LOGIN
Five hundred thousand pesos...
Saan siya kukuha ng ganon kalaking pera? Kinagat ni Evie ang kanyang ibabang labi habang nanginginig ang mga tuhod na nakalapat sa sahig. Pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Nakatingin lang siya sa doktor. Naririnig niya itong nagsasalita pero wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Ang laman lang ng isip niya ay kung paano siya makakakuha ng five hundred thousand pesos para sa operasyon ng kapatid niyang si Sunshine. Hindi lang iyon, may iba pa siyang hospital bills na kailangang bayaran bukod pa sa mismong surgery f*e. Parang nagkakandaleche-leche na ang buhay niya at wala siyang magawa para pigilan iyon. "Miss Galton?" tawag ng doktora sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ni Evie. Napatalon siya at kaagad na nagpakawala ng ngiting puno ng paghingi ng tawad. "D-Doc? May s-sinasabi po kayo?" tanong niya. "Ayos ka lang ba?" Tanaw sa mukha ng doktora ang pag-aalala. "Pansin kong kanina ka pa wala sa sarili mo." "Ayos lang po ako," pagsisinungaling ni Evie at sabay tango. Muling nanginig ang mga kamay niya kaya pinagdikit niya ulit ang mga palad. Huminga nang malalim habang nagpatuloy ang doktora. "Gumagabi na. Kung hindi mo mababayaran ang surgery ng kapatid mo within this week or next, I’m afraid you might lose her," seryosong sabi nito, sabay pakawala ng buntong-hiningang may halong awa at babala. Nanuyo ang lalamunan ni Evie at napuno ng luha ang mga mata. Umiling ang doktora. Kita ang lungkot sa ekspresyon nito. "I’m sorry, pero hindi na natin kayang pagandahin pa ang sitwasyon ngayon. You have to hurry and get the money. Or your sister might die." Parang piniga ang puso ni Evie habang pinapakinggan niya ito. Napapikit siya nang mahigpit saka naramdamang may isang luha na dumaan sa pisngi niya. Napaungol siya sa bigat saka dahan-dahang dumilat. "Naiintindihan ko po," bulong niya. "Gagawa po ako ng paraan." Nagsikap ngumiti ang doktora pero lumabas itong pilit. Kita ni Evie ang awa sa mga mata nito. At sobrang ayaw niya ng ganoon. Sobrang galit siya sa pakiramdam ng awa. "Salamat, doc," sabi niya habang tumatayo. "Babalik ako mamayang gabi pagkagising niya," dagdag niya bago tuluyang lumabas ng opisina at isinara ang pinto. Kailangan niyang makahanap ng paraan para makalikom ng five hundred thousand pesos sa loob lang ng isang linggo. Napahagod siya sa buhok sabay kusot sa mata. Pagod na pagod na siya. Ilang araw na siyang hindi maayos ang tulog at siksik na siksik sa isip niya ang problema. Si Sunshine lang ang mayroon siya. Hindi niya kayang mawala ito pero ni isang kusing ay wala na siya. Kailangan niyang bayaran ang hospital fees nito pati na ang renta nila sa bahay. Naibenta na niya pati iyong maliit niyang café pero kulang pa rin. "Mommy?" Napatigil si Evie sa paglalakad papunta sa elevator nang may marinig siyang boses mula sa hallway. At maya-maya lang ay may kumapit sa palda niya. "Mommy!" ulit ng bata. Napakunot-noo si Evie at napatingin pababa. Isang maliit na batang babae ang masiglang humahatak sa palda niya. "Mommy!" sigaw nito habang nakangiti nang ubod tamis at nagniningning ang mga mata. Huminga siya nang malalim at pinilit ngumiti. Lumuhod siya sa harap ng bata. "Anong pangalan mo?" tanong niya habang hinawakan ang maliliit nitong kamay. "But mommy, you know my name!" bulong nito halos pabulong na parang nalulungkot. Hindi ito mukhang lalagpas ng tatlong taong gulang. "It's Amora Lacroix!" "Well, Amora, sweetheart," umpisa niya saka napakagat-labi. Hindi niya alam kung paano babasagin ang puso ng pinakamagandang bata na nakita niya ngayong araw. "Nagkakamali ka. Hindi ako ang mommy mo. Nasaan ba siya? Halika at dadalhin kita sa kanya." "Pero ikaw po ang mommy ko!" giit ng bata at umiiling pa. Biglang napuno ng luha ang mga mata nito at nanginig ang mga labi. "Ikaw ang mommy ko, ikaw," bulong pa nito. "Amora, imposible ang sinasabi mo—" Hindi pa man siya natatapos ay umiling na ang bata at biglang umiyak nang malakas. "I know you're my mommy!" ulit nito habang pinupunasan ang mga mata. "Okay, okay," bulong ni Evie at binuhat niya ito habang tumatayo. "Ako muna ang mommy mo. Pero kailangan natin mahanap ang totoo mong mommy. Nasaan ba siya? Saan ka niya iniwan?" Yumakap si Amora sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat niya. At last ay tumigil din ito sa pag-iyak. Hinagod ni Evie ang buhok ng bata at hindi napigilang halikan ito sa pisngi habang naglalakad papunta sa elevator. Ibababa niya ito sa reception at saka siya aalis. Doon na lang ito susunduin ng mga magulang o guardian nito.. "Mommy, what's your name?" tanong ng bata habang naglalakad sila. "Hmm... I'm Evie." "Will you come home with daddy and me?" tanong ulit nito sa mahinang boses habang tumitingala sa kanya gamit ang malalaking hazel brown na mata. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ng mga lalaking biglang sumulpot mula sa hallway bago pa siya makarating sa elevator. Tumigil siya sa pagkilos. Ang isa sa mga lalaki ay kaagad siyang tinutukan ng baril. Sinundan pa ng isa pa. Parehong seryoso at halatang handang putukan siya ano mang oras. Napaluok si Evie. Umatras siya ng isang hakbang pero may malamig na metal siyang kaagad na naramdaman sa batok niya. "Bruce?" mahinang bulong ng bata. Tinaas nito ang ulo mula sa balikat ni Evie. Pero hindi ito sa mga lalaki na nasa harap nila nakatingin. Sa likod. Sa kung sino man ang nasa likod ni Evie. Dahan-dahang pumihit si Evie paharap sa lalakeng nasa likod niya at nanlaki ang mga mata nang makita ang nakatutok ng baril sa kanya mula sa likuran. His eyes narrowed on her and she opened her mouth to speak, to ask what exactly was going on when Amora spoke again. "Daddy! Look who I found!" Muling napalingon si Evie. Ang mga lalaki sa harap ay kaagad na nagbigay-daan sa isang lalaking paparating. Siguro ito ang boss nila. Kaagad niyang napansin ang matatalim nitong hazel brown na mga mata habang papalapit. His eyes went from her to Amora and back to her. "Saan mo binabalak na dalhin ang anak ko? You dare to try and take my daughter away from me?" galit na sabi ng lalaking bagong dating habang nakatayo nang sobrang lapit kay Evie. Napaatras siya at muling naramdaman ang baril sa batok. Babala iyon. "Naku, hindi ah! Hindi iyon ang gagawin ko!" nanginginig na sagot ni Evie. "Where are you taking my daughter to?" tanong nito sa naniningkit na mga mata. "You're trying to kidnap her?" Umiling siya. "Hindi ako ganoong klase ng tao, hoy! I was just taking her to the reception para mahanap siya ng parents niya. I-I didn’t know you're her dad!" Lalong nanlisik ang mga mata ng lalaki. Inabot nito ang anak para kunin pero lalo lang humigpit ang yakap ni Amora kay Evie. "Daddy, will mommy come home with us today? Makakasama na natin siya?" Mabilis na lumipad ang tingin ng lalaki kay Evie. "Mommy?" takang tanong nito. "Siya si Mommy Evie!" parang excited pang sabi ng bata. Nanlisik naman ang mga tingin ng lalaki kay Evie. Umiling naman si Evie para magpaliwanag. "I-I tried to tell her I'm not her mother pero ayaw niyang makinig. Bigla-bigla na lang siyang umiyak," sunod-sunod na paliwanag ni Evie. Napapalinga pa siya sa mga lalaki at bumalik din sa ama ni Amora ang tingin niya. Ramdam na ramdam niya ang baril sa likod niya. Sino ba talaga ang mga ito? Isang bagay ang sigurado siya. Delikado silang lahat. At ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong takot sa buong buhay niya. Pinilit tingnan ni Evie nang maayos ang ama ni Amora. Grabe. Ito na siguro ang pinakagwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Maitim ang buhok, may matalim na titig na para bang kilalang-kilala na siya. Kayumanggi ang balat nito at malapad ang balikat saka batak na batak ang katawan. Tinatayang nasa 6’5 ito. May malakas na aura, nakakailang na nakakatakot. Napakurap si Evie at pinapaalalahanan ang sarili na nasa gulo siya ngayon at hindi panahon para mag-checkout ng lalaki na kaya siyang ipapatay sa isang iglap. "Pasensya ka na, hindi ko naman alam..." mahina niyang sabi at pilit ang paghinga. "L-Lumapit siya sa akin at hindi ko alam kung nasaan ang k-kasama niya." "Daddy, huwag mong takutin si mommy!" saway ng bata sa ama nito. "She's not your mother, Amora," sagot naman ng ama ng bata. Tinitigan muna nito si Evie sandali bago lumipat ang tingin sa anak. "Come here," utos nito at kinuha ang bata sa bisig ni Evie. "Bruce," tawag ng lalaki sa tauhan nito. Sigurado si Evie na ang Bruce na tinawag nito ay ang lalaking nasa likod niya at may nakatutok na baril sa kanya. Ibinaba naman ng nagngangalang Bruce ang baril. "Get outta here," utos ng ama ni Amora sa kanya habang yakap-yakap ang anak. Mabilis na sinunod ni Evie ang sinabi nito. Maingat siyang naglakad palayo mula sa mga armadong lalaki at nang makalayo na ay kaagad siyang tumakbo papunta sa elevator. Ang puso niya ay parang sasabog sa bilis ng tibok niyon!Tahimik ang gubat—hindi na iyong katahimikang puno ng banta, kundi isang kakaibang katahimikang parang may hinihintay na desisyon. Ang liwanag ng umaga ay mas malinaw na ngayon, tumatama sa mga dahon, sa dugong natuyo sa lupa, sa mga bakas ng laban na katatapos lang.Nakaupo si Alliyah sa ibabaw ng isang ugat ng puno.Hindi na siya nagwawala.Hindi na siya sumisigaw.Hindi na rin siya nanginginig sa galit.Tahimik siyang nakatingin sa sarili niyang mga kamay—mga kamay na dati’y sandata, ngayon ay tila hindi niya kilala. Ang paghinga niya ay mabagal, kontrolado, halos parang isang batang pinagsabihan at natutong tumahimik.Si Gray ay nakatayo ilang hakbang ang layo.Hindi niya inaalis ang tingin sa kanya.Hindi dahil takot siya—kundi dahil sanay na siyang magbantay. Ang bawat kilos ni Alliyah ay binabasa niya, hindi bilang kaaway, kundi bilang isang taong matagal nang sinanay na itago ang tunay na damdamin sa likod ng pagsunod.“Alliyah,” maingat niyang tawag.Dahan-dahang tumingin sa
Nagising si Alliyah sa tunog ng sariling paghinga.Hindi agad siya kumilos. Hindi dahil kalmado siya—kundi dahil may mali. May bigat sa mga braso niya. May higpit sa mga pulso. May lamig ng lupa sa likod niya at amoy ng dugo at damo sa hangin. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.Dilaw ang liwanag ng umaga, sumisingit sa pagitan ng mga puno. Ang gubat ay tahimik, pero hindi payapa. Ang katahimikan nito ay parang nanonood.Sumubok siyang igalaw ang kamay niya.Hindi siya makawala.“—Ano ‘to?!” biglang sigaw niya, sabay pilit na hinila ang mga kamay na nakatali. Sumakit ang pulso niya agad.Umupo siya nang biglaan, galit na galit, humahagulgol ang hininga. “Pakawalan mo ako!” sigaw niya, kahit wala pa siyang nakikitang tao. “Pakawalan mo ako ngayon din!”Pinilit niyang tumayo, ngunit nakatali rin ang mga paa niya. Bumagsak siya pabalik sa lupa, marahas, ngunit hindi niya naramdaman ang sakit—o mas tamang sabihin, mas malakas ang galit kaysa sa kirot.“Gray!” sigaw niya, paos, puno
Tahimik pa rin ang gubat, ngunit ang katahimikang iyon ay mabigat na, halos hindi na makahinga.Puno na ng sugat si Gray.Hindi na mabilang ang hiwa sa braso niya, ang pasa sa tagiliran, ang hapding umaakyat mula sa tuhod hanggang baywang. Ang bawat paghinga ay may kasamang kirot, parang may basag na salamin sa loob ng dibdib niya. Ang dugo ay dumadaloy mula sa balikat niya, tumatagas sa manggas ng damit, humahalo sa putik at damo sa ilalim ng mga paa niya.Ngunit nananatili siyang nakatayo.Hindi dahil malakas pa siya.Kundi dahil ayaw pa niyang bumigay.Sa harapan niya, ilang hakbang lang ang layo, si Alliyah ay nakatayo rin—ngunit hindi na kasing bilis kanina. Ang mga balikat nito ay bahagyang nakalaylay, ang paghinga ay hindi na pantay. Ang mga mata nito, na kanina lang ay nag-aapoy sa galit, ay ngayon may bahid na ng pagod—hindi pisikal lang, kundi emosyonal, parang isang apoy na matagal nang sinusunog ang sarili at ngayo’y nauubusan na ng hangin.Ngunit hindi pa rin siya sumusuk
Tahimik ang kabundukan, ngunit ang katahimikang iyon ay panlilinlang. Sa ilalim ng bawat yabag ni Gray sa basang lupa ay may nakaabang na panganib—mga patalim ng alaala, mga aninong maaaring gumalaw anumang oras. Nagsimula na siyang kumilos. Hindi na siya nag-aksaya ng oras sa pagdududa. Ang bawat segundo ay mahalaga, at alam niyang habang tumatagal, mas lalong tumitibay ang galit na bumabalot kay Alliyah.“Juliet,” bulong niya sa comms, mahina ngunit malinaw. “Nasa silangang bahagi na ako. May bakas ng dugo sa mga puno.”Static muna ang sagot bago marinig ang boses ni Juliet—kalmado, ngunit may halong pag-aalala.“Nakikita ko sa thermal scan ang galaw mo. Mag-ingat ka, Gray. May isang heat signature, mga tatlong daang metro sa unahan mo.”Huminto si Gray. Dahan-dahan siyang yumuko, hinipo ang lupa. Sariwa pa. Hindi pa natutuyo ang dugo.“Siya ‘yon,” sabi niya. “Hindi na siya nagtatago.”“Parang... hinihintay ka niya,” sagot ni Juliet. “Gray, kung pakiramdam mo ay delikado—”“Delikado
Tahimik ang hideout, ngunit hindi iyon ang uri ng katahimikang nagbibigay ng kapayapaan. Ito ang katahimikang puno ng sugat, ng mga ungol na pilit pinipigilan, ng amoy ng dugo at gamot na nagsasama sa hangin. Sa gitna ng lahat ng iyon, nakatayo si Gray—nakapikit, nakasandal sa malamig na pader, parang pilit inuukit sa sarili ang desisyong matagal na niyang tinatakbuhan.Tiningna niya ang relo sa pulso niya, ilang minuto na lang at dadating na ang back up.Panahon na.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Wala nang pag-aatubili. Wala nang tanong. Ang mga sagot ay matagal nang naroon—pinili lang niyang huwag pakinggan noon.Lumakad siya papunta sa mesa kung saan nakalatag ang mga kagamitan niya. Hindi armas ang una niyang hinawakan, kundi ang maliit na cellphone na ibinigay niya kay Juliet kanina. Doon niya ipinalipat ang lahat ng video—ang mga file mula sa lumang base ng Alliance. Ang katotohanang matagal na ikinulong sa mga server.Lumapit si Juliet, tahimik ngunit alerto.“Sigura
Hindi na nagtagal ang pagkabigla.Sa sandaling malinaw na malinaw kay Gray at Juliet ang lawak ng nangyari, kusang gumalaw ang mga katawan nila—parang matagal nang sanay sa ganitong uri ng impiyerno. Walang sigawan. Walang tanong na “bakit.” Ang mga ganoong salita ay para sa mga taong may oras pang masaktan. Wala na silang ganoong pagkakataon.“Juliet,” sabi ni Gray, mababa ngunit matalim ang tinig, “hanapin mo siya.”Hindi na kailangan ng paliwanag.Tumango si Juliet at agad na tumakbo patungo sa control room ng hideout—isang maliit ngunit sapat na silid na puno ng mga monitor, wire, at improvised na sistema ng surveillance na inayos nila ni Rio para hanapin sana ang may pakana ng sunog sa bahay nina Nikolai na sa hindi inaasahan ay si Alliyah pala, at ngayon ay si Alliyah pa rin ang dahilan.Ngunit ngayon, iyon na lang ang pag-asa nilang makita kung saan nagpunta si Alliyah o kung may bakas man siyang naiwan.Samantala, lumuhod si Gray sa tabi ng unang sugatan na nadaanan niya.Isan







