Share

Chapter 1

"Annyeonghaseyo hyungnim! (hyungnim refers to a boss, or a leader in a gang.) Sa Itaewon Room 135, seven in the evening,  idaraos ang  Masquerade Party. ", balita ng isang tauhan.

"Okay good! Pupunta tayo doon. dahil gusto kong ako mismo ang makakahuli kay Choi Minjung! Magbabayad ang traydor na iyon!!! Hindi ako makakapayag na iputan niya sa ulo ang "Diamond Kkangpae", galit na wika ng boss.

Kasama niyang nakasakay sa itim na van ang kanyang tatlong mga tauhan na sina Hwangbu, Dong Hyun, at Gunwoo. Itong tatlo ay matagal ng naninilbihan sa kanya at mga pangunahing pinagkakatiwalaan niyang mga tauhan.

Para silang quadruplets dahil pare-pareho ang suot nilang business suit maging ang suot nilang Venetian Mask Full Face. Pareho din ang kanilang pangangatawan, kaya walang sinumang makakakilala kung sino sa kanilang apat ang totoong mafia boss. Ang tanging pagkakakilanlan lang nila ay ang bilang ng diamond tattoo sa kanilang kaliwang braso. The real mafia boss has three diamond tattoos, while his men have two. Kaya lang ang tatlong mga tauhan ay nagpapakita ng kanilang mukha pero ang boss ay hindi kailanman. Walang nakakakilala sa kanya ni isa man sa kanila.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa Itaewon. 

"Talasan niyo ang mga mata niyo! Kapag may napansin kayong kahina-hinala, sundan niyo kaagad! Arasseo?", order ng boss.

"Ne, hyungnim!!!", the men uttered as they bowed their head in great respect. Pagkatapos ay nauna na ang mga ito sa pagpasok sa hall kung saan idinaraos ang Masquerade Party.

While the boss was heading his way to the elevator, may isang babae na nakatawag sa kanya ng pansin. Hindi man niya nakikita ang mukha nito dahil nakamask din ito, ngunit tiyak niyang maganda ito sa lampas balikat nitong blonde na buhok, balingkinitan ang katawan at sexy itong tingnan sa suot nitong maxi dress. Nakasuot din ito ng masquerade mask kaya natitiyak niyang dadalo din ito sa party. Sayang nga lang at hindi niya ito naabutan sa elevator at sana'y mas nakita pa niya ito ng malapitan.

Pagdating sa bulwagan, ay hinanap niya kaagad ang kanyang mga tauhan at nang matiyak niyang nakapwesto na ito, ay agad namang hinagilap ng kanyang paningin ang babaeng nakita niya sa first floor, subalit wala ito.

Maya't maya'y may napansin siyang isang lalaking nakasuot ng leather jacket at parang hindi ito mapakali. Nakasuot naman ito ng masquerade mask kaya hindi niya nakikita ang mukha nito. Lumapit ito sa isang grupo ng mga kalalakihan na sa tingin niya'y nakikipagnegosasyon. Ngunit nang mapansin siya nito, ay bigla itong tumayo at mabilis na naglakad papalayo sa party venue. Agad din niyang pinindot ang in-ear monitor to order his men to chase the possible target.

"Go on separate ways while I'll go straight", sabi niya sa kanyang mga tauhan habang mabilis na sinundan ang lalaking papalayo. Tumakbo ito ng mabilis nang mapansin nitong nakasunod siya. Kaya hinabol niya ito at kahit saan pa ito magpunta, hinding-hindi niya ito tatantanan. Nakita niya itong papunta sa rest room, ngunit nagulat siya nang bigla itong lumabas at hawak-hawak nito ang isang babae, pointing his gun into her head. Napatitig siya sa mukha ng babae dahi hindi na ito nakasuot ng maskara. Ngunit nakikilala pa rin niya ito dahil sa suot nitong damit at sa hawak nitong mask. Ito iyong nakita niya kanina sa baba!

"H'wag mo akong sundan kung ayaw mong masaktan ang babaeng ito!!!", sabi ng lalaki.

"Choi Minjung, kesekki!!! (You're son of a bitch). Parang hindi mo ako kilala!!! I don't care even if you kill that woman! All I want is to kill you!!!", sigaw na wika niya habang ikinasa ang kanyang baril.

Ngunit nanatiling matigas si Minjung at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak nito sa leeg ng babae. But the woman moved abruptly and in just a second she completely unloaded the gun and flipped Choi Minjung on the ground.

Namilipit sa sakit ang lalaki nang bumagsak ito sa sahig. Mabilis namang lumapit ang boss at tinanggal nito ang mask na nakatakip sa mukha nito.

"Shibal Shikya!!!. (son of a bitch) Akala mo makakatakas ka sa akin Choi Minjung?"

Maya't maya'y dumating na ang mga tauhan ng boss at agad na ipinag-uutos nito na dalhin ang traydor na lalaki sa loob ng sasakyan. Mabilis namang tumalima ang mga ito at nang mag-isa na lamang siya ay bigla niyang naalala ang babaeng nagpatumba kay Minjung in just a second. Lumilinga-linga siya ngunit hindi na niya ito mahagilap ng kanyang paningin. Mabilis siyang naglakad, at inilibot ang mata niya sa buong building. Muli siyang pumasok sa bulwagan dahil nagbabakasali siyang naroon pa ang babae ngunit hindi na niya ito nakita pa.

Bumaba na lamang siya dahil kailangan na niyang makauwi ng safe house upang ipataw ang kaparusahan sa taong nagtraydor sa kanilang organisasyon.

Nang makapasok na siya sa loob ng van ay tinanong niya sa kanyang mga tauhan kung may napansin silang babae kanina. Pero umiling lang ang mga ito.

"Bakit po boss. Sino yon?", tanong ni Hwangbu.

"She flipped Choi Minjung to the ground in just a matter of seconds. Humanga ako sa husay at bilis niya. And I think I need her for the special mission. I want you to find her. Check her background as soon as possible!", utos niya sa kanyang mga tauhan.

"Ne, hyungnim, (yes boss)".

"Okay, let's move back to the safe house. Nangangati na ang mga kamay ko at gusto ko ng bugbugin ang hayop na traydor sa ating grupo! ", aniya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakasapit na rin sila ng villa. Agad na binaba ng kanyang mga tauhan si Choi Minjung at doon dinala sa malawak na ground ng safe house.

"Iharap niyo sa akin ang traydor na yan!!!", galit na utos niya. After a while, he placed a metal hand to inflict a painful punch.

"Boss, maawa po kayo!!! Joesonghamnida!!! (I'm sorry)", pagmamakaawa nito.

"Ilang ulit ko ng sinabi sa iyo, ayaw ko ng traydor!!! Ayaw ko ng taong nagkakamali. Dahil hindi ako nagbibigay ng pagkakataon", galit na wika ng boss at sinimulan niya itong tadyakan, sipain at suntukin. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa umagos ang dugo sa ilong at sa bibig ng lalaki.

"Tama na po boss! Joesonghamnida!!!,"pagmamakaawa nito.

"Now, tell me, bakit mo ako trinaydor??? Bakit? Magkano ang ibinayad ng Black Eagle sa iyo upang manmanan mo ang mga kilos ng "Diamond Kkhangpae?"

"Kaya pala nabulilyaso ang gun operation noong nakaraang linggo dahil tinambangan ang mga tauhan ko ng Black Eagle at tinangay lahat ng mga mamahaling baril? Alam mo ba kung magkano ang nawala???ha!!!", galit na sigaw ng boss na parang nanlilisik ang mga mata nito habang patuloy nitong sinuntok ang lalaking duguan ng nakahandusay.

"Now, you can go to hell!!! Ikumusta mo nalang ako kay Satanas dahil ang isang traydor na katulad mo ay walang puwang para mabuhay pa sa mundo!!!", the boss said angrily as he took out his gun and pulled the trigger without any hesitation.

Umalingawngaw ang tatlong magkasunod na putok. Choi Minjung fell on the ground lying dead.

"Linisin niyo ang kalat dito in five minutes!", the boss ordered furiously.

Mabilis pa sa kidlat na tumalima ang kanyang mga tauhan while the mafia boss walked straight into his elegant mansion without even turning around.

He is Baek Chang Seol, the heartless mafia boss of the "Diamond Kkhangpae". He doesn't show his face so it remains mysterious to everybody. He can only be identified by a three-diamond tattoo on his left arm. No one dares to disobey him or suffer the merciless punishment he is capable of doing. 

*******

Pauwi na ang isang magandang dilag  mula sa Masquerade Party na kanyang dinaluhan sa Itaaewon-dong. Actually, hindi pa naman natapos iyon, ngunit dahil sa nangyari nawalan na siya ng ganang pumasok ulit sa bulwagan. Pumunta lang naman kasi siya doon dahil nagbakasali siyang may makalap na impormasyon tungkol sa mga taong pumatay sa kanyang ama seven years ago. Kailangan din niyang hanapin ang kanyang inang matagal ng nawawala. Hindi niya alam kung buhay pa ito o katulad na rin ito ng kanyang ama na nakalibing na sa hukay. Kahit ilang taon pa ang aabutin niya sa paghahanap, hindi pa rin siya titigil, makapaghiganti lamang siya sa mga taong naging dahilan ng kanyang pangungulila.

Ngunit nang pumasok siya sa ladies' room for personal necessity ay bigla naman siyang sinunggaban ng isang lalaking nakamaskara at tinutukan agad ng baril. Dahil sa labis na pagkabigla ay hindi siya nakakilos kaya, kinaladkad siya ng lalaki habang-hawak-hawak nito ang kanyang leeg. At iyon naman ang pagdating ng isa pang lalaking nakamaskara. Sa isip niya, napakawalang puso naman ng lalaking iyon dahil sinabi nitong wala itong pakialam sa kanya kahit patayin pa siya ng lalaking may hawak sa kanya. At kung hindi pa siya marunong ng self-defense ay tiyak na iyon na ang kanyang katapusan.

But No! Kailangan pa niyang mabuhay dahil hindi pa tapos ang kanyang mission. Tiniis niya ang pitong taong training para lang sa kanyang misyon. Hindi biro ang kanyang pinagdaanan simula nang patayin ng mga walang puso ang kanyang ama at tangayin ng hindi pa nakikilalang salarin ang kanyang ina. Buong akala niya nakaligtas na ito sa panganib. Ngunit silang lahat ay biktima ng mga taong halang ang kaluluwa.

Nang makarating na siya ng condo niya ay agad siyang nagbihis. Napasulyap siya sa malaking salamin sa kanyang dresser. Lumapit siya dito at tiningnang mabuti ang kanyang sarili. Ibang-iba na ang kanyang hitsura. Maganda naman talaga siya noon ngunit mas gusto niya ang kanyang hitsura ngayon. Her hazel eyes made her stunning to look at. She has long eyes lashes and small pointed nose complemented with her V-shaped face and fuller-bodied pinkish lips. 

Tiningnan niya ang kanyang orasan at masyado pang maaga para matulog siya. Bigla siyang na-bored kaya naisipan  niyang magbar muna. Nagpalit siya ng damit dahil hindi naman siya komportableng magsuot ng whole dress. Isang simpleng blouse lang ang kanyang napili at isang blue jeans. Isinuot niya ang kanyang jacket at inilagay doon ang kanyang baril. Sa loob din ng pantalong suot niya, nakaipit doon ang kanyang dagger knife. 

Sakay ng kanyang kotse, nagtungo siya sa bar na palagi niyang pinupuntahan. Ito kasi ang isa sa mga sikat na bar sa Seoul. Maraming nagpupunta dito na mga malalaki at makapangyarihang tao sa buong bansa kaya nagbabasakali siyang may makuha na impormasyon tungkol sa kanyang misyon. 

She is Park So-hee, an undercover agent skilled in martial arts who works in the Private Investigative Unit in Yongsan-gu, Seoul, South Korea, To everyone, she is a strong woman but deep inside, she is broken.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status