Napairap siya ng makitang nagkukumpulan na naman sa daan ang mga batikang tsismosa sa kanilang barangay. At seyempre sino pa ba ang pinag-uusapan nila kun'di siya.
Cherry Lyn Avante o kilala bilang Cherry. Labimpitong taong gulang, at ang pinakamagandang nilalang na paboritong pulutan mula umaga hanggang kina-umagahan ulit ng mga batikang tsismosa sa kanilang lugar -- Ang Purok 5 Marites Street, brgy. Sta. Maria.
Kayo nga ang aga-aga tsismisan kaagad ang alam! Aniya sa sarili habang papalapit sa mga living cctv ng kanilang barangay.
"Bali-balita kasi na nagtatrabaho yan sa bar. Kow, tignan n'yo nga ang itsura at pananamit, hindi na ako magtataka kung isang araw buntis na yan!"
Muli siyang napairap. 'Yong kapitbahay nga namin na sinabihan din akong maagang mabubuntis, ayon at ang anak niya pala ang maagang najontis! Karma is real!
"Kung minsan nga hinahatid pa yan ng mga lalaki. Take note, iba't-ibang lalaki! Hindi na lang mahiya, kung anak ko yan baka nasabunutan ko na!"
'Mabuti na lang pala at hindi ikaw ang Mama ko. Dahil kung hindi, baka ako pa mismo ang manabunot sa'yo dahil sa pagiging tsismosa mo!'
"Kanino pa nga ba magmamana yan? Edi sa malandi niyang ina! Kita n'yo nga't kabit ang Mama n'yan at sa bar lang din naman nakuha ng Papa niya. Kawawang bata, lumaking wala sa tama ang landas."
'Okay! May punto naman sila. Mana ako sa Mama ko, pero at least hindi ako tsismosang katulad n'yo!' Pagpatol niya na lang sa mga ito sa kaniyang isipan.
Huminto siya sa paglalakad at pumunta sa tindahang kinaroroonan ng tatlong tsismosa nilang kapitbahay.
Natigil naman sa pagtsitsismisan ang tatlo at kunwari ay ngumiti sa kaniya. Nagkani-kaniya ring puwesto sa gilid upang bigyang daan siya. Wala kasing ibang alam na pulutanin ang mga hangal nilang kapitbahay kun'di silang dalawa ng Mama niya. Hindi sila nawawala, at lagi pang trending.
"Pabili nga ng dalawang pansit canton at tatlong itlog," aniya sa tinderang kasali rin yata sa pamumulutan sa kaniya ng tatlong tsismosa.
Si Aling Marites na nangunguna sa tsismisan ay nakangiting lumapit sa kaniya. "Cherry, kumusta ka at ang Mama mo?"
Plastik na nginitian niya rin ito bago sumagot. "Ayon po, maganda pa rin at sexy si Mama."
"Abay sino ba ang hindi gaganda at mananatiling sexy kung buwan-buwan namang nakakatanggap ng pension galing sa Papa mo?!" Sabat naman ni Aling Marisol, ang katabing tsismosa ni Aling Marites.
Plastik na nginitian niya rin ito bago sumagot. "Ganoon po talaga pag maganda, laging may ayudang tinatamasa."
Kung hindi lang kumakalam ang tiyan niya at alam na walang kakainin sa bahay nila ay hindi siya hihinto para bumili rito.
"Eh Cherry, maiba nga ako," ani Aling Judith na ina ng isang libo't isang mayabang niyang manliligaw na si Goyong. Pinasadahan siya nito ng nang-uuyam na tingin mula ulo hanggang sa sandals niya pa yata. "Totoo bang sa bar ka nagtatrabaho? Dancer ka roon?" tanong ni Aling Judith sa kaniya na nakatikwas pa ang isang kilay habang nakatingin sa kaniya na akala mo naman ay jowa na siya ng pinagmamalaki nitong anak!
"Opo," walang gatol na sagot niya naman. Magalang pa rin kahit mangali-ngali niya ng busalan ang bibig nito ng matauhan!
"Kita mo nga't totoo pala talaga. Baka naman mabalitaan na lang namin buntis ka na ha! Pero saan ka pa nga ba dadalhin ng pagiging prostitute kun'di doon din naman! Kow, kawawa ang mapapangasawa mo ineng, magtira ka naman kahit konti para sa kaniya."
Naikuyom niya na lang ang kaniyang kamao sa pagpipigil na 'wag masapak ito. Ganitong pagod siya kagigiling at wala pang tulog, baka hindi niya ito matantiya at masapak niya na talaga. Kaunti lang ang ipon niyang pasensya at enerhiya sa umaga pero kaya niyang gripuhan sa tagiliran ang mga ito. Kaya sana naman ay makatagal pa siya hanggang sa maibigay ng tindera ang sukli niya, dahil kung hindi rest in peace na lang in advance.
Pero hindi pa rin talaga nagpapigil si Aling Judith, umaariba pa rin talaga ang bunganga. "Kung bakit naman kasi nagtrabaho ka na kaagad at sa bar pa nga?! Ka'y bata-bata mo pa ah, wala ka pa nga yatang disi-otso! Kung balak mong magbanat ng buto hindi ka dapat sa bahay aliwan nagtrabaho. Ang ganda-ganda mong bata sa bar ka nagtatrabaho. Ano na lang ang sasabihin ng Mama mo? Nang Papa mo? Sabagay... pareho naman kasi kayo ng Mama mo ng pinagmulan. Hindi naman mamumunga ng mansanas ang mangga. Baka sa panaginip puwede pa."
Nginitian niya pa rin ito kahit na buwisit na buwisit na siya. Okay lang sana na siya na lang ang insultuhin nila, pero sinama pa talaga ang Mama niya. At ano bang pinagsasabi nitong kuwento tungkol sa mansanas at mangga? Kailan pa ba naging puno ang Mama niya na inihalintulad pa nito sa mangga?! Kung hindi baga naman isang kilo't kalahati ring boba itong si Aling Judith tulad ng ungas nitong anak na si Goyong!
"Eh, Aling Judith ganoon po talaga kapag masipag. Hindi ka po kasi talaga makakarelate, dahil bukod po kasi sa batugan ka, palamunin, at tsismis lang ang alam, hindi ka pa maganda!" Pasaring niya rito.
Napanguso naman ito dahil sa sinabi niya. Hindi agad nakaiwas, ayon tuloy tinamaan sa pasaring niya.
Nang maibigay na ng tindera ang sukli niya ay muli niyang hinarap si Aling Judith. "Tsaka Aling Judith, pakisabi naman ho sa anak n'yong si Goyong tigilan niya na ang kabibigay niya sa akin ng bulaklak ng santan. Bukod kasi sa hindi pa naman ako mamamatay at may tanim din kaming santan, hinding-hindi ko rin ho siya magugustuhan. Hindi rin ho ako pumapatol sa lalaking mukhang hipon. Tipong tapon ulo, kain katawan! Sabagay, kanino pa nga ho ba magmamana ang anak n'yo? Diba'y sa inyo rin ho naman na wala na ngang kurba ang katawan, hindi pa kagandahan!"
Nanlaki ang mata ni Aling Judith at kumibot-kibot ang labi dahil sa sinabi niya pero hindi naman na sumagot pa.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad upang umuwi na sa kanila. Malamang na hinihintay na siya ng Mama niya kanina pa.
"Bastos talaga yang batang yan! Palibhasa pakawala at mana sa ina! 'Wag mo na lang intindihin at halata namang kulang yan sa aruga!"
Dinig niya pang pahabol na sabi ng kung sino mang tsismosa sa tindahang iniwanan niya.
Nagtuloy-tuloy na lang siya at hindi na pinatulan pa ang mga tsismosang sing-liit ng munggo ang utak. Araw-araw na lang ay ganito ang bumubungad sa kaniya tuwing lumalakad siya sa kantong ito ng P5MS pagka-uwi galing trabaho at seyempre paglalabas siya upang pumasok sa trabaho.
Kapag ako talaga yumaman, ipapa-salvage ko ang mga hangal na yan!
PAGKARATING niya sa bahay nila ay kaagad na nagtungo siya sa kusina. Niluto niya ang binili niyang pansit canton at itlog. Sinilip niya rin ang Mama niya na nasa silid nito, nakahiga sa kama habang tulalang nakatitig sa kisame. Mukha na namang problemado.
"Ma! Nasa dalawampu't anim po ang butiki rito sa bahay kaya 'wag mo ng pagka-abalahan pang bilangin," aniya na nagpapitlag sa Mama niya.
Kaagad naman itong bumangon at lumapit sa kaniya ng may ngiti sa labi, pero hindi naman umabot sa mga mata nito.
"Cherry anak, nariyan ka na pala. May ayuda na galing sa Papa mo!" Tuwang-tuwang sabi nito bago hinawakan ang braso niya. "Punta tayong Mall. Ibibili kita ng bago at magagandang damit. Kakain tayo ng masarap. Kahit anong gusto mo-"
"Ma, gusto ko lang pong matulog pagkakain!" Putol niya rito. Ipiniksi niya rin ang kaniyang braso at tinalikuran ito.
Naiinis na naman siya sa kaalamang nagkita na naman ang Mama niya at ang Papa niya. Malamang sa alamang na may habulan at ungulang naganap na naman sa dalawa base na rin sa mga pulang marka sa leeg ng Mama niya.
Kaya nga siya nagtatrabaho kahit na p*ta na ang tingin sa kaniya ng mga p*tanginang kapitbahay nila para lang tigilan na ng Mama niya ang Papa niya. Hindi bibilang ng tatlong oras, malamang na i-te-text na naman siya ni Aling Rosa, ang tunay at legal na asawa ng Papa niya. Hahanapin na naman nito ang Papa niya, at ang Mama niya na naman ang mapag-iinitan. At seyempre, trending na naman sila sa buong barangay!
"Cherry malaki ang binigay ng Papa mong pera. Nag bayad na rin pala ako ng bill ng koryente at tubig. Marami pang natira kaya gusto kitang ipag-shopping. Isa pa, malapit na ang debut mo. Gusto ko 'yong magarbo-"
"Ma!" Putol niya sa nais pa nitong sabihin. "Kumikita na rin po ako. Hindi man sa marangal na paraan pero hindi rin naman galing sa nakaw. Isa pa, hindi pa bali ang tadyang ko kagigiling kaya kayang-kaya pa kitang buhayin. Tigilan mo na si Papa, 'wag ka na ring tumanggap ng pera mula-"
"Hindi!" Sansala nito. "Hindi ako papayag na si Rosa at ang anak niyang si Rose lang ang ginagastusan ng Papa mo! Kung ano ang kayang ibigay ng Papa mo sa kanila, dapat gano'n din sa atin!" Lumamlam ang mga mata nito bago hinaplos ang pisngi niya. "Lalo na sa'yo Cherry. Kaya naman gagawin ko ang lahat maging maayos lang ang buhay mo."
Napangisi na lang siya sa pag-iilusyon ng Mama niya at tinalikuran na ito.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin pala itong magiging maayos pa ang buhay nila. Na hihiwalayan ng Papa niya ang tunay nitong asawa at pakakasalan ang Mama niya. Nabubuhay pa rin talaga ito sa ilusyon at kabaliwan nito sa Papa niya! Pag-ibig nga naman, pinakamalalang sakit ng mga mahihinang nilalang!
Nagtungo siya sa kusina at hinango na sa kalan ang pansit canton na niluto niya. Pinaghain niya na rin ang sarili niya bago umupo sa harap ng mesa.
"Maging maayos ang buhay! Tangina scam 'yon!" Naiiling na bulong niya. "Hindi na mangyayari 'yon. At hindi na ako umaasa!" giit niya pa.
Dahil simula ng sumayaw siya sa gitna ng stage habang pinanonood ng mga kalalakihan, pakiramdam niya'y hindi na siya karapat-dapat pang respetuhin na siyang ginagawa sa kaniya ng karamihan.
*****
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M