Share

Chapter 2

Author: Sky_1431
last update Last Updated: 2025-09-19 15:48:45

Nakatingin si Russell kay Evie habang nagmamadali itong maglakad papunta sa elevator. Ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa pagkakatali at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang gumagalaw ito.

Nagsara ang elevator nang makasakay ito at tuluyang naglaho ang babae. Umigting ang mga panga ni Russell. Pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa kalooban niya.

"Daddy, are you sure she's not mommy?" mahina ang boses ni Amora. Para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.

Tumingin siya pababa sa anak at nakita ang mga luha sa pisngi nito. Sanay na siya sa mga tanong ni Amora lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan. Pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito.

"She's not your mother, Amora," sagot niya pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya.

"But she looked at me like mommy would," bulong ni Amora habang mahigpit ang hawak niya sa shirt ng ama at napayuko na lang ito.

A stubborn tear slipped down her cheek. She was spiraling and he couldn't control it. This wasn't what he had planned. He told that woman to leave, to get out of their sight as swiftly as she'd stumbled into them.

"Come now." Lumapit siya pero bigla namang nagpumiglas ang bata sa pagkakarga niya. Nagsimula na itong humikbi at pinipigilan pa pero halatang hindi na iyon magtatagal. Tumango siya kay Bruce na nasa hindi kalayuan at laging alerto.

"May problema ba, boss?" tanong ni Bruce habang sinusuri ang sitwasyon.

"Sa ngayon ay wala pa," sagot niya at kahit alam niyang hindi iyon totoo. Puno ng pagkalito at sakit ang mga mata ni Amora. Iyong klase ng lungkot na tanging bata lang ang kayang ipakita ng buo at walang halong filter.

At sa isang iglap lang ay parang may kumurot sa dibdib niya. May mali siyang nagawa. Hindi niya alam kung paano pero alam niyang may pagkukulang siya bilang ama.

"Daddy," muling tawag ng bata na paos na ang boses. "Can we go back to her? Gusto ko siya ulit makita. Please? Just once."

"Amora," malalim ang buntonghiningang sinundan ng medyo naiinis na tono. "Uuwi na tayo ngayon din."

Tinitigan si Russell ng anak niya at matigas ang ekspresyon sa mukha ng bata. Kilalang-kilala niya ang titig na iyon. Hindi ito basta-basta sumusuko. Gaya ng inaasahan ay sumabog na nga ito. Umiyak ang bata at halos madidinig iyon sa buong hallway.

"Anak," bulong niya at mahigpit ang hawak sa anak habang pinapalo siya nito sa balikat niya gamit ang maliliit nitong kamao. Maliit man ito pero ramdam na ramdam pa rin niya ang bawat pagtama. Luminga-linga siya at baka may makakita pa at mapansin sila.

"Bruce," tawag niya ulit pero ngayon may authority na sa tono niya. "Bring that Evie back."

"I-Iyong babae kanina, boss? Sigurado po ba kayo?" tanong ni Bruce habang nagtaas ng kilay. Pero hindi na rin ito naghintay pa ng sagot. Kilala na siya nito. Alam nitong wala nang kailangang ipaliwanag. Tumalikod lang ito at kaagad na nawala sa hallway.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Amora. Nakasubsob sa balikat niya habang binabagtas nila ang pasilyo. Buong lakas na hinahampas ng iyak ng bata ang mga tainga niya. Sinusubok ang natitira niyang pasensya. Gusto lang naman niyang gawing simple ang lahat. Pinaalis niya si Evie para hindi na lumala pa pero heto sila ngayon— nagtatalo.

Pagdating nila sa kotse ay tahimik lang siya sa buong byahe. Hindi tumigil sa pag-iyak si Amora sa likod. Sinubukan ni Russell na aliwin ito. Kung anu-anong bagay na pumasok sa isip niya ang in-offer pero wala ring gumana. Paminsan-minsan ay hihikbi ito at babanggitin ang "Mommy" kahit hindi naman nito talaga kilala ang babae. Isang ilusyon lang na pinanghawakan niya.

Pagdating sa bahay ay kaagad niyang dinala si Amora sa living room. Inupo niya ito sa paborito nitong couch at inilabas ang paborito nitong stuffed bear. Hinagod naman ni Amora ang mga lumang tahi doon habang dahan-dahang humina ang iyak. Tahimik na ang bata pero halatang nasasaktan pa rin. Ang paghinga nito ay hindi pa rin bumabalik sa normal.

"Anak," sabi niya habang lumuhod sa harap ng bata. "She's not coming. Do you understand?"

Tiningnan siya nito. Basa pa rin ang mata at wala pa ring emosyon ang mukha. Tumango ito pero alam niyang hindi talaga ito naniniwala. Alam niyang gumagawa na ang anak niya ng sariling kwento sa isip— kwento kung saan babalik si Evie, yayakapin ito, at sasabihing everything will be okay.

"Can you tell me what's wrong?" tanong niya ulit. Mas malambing na ang boses niya ngayon. Para siyang hindi na siya. Para siyang ibang tao na may binabasag na sariling pader na ilang taon na niyang itinayo.

Nagpakurap-kurap si Amora. Pinunaasan ang natitirang luha pagkatapos ay bumulong nito. "I thought she was mommy."

"Amora..." Muli siyang napabuntonghininga. Mabigat. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Wala siyang ideya kung paano palalayain ang anak sa ideya ng isang bagay na hindi naman totoo.

Binuhat niya ito at dinala sa kwarto. Ito lang ang tanging lugar kung saan ligtas ang pakiramdam ng bata. Mga pader na kulay lavender at kama na puno ng mga stuffed toy. Inihiga niya ito at kinumutan habang patuloy ang paghinga ng bata sa pagitan ng pag-iyak nito.

"Why can't she come back, daddy?" tanong ng bata. Pulang-pula na ang mata at nangingitim ang paligid.

"Because..." natigilan siya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan. "Because she isn't your mother, Amora. Sometimes, people come into our lives and then leave, and that's how it's meant to be."

"But what if she wants to stay?" bulong ng bata na halos hindi na marinig.

"She doesn't. She's not a part of our family. Hindi niya rin gusto sa atin kaya kahit pilitin natin siya ay hindi siya sasama."

Alam ni Russel na masakit ang mga sinabi niya. Pero iyon ang totoo. At kung hayaan niyang paniwalaan ito ng anak niya ay baka mas lalo lang itong masaktan sa huli.

Umupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang buhok ng bata. Pinakiramdaman ang lambot nito sa mga daliri niya. Pumikit si Amora at sa wakas ay medyo huminahon na. Dala na rin siguro ng pagod sa matinding pag-iyak.

"Will you stay with me until I fall asleep?" mahina nitong tanong.

"Of course," sagot niya at sabay higa sa tabi ng anak. Niyakap niya ito at naramdaman ang init ng maliit nitong katawan habang dahan-dahan na ring bumalik sa normal ang hininga nito. Unti-unting natuyo na ang luha sa pisngi nito.

Habang unti-unti nang hinihila ng antok ang anak niya ay nakatitig lang si Russell sa kisame. Puno ng iniisip. Wala sa kontrol niya ang nangyari ngayong araw. Ayaw na ayaw niya kapag ganoon. Evie had come and gone, but yet she left a mark. Isang bakas na kaagad hinawakan ng anak niya. At hindi niya alam kung kaya niya itong burahin.

Gusto niyang suntukin ang pader. God! He wanted to hit something or to hit someone for how much control he lost today. For how he had lost Amora in the hospital and how she had latched onto Evie, calling her mommy. Saying she looked at her like mommy would. At iyon ang pinakanakakagulo sa lahat dahil hindi pa man niya nakilala ang ina nito ay naramdaman niyang ganoon ang tingin nito sa kanya.

Hinagod ni Russell ang mukha ng anak at tahimik na lumabas ng kwarto. Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tinawagan si Bruce.

"Where is she?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 6

    Pigil ang hiningang nakapikit si Russell habang patuloy na binubunot ni Kurt ang balang tumama sa kanyang hita. Si Marcelo ang personal niyang doktor at matagal ng kaibigan."How many bullets do I have to deal with, Russ?" Iritado man ang tinig ay halata namang nag-aalala ito para sa kaibigan."Ang mahalaga ay buhay pa rin," nakangising sagot ni Russell kahit na halos naliligo na siya sa sarili niyang pawis."Hindi man lang tumatalab ang anesthesia sa iyo.""Makapal na yata ang balat ko," biro niya pa kahit hindi na maipinta ang kanyang mukha."Ang sabihin mo gabi-gabi ka na lang lango sa alak. Lagi ka na ngang natatamaan ng bala, hindi ka pa conscious sa mga kinakain o iniinom mo," sermon nito sa kanya. "Kung ayaw mong maagang mawalan ng tatay si Amora, umayos ka naman."Natahimik naman si Russell. Hindi niya naman masisisi ang kaibigan dahil tama naman ito.Tatlong taon na rin ang nakalipas simula nang maging ganito siya. Gabi-gabi siyang umiinom hindi dahil sa lasenggero siya pero

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 5

    Nang mahimbing na ang tulog ni Amora ay dahan-dahang bumangon si Evie mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Napagod yata ito sa cooking at baking session nila kanina kaya kahit anong galaw ng kama ay hindi ito magising-gising.Niligpit niya muna ang mga nagkalat nitong laruan sa sahig. Pagkatapos ay muling sinulyapan ito at inayos ang pagkakakumot dito. Nang kampante na siyang nasa maayos na ang lahat ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto nito.Muntik na siyang mapatakbo dahil sa pagkakagulat nang makitang may nakaabang sa kanyang paglabas. "Manang naman, eh," bubulong-bulong na reklamo niya."Kumain ka muna at pinagbalot ko na rin ng pagkain si Sunshine," nakangiti nitong saad sa kanya at kaagad na hinila ang kamay niya.Si Manang Lorna ay ang mayordoma sa mansyon ng mga Lacroix. Matagal na siyang nanilbihan dito. Bukod sa kanya ay may mga katulong pa rito. Si Amora lang at si Russell ang nakatirang Lacroix dito. Patay na ang mga magulang ni Russell at may nag-iisa siyang kapatid na

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 4

    Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Evie, isang hiningang hindi niya namalayang pinipigil pala niya. Naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya kahit may panibagong kaba na agad pumalit. She had just agreed to work for a man na parang embodiment ng power and control, at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng desisyong ‘yon.“Mabuti kung ganon,” sabi niya, pilit sounding confident. “Kailan mo ako gusto magsimula?”“Ngayon mismo,” mabilis na sagot ni Russell. Katulad ng dati, firm at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses nito. “Amora is waiting for you.”Napakunot ang noo ni Evie. “Ngayon agad? As in?”Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have a pressing engagement?”Sinamaan niya ito ng tingin, pero tila wala lang kay Russell at bahagyang ngumisi pa, obviously entertained sa inis niya.“Sige, ngayon na ako magsisimula,” mutter niya. “Pero hindi ibig sabihin non ay ikaw ang masusunod sa lahat ng bagay. Hangga’t hindi pa fully recovered ang kapatid ko kailangan ko

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 3

    Gulong-gulo ang isip habang naglalakad-lakad si Evie sa hallway sa labas ng kwarto ng kanyang kapatid. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala sa mga lalaking may dalang baril na itinutok pa talaga sa kanya.Pumasok siya sa elevator pero kaagad din siyang lumabas para umiikot at bumalik sa hallway. Hindi na lang siya pumasok sa kuwarto ni Sunshine. Ayaw niyang makita siya nito na balisa at nag-alala pa. Hindi nawawala sa isip niya ang eksena sa kanina. Iyong batang babae na parang nakita sa kanya ang sagot sa matagal na nitong hinahanap at ang ama nito na kahit nakakakaba ay may kakaibang dating.Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang humarap at handa na sanang ipagtanggol ang sarili pero isang lalaking matangkad at maskulado ang bumungad sa kanya. Matikas ang mukha nito at malamig ang mga mata. Tinawag ito ni Amora kanina na Bruce. Ito rin iyong nanutok ng baril sa batok niya kanina."Kailangan mong sumama sa akin," malamig

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 2

    Nakatingin si Russell kay Evie habang nagmamadali itong maglakad papunta sa elevator. Ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa pagkakatali at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang gumagalaw ito.Nagsara ang elevator nang makasakay ito at tuluyang naglaho ang babae. Umigting ang mga panga ni Russell. Pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa kalooban niya."Daddy, are you sure she's not mommy?" mahina ang boses ni Amora. Para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.Tumingin siya pababa sa anak at nakita ang mga luha sa pisngi nito. Sanay na siya sa mga tanong ni Amora lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan. Pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito."She's not your mother, Amora," sagot niya pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya."But she looked at me like mommy would," bulong ni Amora habang mahigpit ang hawak

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 1

    Five hundred thousand pesos...Saan siya kukuha ng ganon kalaking pera?Kinagat ni Evie ang kanyang ibabang labi habang nanginginig ang mga tuhod na nakalapat sa sahig. Pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Nakatingin lang siya sa doktor. Naririnig niya itong nagsasalita pero wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Ang laman lang ng isip niya ay kung paano siya makakakuha ng five hundred thousand pesos para sa operasyon ng kapatid niyang si Sunshine.Hindi lang iyon, may iba pa siyang hospital bills na kailangang bayaran bukod pa sa mismong surgery fee. Parang nagkakandaleche-leche na ang buhay niya at wala siyang magawa para pigilan iyon."Miss Galton?" tawag ng doktora sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ni Evie.Napatalon siya at kaagad na nagpakawala ng ngiting puno ng paghingi ng tawad. "D-Doc? May s-sinasabi po kayo?" tanong niya."Ayos ka lang ba?" Tanaw sa mukha ng doktora ang pag-aalala. "Pansin kong kanina ka pa wala sa sarili mo.""Ayos lang po ako," p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status