Share

Chapter 5

Medyo masakit ang ulo niya nang magising siya kinabukasan, dahil naparami ang kanyang nainom kagabi sa celebration. "Shit!!!", mura niya sa kanyang sarili dahil naaamoy pa rin niya ang pabango ng babaeng nakaulayaw niya kagabi. Hindi pa pala napalitan ang bed cover matapos siyang makipagtalik dito dahil inaantok na siya at agad na nakatulog nang makalabas na ito sa kwarto niya.

Bumangon siya at kinuha ang kanyang tuwalya. Kailangan na niyang maligo kaagad dahil hindi na niya nagustuhan ang amoy niya dahil sa pakikipagtalik niya sa isa namang lahi ni Eba. Habang sinabon niya ang kanyang katawan, biglang sumagi sa kanyang isipan si Park So-hee. Kailangang makakuha na siya ngayon ng sapat na impormasyon tungkol rito. 

Makaraan ang ilang sandali, lumabas na siya ng banyo at nagtungo sa closet upang mamili ng susuotin. Napili niyang isuot ang kulay navy blue na tshirt at black jeans. Matapos niyang maisuot ang kanyang mask, agad niyang ipinatawag ang isa sa kanyang mga tauhan na inutusan niyang magbackground checking tungkol kay Park So-hee.

Maya't maya'y pumasok ang tauhan at inabot sa kamay niya ang isang pirasong papel, pagkatapos umalis na rin ito. Agad niyang binasa ang impormasyon na nakasaad dito at napag-alaman niyang ang babae ay isa palang undercover agent at well-trained sa Taekwando, maging sa paghawak ng iba't ibang uri ng baril. Hindi nga lang nakasaad doon kung anong agency ito konektado pero di bale basta't alam na niya ang trabaho nito. Kaya pala mahusay at mabilis ito sa pakikipaglaban. Bukod pa rito'y may Taekwando school pala ito at black belt instructor ng lahat ng mga nag-aaral ng Taekwando. Hindi nga lang nakalagay doon ang address ng training school pero siya na lamang ang kusang maghahanap kung saan ito. Dahil sa kanyang mga nalaman, mas lalo siyang nagkainteres sa babae dahil kailangan niya ang ganitong uri ng tauhan na gagawa ng special na misyon. 

At sana sa pagkakataong ito, magtatagumpay na siya. Kailangang makagagawa siya ng paraan kung paano mapalapit kay Park So-hee upang magiging madali lang sa kanya ang pagkumbinsi nito na magtrabaho sa ilalim ng "Diamond Kkhangpae".

Hanggang sa mabuo ang isang plano sa kanyang isipan. Tama, ito ang gagawin niya!

Dali-dali niyang isinuot ang kanyang jacket at isinukbit ang kanyang baril. Hindi rin niya nakalimutan ang kanyang dagger knife at isinukbit ito sa kanang binti, sa ilalim ng kanyang pantalon. Nang matiyak na niyang wala na siyang nakalimutan, lumabas na siya sa kanyang silid.

"Annyeonghaseyo hyungnim!", bungad na bati sa kanya ni Hwangbu, na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kanyang kwarto. 

"May lalakarin akong mahalagang bagay ngayon. Mag-isa lang ako, kaya ikaw na ang bahala dito sa villa", wika niya.

Tumango si Hwangbu, at nagbow sa kanya. Ngunit biglang lumapit si Donghyun na parang may nais itong ibalita sa kanya.

"Hyungnim, hindi na nakaligtas ang isa sa apat na babaeng nakalaban ni Kang Boram nu'ng nakaraan at binawian na ito ng buhay.",balita nito sa kanya.

"Alam mo na kung anong dapat mong gawin Donghyun".

"Ne hyungnim!", wika nito, saka ito tumalikod matapos magbow sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagbaba ng hagdan papunta sa unang palapag at dumiretso sa hapag-kainan. Ngunit nabigla siya nang hindi ang kusinera niya ang naghahanda ng kanyang pagkain kundi si Kang Boram.

"Magandang umaga boss!", bati nito sa kanya at pagkatapos ngumiti ito ng makahulugan.

"Nasaan si adjumma? Bakit ikaw ang nandito?", matigas niyang tanong. Hindi kasi niya nagustuhan na nandito ang babae sa kusina at ito ang naghahanda ng pagkain niya.

"Ah..eh, inutusan ko lang po saglit boss", mahinang sagot nito.

"At sino namang nagbigay ng pahintulot sa iyo, upang gawin mo ang trabaho ni adjumma?"

Hindi nakapagsalita ang babae at nakayuko lamang ito. "Sorry po boss, gusto ko lang naman---", hindi na nito naituloy pa ang nais nitong sabihin dahil binara na niya kaagad.

"Isa ka sa mga tauhan ko Boram, wala kang ibang gawin kundi sumunod sa ipinag-uutos ko. Kaya h'wag mong gawin ang mga bagay na hindi mo naman trabaho! Arasseo?", mariing wika niya. Bagama't hindi naman siya talagang nagagalit ngunit iba ang hatid ng kanyang boses---powerful and domineeering, that everyone is feared of.

"Yes boss", mahinang sagot nito.

"Naga (leave)"

Agad namang tumalima si Boram at nagmamadaling umalis. Hindi man lang natapos ang pagtitimpla nito ng gatas sa kanya.

"Adjumma!!! Adjumma!!!", tawag niya sa matandang kusinera. Matagal na itong nanilbihan sa kanya alam na nito kung anong lasa ng pagkain ang gusto niya maging ang pagtimpla ng kanyang kape ay ito ang gumagawa.

"Yes sir", magalang na wika nito nang makalapit na ito sa kanya.

"H'wag mong ipagkatiwala sa iba ang mga bagay na ipinagkatiwala ko sa iyo. Wala kang ibang susundin sa pamamahay na ito, kundi ako lang. Maliwanag?"

"Yes sir, sorry po."

Matapos siyang nag-agahan ay umalis na siya kaagad lulan ng kanyang itim na kotse, papunta sa kanyang condo unit. Kailangan talaga niyang dumaan doon para sa kanyang pagpapalit ng anyo. Habang nasa daan siya'y biglang nahagip ng kanyang paningin ang babaeng nagmaneho ng silver na toyota corolla. Hindi siya maaring magkamali, si Park So-hee iyon! 

Hindi muna siya tumuloy sa kanyang condo unit dahil kailangan niyang masundan kung saan ang punta nito. Lumiko ito sa may kanto sa kanan at nang mabasa niya kaagad ang pangalan ng buiding, natitiyak niyang iyon na ang Taekwando School ng babae. Nakita niyang bumaba doon ang babae, kaya hindi na siya nagtagal pa roon, at umalis na siya. 

As soon as he arrived at his condo, he immediately walked into the bathroom and erased the three-diamond tattoo on his left arm. Afterwards, he changed his clothes to the Rifle Squad Team uniform and put on his hyperreal mask. After fixing himself, he went out of the condo and left.

********

Papunta na sana si Hyeo-ri or mas kilalang Park So-hee sa Korean Central Intelligence Agency, nang mahagip ng kanyang paningin ang kulay itim na kotseng sumusunod sa kanya. Kaya kailangan niyang lumihis ng daan dahil hindi niya alam kung sino ang sakay ng kotse. Baka isa ito sa mga kalaban na nagmamanman sa mga kilos niya. Bigla niyang naalala ang tatlong lalaking pinatumba niya sa bar nu'ng nakaraan. Kaya imbes na dumiretso siya sa agency, bigla niyang iniliko ang sasakyan sa kaliwang kanto kung saan naroon ang kanyang Taekwando school. As much as possible, she doesn't want anyone to know that she is an undercover agent. Ang alam lang ng mga taong nakakilala sa kanya ay isa siyang taekwando instructress. Bukod doon ay wala ng nakakaalam sa tunay niyang pagkatao, maging ang kanyang matalik na kaibigan na si Eun-ji. 

Pasulyap siyang tumingin sa side mirror upang tingnan kung nandu'n pa rin ang itim na sasakyang sumusunod sa kanya. Nang matanto niyang naroon pa rin ito, bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng Taekwando school. 

Wala pang tao sa loob dahil alas otso pa lang naman ng umaga at alas dyes magbubukas ang paaralan. Ngunit kailangan muna niyang mag-stay doon ng ilang saglit at hihintayin pa niyang makaalis ang sasakyan. Umupo muna siya sa couch na malapit sa mesa niya habang sinisilip sa salaming bintana kung naroon pa rin ang itim na kotse. Nang matiyak niyang wala na ito roon, ay saka pa lamang siya lumabas at sumakay ulit sa kotse niya.

Naging palaisipan sa kanya kung sino ang sakay ng kotseng nakasunod sa kanya kanina. Black tinted ang sasakyan kaya hindi niya alam kung sino ang nasa loob. Isa lang ang alam niya---minamanmanan siya nito kaya kailangang doblehin niya ang kanyang pag-iingat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status