Share

CHAPTER 03

EDI HINDI!!

Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa sinabing 'yon ng lalaki sa kaniya kanina. Kung makapagsalita akala mo hindi ma-i-in love sa kaniya sa future!

"Tignan natin, pogi!" Mariin niyang bulong sa kaniyang sarili.

Lalo pang pinag-igihan ni Cherry ang pagsasayaw sa gitna ng intablado. Dumarami na ang customers at malamang na marami siyang makakalog ngayong gabing ito.

Nang umalis kasi siya sa mall kanina ay sa Club-V na siya dumiretso. Mas maaga siya ng kaunti sa normal na pasok kaya naman maaga rin siyang nakapagsimula.

Dahan-dahan niyang iginigiling ang maliit niyang baywang pababa at pagkatapos ay muling tataas. Ikinikiling niya rin ang kaniyang ulo, dahan-dahang iginagalaw ang makinis niyang balikat, pipikit ng bahagya at pagkadilat ay titingin ng nakakaakit sa mga kalalakihan.

Napangisi siya ng may lalaking hindi pa ganoon katanda pero hindi na rin naman masasabing bata ang lumapit sa kaniya. Dumukot ito ng isang libo habang seryosong nakatitig sa kaniya.

"Pucha! Sa wakas naman at may tinablahan na sa alindog ko!" impit niyang sabi sa kaniyang sarili.

Bahagya pa siyang lumapit hanggang sa dulo ng stage upang mas mapalapit sa lalaki na naghihintay sa kaniya. "Saan mo balak isiksik yan?" tanong niya sa boses na kaakit-akit.

Napangisi naman ito at sumenyas ang kamay na magpababa siya ng bahagya upang maabot siya nito. Ginawa niya naman 'yon, bumaba siya para makapantay ang lalaki. Pagkatapos ay walang sabi-sabing isiniksik nito ang isang libo sa bra niya. Nadama niya pa nga ang mainit na balat nito na sumayad sa itaas ng dibdib niya pagkalagay ng isang libo.

Hindi kilig ang nadama niya. Wala rin 'yong tila nakuryente na sinasabi sa kaniya ng mga kasamahan niya sa club kapag dumampi ang katawan ng kung sino mang lalaki sa balat niya.

Lumapit pa ito sa kaniya bago bumulong. "Sa akin ka mamaya... table six. Dadagdagan ko pa yan kung papayag ka sa gusto ko."

Nginitian niya lang ito bago bumalik sa gitna ng intablado at muling sumayaw. "Scam! Hindi naman ako kinilig... kinilabutan puwede pa!" bubulong-bulong niyang sabi habang muling gumigiling. "Dancer ako oo, pero hindi naman ako pumapatol sa kung sino-sino lang."

Hindi miminsan na may gustong ilabas siya o kaya naman ay babayaran siya para sa buong magdamag.

Ilang beses na rin siyang kinausap ng manager niya at ng mas matatanda sa kaniya sa Club-V kung gusto niya bang magpabayad. Kapag sumagot siya ng oo, puwedeng sa dark room ang bagsak nila ng nagbayad sa kaniya o kaya naman ay sa motel. At kung papalarin naman at tiba-tiba ang customer, baka sa condo pa ng mga ito.

Hindi niya pa nakita o nasilip man lang ang loob ng sinasabi nilang dark room. Pero nakita niya na ang pinto nito na kulay itim at may nakalagay na for costumers use only.

Kung ilang beses na siyang inalok na bayaran ang buong magdamag niya, ganoong beses din naman ang pagtanggi niya. Kahit na kasi sa bar siya nagtatrabaho iniingatan niya pa rin ang sarili niya. Mahalaga pa rin sa kaniya ang kaniyang virginity. At nangako siya sa kaniyang sarili na ang asawa o ang mapapangasawa niya lang ang sisisid sa mahiwaga niyang kabibe.

"Ay bongga sis! May pa-suksok sa bra si kuyang!" anang kaibigan niyang si Bri. Bast-basta na lang sumusulpot ang babae kaya kung minsan hindi niya mapigilang isipin na pinaglihi ito sa kabote. "Sinalat mo sana 'yong itlog para hindi ka nakalimutan! Ewan ko na lang kung hindi ka no'n balik-balikan, instant money din 'yon ah!"

Napairap na lang siya sa mga kalokohan ni Bri. Mas matanda lang sa kaniya ito ng dalawang buwan, ngunit napakarami na nitong karanasan pagdating sa mga lalaki at kabastusan. Ikaw ba naman ang halos tumira na sa dark room at ihi na lang yata ang pahinga, hindi niya na nga rin alam kung paano kinakaya ng kepyas nito 'yong ganoong set-up!

Pero kung pagandahan lang din naman ang pag-uusapan... Itabi n'yo, ako na! Aniya sa sarili. Di hamak na lamang siya ng sampung paligo kaysa kay Bri.

Patatalo ba naman siya rito? Experience lang ang lamang nito sa kaniya, pero lamang pa rin siya pagdating sa kurba at mukha.

Maya-maya ay hinila siya nito sa likod ng stage, dahilan para tumigil sila sa pagsasayaw. Kung maraming tsismosa sa barangay nila, dito naman sa club si Bri ang tinaguriang pangbansang tsismosa sa Club-V na pinapasukan nila. Fresh na fresh at advance pa sa advance pag si Bri ang chumika.

"Maiba pala ako, diba gusto mong mag-aral ulit?" kuryosong tanong nito sa kaniya habang nakapamaywang at nakatitig sa kaniya. Tsismosang tsismosa lang ang datingan!

"Sana, kaso 'di pa kaya. Alam mo na, pasulpot-sulpot lang ang ayuda," baliwalang sagot niya naman.

"Gaga! Pag niyaya ka kasi sa dark room pumayag ka! Malaki ang magiging bayad sa'yo roon, may tip pang kasama kapag nagustuhan ang performance mo. Kahit tatlong beses lang may pang pa-enroll ka na saang university mo man gusto."

Nangunot ang noo niya. Kaunti na lang maiingganyo na siya sa lintek na dark room na yan. "Ano bang ginagawa sa loob no'n? Anong itsura? Nakakatakot ba?"

Tumawa ito. "Ay sis, matatakot ka talaga kung mala-anaconda ang bubungad sa'yong alaga ng customer. Pero sinasabi ko sa'yo... 'di ka pa namamatay naabot mo na ang langit kahit impyerno naman talaga ang destinasyon mo!" Muli itong tumawa habang siya naman ay nakamaamg lang. "Ano ba yan Cherry, wala ka man lang reaksyon?! Masyado ka namang pa-virgin."

Napairap siya. "Bakit masama ba?" kunot noong tanong niya ulit. Hindi naman masama kung wala pa siyang karanasan sa gano'ng bagay. Pero hindi na rin naman bago sa kaniya ang sex scene, nanonood kaya siya ng porn!

"Totoo ba?" Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kaya naman pala ang fresh... Body wash reveal sis, baka tumalab din sa akin."

"Tide bar, pangpaputi ng budhi!" aniya at iniwan na 'to.

Walang mangyayari sa kaniya kung makikipagtsismisan lang siya kay Bri. Bukod sa wala naman siyang mapapala rito, hindi pa siya matututo.

Bago siya bumalik sa dance floor ay nag-iba na ang tugtog. Naging malamyos na 'yon na tila makapanindig balahibo. Iba na rin ang kulay ng disco light... Ibig sabihin ang star of the night na ang mag-isang sasayaw doon. At ang dancer na 'yon ay walang iba kun'di si Jewel. Ang tinaguriang star of the night at pinakasikat na dancer dito sa Club-V. Iyon na rin ang oras para libutin nila ang club upang humanap ng mabuburautan.

Pero dahil may gusto ng mag table sa kaniya, doon na lang siya pupunta at hindi na magpapagod pa para mag pa-cute sa customers.

Nakaplaster sa labi niya ang mapang-akit niyang ngiti na matagal niya ng kinabisa, habang papalapit sa table six. May tatlong lalaki roon na nag-iinuman habang masayang nag-uusap. Ang dalawa ay kapwa may kalong-kalong na babae habang ang isa naman ay ang lalaking lumapit sa kaniya kanina at siniksikan siya ng isang libo sa bra.

Malapit na siya sa mesa ng mga ito ng biglang may humawak sa kamay niya at bahagya siyang hinila. "Where are you going?"

Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kaniya bago dumako ang paningin niya sa mukha nito. "P-Pogi?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Bakit nandito ka na naman? Problemado ka ba ulit?" Sunod-sunod niya pang tanong.

Sa itsura at pananamit kasi nito ay hindi ito nababagay sa ganitong lugar. Mukha itong yayamanin, mabango, malinis, at higit sa lahat guwapo.

Aba kung jowa ko lang 'to hindi ako papayag na pumupunta siya sa ganitong lugar! Baka matapyas ko pa ang itlog niya! Aniya sa isip.

Tumaas ang sulok ng labi nito at hinila siya paupo sa katabi nitong upuan. "May ni-re-research lang ako." Pinasadahan siya nito ng tingin hanggang sa huminto ang mga mata nito sa suot niyang bra.

Kahit siya ay napatingin din sa bra na suot niya bago bumalik ng tingin sa lalaki. "Type mo? Lima ang ganito ko, iba-iba ang kulay... depende sa araw."

Kumunot ang noo nito. "No, I'm good. It's just that..." Kinuha nito ang isang libong nakasiksik sa bra niya na nakikita ang kalahati. "Bakit may pera ka rito? Wala ka bang bulsa?" kuryosong tanong nito.

Natigilan siya at napaawang ang labi ng maramdaman niya ang bahagyang pagsagi ng daliri nito sa balat niya. Hindi ganoon ang naramdaman niya kanina noong isiniksik ng lalaki ang isang libo sa bra niya. Pero kay pogi...

"Kilabot. Koryente. 'Yon ba 'yong sinasabi ni Bri?" wala sa loob niyang sabi.

"Huh? What are you-"

Hindi na nito natapos pa ang nais nitong sabihin ng walang sabi-sabing sinalat niya ang nasa pagitan ng mga hita nito.

"What the fuck!"

"Shit! Ang laki naman!" gulat na sambit niya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit niya dinakma ang alaga nito? Napakagat labi siya ng mapagtanto niya ang ginawa niya. "Ay sorry... nadala lang, m-may ni-research lang din ako." Palusot niya.

"Ni-resaerch?" Kunot noong tanong nito bago umalon ang lalamunan at marahas na nagpakawala ng buntong hininga. "Now I wonder kung ano ang gusto mong malaman tungkol sa..." Natigilan ito at bahagyang lumapit sa kaniya. "...about my penis?"

"Ah wala! Ano kasi... Wala 'yon kali-" naputol ang sasabin niya ng biglang pumaloob ang palad nito sa suot niyang bra.

"So kapag ginawa ko 'to okay lang sa'yo? Na wala lang ito at kalimutan mo na lang?" Anito habang nakalapat pa rin ang palad sa dibdib niya.

Damang-dama niya ang init no'n na para bang naghahatid sa kaniya ng napakaraming bultahe ng koryente. Pakiramdam na tanging sa mga kasamahan at kaibigang si Bri niya lang nakariringgan.

Napasinghap pa siya at napapikit ng dahan-dahan nitong bawiin ang kamay nitong nakapasok sa bra niya. Upang magulat lang ng gawaran nito ng magaang na halik ang balikat niya bago bumulong.

"Dark Room... Now."

*****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status