LOGINAMARA’S POV:
“Nakakainis!” nagsisigaw kong sabi dito sa loob ng comfort room. Magti-thirty minutes na, pero hindi pa rin ako lumalabas dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang pagkapahiyang naranasan kanina. Kampante naman ako dito, dahil walang taong pumasok mula pa kanina. Busit siya, BUSIT! Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin. Namumula ang mukha ko, the outrage is still there. How dare he mock and insult me in front of many people? Wala ba siyang puso? Nilagay ko ang hawak na resume sa may gilid ng sink saka ko binuksan ang gripo at naghilamos para kahit papaano, maibsan ang init ng ulo ko. Pero hindi iyon sapat. Kapag talaga nagkita kami ulit, ipapatikhim ko talaga sa kanya ang alindog–este ang galit ng isang Marquez. Makikita niya talaga. Muling nadako ang aking tingin sa dalang white folder. Sa inis, kinuha ko ang laman niyon saka diniinang pinunasan ng dry tissue pero mas lalo lang nagkalat ang marka doon. Aba! Magaling! “Mag-apply ka lang, Amara. Huwag mong hahayaang masira ang future mo dahil sa antipatikong lalaki na iyon.” I encourage myself, akala mo naman kasi kung makakilos at makapagsalita ay siya ang may-ari eh empleyado lang naman siya. Empleyado nga ba? Ah basta! Itutuloy ko pa rin to. Matapos pakalmahin ang sarili at mag-retouch, lumabas na ako sa banyo na may dalang bagong determinasyon. Kung akala niya ay mapapaalis niya ako, aba! Kailangan muna niyang mag-apply bilang CEO ng kompanyang ito no! Saktong papunta ako sa may receptionist table upang magtanong sana kung nasaan ang HR department, sinalubong ako ng isang secretary na sa pakiwari ko ay kasing edad ko lang. Matangkad ito, maputi, may singkit na mata at sobrang pormal ng galawan at pananamit. She had that stern look on her face, in which hindi nababagay sa maganda nitong itsura. “Miss Amara Marquez?” tanong niya. Tumango ako. “You are already late for thirty minutes, please follow me,” aniya at nauna nang naglakad papunta sa elevator kung saan gamit iyon ng lalaki kanina. Nag-aalinlangan man, sumunod pa rin ako sa kanya. Empty hallway. Ito ang sumalubong sa akin pagkalabas namin ng elevator. Hindi na kailangan pang buksan ang ilaw dahil sa mga glass walls na nakapaligid, na siyang nagbibigay ng natural na liwanag dito sa loob. And for the first time, nakita ko ang magandang tanawin ng buong BGC mula dito. Malalaking mga hakbang na sumunod ako sa babae, masyado akong nagandahan sa tanawing nakikita na hindi ko namalayang medyo malayo na pala siya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang double door na yari sa madilim at makapal na kahoy. “We are here Miss Amara, and before you enter let me remind you...” lumapit siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata, “The Nexus knows everything.” Naguguluhan man, tumango nalang ako. Hinatid ko pa ng tingin ang babae nang makaalis ito. Huminga ako ng malalim, kaya mo ito Amara! Nanginginig na mga kamay kong pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, ang luwag ng opisina ay nakakalula. Ang iba’t-ibang uri ng mga mamahaling inumin at mga kagamitan ay naka-display ng maayos sa isang gilid, habang ang kabila naman ay may maliit na sala kung saan ito siguro ang ginagamit sa tuwing may mga personal na meetings. The office seems pretty stern and manly with its white, black and brown colors, sa kabilang banda ay ang isang malaking glass window na kung saan kay sarap tambayan at magmuni-muni. And oh! I almost forgot the combination of expensive perfume and... Danger. Hindi ko alam, pero bigla ulit kumalabog ang dibdib ko. Sa harap ko, nakatalikod ang isang malaking swivel chair na yari sa leather. Nakaharap ito sa may dingding, at sa pakiwari ko ay busy ang CEO dahil may hawak itong black telephone. “Okay, I’ll call you later bye!” saad nito at binaba ang tawag. Wait, parang pamilyar ang boses na yun ah? Hindi ko nalang iyon pinansin. I manage to calm, before I finally introduce myself. “Hello sir good morning, sorry for the inconvenience. I am Amara Ellyze Marquez, applying for the position of Junior Software Developer,” matatag kong simula habang inilalapag ang nadumihan kong resume sa may glass table nito. Dahan-dahan umikot ang upuan. And again, I saw that dangerous and intimidating eyes,Those eyes that also speaks with authority and clarity. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang kapeng ininom ko kanina bago pumunta dito ay tila parang umakyat sa sikmura at lalamunan ko. Ang lalaking nakaupo sa harap ko ay walang iba kung hindi ang lalaking tumapak sa resume ko at sumira ng araw ko. Laxus Morgan. Tumingin siya sa akin saka sa resume na nasa table niya. Isang nakakainis at mapanuyang ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. “So, the clumsy woman from the lobby earlier is also a developer?” He leaned forward, linking his fingers, “I thought I already told you to get out?” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumagot. “I came here for an interview, Sir. Hindi para sundin ang utos ng isang lalaking hindi man lang kayang humingi ng sorry,” ‘kagaya mo, Sir.’ muntik ko na itong sabihin, mabuti at napigilan pa ng aking dila. My heart is pounding with pure rage, but I didn't blink. Natawa siya, pero yung niya tawa niya, tawang alam mo yun? Walang bahid ng kagalakan. In short, malamig pa sa malamig na yelo na nasa ref ni Hershey. “Confident and feisty, I like that, though it's not an excuse for being clumsy and incompetent.” Kinuha niya ang resume ko at parang diring-diri itong tiningnan gamit ang dalawang daliri. “Amara Marquez from... Antique? Hmmm what makes you think you could believe me that a province girl can be the best hacker in a prestigious company like mine?” Napakisap ako ng mata sa narinig. Hacker? Paano niya nalaman yun? “So tell me Amara... What can you–” biglang naputol ang kung anuman ang sasabihin niya nang bigla nalang nabalutan ng dilim ang buong opisina niya pero tumagal lamang iyon ng tatlumpong segundo. Biglang lumiwanag ang buong silid ng kulay pulang ilaw na sobrang nakakasilaw sa mata. Ang mga emergency lights sa bawat sulok ay nagsimulang mag-flicker. Akmang pipindutin na sana niya ang button ng intercom, nang may tumawag mula roon. “Sir, our system is under attack! Someone is trying to bypass the Level 10 firewall!” sabi ng lalaki sa kabilang linya, bakas sa boses nito ang pagpapanic. I heard him cussed. Ang kaninang mapanuyang ngisi sa mga labi ni Laxus ay nawala. His jaw clenched, his eyes flashes murderous stares, as if he will kill someone who messes his system. Agad siyang humarap sa kanyang main console at mabilis na nag-type, ang kanyang mahahabang daliri at maugat na kamay ay tila sumasayaw sa bilis ng kanyang pag-tipa sa keyboard. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok habang tinititigan iyon. Ano pa kaya ang– Lihim kong pinagmumura ang aking sarili dahil sa mga iniisip. Come on, Amara! Tigilan mo yan! “Lock the database! Trace the IP address, NOW!” sa kabila ng ingay na nagmumula sa alarm, nangingibabaw pa rin ang nakakapanindig balahibo nitong sigaw. Habang nakatayo ako sa gitna ng gulo, hindi ko mapigilan ang sariling hindi magsalita. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa malaking holographic screen sa tapat ni Laxus. Ang mga codes na nakasulat doon ay hindi basta-basta. Recursive encryption, isang uri ng atake na bihira lang mangyari, pero bilang IT graduate na batak sa cyberworld. Kabisadong-kabisado ko na ang bawat galaw ng kung sinuman ang sumusubok na sirain ang system ng NMII. “Hindi niyo basta-basta maaalis iyan kung manual locking lang,” mahina kong usal. Lumingon si Laxus sa akin, magkahalong galit at pagtataka ang nakikita ko sa kanyang mga mata. “The more you lock it, the more the virus spreads and replicates,” sabi ko. Lumapit ako sa kanya, pero sa hindi sinasadya ay napatid ako ng kung ano dahilan para mawalan ako ng balanse at tumama ang katawan ko sa malapad niyang dibdib. Hindi siya nakasuot ng coat, kaya ramdam ko ang maninipis niyang balahibo kahit na may suot siyang white long-sleeve. And for a moment, our gaze met. Despite of the chaos around us, I can still see his deep dark blue eyes staring at me. Ang kaninang nagngangalit nitong mga mata ay unti-unting nawawala. His arms wrapped around mine securely. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon, I felt kind of strange. Isang tunog ulit at flash ng warning sign sa screen ang nagpabalik sa akin. Mabilis kong hinila ang sarili mula sa pagkakayakap niya at tinuon ang pansin sa main problem. Ano ba Amara! Mag-focus ka nga! “Alisin mo ang mga paa mo sa resume ko kanina, Mr. Morgan, at hayaan mong ipakita sayo kung sino ang tinatawag mong incompetent,” sabi ko na hindi siya tinitingnan sa mga mata. Hindi ko na hinintay siyang makapagsalita. Mabilis kong ipinuwesto ang sarili sa tabi niya. It's time to show to this beast what a province girl can do.AMARA’S POV:Mula nang meeting na iyon, hindi ko na masyadong nakakausap si Laxus. Naging distant na rin ako sa kanya, dahil magpahanggang ngayon, hindi ma-proseso ng isip ko ang mga kaganapan.At ang pinakamasakit sa lahat? Iyong pwesto ko na dating nakalagay sa loob ng opisina niya, kung saan natatanaw ko ng malinaw ang bawat galaw niya. Mula sa bawat kunot ng kanyang noo hanggang sa paghigop niya ng kape, ay wala na. Mag-iisang linggo na nang pinalipat niya ako ng pwesto. Dito ako nakapwesto, sa pinakadulong bahagi ng isang maliit na cubicle, kung saan naririnig ko bawat bulungan at mga tawang parang insulto sa akin sa tuwing dadaan ako. Pinapamukha talaga niya sa akin na wala akong pinagkaiba sa kanila. Na ang nangyari noon sa BGC ay isang pagkakamali, na “pure business” lang at walang personalan na kasama.Napaka-entitled mo naman kung ganoon, Amara. Malamang ililigtas ka niyan kasi hawak mo ang alas niya.Mabuti nalang talaga at lagi kong kasama si Diana, kaya hindi nila ako
AMARA’S POV: Hindi naman ganoon kahaba ang biyahe papunta sa mismong place ng meeting, as a matter of fact, it took us for about fifteen minutes to get there. Pagkababa namin, sinalubong kami ng napakaraming lalaking nakasuot ng black and white tuxedo. They even bowed in front of us, especially kay Laxus. “Boss, Mr. Saga is already here,” sabi ng isang lalaking matangkad at chinito. Ang buhok nitong itim na itim ay hanggang leeg ang haba at nakapusod ng malinis. Well, I would described him as charming. Yet, walang makakapantay kay Laxus. Syempre, loyal ako sa crush kong antipatiko. Speaking of the devil, para akong kinuryente at muntik nang mapatalon sa gulat nang bigla niya akong hinapit sa baywang. Napatingin ako sa kanya, and I saw his jaw clenched. “Most of my people are men, I don't like it when they are looking at you like that,” he whispered right in my ear. And honestly? His husky voice and soft growl– whenever his men are staring at us– hits me differently. Para akong tu
AMARA’S POV:“Where are you going?” natigil ang sana ay pag-alis ko sa aking puwesto nang tanungin niya ako. “Mag-aayos ng sarili sir, di ba sabi mo may meeting tayo with the client?” sarkastikong sabi ko. Bitbit ang black shoulder bag na bigay ni Hershey, aalis na sana ako para makapag-retouch. “You are coming with me, but...” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang iniiscan niya ang buong pagkatao ko. “Not with that faded blazer and coffee stained sleeves,” saad niya bago naglapag ng Black Card sa table ko. “Go to Diana, and tell her to take you to the boutique outside. Pick a dress that doesn't scream, ‘Province Girl.’ You have one hour to prepare.” Dahan-dahan kong kinuha ang card. Medyo napaismid pa ako nang minention ang ‘province girl’ pero hindi ko nalang ito dinamdam, baka pagtalunan na naman namin to. Ang lamig nung card, siguro dahil sa temperature ng opisina o hindi kaya sa temperature ng may-ari? “At Marquez...” pahabol niya bago ako tuluyang makatayo,
AMARA’S POV: “I must say, I am impressed by your skills and abilities, Ms. Marquez,” lihim akong napangisi dahil sa sinabi ni Mr. Morgan. Sino ba naman kasi ang hindi? Kanina lang kung makapag-insulto akala mo siya na ang may-ari ng buong mundo, dagdag pa yung parang diring-diri siya sa resume ko. Pero ngayon, heto siya at parang naiinis, siguro nasapawan ko yung pride niya kaya ganyan siya. Pero, bago pa man ako magpa-party sa apartment ni Hershey mamaya, muling bumalik ang reaksyong lagi niyang suot. Cold stares and dangerous gaze. Tama nga si Hershey, parang binabasa niya ang buong katauhan mo sa titig palang. Yung tipong kahit tahimik, ramdam mo yung mga matatalim niyang aura. “But don't think I will let this pass between us,” dagdag pa niya. Nakaupo ngayon sa harap ng table niya, kaya he stood up and walk towards me. “Don’t you know that it is illegal to enter my private server without my consent? And in my world, it is illegal and a crime. Labag sa company rules iyon, but
AMARA’S POV: “Nakakainis!” nagsisigaw kong sabi dito sa loob ng comfort room. Magti-thirty minutes na, pero hindi pa rin ako lumalabas dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang pagkapahiyang naranasan kanina. Kampante naman ako dito, dahil walang taong pumasok mula pa kanina. Busit siya, BUSIT! Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin. Namumula ang mukha ko, the outrage is still there. How dare he mock and insult me in front of many people? Wala ba siyang puso? Nilagay ko ang hawak na resume sa may gilid ng sink saka ko binuksan ang gripo at naghilamos para kahit papaano, maibsan ang init ng ulo ko. Pero hindi iyon sapat. Kapag talaga nagkita kami ulit, ipapatikhim ko talaga sa kanya ang alindog–este ang galit ng isang Marquez. Makikita niya talaga. Muling nadako ang aking tingin sa dalang white folder. Sa inis, kinuha ko ang laman niyon saka diniinang pinunasan ng dry tissue pero mas lalo lang nagkalat ang marka doon. Aba!
AMARA’S POV:“Bes, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong iyan?” seryosong sabi ni Hershey habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.Tumango ako.“Alam mo bang base sa nahagilap kong impormasyon, masyadong toxic ang company na iyan?”Binaba ko ang hawak na puting blouse na susuotin ko mamaya, naintriga tuloy ako dahil sa sinabi niya.“Toxic? Bakit? Dahil ba sa dami ng trabaho?” takang tanong ko.“Hindi lang trabaho bes, ang balita ko halos araw-araw daw may tinatanggal na mga tech developers ang CEO niyan. Marami rin akong kakilala riyan na natanggal, at ang sabi nila pang military daw ang higpit ni Laxus Morgan. Isang mali mo lang, o kahit may lumabas na isang line of code na hindi dapat... Out ka na agad. At ang masama parang na black bail sila sa buong BGC. Wala ng gustong tumanggap sa kanila after nila matanggal.”Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa may cabinet at tiningnan siya.“Black bail? Bakit?” naguguluhan kong tanong.“Iyon ang hindi nila masagot-sago







