THIAGO“Thiago, tama na yan! Kapag hindi mo tinigil ang pag-iinom mo masusunog ang atay mo. Ano bang nangyayari sa’yo? Isang linggo ka ng nagpapakalunod sa alak. Sa tingin mo masu-sulosyonan ng pag-inom mo ang problema mo kay Keyla? Parang hindi ka lalaki ah!” Litanya ni Harvey sa akin. Akmang aagawin niya sa akin ang hawak kong rhum pero hinampas ko ang kanyang kamay. Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Keyla. Noong araw na umalis siya ay nalaman namin na sa bumagsak ang helicopter sa dagat malapit sa Laguna de bay. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nahananap si Keyla. Pinapuntahan ko na rin sa mga tauhan ko ang farm at wala na siya doon. Imposibleng kasama siyang lumubog sa ilalim. Alam kong hinding-hindi siya ganun kadaling mamatay. At isa pa walang bangkay ang na-recover kaya malakas ang kutob ko na buhay pa siya. Hindi pa rin tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap pero hangang ngayon wala pa rin kaming balita. Para na akong masisiraan ng bait sa kakaisip kung nasaa
THIAGOBumagsak ang dilat na mata ni Naokimoto sa sahig dahil sa putok ng baril ko sa kanyang sentido. Umaagos pa ang dugo sa kanyang ulo. Hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa pagsiklab ng aking galit sa ginawa nilang paglalaro kay Keyla.Nagsimulang magpalitan ng mga putok ng baril mula sa mga body guards ko laban sa mga bodyguards niya. Sunod-sunod kong binaril ang salamin dahil wala itong pintuan na nakaharap sa amin. Pinatamaan ko na din ang lalaking kasama ni Keyla. Kaya Bumagsak din ito sa semento. Nakasubsob ang hubad na katawan ni Keyla sa kama. At walang pagdadalawang isip ko siyang binalot sa kumot. Habang si Harvey naman ang nakabantay sa likod ko.Pagkatapos kong ibalot siya sa kumot ay binuhat ko na siya. Mahihinang ungol ang namutawi sa kanyang labi. Ayoko munang isipin kung ano ang nangyari sa kanya dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay maitakas ko siya sa impyernong lugar na ito!“Harvey, tawagan mo ang piloto na sunduin tayo ngayon din!” Utos ko sa kanya
KEYLANagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Idinilat ko ang aking isang mata. Masakit pa rin ang aking ulo. Pero mas masakit ang aking katawan. Sa tingin ko para akong dinambahan ng sampung kabayo. Sapo ang noo na inalala ko ang nangyari.Nawalan ako ng control sa helicopter kaya pinilit ko na ibagsak sa dagat upang walang madamay na tao. Bago ito bumulusok ay nagawa ko pang makatalon mula sa itaas ngunit inabot pa rin ako kaya nagkaroon ako ng mga galos at sugat sa katawan dahil sa pagsabog nito.Pinilit ko ang aking sarili na makalangoy at makalapit sa dalampasigan. Ngunit hindi ko inaasahan na ang hihingian ko palang tulong ay mga sindikato. Dahil sa labis na panghihina ay hindi ko nagawang makapanlaban sa kanila. Armado din kasi sila at marami samantalang ako bukod sa pagod na nilangoy ko ay masasakit din ang sugat na tinamo ko sa pagbagsak ng helicopter. Dinala nila ako sa isang warehouse imbis na sa hospital. At doon nila ako ginamot ng tatlong araw. Nakatali
KEYLA “Maliligo ka ba o gusto mong ako na ang magpaligo sa’yo?” Sinamaan ko siya ng tingin at napilitan akong pumasok sa banyo. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang sahig na maraming petals ng rose pati na rin ang mabangong aroma mula sa nakasinding kandila. Lumakad ako hangang makarating ako sa malaking bath tub. Akala ko sa sahig lang pero marami ding nakalagay doon petals na kumulay na sa tubig. Nakakarelax ang amoy. Bahagya kong nakalimutan na nasa loob ako ng malaking palasyo ng wolf na yun! Tinangal ko ang bath robe na suot ko at isinabit ko sa ding-ding. Ini-apak ko ang aking paa papasok sa bath tub. Maligamgam ang tubig at masarap sa pakiramdam. Itinawid ko ang aking katawan upang dahan-dahan kong mailubog sa tubig. Isinandal ko ang aking ulo at pumikit ako. Ang sarap! Makakatulong ito upang kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman ko. Walang hiya ang lalaking yun! Pinagsamantalahan niya ako! Kung nasa katinuan lang ako nang mga oras na yun hindi niya magagawa yun sa aki
THIAGO“Anong balak mo kay Ms. Keyla, Thiago?” Tanong ni Harvey sa akin. Nandito kami ngayon sa labas at nagpapahangin kakatapos lang namin maghapunan ni Keyla at lumabas muna ako para makausap na rin si Harvey.“Gaya pa rin ng dati Harvey.” Sagot ko sa kanya.“Ano? Akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit nagbago ata ang ihip ng hangin? Sasabihin mo ba sa kanya na ang kakambal niya ang pumatay sa kapatid mo?”Tumayo ako sa upuan na kahoy at humarap sa kanya.“Wala kang sasabihin na kahit ano sa kanya Harvey. Alam mo naman siguro ang pinasok kong problema makuha ko lang siya ulit. Sigurado ako sa mga oras na ito ay hinahanap na nila ako. Sabihin mo kay Victor na mag-iingat sila. Siguradong hindi titigil ang pamilya ni Naokimoto sa paghahanap sa akin hanga’t hindi nila ako nakikita. Hindi sa natatakot ako sa kanila. Pero may planong itakas ni Keyla ang mga batang bihag ni Kyosawa.”“Ano?! Wag mong sabihin na tutulong ka? Hindi pa nga natin natatapos ang problema kay Naokimoto gagawa ka na
KEYLAKung kagabi ay napasunod ako ng drugs na itinurok sa akin ngayon ay kusa nang nagre-response ang aking katawan sa mainit niyang halik na gumagalugad sa loob ng aking bibig. Nagsimulang uminit ang aking katawan kahit malamig sa buong kuwarto pakiramdam ko ay nag-aapoy kaming dalawa sa ibabaw ng kama. Pareho kaming nalulunod sa pagnanasa ng bawat isa at ramdam ko ang pag-iingat sa bawat kilos niya. Ganitong-ganito ang rumihestro sa utak ko na maghapon ko ng iniisip akala ko ay kaya niya akong tiisin. Pero sa huli naakit pa rin siya sa aking kagandahan. Kahit masakit pa rin aking aking katawan ay handa ako sa mangyayari ngayong gabi.Ayoko naman na si Thiago lang ang makakaalala ng lahat ng detalye kung paano kami mainit na nagtalik kagabi at hinahanap din ng aking katawan ang haplos niya.“Sigurado kabang nasa tamang katinuan ka?” Hingal niyang tanong sa akin nang maghiwalay ang labi namin.“Gusto mong malaman kung oo?” Nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi ko na siya hinayaang su
KEYLA“Hi.”Nakangiting bungad niya sa akin pagkagising ko. Kung makangiti akala mo ay sinapian ng anghel. Sinubukan kong tumagilid dahil nakatihaya akong nakahiga. At nasa tabi ko siya nakahiga rin habang nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay. At nakatitig sa akin.“Anong nakain mo at ganyan ka? Ang creepy mo ngumiti parang may hindi ka gagawin maganda sa akin ah?” May pagdududa kong tanong sa kanya.“You forgot? I eat you last night.” Turan niya na ikinapula ng mukha ko. Nagtago ako sa kumot upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.“Hey! Why you’re hiding?”Hinila niya ang kumot at pinigilan kong wag niya akong makita. Wala pa rin akong saplot at naramdaman ko na lamang ang pagpatong niya sa ibabaw ko.“Thiago!” Singhal ko sa kanya.“Ang sakit pa ng katawan ko!” Angil ko pa para tumigil siya sa pangungulit sa akin.Sumeryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.“What?” Kunot noo kong tanong sa kanya.“Let’s get married today.” Sambit niya na ikinagulat ko naitu
KEYLA“See you later…” Paalam niya sa akin pagkahatid niya sa akin sa dati kong kuwarto. Nang pumasok ako ay nagulat ako sa aking nakita. Isang life size manikin na nakasuot ng simpleng wedding gown. At nang mapadako ang mata ko sa kama ay naroon naman ang isang pares ng flat shoes at katabi nito ay isang flower crown. Naroon din ang bouquet ng red roses na dadalhin ko mamaya. Buong akala ko ay hindi siya handa para mamaya pero naplano na pala niya ang lahat. Paano na lamang kung tumanggi ako eh di nasayang ang lahat ng effort niya? Nilapitan ko ang wedding gown. Hindi ito kasing laki ng mga makikita sa fairy tale like wedding. At may pagka conservative pa rin dahil sa minimalist gown design nito at gawa din sa high-quality matte crepe and features, a modern square neckline that’s offset by a billowy sleeve and dreamy skirt.Mamayang alas-singko pa ng hapon ang kasal namin kaya may panahon pa ako para mag-beauty rest. Naligo muna ako sa bath thub, pagkatapos ng kalahating oras ay umah