sa buong BGC. Wala ng gustong tumanggap sa kanila after nila matanggal.”

Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa may cabinet at tiningnan siya.

“Black bail? Bakit?” naguguluhan kong tanong.

“Iyon ang hindi nila masagot-sagot. Basta ang sabi lang sa kanila, ‘The Nexus knows everything.’ Nakakatakot diba? kaya mag-ingat ka, Amara. Tapos ang sabi pa ng isang kakilala ko, yung mga titig daw ng CEO ay sobrang nakakaintimidating at parang kaya pang basahin pati laman ng utak mo.”

Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan si Hershey sa mga impormasyong binigay niya, pero isa lang ang nagtatak sa isip ko.

Huminga ako ng malalim bago naisipang mag-ready para sa pagpunta ko sa NMII.

“Kailangan ko ito bes, hacker man sa paningin ng ibang tao pero kailangan ko ng legal na trabaho. At kung kinakailangan kong maging robot sa paningin ni Laxus Morgan para lang mabuhay, gagawin ko,” sabi ko at pumasok na ng banyo para maligo.

It took me two hours to get ready, at ngayon ay nandito na ako muli sa harap ng NMII building. Humugot pa ako ng malalim na hininga bago pumasok dala ang folder na naglalaman ng mga requirements na karaniwang nirerequire kapag naghahanap ng trabaho.

Kaya mo ito Amara!

Humakbang ako ng ilang baitang papasok. May mga men in black suit ang agad na hinarangan ako. May mga suot silang earpiece at halatang focus na focus sa ginagawa.

“ID miss?” sabi ng isa sa humarang sa akin. Kumunot ang noo ko, mukha pa ba akong minor?

Despite of I wanted to protest, kinuha ko nalang ang ID ko at binigay sa kanya para walang gulo.

“Sorry miss, I thought you are still a minor,” hingi niya ng paumanhin at binusan ang glass door para sa akin.

Ang lamig ng aircon ang siyang agad na yumakap sa akin, pero hindi iyon sapat para pawiin ang kabang kanina ko pa pilit tinatago.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking mga nakikita.

Puro mga high-touch screen panels, mga robots na nag-iiscan ng mga IDs, at ang mga tao ay parang mga models sa ganda at bilis ng ayos. Mga bagay na hindi ko masiyadong nakikita sa lugar na aking kinalakihan.

Ibang-iba ito sa personal kumpara sa mga nasabi ni Hershey sa akin kanina. Paanong ang isang kompanya na kagaya nito ay matatawag na toxic kung ganito kaganda ang mga disenyo? And take note, ang mga designs at materials ng mga robots niya ay hindi lang basta-basta nakikita dito sa Pilipinas.

Inilibot ko ang aking tingin sa napaka garang style ng company na ito.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkamangha nang biglang tumahimik ang paligid. Kahit ang janitor na busy sa kakalinis ng sahig ay saglit na tumigil nang bumukas ang isang magarang elevator na naiiba sa lahat. Paano ko nasabi? Nag-iisa lang kasi itong nakatayo roon sa may gilid, bukod sa dalawa pa. Isang lalaki ang lumabas mula roon, bitbit nito ang kapangyarihan at panganib.

He was wearing a black gray suit that speaks luxury and elegancy. Sa bawat hakbang niya, parang yumayanig ang semento ng NMII. Pero dahil sa kaba ko at sa pagmamadaling maabot ang elevator bago pa ito magsara, hindi ko na nagawang umiwas.

BOGSH!

Parang tumama ang mukha ko sa isang pader na yari sa bakal.

Sa lakas ng impact, napaatras ako at nawalan ng balanse.

Ang folder na kanina ko pa hawak-hawak, at ang mga kopya ng resume ko ay nagkalat sa sahig na parang mga sugatang sundalo.

Mabilis akong lumuhod para pulutin ang mga ito, "Linti guid!” mahina akong napamura habang mabilis na pinupulot ang mga ito

"Pasensya na ho, hindi ko sinasadya."

Ngunit imbes na tulungan ako o kahit mag-sorry man lang ay wala akong narinig, nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko. Ramdam ko ang bigat ng hangin. Pati ang mga bulongan ng mga tao at empleyado ay naririnig ko mula sa malayo.

anangat ko ang tingin ko at sinalubong ako ng isang pares ng mga matang kasing-lamig ng yelo.

Isang makintab na sapatos na itim ang pumasok sa line of sight ko. At bago ko pa makuha ang resume ko, dahan-dahan na itong tinapakan ng lalaki mismo sa harap ko and worst sa tapat ng pangalan kong nakasulat sa bold letters: AMARA ELLYZE MARQUEZ.

Doon na nag-init ang dugo ko. Kahit laki ako sa hirap, hinding-hindi ko hahayaang may tumapak sa dangal ko. Lalo pa at iyon na lamang ang tanging naipamana sa akin ng mga yumao kong magulang.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata.

“Do you always walk with your head in the clouds, or are you just naturally clumsy?” Ang boses niya ay mababa, baritono, at may halong insulto.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang isa lamang akong glitch o hindi kaya virus sa perpekto niyang sistema.

“Nalaglag ang mga gamit ko, pwede bang alisin mo ang paa mo sa resume ko?” matapang kong sagot, kahit sa loob-loob ko ay nanginginig na ang tuhod ko.

Nakakainsulto, na nakakainis and the same time nakakagalit! Gusto kong magwala pero pinakalma ko ang aking sarili.

Phew! Kalma Amara, kalma! Remember kung ano talaga ang tunay na pakay mo dito, kalma!

Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa labi niya.

Dahan-dahan niyang inalis ang paa niya, pero bago siya maglakad palayo, iniwan niya ang bakas ng dumi ng sapatos niya sa mismong pangalan ko.

“This is Nexus Morgan Intel INC.,” aniya habang nilalampasan ako. “We don’t hire people who can’t even look where they’re going. Get out.”

Naiwan akong nakaluhod sa gitna ng lobby. Hawak ang resume kong may marka ng putik, napakuyom ang kamao ko.

_Hambog!_.

Gwapo nga, pero ang sama naman ng ugali!

Hindi niya kilala kung sinong Marquez ang kinalaban niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   AUTHOR’S NOTE:

    Hi mga ka-historians! This is me your author. I just wanted yo thank those peopl who stayed with me and my journey here. First and foremost, syempre hindi mawawala diyan si Lord kasi at the end sa kanya pa rin at siya pa rin. Sinulat ko lang ang note na ito kasi, malapit na siya matapos sa drafts ko. And to let you all know, lahat ng characters na nakasulat dito ay may kanya-kanya pong kwento but I am still thinking if dito ko ba siya ipu-publish or sa isang PTR platform din. Wala pong fillers or something, di lang talaga ako marunong isulat ng tama pero... Stay tuned!

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 94: BREAKFAST IN THE GARDEN

    AMARA’S POVMorning came, and everyone is ready for the second and the final war. Pero dahil gising na si Laxus, maraming nagbago sa mga plano. Mabilis na kumalat sa media ang balita; ang biglaang pagpapakita ng aking asawa sa kompanya kaninang umaga ay tila isang lindol na yumanig sa buong bansa. The King is back, and the underworld knows it.By next week, isang illegal auction ang magaganap. Eight of the biggest underground elites will be present—kasama na si Hilary at ang tatlong pinuno na pumatay sa pamilya ni Laxus.It’s the perfect stage for the final bloodbath.Kaya heto, imbes na maghanda siya para mag-ensayo, nandito pa rin siya ngayon sa garden kung saan ako nagmumukmok. Nagtatampo ako sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng hirap ko sa pagpapatakbo ng kompanya habang wala siya—habang pasan ko ang tatlo naming anak—ngayong magkakaroon ng hustisya, ayaw niya akong isama sa auction.“Wife,” maawtoridad niyang sabi. I can feel his patience getting thinner, but I don't care.“Huwag m

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 93: THE KING’S AWAKENING

    AMARA’S POV Dahan-dahan akong pumasok sa loob matapos ang ilang sandali. Venus opened her eyes and smiled the moment she saw me—isang ngiti na tanging nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Kayo ng mga kapatid mo ang nagpapatatag sa akin, mahal ko. Mabilis siyang bumaba mula sa couch at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang maliliit na kamay. She is just six years old; she wasn't supposed to experience this kind of cruelty. Naaalala ko ang gabing una ko siyang nakita. She wasn't ours, and she is fully aware of it now. She was born a Saga, the daughter of a traitor who once used our own technology to destroy us. But the way she cares for Laxus now... it shows that blood doesn't define who your family is. “Mommy, you’re back!” aniya sa mahinang boses. Hindi ko na siya mabuhat dahil sa laki ng aking tiyan, kaya niyakap na lamang niya ako sa aking baywang, tila ba sinasama sa yakap ang kanyang mga kapatid na nasa sinapupunan ko pa. Isang buwan na lang, at

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 92. THE BLACK LACED TRAP

    AMARA’S POVMabilis na inilabas nina Unique at Liander ang kanilang mga armas nang makitang pilit na bumubunot ang anak ni Floyd mula sa likod ng kaniyang pantalon. Pero bago pa man niya mahawakan ang baril, isang malamig at nanunuot na tingin lang ang ipinukol ko sa kaniya.“Kryptonite... pati ba naman ikaw?” usal niya. Ang boses niya ay puno ng pagkagulat at pait habang namimilipit sa sakit ng kaniyang binti.Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Isang putok pa mula sa aking Beretta Tomcat ang umalingawngaw, at tuluyan siyang dumausdos mula sa kinauupuan patungo sa sahig. Ang kaniyang mga tauhan na kanina lang kung umasta ay akala mo’y mga diyos? Ngayon ay tikom ang bibig at nakayuko sa ilalim ng aking kapangyarihan.They thought they knew how my husband thinks? Fascinating. Dapat lang silang matakot. Dahil kung si Laxus ay nagbibigay pa ng pagkakataon, ako... hinding-hindi.“W-what do you want?” nanginginig niyang tanong habang nakahawak sa duguang binti.“Simple,” sagot ko.

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 91: A POISONED DINNER

    AMARA’S POVTahimik lamang kami ni Hershey sa loob ng sasakyan, ngunit ang katahimikang iyon ay puno ng kaba at determinasyon. Ramdam ko ang bawat mabigat na hininga sa loob ng SUV. Kasama namin si Liander at ang ilan pa naming mga tauhan, habang si Diana naman at Auntie May ay naiwan sa mansyon. Sila ang nagsisilbing mga mata namin doon—nagbabantay kay Laxus at Venus habang wala kami. Nag-iwan din kami ng sapat na pwersa sa mansyon, mahirap na; alam naming tuso si Hilary at hindi kami pwedeng magbakasakali.Hinawakan ni Hershey ang kamay ko, isang mahigpit na pisil na tila ba sinasabing, “Kaya natin ito, Bessy.” Sa passenger’s seat, nakita ko si Unique na tahimik na nagche-check ng kanyang long rifle. Ang kanyang mukha ay walang emosyon, ngunit ang higpit ng hawak niya sa armas ay sapat na para malaman kong hinding-hindi siya magdadalawang-isip na magpaputok kapag kailangan.Ramdam ko ang determinasyon ng bawat isa sa amin. H

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 90: A DATE WITH HELL

    AAMARA’S POVTatlong buwan. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon, at sa loob ng mahabang panahong iyon, hindi pa rin nagigising ang aking asawa.Everything changed. Ang masayang mansyon ay naging madilim at tahimik. Ang puso ko ay tila nabalot ng yelo, at ang aking mga ngiti ay nawalan ng buhay. Alam kong mapanganib ang nararamdaman ko, lalo na at tatlo ang dinadala ko—isang babae at dalawang lalaki. My triplets are the only ones keeping me sane.Tahimik kong pinagmamasdan si Venus na natutulog sa tabi ng kanyang Dadda. She's been having a hard time, too. I had to pull her out of regular school and start homeschooling dahil hindi na maganda ang kanyang mga grado. She is no longer the super playful and hyper child I knew. My Venus changed so much, and my heart breaks every time I see her like this. Lalo na’t hindi rin kami mapalagay dahil madalas ay may namamataang mga espiya sa paligid ng mansyon.This war between blood has to end. Lalo na at malapit na

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 36: GUNS and BULLETS

    AMARA’S POVHalos bumigay na ang buong katawan ko. Paano ba naman, imbes na gumamit kami ng komportableng kotse para makarating sa sinasabi nilang personal training area, pinag-jogging niya ako! Bandang ala-una ng hapon! Ang init-init, pakiramdam ko ay nag-o-overheat na ang buong sistema ko!Buti n

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 35: HIS QUEEN

    AMARA’S POV Pagbaba ko sa sala, ang bumungad sa akin ay ang madilim at nakakatakot na mukha ni Laxus. My system immediately flagged the danger—not from him, but from the situation. May bahid ng sariwang dugo ang kamao niya, at halatang bago pa lamang ang bakas niyon sa kanyang balat. Agad akong tu

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 34: LOVE vs. LUST

    AMARA’S POV Maingat akong kinarga ni Laxus papasok sa loob, ilang sandali matapos ang nangyari sa amin sa terrace. He gently and carefully laid me on the bed, pulling the thick white blanket over us before he hovered to the other side to lie down. Marahan niyang hinalikan ang noo ko pagkahiga niya

  • The Mafia Series: Laxus Morgan   CHAPTER 33: LUXURY & DANGER

    AMARA’S POV Pagkatapos ng seremonyas, finally... the priest said the magic words. “You may now kiss the bride.” Naghiyawan ang mga kaibigan ko at ang lahat ng taong nakasaksi sa amin nang siilin ako ni Laxus ng isang halik. It was a long, deep, and passionate kiss—the kind that makes you forget

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status