Share

Chapter 16

Author: Sky_1431
last update Last Updated: 2025-09-29 02:51:26

Alam naman ni Evie kung ano ang mga posibleng ginagawa ni Russell ngayon. Malamang mga ilegal na bagay. May dumating kayang mga cargo galing sa Spain? O baka naman may ipapalabas sila ng bansa?

Ika nga 'curiousty kills the cat'. Kaya naman ito siya at naglalakad na papalapit sa kweba. Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya pero hindi pa rin siya nagpapigil sa kabang nararamdaman niya.

Kahit hirap na hirap na siya sa pagtawid sa mababatong daanan ay hindi pa rin siya tumigil. Ilang sandali pa ay narito na siya sa harapan ng kweba. Wala siyang marinig na ingay mula sa loob. Baka nasa kaloob-looban pa?

Huminga siya nang malalim bago pumasok. Nakakailang hakbang pa lang siya ay nakita niya sa gilid na umaagos pala papasok ang tubig-dagat. Sinundan niya lang iyon at hindi nagtagal ay may narinig siyang parang agos na nagmumula sa itaas.

Natuwa siya sa kaisipang baka may maliit na talon sa loob. Naging mabilis ang bawat paghakbang niya at parang gusto niya na lang magsisi kung baki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 33

    "Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Russell kay Evie dahil sa sinabi niya.Tumango naman siya habang nakangiti. "Hindi ko pa alam kung totoo nga dahil sinabi lang iyon ni Laarnie sa akin.""Hindi iyon ang ibig kong sabihin," sabi pa ni Russell at hinawakan ang kamay niya. "You're into law?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit? Hindi ba kapani-paniwala na kaya ng utak ko ang kursong iyan?""Not that, you slowpoke," natatawang saad ni Russell.Naniningkit ang mga matang nakatingin si Evie kay Russell. "Kanina ka pa, ha!"Mas lalo lamang napatawa si Russell. "But kidding aside—""Anong kidding aside? Huwag na at magbiruan lang tayo hanggang bukas," naiinis na pambabara niya kay Russell.Kaagad naman siyang nakatanggap ng isang mabilisang halik sa labi mula kay Russell. Hindi siya natinag kaya hinalikan siya ulit nito.Ilang mabilisang halik pa pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Evie. "Akala mo ba madadala ako sa mga pahalik-halik mo?"Ngumisi si Russell at nagtaka

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 32

    "Nag-abala ka pa," nakangiting saad ni Sunshine habang nakatingin sa isang bungkos ng bulaklak na binigay ni Kurt sa kanya.Nasa loob sila ng opisina nito. Katatapos lang ng buwanang check up niya at kagaya ng mga naunang check ups niya ay nakaalalay sa kanya si Kurt."Hindi ka abala," sagot naman ni Kurt sa kanya.Matagal na itong nanliligaw sa kanya at naghihintay lang siya ng magandang pagkakataon para sagutin ito. Alam na rin ito ng Ate Evie niya at wala ring problema kay Russell."Just keep it up," dagdag na sabi ni Kurt at inalalayan siyang makaupo sa may sala area. "Sabi ng doktor mo ay paganda nang paganda ang kondisyon mo. Baka sa susunod na dalawang buwan ay pwede ka nang magtrabaho. Though I don't want you to pero ayaw ko namang maging hadlang sa mga gusto mong gawin."Matamis na ngumiti si Sunshine pero sa loob-loob niya ay nagtatalon na siya sa sobrang kilig.Nagsimula ang lahat pagkatapos niyang maoperahan. Binisita siya nito minsan dahil magkakilala raw ang ate niya at

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 31

    Dumaan ang pasko at bagong taon ay naging masaya naman si Evie sa piling ni Russell. Walang araw na hindi nito pinaramdam sa kanya ang pagmamahal nito. Hindi na ito umalis at nawala ng ilang linggo.Kung may mga aberya man ay nagagawan naman iyon ng paraan at solusyon ni Diego. Naging abala sila sa pamamasyal at sinasama siya nito sa mga party ng mga mayayaman. Pinapakilala siya nitong 'asawa'. Hindi naman nagmamadali si Evie na alukin siya ng kasal ni Russell. Pero may mga pagkakataong umaasa siyang isang araw ay mag-propose ito sa kanya.Marami nang nakilala si Evie— mga bigating tao sa industriya. Lagi niyang nakikita sa mga pagdiriwang si Emmanuel. Hindi pa rin magaan ang loob niya rito dahil hindi niya pa nakakalimutan ang panaginip niyan iyon.Kasalukuyan silang nasa isang kagubatan sa labas ng La Union na pag-aari ni Emmanuel. Mahilig silang dalawa ni Russell sa shooting sports kaya naman ay naglalaan sila ng panahon para dito. Magha-hunting sila ng ligaw na hayop o hindi naman

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 30

    "Mommy?"Nilingon ni Evie si Amora na bakas sa mukha ang pagtataka. "Why?""You're happy and glowing..."Kaagad na napaubo si Russell sa sinabing iyon ng anak. Mabuti na lang at hindi masyadong marami ang nahigop na kape. Habang nararamdaman naman ni Evie ang pag-init ng kanyang mukha. Nagkatinginan silang dalawa at mabilis ding nag-iwas ng tingin sa isa't isa.Kasalukuyan silang nag-aagahan at mag-aayos sila ng Christmas decorations mamaya.Hindi naman alam ni Sunshine kung anong sasabihin sa bata. Sa mura nitong edad ay matalino na ito at mabilis na makaintindi ng mga bagay-bagay. Kaya kailangan talagang piliin ang mga salitang sasabihin dito. Bukod sa matalino ito ay palatanong din.Pigil na pigil naman si Manang Lorna ng ngiti sa gilid habang naglalapag ng mga pagkain sa mesa. Nalipat naman ang tingin ni Amora sa kanyang ama kaya nagkaroon ng pagkakataon si Evie na makatakas at kunwari ay tutulong sa paghanda ng mga pagkain.Nagtagpo ang mga mata nina Amora at Russell. Dali-dalin

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 29 - (Warning : SPG)

    Ang halik ay kalmado sa umpisa. Hindi naglaon ay naging mapusok, mapaghanap, at naging sanhi ng pag-aalab ng kanilang mga damdamin. Sabik na sabik sa isa't isa na animo ay kaytagal na panahong nawalay sa piling ng bawat isa.Sa pagkakataong ito ay hindi na pipigilan ni Evie ang sarili.Bahala na.Ang alam niya lang ay mahal niya na si Russell.Hindi naman sukatan ang tagal ng pagkakakilala ninyo o pagsasama. Ang mahalaga ay dalawang pusong parehas ng nararamdaman.Gumanti ng halik si Evie. Sinabayan ang bawat galaw ng mga labi ni Russell. Dahil doon ay mas lalo lamang nag-init si Russell. Pero kaagad ding natigilan at saglit na lumayo nang bahagya kay Evie.Nagtatakang tingin naman ang ibinigay ni Evie kay Russell.Halatang nagdadalawang isip na magsalita si Russell pero lakas-loob pa ring nagsalita. "Ngayon pa lang sabihin mong tumigil na ako...""I don't want..." sagot ni Evie na nagpabagsak ng balikat ni Russell at kaagad na napayuko. Napangiti naman si Evie at dinugtungan ang sina

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 28

    "I can't go back home for now."Iyon ang huling mensahe ni Russell kay Evie tatlong araw na ang nakalipas. Dalawang linggo na rin matapos itong tumawag sa kanya. Maliban doon ay hindi na nasundan pa.Tinatanong niya lagi si Baste at ang lagi nitong sinasabi ay masyado itong abala. Nagkaroon ng problema kaya hindi ito makauwi-uwi dahil hindi iyon pangkaraniwang trabaho na pwede lang nito iiwan kay Diego.Gaano kaabala na kahit ang pangungumusta man lang sa kanila ni Amora ay hindi magawa?Naiinis siya at nag-aalala rin.Dalawang linggo na rin na panay pasyal nila sa labas. Napupuno na ang kwarto nila ni Amora ng mga laruan nito. Bumili na rin siya ng mga Christmas decoration dahil dalawang buwan na lang ay pasko na. Plano niyang ngayon sana simulan ang pag-aayos sa buong bahay at mag-decorate na rin ng Christmas tree, pero hindi niya alam kung bakit parang ang tamlay ng buo niyang katawan.Wala siyang ganang gumalaw-galaw."Mommy..." tawag ni Amora sa kanya. "You said we'll decorate to

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status