NANGATOG ang mga tuhod ni Althea nang pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant ay matanawan niya sa isang mesa si Griff kasama ang childhood sweetheart nitong si Britanny at napakasweet pa ng dalawa habang kumakain. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan. Paano siyang napaniwala nuon ng lalaking ito? Minsan ba sa buhay nito ay totoong minahal siya nito? Or palabas lang ang lahat ng iyon? Gustong-gusto na niyang tumakbo sa harapan ng mga ito at pag-umpugin ang ulo ng mga ito ngunit alam niyang pagagalitan siya ni Rigor kapag hindi niya pinigilan ang bugso ng kanyang damdamin.
“Give your best smile, as if proud na proud ka dahil kasama mo ako,” narinig niyang bulong ni Rigor sa kanya, “And why not? Dapat ka talagang maging proud, imagine, kasama mo ang pinakaguwapong lalaki ngayong gabi,” dagdag pa nito sa kanya. Bahagya lamang niya itong inirapan saka pilit na pilit na ngumiti.
Totoo naman ang sinabi nito. Isa si Rigor sa pinakaguwapong mukha na nakita niya kaya malakas ang loob nitong magyabang sa kanya. Ngunit para sa kanya ay pangalawa lamang ang panlabas na anyo ng isang tao. Mas mahalaga ay kung ano ang nasa kalooban mo. Hindi nga ba at kaya siya nahulog ng husto nuon kay Griff? Pinakitaan siya nito ng kabutihan, respect at care. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagparamdam sa kanya na maganda siya. Na karapat-dapat siyang mahalin. But obviously, planado ang lahat ng iyon.
Isang patibong para mahulog ng husto ang loob niya rito. Napakagaling nitong magkunwari para mapaniwala siya nito. Pati mga magulang niya ay nabola pa nito ng husto.
“At pwede ba, huwag kang pahalatang apektado sa nakikita mo ngayon. Please be reminded na sa ngayon, nasa ibang katauhan ka. You are not Althea anymore. Ikaw na ngayon si Sophia. At hindi nag-eexists sa buhay mo si Griff, maliwanag ba,” Pasimpleng sabi pa sa kanya ni Rigor habang naglalakad sila patungo sa mesa na pina-reserve nito.
Napalunok siya. Paano ba hindi mag-eexists sa buhay niya si Griff gayong heto at naghuhumiyaw sa bawat parte ng katawan niya ang galit na nararamdaman niya ngayon para sa lalaking hanggang ngayon ay mahal pa rin niya?
Sira ulo nga yata siya dahil kahit alam na niyang pinagtangkaan na nito ang buhay niya ay may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para ditto. Ano bang klaseng babae ang magmamahal sa lalaking walang ibang gusto kundi ang kayamanan lang niya?
Nag-iisa lang siguro ang babaeng kasing tanga niya. Hinawakan ni Rigor ang siko niya at iginiya paupo. “Thank you,” pilit na pilit ang ngiting sabi niya rito, bahagya pang tumalim ang mga mata niya nang panandaliang magtama ang kanilang mga paningin. Hindi niya alam kung ano plano ni Rigor at dinala siya ditto? Kung gusto lamang siya nitong inisin ay nagtagumpay siyang gawin iyon dahil sa ngayon ay kumukulo talaga ang loob niya sa inis na nararamdaman para kay Griff at sa kerengkeng na kalaguyo ng kanyang asawa!
Nakangising naupo si Rigor, waring enjoy na enjoy makita siyang nasasaktan. Mas lalo naman siyang napipikon. “Masaya ka na ba?” Tanong niya rito habang binabasa ang menu, “Siandya mo bang dalhin ako rito para makita ko silang naghaharutan?”
“Dinala kita rito para marealize mo kung anong klaseng lalaki ang pinakasalan mo!” Sagot nito sa kanya, “At kung bakit kailangan mong maghiganti!”
Tumiim ang kanyang mga bagang habang palihim na pinagmamasdan sina Griff at ang babae nito na ni sa utak niya ay ayaw niyang banggitin ang pangalan. Nakaririmarim. Gusto ng bumaligtad ng sikmura niya lalo na nang makita niyang hinalikan ito ni Griff sa labi as if wala itong pakialam sa ibang taong nakakakita sa mga ito. Nagpapanting ang tenga niya dahil kahit na kalian ay hindi siya hinalikan ni Griff sa publiko.
“Relax,” dinig niyang sabi ni Rigor sa kanya, nakita pa niyang bahagya itong nakangiti.
Inirapan niya ito, “Enjoy na enjoy ka ano? Tuwang-tuwa kang makitang may isang babaeng nasasaktan?”
“Sa akala mo ba nag-eenjoy akong makakita ng babaeng ginagago ng mga asawa nila? Kaya nga kita tinutulungan dahil sa lahat ng pinaka-ayoko, iyong mga gagong kagaya ng asawa mo! Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil pinarerealize ko saiyo ngayon kung anong klaseng lalaki yang pinakasalan mo!”
“And what do you achieve from that?” Tanong niya kay Rigor saka umayos ng upo, “Magkalinawan nga tayo, bakit mo ba talaga ako tinutulungan?”
Ngunit sa halip na sumagot ay tinawag nito ang waiter at um-order ng mga pagkain. Napilitan na rin siyang um-order. Nagulat pa si Rigor nan gang dami niyang in-order. Tiningnan siya nito na parang nagtatanong ang mga mata: Kaya mo bang ubusin ang lahat ng ‘yan?
“Stress ako kaya ‘wag mo na lang akong pakialaman, pwede?” may kasungitang sabi niya rito. Stress talaga siya at kapag stress siya ay gusto niyang kumain ng marami dahil pagkain lang ang stress reliever niya.
Napailing na lamang si Rigor sa kanya.
NAPAPAILING SI RIGOR habang pinapanuod si Althea na kumakain. Hindi niya alam kung saan nito inilalagay ang lahat nitong kinakain. Ito lang ang tanging babaeng nakilala niya na harap-harapan ng niloloko ng asawa eh may gana pang kumain!
Napasulyap siya sa kanyang target. Alam niyang sobrang affected si Althea sa mga ito. Gusto niyang mapaibig ni Althea ang asawa nito. Gusto niyang paikutin ni Althea ang lalaking iyon kung paano nito pinaikot si Althea.
Lihim siyang napangiti. Mukhang mag-eenjoy siya sa palabas na ito. Hindi na siya makapaghintay pang masaksihan ang pagbagsak sa mga kamay niya ng lalaking ito. Nangangati na ang mga palad niya. Nangunot ang nuo niya nang mapansing umiiyak si Althea habang kumakain. Bigla na namang naantig ang damdamin niya. Ayaw na ayaw niyang makakakita ng babaeng umiiyak. Inabot niya ang tissue ditto saka paismid itong tiningnan.
“Pinag-aaksayahan mo ng luha ang walang kwentang asawa mo?” Pabulong na singhal niya rito, “Pwede ba, umayos ka. Punasan mo ‘yang mga luha mo. Ayoko ng makita kang iniiyakan ang walang kakwenta-kwentang lalaki na ‘yan. Ni hindi nga kagandahang lalaki ang kumag na ‘yan eh. Look at you now. Ang ganda-ganda mo na. Kung tutuusin sa ganda mong ‘yan ngayon, kahit sinong lalaking gustuhin mo, paniguradong makukuha mo!”
“Kung magsalita ka, parang wala lang saiyong magpalit ng girlfriend!” sagot nito sa kanya, “Hindi naman kasi basta-basta iyon. Minahal ko siya at hanggang ngayon mahal ko pa rin sya. . .”
“Anak ng teteng, isinilid ka na nga sa sako ng lalaking ‘yan at tinapon sa bangin!” Hindi makapaniwalang sabi niya rito.
Napahikbi ito. “Hindi mo ko maiintindihan kasi hindi mo pa nararanasang mainlab!”
“At sino namang me sabi saiyong di ko pa nararanasang mainlab?” Matiim na tanong niya rito saka muling naalala si Sophia. “Nagmahal na rin ako at patuloy na nagmamahal,” paanas lang na sabi niya rito.
PAGPASOK SA RESTROOM ay inabutan ni Althea si Britanny na nagreretouch ng make up nito. Lumapit siya rito at humarap sa salamin. Gusto niyang ipangalandakan ditto na walang wala ito sa kalingkingan niya ngayon. Ni hindi na nga niya kailangang maglagay ng make-up para gumanda! Itinaas niya ang kanyang mukha at bahagya itong inirapan saka tumitig sa kanyang reflection sa salamin.
Kung ito kaya ang tinataglay niyang mukha nang pakasalan siya ni Griff, pagtatangkaan pa rin kaya siya nitong patayin? Marahil ay hindi. Para siyang isang Holywood actress sa taglay niyang kagandahan ngayon. Sinong mag-aakala na retoke lang ang lahat ng ito?
Inayos niya ang kanyang buhok.
“Excuse me, you look familiar, nagkita na ba tayo?” Narinig niyang tanong ni Britanny sa kanya.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa saka napangisi, “I don’t think so. But yeah, you look familiar to me too. Kamukha mo kasi iyong dati kong kasambahay,” aniya rito saka lumabas na ng banyo. Gusto niyang mapahagikhik habang iniisip ang mga sinabi.
Iyon ang eksaktong salita na ginamit sa kanya ni Britanny nang magkasalubong sila nito nuon sa grocery two years ago, at hinding-hindi niya makakalimutan ang nakita niya sa mga mata ni Griff ng mga sandaling iyon. Tandang-tanda pa niya iyon pero binalewala lamang niya ang tagpong iyon. Ni hindi pumasok sa isip niya na may affair pa rin pala ang asawa niya sa babaeng iyon.
Naalala pa nga niya ang sinagot ni Griff nang tanungin niya ito tungkol ditto, “Yeah, we had an affair pero sandali lang. At wala kang dapat ipagselos sa kanya, pkay? Nakaraan ko na sya. Ikaw ang present ko, at ang future ko, okay?” Malambing pang wika nito. That time ay magkasintahan pa lang sila nito kaya siguro binobola pa siya.
Napatiim ang kanyang mga bagang. Ang laki talaga niyang tanga.
Habang pabalik sa mesa ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Griff at kitang-kita niya na bahagya itong natigilan nang mapansin siya. Hindi maipagkakaila ang paghanga sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya. Seneksihan niya ang paglalakad at nagpakawala ng ubod tamis na mga ngiti rito. Ang sabi kasi sa kanya ni Rigor, sa tuwing makakahanap siya ng pagkakataon ay kailangan niya itong iseduce sa paraan na banayad lang. Iyong hindi obvious na nang-aakit siya. Pasasabikin lamang niya ito kumbaga.
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l