¶ The Mafia and Citizens ¶
IV. IKAAPAT (4.2)
Josie Ocampo’s PoV
“You can stay at my house,” biglang ani nito.
Natawa naman ako sa sinabi niya, “Wow ha, paano mo nasasabing wala akong matutuluyan ngayon?” nakangising tugon ko rito.
Nagkamot naman ito sa batok niya saka naglakad papalapit sa akin. “Ano ba ‘yang mga dala mo? Mga gamit mo, diba? Wala namang show ngayon para magdala ka ng mga props,” natatawang sambit nito.
Inirapan ko naman siya, “Kanya-kanyang trip lang ‘to,” tugon ko naman sa kanya.
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.3) Josie Ocampo’s PoV Nakita ko kung gaano naging aligaga si Sean sa pagbukas niya pa lang ng pintuan ng kotse niya. Muntikan niya pa akong maiwan sa sobrang pagmamadali. Nasa loob na kami ng kotse ngayon, hindi ko mabasa ang nasa utak ni Sean ngayon, basta hindi maaliwalas ang mukha nito hindi gaya sa nakikita ko kanina lang. “Shit!” malutong na mura nito at malakas na pinalo ang manibela. Nagulat naman ako do’n at napatingin ako sa harapan ko. Tumigil ang sasakyan na nasa harapan namin, tiningnan ko ang oras at maga-alas nuwebe na rin ng gabi. Huwag sa
¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.4) Josie Ocampo’s PoV Napatigil naman ako sa paglalakad sa tapat ng gate nila Sean nang bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga nangyari ngayon. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. “Why? Is there a problem?” he asked. I deeply sighed, “Nakakahiya sa Lola mo, Sean. Baka kung ano ang isipin niya, ayoko naman na isipan ka niya ng masama,” tugon ko rito. “No worries, i will explain her everything. I know she will understand, hindi naman madamot si Lola kaya nga nandirito ako sa pamamahay niya.” Naramdaman ko naman kung paano pinagaan ni Sean ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Nang buksan niya ang gate, sinalubong naman kami ng ilang mga kasambahay niya at kinuha ang mga dala kong gamit. Balak ko pa sana itong bawiin pero pinigilan ako ni Sean. “Paki-prepare na ng mga gamit niya sa sinabi kong kwarto,” rinig kong utos ni Sean sa mga kasambahay niya. Bakit kaya siya sobrang kabado kanina kung marami nam
¶ The Mafia and Citizens ¶ V. IKALIMA Sean Mercado’s PoV Nagising ako nang may nararamdaman akong marahang tapik sa likuran ko. Tumingin naman ako sa likuran ko, at medyo malabo pa ito sa paningin ko hanggang sa luminaw na. Ramdam ko naman agad ang sakit ng ulo ko. “Sir, bumangon na po kayo diyan,” ani ng isa sa mga kasambahay namin. Napatingin naman ako sa paligid at nasa bar stool pala ako nakatulog. Nakita ko naman ang nangalahating whiskey na nasa tapat ko. Obvious naman na sa sobrang kalasingan, ay dito ako nakatulog. “Anong oras na po?” tanong
¶ The Mafia and Citizens ¶ V. IKALIMA (5.1) Sean Mercado’s PoV Bigla akong nawalan ng reaksyon sa huling sinabi ni Josie sa akin sa mismong harapan ko. Nakatayo lang ito sa harapan ko at seryosong nakatingin lang sa akin at samantalang wala naman akong ginagawang aksyon. Napagalaw naman ako sa sa biglaan niyang pag ngisi at pag-iling ng kanyang ulo habang humithit ng hawak niyang sigarilyo. “Masyado ka ng namutla sa sinabi ko, mukhang napaniwala kita.” Kita ko ang malaki niyang ngisi kahit nakatagilid na ito sa akin. Napapikit naman ako ng mariin saka ako napasandal sa hawakan dahil mukha akong mawawalan ng balanse sa kabalastugan na sinabi ni
¶ The Mafia and Citizens ¶ VI. IKAANIM CRIMSON’s PoV Nakangiti akong naghahasa ng paborito kong kutsilyo habang nakikinig ng kanta ng paborito kong type ng music, which is ang rap lalo na ang kay Eminem. Sa ganitong pamaraan ko nililibang ang sarili ko habang nag-iisip ng plano para sa mga balak o sadya kong papatayin. Hindi ko mapigilan na sumabay sa lyrics nito nang mapunta na sa chorus, napapasayaw pa ang ulo ko sa kanta. Malakas ang music dahil inilagay ko ito sa speaker na kabibili ko lang rin na talaga namang na-enjoy ko. Sa kabila ng lakas ng music na galing sa speaker ay narinig ko pa rin ang malakas na sigaw ng Doctor na ‘yon. Inis ak
¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO Jesse Villanueva’s PoV Gumising akong nakatulala habang nakalapat ang katawan ko sa higaan. Ganito na ako lagi bago kumilos, hindi na maiwasan na tumulala muna bago mag-umpisa sa parehas na gawain sa buong araw. Tila kasama na sa oras ko ang tumulala sa pagkamulat ng mga mata ko. Matapos ang sampung-minuto na pagtulala sa kisame, tumayo naman na ako agad na hindi na inaayos ang higaan ko. Dahil late na akong nakakauwi ng bahay, late na rin ang gising ko sa umaga kaya dapat nagmamadali akong kumilos para pumasok sa school. Kung pwede lang sana na hindi na ako mag-aral at magtrabaho na lang, mas magiging madali sana ito para sa akin. Pero dahil nakapagbitaw ako ng isang salita sa Lola at Mama ko, dapat hindi ko ‘yon biguin. Naghanda lang ako ng makakain ko, dahil hindi naman ako pwedeng gumastos nang gumastos dahil may utang rin akong dapat bayaran. At bigla ngang nag-ring ang phone ko at tumatawag nga sa akin si Dustine, ang inutangan ko.
¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO (7.1) Jesse Villanueva’s PoV Hindi ko naman na magawang bumalik muli sa klase, hinintay ko na lang na magbreaktime sa pamamagitan ng pagtulog dahil halos araw-araw rin naman talaga na kulang akong sa tulog. Nang magising ako, bumili muna ako ng makakain ko sa canteen at ramdam at rinig ko na agad ang mga bulungan nila tungkol sa akin. At nangunguna nga doon ang boses ni Lauren, na hindi ko naman na binigyang-pansin gaya ng nakasanayan ko. Akala niya siguro gusto siya ng mga nakakasama niya, masyado kasing uhaw sa atensyon. Dumiretso naman na ako sa rooftop habang ngumunguya ng binili kong pagkain. Mayroon daw ka
¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO (7.1) Jesse Villanueva’s PoV Halos tulala ako at diretso lang ang tingin ko habang naglalakad papunta sa bar na pinapasukan ko sa kadahilanang sa napag-usapan naman ni Crimson kani–kanina lang. Ang hirap man aminin, pero lahat ng sinabi niya kanina ay may point na talaga namang ikinaatras ko. Nakarating ako sa bar at agad akong nagsuot ng uniform ko. Dumiretso naman ako sa pwesto ko kung saan ang VIP Area, mismong si Brady ang naglagay sa pwesto kong ‘to dahil gusto niyang ako ang gagawa ng iinumin niya. Hindi ko naman siya naabutan ngayon sa pwesto, marahil mamaya pa ‘yon pupunta dito at may dala na namang babae. Walang araw na hindi naman ‘yon nagpupunta dito sa mismong bar niya at laging may kasa-kasama na babae. Mabait si Brady kung tutuusin, pero hindi ko na rin mabilang kung ilan ang nadala niya na dito na babae. Hindi niya rin maisip ang tungkol kay Crimson dahil siguro ay hindi pa siya nito inaatake kaya gano’n na lang rin siya u