Share

CHAPTER 02

Sunod-sunod at malakas na tunog ng cellphone ang nagpagising kay Cherry. Nang damputin niya ang cellphone niya'y ang legal na asawa ng Papa niya ang nakita niyang tumatawag. Hindi niya 'yon sinagot at hinayaan lang matapos ang tunog hanggang sa mapagod ito sa katatawag.

At tama nga siya, hindi bumilang ng isang minuto ay tumigil 'yon. Malamang na badtrip na ang ginang sa katatawag sa kaniya. Muli sana siyang babalik sa pagtulog pero ang lintek niyang cellphone, huminto nga sa katutunog nag mistula namang christmas light na nagpapatay-sindi.

Sa inis ay muli niyang kinuha 'yon upang makita lamang na sangkatutak na pala ang missed calls sa kaniya ng ginang. May sampung text din ito na hindi niya pa nababasa.

Naihilamos niya sa kaniyang mukha ang palad niya. "Mukhang minurder ni Tita Rosa ang cellphone niya para lang tawagan at i-text ako ah!" Inis niyang sabi.

Binuksan niya ang pinakahuling mensahe na siyang unang makikita sa notification niya. Ngunit ng mabasa niya 'yon ay sumama na naman ang pakiramdam niya. Nasira na ang magandang gising niya sana.

[Cherry malaki ka na, alam kong alam mo na kung ano ang tama at mali! Please lang, nakikiusap ako, pagsabihan mo yang Mama mo na 'wag na 'wag ng magpapakita pa kay Christian. Huwag na siyang maghabol at manira ng pamilya! Babae ka rin Cherry, ayaw kong sa'yo mapunta ang karma na kagagawan ng imoral mong ina. Ito na sana ang huli. Dahil kapag hindi pa rin nagtino ang Mama mo, pasensiyahan na lang tayo!]

Napabuga siya ng marahas na paghinga bago tumayo na. Alas singko pasado na lang din naman, at hindi na rin siya makaramdam ng antok kaya tuluyan na siyang bumangon.

Nagtungo siya sa kusina upang tignan ang rice cooker nila kung may laman. Pero sa kasamaang palad, ultimo isang butil ng kanin ay walang naligaw. Nang bumaling siya sa ref nila ay napansin niya ang nakadikit doon na kaperasong papel.

[Cherry, umalis lang ang Mama at baka gabihin na sa pag-uwi. Mag order ka na lang ng pagkain mo, anak kung hindi ka makakapagluto. Nag-iwan ako ng pera sa taas ng ref.]

Napailing siya at nasapo ang sintido. Kaya naman pala nang-ga-galaiti na naman sa galit si Aling Rosa. Malamang na nagkita na naman ang Mama niya at ang babaero niyang Papa!

Ang tigas din talaga ng kepyas ni Mama! Hindi na nagtanda!

Kinapa niya ang taas ng ref at doon nga'y may nakuha siyang limang libong piso na tig-iisang libo. Pinakikitaan na naman ng Papa niya ang Mama niya ng pera, kaya naman ang Mama niya'y malamang na buka ng buka! Malamang na binubusog din ng Papa niya sa kaka-I-love you ang Mama niya na isang libo't isang marupok! Kapag nalaman ni Aling Rosa ang ginagawa ng Mama at Papa niya, trending na naman silang mag-ina.

"Hay buhay naman talaga oh, parang life lang!" Naiiling niyang sabi.

Kinuha niya ang limang libo at basta na lang sinuksok sa wallet niya. Pumasok na rin siya sa banyo upang maligo. Tutal maaga pa at nagbibigay na naman ng ayuda ang Papa niya, edi mag sa-shopping na muna siya bago pumasok sa Club-V.

Halos kalahating oras din ang tinagal niya sa banyo. Siguro naman ay natanggal na ang lahat ng sama ng loob sa balat niya sa tagal niyang maligo.

Nagsuot lang din siya ng ripped skinny jeans at fitted sando crop top. Labas ang kalahati ng tiyan niya pero feeling niya sexy siya roon. Crop top now, kabag later!

Naglagay lang din siya ng manipis na make-up para hindi naman siya mag mukhang nene. 'Yon din kasi ang tingin sa kaniya ng mga nakakasama niya sa Club-V. Sabagay, mas matanda pa rin ng dalawang buwan si Bri sa kaniya kaya naman siya pa rin talaga ang pinakabatang dancer sa club.

Mag di-dise-otso pa lang siya sa susunod na buwan. Hindi na siya nagpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo dahil naputol ang suporta ng Papa niya sa kanila ng Mama niya noon. Hindi naman siya kayang pag-aralin ng Mama niya dahil wala naman itong trabaho. At ayaw din talagang magtrabaho. No choice, kaya siya na lang.

Ang problema, bukod sa menor-de-edad pa siya, wala rin siyang maipakitang papel sa mga inaaplayan niya. Ang dami-dami pang hinahanap at qualification. Dapat din ay may experience sa trabahong papasukan mo. Samantalang kaya nga siya mag-aaplay ng trabaho para magkaroon ng experience at seyempre para kumita.

"Bulok na sistema!" Napapailing na sabi niya.

Kaya naman sa Club-V ang bagsak niya. Doon walang qualification. Walang experience na hinahanap. Hindi rin basehan ang taas o baba ng pinag-aralan. Basta marunong kang sumayaw at matibay ang 'yong sikmura, tatanggapin ka.

Sa loob ng dalawang buwan niyang pagtatrabaho roon, wala pa namang bumastos sa kaniya. Wala ring nangyayaring masama sa kaniya dahil kahit na tingin ng iba ay bar o club lang 'yon, mahigpit pa rin ang siguridad doon.

Nang matapos maglagay ng manipis na make-up ay pinasadahan niya ng tingin ang replika niya sa salamin. Sa edad na seventeen, sinong mag-aakala na sa bar siya magtatrabaho?

Maamo ang mukha niya na kung walang make-up ay magmumukha talaga siyang nene. Natural na mupupula ang manipis niyang labi, matangos ang ilong at malalantik ang pilik.

Pero ang best asset niya talaga, ay ang mga mata niya. Magkaiba kasi ang kulay no'n. Ang isa ay light green habang ang isa ay brown. Wala namang problema sa paningin niya pero noong pinasuri nila ng Mama niya ang mata niya, mayroon daw siyang heterochromia. Hindi naman maituturing na malalang sakit dahil hindi naman sagabal sa kaniya ang mga mata niya. Sadyang marami lang talagang taong mapanghusga na akala mo naman ay magaganda.

Nang sa tingin niya ay okay na siya, sinuot niya na ang chuck taylor niyang sapatos at isinukbit sa balikat ang kaisa-isa niyang MK o Michael Keme na bag na nabili niya pa sa Divisoria.

Pagkalabas niya ng bahay nila ay sumakay na kaagad siya ng tricycle, para hindi niya na makita pa ang mga hampaslupang tsismosa sa daan. "Sa palengke lang kuya, special na," aniya sa driver.

Malapit lang naman ang palengke sa kanila, pero kakailanganin niya pang sumakay ng jeep papunta sa Club-V o kaya sa SM. Wala naman kasing mall sa mismong lugar nila.

PAGKARATING sa palengke ay kaagad niyang inabot ang fifty pesos sa driver. Dali-dali rin siyang sumakay sa papaalis na jeep. Pilit niya na lang isiniksik ang sarili niya para lang magkasya siya.

"Bayad nga ho, Olongapo!" Sigaw niya para marinig ng tsuper ng jeep.

"Ilan sa isang daan?"

Nakangusong sumagot siya habang nakatingin sa tsuper. "Puwede ho bang kalahati lang?" aniya at inirapan ang mga pasaherong napapatingin sa kaniya. "Kalahating puwet ko lang ho kasi 'yong nakaupo. 'Yong isa konting konti na lang bibitaw na! Sa nipis kong 'to hindi pa talaga ako nagkasya!" asik niya pa.

Pinaayos naman ng tsuper ang ibang pasahero para lang magkasya siya. Kung bakit naman kasi ang iba ay talagang bukakang-bukaka pa. Karamihan sa mga ganoon ay ang mga lalaking pasahero. Malalaki yata ang itlog nila at hindi maisara ng maayos ang mga hita't baka mabasag ang putris nilang betlog! Ang iba naman ay hindi makahalata, basta sila nakaupo, wala na silang pakialam sa ibang pasahero.

Ilang minuto pa ang naging byahe hanggang sa marating na nga niya ang Mall. Pumasok na siya roon kaagad, pero ang pinagtataka niya ay kung bakit parang walang masyadong tao?

Kaagad siyang nagtungo sa outlet ng mga damit. Kailangan niya na kasing bumili ng panibagong damit dahil ang iba niyang damit ay luma na. Ang iba naman ay maikli na masyado at medyo masikip na rin. Ilang taon na niya rin kasing pinagtitiisan ang iba niyang damit.

Sa Nike store siya pumasok at kaagad na naghanap na ng matitipuhan niyang damit. Pero hindi pa man nag-iinit ang kamay niya kahahanap ay napansin niya ang pamilyar na bulto ng lalaki. Nasa kabilang stall ito at nakatalikod kaya hindi niya makita ang mukha.

Bahagya siyang lumapit at pasimpleng sinilip ang lalaki. Ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya ng tama nga ang kaniyang hinala.

"Pogi!" Aniya at sinitsitan ito. Lumingon naman ang lalaki pero lukot ang kilay nito. "Aysus, feel na feel mo naman na tinatawag kang pogi!" giit niya pa at tuluyan na ngang nilapitan ang lalaki.

Salubong pa rin ang kilay nito pero hindi naman galit. "Have we met before? Do I know you?" Nagtataka at sunod-sunod nitong tanong sa kaniya.

Inirapan niya ito. "Ay wow huh! Sa ganda kong 'to talagang nakalimutan mo kaagad ako? Na hurt ako ng very light doon ah. Anyway, it's me, Cherry pinakamagandang babae sa Club-V."

Nawala ang pagkakakunot nito at napalitan ng bahagyang kalituhan. "Damn, you look young! Ilang taon ka na ba? And what are you doing here?"

"Luh, OA lang?" Tinaasan niya ito ng kilay bago humalukipkip sa gilid. "May bibilhin lang ako, pero nagbago na ang isip ko... Parang ikaw kasi ang natipuhan ko rito, willing ka bang ibenta sa akin ang sarili mo?" aniya at nginitian ang lalaki.

"This Mall is closed..." Umilap ang mga mata nito. "I mean... ngayon lang 'to sarado. Pinasara na muna ni Dad dahil bibili ka-"

"Ano?!" Gulat na tanong niya. "Ang gara naman ng Daddy mo kung ipapasara ang mall na ito para lang bumili ng kung ano!"

Hindi ito nagulat sa naging reaksyon niya. Tamang nakamata lang sa kaniya at para bang na-a-amaze sa katangahan niya.

"Hindi mo siguro kilala ang Daddy ko?" anito ng patanong at sa mababang tono.

"Bakit ko naman kikilalanin ang Daddy mo? Hindi naman siya ang type ko." Hinawakan niya ang kuwelyo ng polo nito at nakangising sinalubong ang titig nito.

Kinabig naman siya ng lalaki na ikinagulat niya. "Bakit... sino ba ang type mo?" seryosong tanong nito, hindi nakangiti, at hindi rin nakasimangot pero walang emosyon sa asul nitong mga mata.

"'Yong anak ng Daddy mo," walang gatol niyang sagot. Bahagya niya itong tinulak upang makawala sa pagkakahawak nito sa kaniya.

Damang-dama niya kasi ang init ng palad nito na may kakaibang kiliti na hatid sa katawan niya.

Ngumisi ang lalaki at hinawi ang buhok nitong mas madulas pa yata kaysa sa buhok niya. "Dalawa ang anak ng Daddy ko. Isang panganay, at ang bunso, parehong lalaki, parehong guwapo at pareho ring macho. Sino roon ang type mo?"

Kunwari ay nag-isip siya at tumingin pa sa taas bago muling tumingin sa lalaki. "Alin ka ba sa dalawa? Panganay o bunso?"

Seryoso pa rin ang lalaki bago sumagot. "Panganay. Don't tell me,  ako ang type mo?"

Lumapit siya rito at tumingkayad bago bumulong. "Puwedeng oo, puwede ring hindi... Depende sa performance mo, pogi."

Matapos niyang sabihin 'yon ay walang lingong likod na iniwan niya na ito, ngunit hindi lumampas sa kaniyang pandinig ang sinabi nito na nagpakirot sa kaniyang dibdib.

"Too bad... You're not my type."

*****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status