Share

CHAPTER 04

"D-Dark r-room?" nauutal niyang tanong.

Kahit nga yata kulangot niya ay hindi siya marinig dahil bukod sa halos pabulong ang pagkakatanong niya, para pa siyang ngongo kung magsalita.

Hinawakan ng lalaki ang braso niya at marahan siyang hinila.

"T-Teka sandali lang naman!" Hinila niya rin ang braso niyang hawak nito at umatras ng kaunti. "Masyado ka namang nagmamadali. Hindi pa nga tayo nakakapag-warm up, gusto mo laban na agad! Pagpahingahin mo naman muna ako, mababali na ang tadyang ko sa kagigiling... tsaka masakit na ang paa ko."

Tinaasan lang siya nito ng kilay na para bang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. Mukha rin itong hindi intiresado sa mga pinagsasabi niya.

"Mag getting to know each other muna tayo! Ano? G?" dugtong niya pa.

Xander gently massages the bridge of his nose and then looked at her. "Sa condo ko na lang tayo para mas maayos ang pahinga mo." Anito at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling bumalik sa mga mata niya. "Ano ka ba rito? I mean... don't get me wrong, pero-"

"Dancer," pagpuputol niya. "Prostitute sabi ng mga mayayamang customers. P*kpok naman ang tawag sa akin ng mga tsismosa naming kapitbahay. At p*ta sa mga putanginang inggetera na wala namang ambag sa buhay ko, pero kung mangialam akala mo sila ang dahilan kung paano ako nabuo!" Iningusan niya ito at hindi tinignan. "Ikaw... ikaw na ang bahala kung anong gusto mong itawag sa akin, gandahan mo para maiba-"

"Cherry," anito na nagpatigil sa kaniya. "That's your name, right?" Tumango siya. "Edi 'yon ang itatawag ko sa'yo."

Bahagya lang umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Hindi sila lubusang magkakilala pero wala siyang makitang ano mang panghuhusga sa mga mata nito. Hindi ito katulad ng iba na unang kita palang sa kaniya ay kama na agad ang gustong maging destinasyon nila. At higit pa roon... Parang baliwala rito ang klase o uri ng trabaho niya.

Kahit saan tignan at bali-baliktarin man nito ang panty at bra niya, isa pa rin siyang magdalena sa mapanghusgang mata ng iba. Pero bakit sa lalaki, parang mas mataas pa siya sa kalapati? Parang normal lang siyang babae na dapat na igalang. Sabagay, maganda siya, 'yon talaga walang duda. 'Yon lang naman ang kaya niyang i-ambag... ang kagandahang taglay niya.

Hindi niya tuloy maiwasang tanunging ito dahil sa sobrang kakuryosohan.

"Bakit ba mabait ka sa akin?" Nagtatakang tanong niya. "Ano bang pangalan mo? At ano rin ba ang ginagawa mo rito? Umamin ka nga... type mo ba ako? Kasi kung oo, sabihin mo lang puwede naman nating pag-usapan yan."

Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng lalaki. Seryoso pa rin habang nakatitig sa kaniya. "Hindi ako mabait," seryosong sagot nito sa una niyang tanong bago tumikhim. "Xander, that's my name, and no..." ngumisi ito at muli siyang hinawakan bago bumulong na dinig na dinig niya naman. "...sasabihin ko ulit sa'yo, hindi kita type."

Kaagad na nag-init ang ulo niya sa huling sinabi ni Xander sa kaniya. Okay na sana e, pero may pagbawi pa talaga. Aminado naman siyang maganda siya, papakabog ba siya? Seyempre hindi! At totoo naman kasi talaga, pero hindi niya matanggap na sasabihan siya nitong hindi siya type na para bang kasalanan ang magustuhan siya.

"Eh, engot ka naman pala, e!" Siya na ang humawak sa kamay ito at hinila si Xander palabas ng club. "Kung hindi mo naman pala ako type, bakit mo ako niyayaya sa dark room? Sa condo mo?" Napangisi siya. "At kung akala mo naman ay tatanggi ako, puwes... Ano pang hinihintay mo? Arat na ng makarami!"

Hindi niya na binitawan pa ang kamay ni Xander at hinila na palabas ng Club-V.

Hindi pala type huh! Tignan natin pogi, dahil bago sumapit ang bukangliwayway... Hindi na lang basta type ang mararamdaman mo para sa akin, perfect wife na ako sa iyong paningin. Aniya sa kaniyang isip bago ngumisi.

Pagkalabas nila ng club ay huminto si Cherry at nilingon si Xander. Nagtataka siya sa lalaki dahil hindi naman ito mukhang ordinaryong tao lang. Kung tutuusin, mukha talaga itong galing sa may sinasabing pamilya. Rich kid kung sabihin ng iba, parang 'yong clasmate niya ng elementary na may pa lunch box pang nalalaman, pandesal lang naman ang laman. Kaya naman...

"Nasaan ang kotse mo?" kuryosong tanong niya rito upang masagot ang bumabagabag sa isip niya.

Natigilan naman si Xanded at kumamot sa ulo bago umiwas ng tingin sa kaniya. "Wala." Bagsak ang bibig na napatingin siya rito, hinihintay pa ang mga paliwanag na sasabihin nito sa kaniya. "Sabi ko naman sa'yo, two years from now saka palang ako magiging bilyonaryo. Kaya naman sa ngayon... mag commute na muna tayo. Okay lang ba 'yon sa'yo?"

"Seryoso ba?" Pinasadahan niya ito ng tingin bago nilapitan. "Yang damit mo, original na Lacoste yan kahit mukhang simple. Yang relo mo, Rolex. Hindi ako sigurado kung magkano pero tingin ko ay mahal. Yang sapatos mo naman naghuhumiyaw na Balenciaga." Paglalahad niya. "Hindi ka rin naman mukhang mahirap, lalo na kung ang pagbabasehan ay ang kilos, pananalita, at ang tindig mo. Tapos sasabihin mo sa akin na mag commute na lang tayo dahil wala kang sasakyan? Niloloko mo ba ako?!"

"Hindi kita niloloko, at nagsasabi ako ng totoo. Kung ayaw mong maniwala, okay lang. Hindi naman kita girlfriend para pasikatan, isa pa..." Nginisihan siya nito na para bang aliw na aliw sa kagagahan niya. "...sino bang may sabi sa'yo na may sasakyan ako?"

Natigilan siya. Oo nga naman, sino nga ba kasi ang hangal na nagsulsol sa kaniya na may sasakyan itong si pogi?

Ang ngiti at kaangasang nakaplaster sa labi niya ay nauwi sa ngiwi. "Ah ano kasi... pakiramdam ko lang," aniya, medyo nahihiya at napayuko na lang.

Muli siyang hinila ni Xander at sa pagkakataong 'yon ay naramdaman niyang may inilagay ito sa kaniya. Nang magtaas siya ng mukha'y nagsalubong ang mga mata nila.

"Hindi ko yan bigay sa'yo huh, pahiram lang. Regalo sa akin ni Xavier yan kaya may sentimental value," anito habang inaayos ang kulay itim nitong leather jacket na isinusuot sa kaniya. "Sa ngayon ay kailangan mo yan, ayaw kong mapaaway sa pampasaherong jeep sakali mang bastusin ka dahil sasakay ka roon na nakabra."

Sa sobrang paghanga kay Xander ay napayakap siya rito. Ito kasi ang unang pagkakataon na may taong nagmagandang loob para takpan ang katawan niya upang hindi siya maging tampulan ng tukso at maging takaw gulo. Kung ang iba ay hahayaan siyang tila hubad na sa mata ng iba... si Xander ay hindi.

"Salamat..." halos pabulong niyang sabi. "'Wag kang mag-alala, lalabahan ko 'to kaagad pagkarating natin sa condo mo."

Nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Xander at ngitian ito'y nagulat siya sa reaksyong nasa mukha nito. Bahagyang nakaawang ang labi, nakakunot ang kilay, at nagtataka ang kulay asul nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.

"Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Natigilan ito at bahagyang umiling bago ngumiti. "W-Wala..." Hinawakan na ulit ni Xander ang kamay niya at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Hindi naman bumilang ng ilang minuto ay may huminto ng jeep sa kanila, at suwerte pa dahil hindi naman ganoon karami ang pasahero. Lima lang ang laman no'n, tatlong babae at dalawang lalaki. Napasimangot na lang siya ng mapansin niyang nagpa-pa-cute ang tatlong babae kay Xander.

"Type ka no'ng tatlo..." Bahagya niya lang siniko si Xander bago inginuso rito ang tatlong babae na magkakaibigan yata. "...subukan mong tignan yang mga yan babaogin kita!" Aniya pa habang pinanlilisikan ito ng mata.

Ngumiti naman si Xander bago dumukwang sa kaniya. Natigilan siya dahil halos gahibla na lang ang agwat ng labi nito sa labi niya. "Don't worry, hindi man kita type... ikaw pa rin ang tititigan ko," giit nito bago siya ginawaran ng magaang na halik sa pisngi na nagpakabog ng mabilis at malakas sa kaniyang puso.

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status