Gulong-gulo ang isip habang naglalakad-lakad si Evie sa hallway sa labas ng kwarto ng kanyang kapatid. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala sa mga lalaking may dalang baril na itinutok pa talaga sa kanya.
Pumasok siya sa elevator pero kaagad din siyang lumabas para umiikot at bumalik sa hallway. Hindi na lang siya pumasok sa kuwarto ni Sunshine. Ayaw niyang makita siya nito na balisa at nag-alala pa. Hindi nawawala sa isip niya ang eksena sa kanina. Iyong batang babae na parang nakita sa kanya ang sagot sa matagal na nitong hinahanap at ang ama nito na kahit nakakakaba ay may kakaibang dating. Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang humarap at handa na sanang ipagtanggol ang sarili pero isang lalaking matangkad at maskulado ang bumungad sa kanya. Matikas ang mukha nito at malamig ang mga mata. Tinawag ito ni Amora kanina na Bruce. Ito rin iyong nanutok ng baril sa batok niya kanina. "Kailangan mong sumama sa akin," malamig na sabi nito habang mahigpit ang hawak sa kanya. Pinilit niyang kumawala rito. "Teka lang! Sino ka ba sa akala mo? Bitiwan mo nga ko! Hindi ako sasama sa iyo!" "Sasama ka sa akin sa ayaw mo man o sa gusto mo dahil iyon ang sinabi ni boss. Huwag ka na gumawa ng eksena kung ayaw mong masaktan pa." Lumingon-lingon siya at umaasang may makapansin pero tahimik ang buong hallway. "Bakit naman ako sasama sa iyo?" tanong niya at pilit pinapakalma ang sarili. Mas lalo lang hinigpitan ni Bruce ang hawak sa kanya. "Huwag ng maraming tanong pa. Sumunod ka na lang." Ramdam ni Evie ang gumagapang na takot sa puso niya pero pinilit niyang maging kalmado. "Oo na! Sasama na ako!" aniya sa pagitan ng gigil. "Pero kung kikidnapin mo ako ay huwag kang masyadong umasa na magpapakabait ako." Hindi na siya sinagot ni Bruce. Dumiretso ito sa elevator kasama siya at sa side exit sila lumabas kung saan may nakaabang na itim na sasakyan. Binuksan nito ang pinto at halos itulak siya papasok. Sumakay rin ito sa front seat. "Ano ba kasing kailangan ninyo sa akin? May ginawa ba akong masama?" tanong niya at mas matalim na ang tono niya dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ito sumagot. Pinipigilan niyang manginig ang kamay niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi na niya alam kung saan na patungo ang dinadaanan ng kotse. Mabilis ang tibok ng puso niya at parang sasabog na ito. "Please, just tell me where we’re going," pakiusap niya pa. Pero parang bato si Bruce. Walang reaksyon. Walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang gusaling mukhang pagmamay-ari ng isang milyonaryo at hindi ng isang kidnapper. "Bumaba ka na," utos nito at sabay hila sa kanya palabas. "Kanina pa naghihintay si boss." Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Dinala siya sa loob, naglakad sa isang hallway. Pagkatapos ay pumasok sa isang opisina na may dim light at mamahaling furnitures. Puro dark wood at leather ang gamit. Pang mayaman talaga. Lumingon siya sa paligid at nakita sa likod ng malaking desk ang lalaking nakita niya kanina— ang ama ng bata. Nakaupo ito at kalmado pero matalim ang mga mata habang nakatitig sa kanya. "Evie, isn't it?" tanong nito. Tumayo lang siya at nilabanan ang kaba sa dibdib. "O-Oo, bakit?" "Russell Lacroix," sagot nito at hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya. Tinaas niya ang baba. "Care to explain kung bakit mo ako pina-kidnap mula sa hospital? Dahil ba ito sa anak mo? Hindi ba't nagpaliwanag na ako kanina? Ginagawa mo ba iyan sa lahat ng babae na hahawakan ng anak mo?" Hindi man lang natinag si Russell. "Sit," sabi nito sabay turo sa upuan sa harap niya. "I’d rather stand," sagot niya kaagad pilit tinatago ang takot. Nagsasalita siya sa isang lalaking may armadong tauhan, tapos ganito pa siya kung makapagsalita? Parang siya na mismo ang naghuhukay ng libingan niya. Halos ngumiti si Russell na parang naaaliw pa. "Suit yourself." "Okay. So what is this all about?" tanong niya na nakatayo pa rin. Tumalim ang tingin nito. "My daughter, Amora... She’s attached herself to you already. Unfortunately, but here we are." Napakunot-noo siya. "Attached? Kakakita lang niya sa akin kanina." "Exactly. But children aren’t known for their logic," sagot nito. "Since we left, all she’s done is cry and ask for you." Naalala niya ang basang-basang mata ng bata. "She seemed... lonely." Tumango si Russell saka sumandal. "She needs someone stable in her life. Someone like you." Napaangat ang kilay niya. "Ano? So you brought me here just because your daughter likes me? Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Ano bang tingin ninyo sa aming mga mahihirap?" "I’m offering you a job," paliwanag pa nito. "As her nanny." Tumawa siya nang pagak. "Hindi ako yaya." "You don’t have a job, don't you?" diretsong tanong ni Russell sa kanya. Nag-init ang tainga niya. "What does it have to do with you? Ano naman kung wala akong trabaho?" "I looked into it. No employment and a sister in the hospital. Expensive bills, I’d imagine." Nalaglag ang puso niya. "Nag-background check ka sa akin?" "I had to be thorough. I needed to know if you were a suitable choice." Tumigas ang mukha nito. "Well, I’m not. The answer is no. Pwede ba, tigilan mo ako. Hindi ako interesado maging yaya ng anak mo." Hindi man lang kumurap si Russell. "I wasn’t asking." Napakunot ang noo niya. "So pinipilit mo ako?" "You’re going to be Amora's nanny. She needs you. And you need money. This arrangement works for both of us." "Hindi ko gagawin iyan," ulit niya pa. "I have responsibilities. I have my own life. Kailangan ako ng kapatid ko. Hindi ko naman siya pwede basta iwan na lang para maging yaya ng anak mo." Tahimik lang si Russell pero kita sa mata nito ang pagsusuri. Parang tinitimbang siya. Hanggang sa bigla itong nagsalita. "Your sister... could have her hospital bills covered. Ako ang sasagot sa lahat ng gastos para sa kanya." Napatigil siya. "Anong ibig mong sabihin?" "I’ll pay for her treatment. And I’ll ensure she has a job when she recovers." Parang nabawasan ang hangin sa dibdib niya. Alam niyang may kapalit ang alok na iyon, pero hindi niya rin kayang balewalain. "Looks like you’re considering it," ani Russell na bahagyang nakangisi. Pinigilan niyang mapahiya. "F-Fine. Let’s negotiate." "Negotiate?" Halatang naaaliw na ito sa kanya. "Kung papayag ako sa alok mo, hindi lang bills ng kapatid ko ang babayaran mo. Bibigyan mo rin siya ng trabaho. Stable na trabaho hangga't ako ang nag-aalaga ng anak mo. Iyan ang kondisyon kol." Nagliwanag ang mata ni Russell. Hindi yata nito in-expect na lalaban siya. "You’re bold. I’ll give you that." "You want me, then meet my terms," aniya na tinatakpan ang nanginginig na kamay sa likod ng pagkakakrus ng braso niya. "Kung hindi mo kayang ibigay ang gusto ko, ngayon pa lang ay maghahanap ka na ng yaya ni Amora dahil hindi ako papayag kahit saktan mo pa ako." Tinitigan siya nito ng matagal. At sa huli ay tumango ito. "Alright. We’ll do it your way."Pigil ang hiningang nakapikit si Russell habang patuloy na binubunot ni Kurt ang balang tumama sa kanyang hita. Si Marcelo ang personal niyang doktor at matagal ng kaibigan."How many bullets do I have to deal with, Russ?" Iritado man ang tinig ay halata namang nag-aalala ito para sa kaibigan."Ang mahalaga ay buhay pa rin," nakangising sagot ni Russell kahit na halos naliligo na siya sa sarili niyang pawis."Hindi man lang tumatalab ang anesthesia sa iyo.""Makapal na yata ang balat ko," biro niya pa kahit hindi na maipinta ang kanyang mukha."Ang sabihin mo gabi-gabi ka na lang lango sa alak. Lagi ka na ngang natatamaan ng bala, hindi ka pa conscious sa mga kinakain o iniinom mo," sermon nito sa kanya. "Kung ayaw mong maagang mawalan ng tatay si Amora, umayos ka naman."Natahimik naman si Russell. Hindi niya naman masisisi ang kaibigan dahil tama naman ito.Tatlong taon na rin ang nakalipas simula nang maging ganito siya. Gabi-gabi siyang umiinom hindi dahil sa lasenggero siya pero
Nang mahimbing na ang tulog ni Amora ay dahan-dahang bumangon si Evie mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Napagod yata ito sa cooking at baking session nila kanina kaya kahit anong galaw ng kama ay hindi ito magising-gising.Niligpit niya muna ang mga nagkalat nitong laruan sa sahig. Pagkatapos ay muling sinulyapan ito at inayos ang pagkakakumot dito. Nang kampante na siyang nasa maayos na ang lahat ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto nito.Muntik na siyang mapatakbo dahil sa pagkakagulat nang makitang may nakaabang sa kanyang paglabas. "Manang naman, eh," bubulong-bulong na reklamo niya."Kumain ka muna at pinagbalot ko na rin ng pagkain si Sunshine," nakangiti nitong saad sa kanya at kaagad na hinila ang kamay niya.Si Manang Lorna ay ang mayordoma sa mansyon ng mga Lacroix. Matagal na siyang nanilbihan dito. Bukod sa kanya ay may mga katulong pa rito. Si Amora lang at si Russell ang nakatirang Lacroix dito. Patay na ang mga magulang ni Russell at may nag-iisa siyang kapatid na
Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Evie, isang hiningang hindi niya namalayang pinipigil pala niya. Naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya kahit may panibagong kaba na agad pumalit. She had just agreed to work for a man na parang embodiment ng power and control, at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng desisyong ‘yon.“Mabuti kung ganon,” sabi niya, pilit sounding confident. “Kailan mo ako gusto magsimula?”“Ngayon mismo,” mabilis na sagot ni Russell. Katulad ng dati, firm at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses nito. “Amora is waiting for you.”Napakunot ang noo ni Evie. “Ngayon agad? As in?”Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have a pressing engagement?”Sinamaan niya ito ng tingin, pero tila wala lang kay Russell at bahagyang ngumisi pa, obviously entertained sa inis niya.“Sige, ngayon na ako magsisimula,” mutter niya. “Pero hindi ibig sabihin non ay ikaw ang masusunod sa lahat ng bagay. Hangga’t hindi pa fully recovered ang kapatid ko kailangan ko
Gulong-gulo ang isip habang naglalakad-lakad si Evie sa hallway sa labas ng kwarto ng kanyang kapatid. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala sa mga lalaking may dalang baril na itinutok pa talaga sa kanya.Pumasok siya sa elevator pero kaagad din siyang lumabas para umiikot at bumalik sa hallway. Hindi na lang siya pumasok sa kuwarto ni Sunshine. Ayaw niyang makita siya nito na balisa at nag-alala pa. Hindi nawawala sa isip niya ang eksena sa kanina. Iyong batang babae na parang nakita sa kanya ang sagot sa matagal na nitong hinahanap at ang ama nito na kahit nakakakaba ay may kakaibang dating.Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang humarap at handa na sanang ipagtanggol ang sarili pero isang lalaking matangkad at maskulado ang bumungad sa kanya. Matikas ang mukha nito at malamig ang mga mata. Tinawag ito ni Amora kanina na Bruce. Ito rin iyong nanutok ng baril sa batok niya kanina."Kailangan mong sumama sa akin," malamig
Nakatingin si Russell kay Evie habang nagmamadali itong maglakad papunta sa elevator. Ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa pagkakatali at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang gumagalaw ito.Nagsara ang elevator nang makasakay ito at tuluyang naglaho ang babae. Umigting ang mga panga ni Russell. Pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa kalooban niya."Daddy, are you sure she's not mommy?" mahina ang boses ni Amora. Para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.Tumingin siya pababa sa anak at nakita ang mga luha sa pisngi nito. Sanay na siya sa mga tanong ni Amora lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan. Pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito."She's not your mother, Amora," sagot niya pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya."But she looked at me like mommy would," bulong ni Amora habang mahigpit ang hawak
Five hundred thousand pesos...Saan siya kukuha ng ganon kalaking pera?Kinagat ni Evie ang kanyang ibabang labi habang nanginginig ang mga tuhod na nakalapat sa sahig. Pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Nakatingin lang siya sa doktor. Naririnig niya itong nagsasalita pero wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Ang laman lang ng isip niya ay kung paano siya makakakuha ng five hundred thousand pesos para sa operasyon ng kapatid niyang si Sunshine.Hindi lang iyon, may iba pa siyang hospital bills na kailangang bayaran bukod pa sa mismong surgery fee. Parang nagkakandaleche-leche na ang buhay niya at wala siyang magawa para pigilan iyon."Miss Galton?" tawag ng doktora sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ni Evie.Napatalon siya at kaagad na nagpakawala ng ngiting puno ng paghingi ng tawad. "D-Doc? May s-sinasabi po kayo?" tanong niya."Ayos ka lang ba?" Tanaw sa mukha ng doktora ang pag-aalala. "Pansin kong kanina ka pa wala sa sarili mo.""Ayos lang po ako," p