LOGINPero nang lumabas ito sa bibig ko, parang may sumabog na lakas sa dibdib ko.Parang may isang matatag na pader na sa kauna-unahang pagkakataon ay tinayuan ko para sa sarili ko.Liane smiled. “Good.”Si Victor ay hindi nagbigay ng papuri sa akin.Hindi naman siya ’yung tipong magpapakita ng labis na emosyon.Pero nakita ko ang isang mabilis na micro-nod mula sa kanya.At para sa akin, sapat na sapat na iyon.Bandang tanghali, pina-practice naman ni Liane ang tungkol sa “directions.”Hindi ’yung normal na direksyon na “kaliwa o kanan,” kundi ’yung paggamit ng mismong mapa.Ipinakita niya sa akin ang laminated map ng buong Floresta do Santuario.“Where are we right now?” tanong niya.Itinuro ko ang maliit na simbolo ng Villa Row. “Here.”“And the clinic?” tanong niya ulit.Itinuro ko naman ang Clinic Wing sa kabilang bahagi.“And if you feel unsafe at any moment, what do you do?” tanong niya nang may pagsusuri.Huminga ako nang malalim. “Go back inside immediately. Call Steven. Or call V
Gavin smirked nang bahagya, tapos ay ibinalik ang tingin sa screen ng phone niya.“Si Victor ba ’yan?” tanong ni Kianna sa kanya.Tumango si Gavin. “On the way na.”Parang biglang nanigas at nag-stiffen ang mga balikat ko kahit hindi ko naman sinasadya.Hindi dahil sa natatakot ako kay Victor mismo bilang tao.Kundi dahil sa tuwing nandito siya, pakiramdam ko ay laging may seryosong exam na kailangan kong ipasa.Na kapag nagkamali ako sa ginagawa ko, makikita niya agad.Na kapag umiyak ako sa harap niya, mapapansin niya ang kahinaan ko.Na kapag… naalaala ko si Lucien, magiging halatang-halata sa mukha ko.Ayoko ng ganoon.Kaya pilit kong kinain ang pagkain ko. Tinapos ko ang toast, humigop ng mainit na tsaa, at ibinuhos ang buong atensyon sa init na lumalapat sa aking mga palad.Nang pumasok si Victor sa loob ng villa, hindi siya dumiretso sa amin agad.Una siyang nag-scan sa buong paligid—sinaliksik ng matatalas niyang mata ang mga pinto, mga bintana, at ang bawat taong nakatayo sa
Ysabelle Cuevas (Ysa)Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang masanay sa tunog ng talon.Noong una, para siyang isang malakas at walang awang banta—mabigat, hindi mo mapipigilan, at laging bumabagsak nang marahas kahit ayaw mo.Pero ngayong umaga, habang nakahiga pa ako sa kama at nakatitig sa puting kisame, parang naging metronome na ito ng bawat paghinga ko.Para siyang isang tahimik ngunit malamig na paalala na patuloy na aandar at tumutuloy ang mundo, kahit sa mga panahong pakiramdam mo ay hindi ka pa ready.Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaan. Inuna kong iangat nang maingat ang tuhod kong may bandage, saka ako dahan-dahang lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang notebook ko.May bagong dilaw na sticky note na nakadikit doon.“Day 3. Stand.”Napakurap ako habang nakatitig sa mga letrang iyon.Stand.Parang napakasimple nitong pakinggan, pero sa loob ng dibdib ko, parang napakabigat ng kahulugan.Huminga ako nang malalim, saka ko pinisil nang bahagya ang gilid ng bandage sa
Napalunok ako.“Tsaka… ayoko munang umasa.”Hindi ko itinaas ang paningin ko dahil sa hiyang nararamdaman ko.Pero narinig ko ang boses niya.“Good,” aniya.Nagulat ako. Inangat ko ang mukha ko para sulyapan siya.“Good po?” nagtataka kong tanong.Tumango siya. “That means you’re finally learning.”Parang may humaplos na malamig at preskong hangin sa loob ng aking dibdib.Hindi man biglaan ang pagbabago.Pero sapat na ito para kumalma ang sistema ko.Pagkatapos ng lesson, pinapunta ako ni Victor sa labas—sa isang malawak na pathway na mas malapit sa villa row gate.Mas maraming ilaw rito.Mas maraming security cameras.Mas maraming tao sa paligid.Para itong isang pormal na security tour.“Rules,” sabi ni Victor habang sabay kaming naglalakad. “If you see someone you don’t recognize or trust, you don’t approach them. You walk back immediately. You call Steven. Or you call me.”“Paano po kung… natataranta na ako?” tanong ko nang may buong katapatan.Tiningnan niya ako nang diretso sa m
Last night.Parang biglang bumalik ang lamig sa tiyan ko nang marinig ko iyon.Mukhang naramdaman ni Gavin ang pagbabago ko, kaya binabaan niya ang boses niya.“Ysa,” tawag niya, “may gagawin si Victor mamaya. Just… follow his lead.”Napatango ako.Hindi ko pa alam kung ano iyon, pero mas pipiliin ko pang may malinaw na plano kesa sa lumang takot na walang direksyon.Nang pumasok ako sa study room, nandoon na si Liane, at sa gilid ay nakatayo si Victor.Hindi siya nakaupo.Hindi rin siya relaxed.Para bang may malaking pulong pa rin siyang hinahawakan kahit nandito siya para sa akin.“Good morning,” pormal niyang bati.“Good morning din,” mahina kong sagot.Tiningnan niya ang nakabandage kong tuhod.“Better?” tanong niya.“Opo,” sagot ko. “Mas okay na.”Tumango siya, saka ibinaling ang tingin kay Liane. “Start.”Binuksan ni Liane ang laptop, pero sa halip na spreadsheet, ibang screen ang bumungad sa amin.Settings.Privacy.Security.“Today,” simula ni Liane, “we’re going to make your
Ysabelle Cuevas (Ysa)Hindi ako agad nakatulog noong gabing iyon.Hindi dahil maingay ang paligid ng villa—sa katunayan ay napakatahimik dito, tipong parang hindi totoo at malayo sa reyalidad—kundi dahil sa bawat pagdampi ng malamig na hangin sa salamin ng bintana, may kasama itong mabigat na pakiramdam ng bantang pilit kong iniiwasang isipin.Humiga ako nang nakatalikod, mahigpit na kayakap ang unan sa dibdib ko, habang sa loob ng utak ko ay paulit-ulit na umuusal ang iisang salitang binitawan ni Victor kanina.Targeted.Ang bigat-bigat nitong pakinggan sa pandinig kahit iisang salita lamang naman.Kaya sa gitna ng madilim at tahimik na silid, dahan-dahan kong inabot ang telepono ko mula sa gilid ng mesa.Hindi ko binuksan ang mensahe ni Mister.Hindi ko rin ginalaw ang unknown number na nagpadala ng takot.Tinitigan ko lamang ang nagniningning na screen na para bang nagbabakasakali akong makakita ng sagot sa liwanag nito.Pero walang sagot.Huminga ako nang malalim, saka ko naalaala







