Share

CHAPTER 3

“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito.

At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin.

Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita.

“Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status