Share

Chapter 2

He was totally in the bad mood at kelangan niyang magliwaliw muna. He grabbed his towel and walked into the bathroom. Nabahiran na naman ng dugo ang kanyang mga kamay subalit wala siyang anumang pagsisisi. Nararapat lamang iyon sa isang traydor! At kung marami pang ganito sa loob ng organisasyon, hinding-hindi siya mag-aatubiling pumatay at magpataw ng parusa sa sinumang susuway sa kanya.

Sinabon niya ng maigi ang kanyang katawan at binura ang tatlong diamond tattoo sa kanyang kaliwang braso.

Pagkatapos niyang maligo, lumabas na siya ng kwarto at nagbihis. Isang kulay blue na polo shirt ang kanyang napili at pinarisan niya ito ng itim na maong pants. Isinuot niya ang kanyang itim na jacket at isinukbit doon ang kanyang baril. Iba ito sa baril na kanyang ginamit kanina dahil isyu ito ng agency na kanyang pinagtatrabahuan. Then he took the hyperreal mask he used to wear whenever he want to shift personality. He has three different masks, imitating people real faces. Galing pa ang mga ito sa Japan and he bought them for ¥98,000 each, that is exactly 96,400 when converted to Korean won.

Parang totoong hitsura niya talaga ang isinuot niya kaya walang sinumang maghinala na hindi ito ang kanyang tunay na mukha. Matapos niyang matiyak na maayos na ito, umalis na siya sakay ng kanyang itim na Toyota Corolla. Kailangan niyang mapawi ang galit na kanyang nararamdaman kaya naisipan niyang magpunta sa DM Lounge sa Gwangju.

Nang makarating na siya doon, agad siyang naghanap ng table. Dahil alas dyes na ng gabi, marami ng mga tao sa loob at nag-uumpisa na ang sayawan sa dance floor. He ordered two bottles of Casillero del Diablo, South Korea most popular wine. His eyes were roaming around until someone from afar, caught his sight. The woman was just sitting alone while chugging down a bottle of tequila in one go. He could not clearly see her face because the light was too dim. Pero parang pamilyar sa kanya ang anyo ng babae. Nang matapat ang ilaw sa kinaroroonan nito, agad na rumehistro sa utak niya ang babae sa Masquerade Party.

Tama! Ito nga ang babaeng nagpatumba kay Choi Minjung. Hindi niya akalaing dito lang pala niya ito makikita. At nang tumapat ulit ang moving bar lights sa kinaroroonan nito, mas lalong luminaw sa kanya ang mukha ng babae.

Sa isip niya, napakaganda pala nito, mas lalo na siguro sa malapitan. Bigla siyang nagka-interes dahil hindi naman niya akalain na ang isang magandang babae ay mag-isa lang umiinom sa bar.

"Annyeong oppa! (oppa refers to an older Korean guy)Can I join you?", a woman approached him with a flirty smile. Napaka-daring ng suot nitong damit na halos malalantad na ang dibdib.

"Ayaw kong may kasama. I want to be alone!", mariing tugon niya habang tinatapunan ng masamang tingin ang babae.

Bigla naman itong natakot sa sinabi niya kaya nagmamadali itong umalis.

Nang dumako ulit ang paningin niya sa kinaroroonan ng babaeng naging sentro ng kanyang interes, biglang napakunot-noo siya nang may lumapit na tatlong mga lalaki sa mesang kinaroroonan nito. Bigla siyang naalarma nang bastusin ito ng mga lalaki. Ngunit isang malakas na suntok ang pinakawalan nito at bumagsak sa sahig ang unang lalaki. Samantalang ang pangalawa naman ay bumunot ng baril ngunit mabilis ding naagaw ng babae. Susuntukin na sana ito ng pangatlong lalaki ngunit mabilis din itong nakailag at sinipa nito sa tiyan ang lalaki at natumba sa sahig.

Hangang-hanga siya sa husay at galing nito kaya kailangang makilala niya ito ngayong gabi. Ngunit nakita niyang unti-unting tumayo ang pangatlong lalaki at parang may kinuha ito sa loob ng jacket. Isa itong dagger at akmang sasaksakin ang nakatalikod na babae kaya mabilis pa sa kidlat na lumapit siya at sinunggaban ang lalaking may hawak ng kutsilyo at buong lakas na sinipa hanggang sa maglupasay ito sa sahig. Sinuntok din niya ang dalawang mga kasamahan nito hanggang sa namilipit ang mga ito sa sakit. Dumating naman kaagad ang security guards at binitbit ang tatlong mga lalaki papalayo ng bar.

"Hi, gwaenchanayo? (Are you okay)", tanong niya.

"Ne..komawoyo. (yes thank you)

"By the way, my name is Gwan Ji-hoo, from the Rifle Squad Team. Pangawoyo (nice meeting you)", pagpapakilala niya saka inilahad ang kanyang kamay.

"Park So-hee, imnida. Pangapseumnida. (I'm Park So-hee, nice to meet you)", sagot nito.

Hindi naman sila nagtagal ng pag-uusap dahil umalis na ito. Sa tingin niya, may pagka-aloof ito at hindi man lang tinanggap nito ang kamay niya. Bahagyang nasaling ang kanyang pride ngunit dahil iba ang personality niya ngayon kailangan niyang pigilin ang kanyang sarili.

Habang patuloy siya sa pagtungga ng alak, hindi niya maiwasang isipin ang babaeng kani-kanina lang ay nagpakita ng husay at galing sa pagpapatumba sa tatlong mga lalaki. Kailangan niya ang ganitong uri ng tauhan sa organisasyon lalong-lalo na para sa isang special na misyon.

Nang mahimasmasan na siya sa galit na kanyang naramdaman kanina lang, nagpasya na siyang umuwi ng condo. Habang lulan siya ng kanyang kotse, patuloy pa ring sumasagi sa isipan niya si Park So-hee. Hindi nga niya lubos na maisip bakit biglang nagkainteres siya dito. Bukod sa taglay nitong husay at galing sa self-defense, hindi rin niya maiwasang humanga sa taglay na kagandahan at kaseksihan nito. Parang may isang bahagi ng kanyang pagkalalaki ang nabuhay. Napabuntung-hininga siya habang patuloy na binabaybay ang daan pauwi ng condo.

Nang makarating na siya doon, agad niyang tinanggal ang kayang hyperreal mask at muling inilagay ang temporary tattoo sa kanyang kaliwang braso. Kailangan na niyang umuwi ng villa, baka hanapin siya ng mga tauhan niya at malaman pa nito ang sekreto niya. He doesn't want anyone to know that he is shifting from one personality to another. His secret should remain a secret until he will carry out his revenge for his family.

After putting on his Venetian mask, he set off to his villa which is located in Mokpo. It took thirty minutes to travel from Gwangju to his villa at sa bilis niyang magmaneho minsan nakukuha niya for only 20 minutes.

His car entered the wide gate of his luxurious abode. It has a two-story building with a wide ground. Sa harap ng building ay may malaking swimming pool. Pero sa gawing likuran nito ay may sekretong lagusan papunta sa kanyang safe house. It was just a walking distance from the villa at pumupunta lang siya doon every time may gagawin silang operation. The villa was surrounded with bodyguards while the safe house was guarded by 500 men. Kasama niya sa loob ng bahay ang kanyang tatlong mga pangunahing tauhan na sina Hwangbu, Dong Hyun at Gunwoo, na matagal na ring nanilbihan sa kanya. They are his most trusted men pero hindi alam ng mga ito ang tunay niyang pagkatao maging ang tunay niyang mukha.

"Annyeonghaseyo hyungnim", his men greeted him, showing a 45-degree bow. He just nodded at them and continued his way inside, while his men followed him two steps behind.

As soon as he reached the doorstep of his room, he paused and spoke to his men.

"Gusto kong matulog ng mahabang oras. Do not wake me up until I called you."

"Ne, hyungnim", sabay-sabay na tugon ng kanyang mga tauhan.

Pagkatapos pumasok na siya ng kwarto habang nakatayo lang sa labas ng pintuan ang tatlo niyang mga tauhan. May schedule sa oras ng pagtulog ang mga ito dahil hindi maaring walang magbabantay sa labas ng pintuan ng silid ng kanilang boss.

*******

"Hwangbu-yah!", tawag niya agad sa kanyang tauhan ng magising siya.

“Ne, hyungnim!”, sagot nito.

“Dorawa!” (come in)

Nanatili lang siyang nakatalikod habang nakaharap sa bintana. Kagigising lang niya kaya hindi muna niya isinuot ang kanyang maskara. Tinatanggal kasi niya ito kapag natutulog siya. At dahil hindi niya suot ito, hindi siya maaaring humarap kay Hawangbu o sa kahit sino man.

“Annyeonghaseyo hyungnim!”, magalang na bati ng tauhan niya at nagbow ito sa kanya.

"Anong update? Nandyan na ba ang lahat na sasabak sa kompetisyon?", aniya.

"Ne, hyungnim.'

“Oh sige, bababa na ako in fifteen minutes. Sana this time ay may mapili na ako”, wika niya.

“Sige, antayin niyo nalang ako sa labas"

“Yes boss!!!”, sagot nito, saka ito nag-bow at lumabas ng kwarto.

Nagbihis si Hyun-woo ng fitted black tshirt, paired with black jeans and loafer shoes. Isinuot din niya ang kanyang kulay itim na leather jacket kung saan niya isinuksok ang kanyang M1911 na baril at ang kanyang metal hand. Lagi niyang dala-dala ang mga ito kahit saan man siya magpunta. At kahit nasa loob lang siya ng villa ay lagi pa rin itong nakasukbit sa katawan niya dahil hindi niya alam kung sino sa kanyang mga tauhan ang maaring magtaksil sa kanya. Inilagay din niya sa bulsa ng kanyang jacket ang cellphone niya. Sa ilalim naman ng kanyang pantalon ay doon nakalagay ang isang dagger knife, kung sakaling maubusan siya ng bala. Ang panghuling isinuot niya ay ang kanyang venetian mask full face. Ito ang napakaimportanteng bagay na hindi niya dapat makalimutan dahil kapag nalalaman ng lahat ang kanyang mukha, malalantad ang masakit na lihim ng kanyang nakaraan na magiging mitsa ng kanyang pagkabagsak. Hinding-hindi siya makakapayag na mangyayari iyon, hangga’t hindi pa siya nakapaghiganti sa mga taong pumaslang sa kanyang pamilya.

Lumabas na siya ng silid at bumaba sa unang palapag. Gaya ng kanyang bilin, hinintay siya ng kanyang mga tauhan.

Nagtungo sila sa safe house kung saan gaganapin ang kompetisyon. Hindi naman malayo ang kanilang nilalakad.

Pagdating nila doon , marami ng tao sa ground dahil ipinag-uutos niya sa kanyang mga tauhan na sumaksi sa kompetisyong gaganapin. When everyone saw him coming, they immediately cleared the area to let him pass at the center while bowing their heads in great respect. Nakasunod naman sa kanya ang tatlong mga pangunahing tauhan niya at binigyan din ang mga ito ng lubos na paggalang ng mga tagasunod. Hanggang sa makarating na sila sa kanyang upuan sa gitna. Apat ang mga upuan na nakahilera doon. Sa pinaka center ang para sa kanya, at sa kanang bahagi niya ay para kay Hwangbu, samantalang sa kaliwang bahagi naman ay para kina Dong Hyun at Gunwoo.

When everyone was already settled in, the boss stood up and began to speak.

“Lahat ng sasabak sa kompetisyon, fall in one line in three counts…”

Hana.. (one)

Dul… (two)

Set… (three)

“Alam niyo na kung bakit nandito kayo. This is not merely a game, rather, it is a deadly competition. Take each other’s lives, with your bare hands. No weapon is allowed. Anyone caught cheating will be killed, and the one who will be left standing will work with me, and will be called the "Star of the Diamond Kkangpae". Aside from that, she will sleep with me for one night.

Alam niya kung bakit gustong sumabak ang mga babaeng ito sa kompetisyon. Hindi naman ang main reason ng mga ito ay magtrabaho sa Diamond Kkhangpae kundi ang makasiping siya. Aside from being heartless and ruthless mafia boss, he is also known as 'the hot mysterious leader of the powerful mafia organization in the entire city with many international connections.

Lahat ng mga babae sa organisasyon ay nangangarap na mapansin niya pero hindi ganu'n kadali iyon. Masyado siyang mapili when it comes to women. Hindi siya basta-basta tumitira. And as far as his memory serves him right, he only slept three women in his entire 33 years of existence. Pero ang mga iyon ay hanggang kama lang. At isang beses lang siyang nakikipagtalik sa isang babae. Kapag natapos na siya, hindi na siya magkakaroon ng gana pang sumiping ulit.

Tiningnan niya isa-isa ang mga babaeng handang lumaban para makasama lang siya sa kama. Lahat naman ay magaganda at kaakit-akit tingnan kaya mahirap paniwalaan na ang mga ito ay may kakayahang lumaban.

"The first in the line will fight the third in line. the second against the fourth, the third against the fifth, and so on... Moduga junbidoemyeon, Sijak!! (Start when everyone is ready)", the boss ordered.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status