Share

CHAPTER 5

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2022-10-11 22:01:34

“I can’t believe it, I was so gullible.  He made me feel special, he made me feel beautiful and loved,” umiiyak na tinungga ni Althea ang whisky na nasa baso, “ I was so stupid, pinaniwala nya akong mahal nya talaga ako, iyon pala pera lang ang habol nya sakin. . .” tiningnan niya si Rigor, “Para akong nasa glider, iyong biglang taas tas biglang babagsak.  Ang sakit-sakit.  Ang sakit isiping di naman niya ako minahal kahit na kailan.  Ang sakit na pinag-isipan niya akong patayin para lang masolo nya iyong kayamanan ko,” kinuha niya ang tissue na iniabot sa kanya ni Rigor at suminga ng ubod lakas na para bang duon niya gustong ilabas ang lahat ng sakit ng kaloobang nararamdaman niya ng mga sandalling iyon.

                Pakiradam niya ay dinudurog ang dibdib niya, ni hindi niya malasahan ang pait ng whisky dahil sa pait ng nararamdaman sa puso niya.

                Papaano siyang napaniwala ni Griff sa ganuong kasinungalngan?

                “Pero alam mo kung anoa ng mas masakit, ha Rigor?” humihikbing sabi niya saka napangisi nang mapakla, “Iyong hanggang ngayon mahal ko pa rin sya.  Fuck, pinagtangkaan na nya akong patayin and yet hindi ko magawang tuluyang burahin sya sa puso ko.”

                Hindi umiimik si Rigor.  Nakikinig lang ito sa kanya ng mga sandalling iyon.  Mukhang malayo ang lipad ng isipan.  Ni ayaw siyang saluhang uminom.  Halos maubos na niya ang isang bote ng whisky pero pakiramdam niya ay hindi siya nalalasing.  Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak nang makalimutan ang sakit na nararamdaman.

                Tinitigan niya si Rigor, “Matutulungan mo ba akong maibalik sa kanya etong grabeng sakit ng kalooban na nararamdaman ko?  I want him to suffer kasama ng babaeng iyon,” mariing sabi niya dito sa pagitan ng pagngangalit ng mga ngipin, “at gusto kong maramdaman nila ng ten times lahat ng nararamdaman ko ngayon. . .lalong lalo na ang babaeg iyon.”

                “Kaya nga kita pinaganda, hindi ba?” halos paanas lang na sabi nito sa kanya.

                “Palagay mo madadala ko sa ganda si Griff?” parang batang tanong niya rito, “Nakita mo naman kung paano niya tingnan ang bruhang iyon!  All eyes lang sya dun as if ito lang ang nag-iisang babaeng nakikita nya.”

                “That’s why I am here, para turuan ka kung paano mo makukuha ang atensyon ng asawa mo!” sabi nito sa kanya, “And you have to start from within.” Sabi nitong hinila siya patayo papunta sa malaking salamin saka hinawakan ang kanyang mukha at iniharap dito, “Do you see how beautiful you are now?  But if you lack the confidence, kahit gaano ka kaganda, balewala rin, do you understand?”

                Napatitig siya sa magandang reflection niya sa salamin habang pumaatak ang kanyang mga luha.  Malayong-malayo na ang mukha niya ngayon sa dating itsura niya and yet bakit parang nakikita pa rin niya iyong pangit na Althea?

                Bakit ang baba pa rin ng tingin niya sa sarili niya?

                “Mukha ko lang ang nabago.  P-Pero eto pa rin ako, iyong buo kong pagkatao na. . .na ngayon ko lang aaminin.  A-alam mo bang sa tuwing tinitingnan ko nuon ang sarili ko sa salamin, nanlliit ako?  M-mayaman nga ako pero pinagtatawanan naman ako.  K-kaya siguro hinayaan kong gaguhin ako ni Griff d-dahil natatakot akong di na ko makakakita ng lalaking kagaya nya. . .”

HINDI MALAMAN NI RIGOR kung awa o galit ang nararamdaman niya kay Althea habang tinitingnan niya ito.  Ramdam niya ang paghihirap ng kaloobang nararamdaman nito kaya mas lalong tumitindi ang galit na nadarama niya sa asawa nito.

                Mas lalong nanaig ang kagustuhan niyang tulungan ito laban sa manloloko nitong asawa.

                “Maganda ka na ngayon at kailangan mong paniwalaan ang sarili mo.” Aniyang hinawakan ito sa baba para itaas ang mukha nito paharap sa kanya.  Napalunok siya nang matitigan ang napakaganda nitong mukha.

                Napakurap kurap siya dahil para siyang natutuksong halkan ito lalo na nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya.

                “Maganda ba talaga ako?” Nang-aakit ang mga matang tanong nito sa kanya saka ikinawit ang mga braso sa leeg niya.  May kung anong pumalag sa pagitan ng kanyang dalawang mga hita.  Lalaki lang siya at mahirap tanggihan ang ganitong klase ng kagandahan.

                Napalunok siya.

                Ngumiti si Althea saka siniil siya ng halik sa mga labi.  Damn.  Nag-init bigla ang kanyang buong katawan.  Para siyang kandilang unti-unting nauupos ng mga sandalling iyon.  Ngunit bago pa siya tuluyang makalimot ay mabilis na siyang kumalas sa pagkakayakap nito.  Alam niyang lasing lamang ito ngayon at never siyang nagsamantala sa isang babaeng wala sa maayos nitong pag-iisip.  Mas lalong hindi siya rapist.

                “Lasing ka na!” aniya rito.

                “Hindi ako lasing!” anang babae sa kanya, akmang yayakapin siya nitong muli ngunit mabilis niya itong naitulak.

                “Please stop it, Althea!” Naniningkit sa inis na sabi niya rito, “Kung may isang bagay kang dapat matutunan, iyon ay ang never kang manlilimos ng atensyon sa lalaki!  Hayaan mong sila ang manikluhod sa atensyon mo!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran saka nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.

                Ang totoo, kaunting-kaunti na lamang at malapit na siyang matukso.  Mabuti na lamang at pilit niyang pinapaalala sa kanyang sarili na hindi totoong si Sophia ang kaharap niya ngayon.

                Damn.

                Nagtungo siya sa banyo saka naghubad ng damit at itinapat ang katawan sa shower upang pawiin ang pag-iinit na nararamdaman.  Muntikan na siya kanina.  Napapikit siya nang maalala ang magandang mukha nito. 

                Isa lamang itong impostor ng mukhang iyon!

NAPAKURAP-KURAP SI ALTHEA HABANG sinusundan ng tingin si Rigor saka kibit balikat na muling itinuloy ang pag-iinom ng alak.

To hell with you, people, nakaismid na d***g niya habang nagsasaling muli ng alak sa baso. Ang lungkot naman ng buhay niya. Mayaman nga siya ngunit wala namang nagmamahal sa kanya. Tumawa siya ng may pait sa mga labi.

                Pera lang ang habol sa kanya ng gagong Griff na iyon.  Muli siyang tumayo at naglakad patungo sa harapan ng salamin habang hawak ang isang baso ng alak, “Babawiin ko ang lahat ng sa akin at wala akong ititira saiyo ni singkong duling.  Sisiguraduhin kong ibabalik kita kung san kita pinulot!” galit na galit na sabi niya saka tumawa ng malakas na animo’ y kontrabida sa isang pelikula, “At ang babaeng iyon, titiyakin kong sa kangkungan ang bagsak nya!”  Muli ay tumawa na naman siya ng ubod ng lakas habang parang nakikinikinita ang itsura ng dalawa habang nagmamakaawa sa kanya at humihingi ng kanyang kapatawaran.

                Pero taas nuo lamang nyang duduraan sa mukha ang mga ito at saka buong tapang niyang isisigaw na:  Sino ngayon sa atin ang talunan?  Loser!  Go away and stay out of my sight forever!

                Muli siyang napaiyak habang tinititigan ang sarili sa malaking salamin.  Napakadaling sabihin pero alam niyang napakahirap gawin.  Baka nga kapag humingi sa kanya ng sorry si Griff ay patawarin niya ora mismo.  Ang totoo’ y mahal na mahal niya ito.

                Tanga na siya kung tanga.

                Ngunit nang sumumpa siya sa harap ng altar na pakakamahalin niya ito kahit na anong mangyari ay desidido siyang tuparin ang pangakong binitiwan niya.  Kaya paano niya itong mapaghihigantihan kung wala siyang ibang hangad kundi ang mahalin lamang siya nito?

                Napahikbi siya.

                Pinagpapalo niya ang kanyang dibdib.  Nag-iisa lang yata ang babaeng kasing tanga niya.

NAGISING SI RIGOR sa kalagitaan ng gabi nang may marinig na malakas na ungol na nagmumula sa salas.  Paglabas niya ng kuwarto ay nakita niya si Althea na nakabuyangyang sa sofa at kita na ang panty dahil nakataas na ang suot nitong palda.  Sa mesa ay naglakat ang pinagbalatan ng mani, at mga sitsirya pati na rin ang ginamit nitong baso.  Sa sahig naman ay nakatumba ang isang bote ng whisky na wala ng laman.

                Napailing siya habang nabwibwisit na niligpit ang lahat ng kalat nito.  Napipikon na siya.  Parang gusto na talaga niyang pagsisihang tilungan pa niya ang babaeng ito.  Matapos maligpit ang mga kalat nito ay binuhat niya ito patungo sa kwarto nito.

                Bahagya pa itong umungol nang mailapag niya ito sa kama.  “Griff. . .” dinig niyang sambit nito.  Napatiim bagang siya.  Hindi siya makapaniwalang kamuntikan na itong mamatay dahil sa asawa nito and yet ito pa rin ang naiisip nito hanggang sa pagtulog nito.

                Para tuloy gusto niya itong sampalin para matauhan.  Hah, ano bang nakita nito sa ungas nitong asawa?  Naiinis na lumabas na siya ng kuwarto nito at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

                Muli na naman niyang naalala si Sophia.  Matagal na siyang nangungulila rito.  God, napakuyumos siya ng kanyang mga palad.

                Napabalik siyang muli sa kwarto nito nang marinig ang malakas nitong palahaw, this time ay umiiyak naman ito, “Maawa ka, please Griff, huwag mo akong iwan!” Napapailing na kinumutan niya ito, nagulat siya nang bigla na lamang nitong hilahin ang braso niya kaya natumba siya sakto sa may dibdib nito.

                Damang-dama niya ang mayayaman nitong dibdib sa mukha niya.  Nataranta siya lalo na nang kumislot ang kanyang pagkalalaki.  Tao lang siya kaya hindi niya alam kung kaya ba niyang paglabanan ang tuksong nasa harapan niya ng mga sandalling iyon.  Mas lalo na nang bahagya itong magmulat ng mga mata at ngumiti, “Make love to me please. I am so fucking wet right now,” nanunuksong sabi nito sa kanya.

“Shit,” d***g niya saka nagmamadaling hinubad ang suot niyang tshirt at marahas na inangkin ang naghihintay nitong mga labi habang ang kanyang isang kamay ay unti-unting pumapasok sa loob ng tshirt nito.

“Ohh. . .” bahagyang ungol ng babae lalo na nang mapunta ang kanyang kamay sa loob ng suot nitong bra. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nawala sa kanyang tamang pag-iisip nang makapa ang tayong-tayong mga u***g nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
sa unahan p ang katangahan mo althea
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
kulang sa turnilyo itong si Althea...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 9

    "HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 8

    KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 7

    “THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 6

    BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 5

    “A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 4

    SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status