Mag-log in
MONA’S POV
Ang 'Grand Food & Wine Expo' sa lungsod ay hindi biro. Punong-puno ito ng mga high-society foodies, sikat na restaurateurs, at mga tao na walang-bukas kung gumastos. Busy ako sa pag-aayos ng mga signature marshmallow-filled pastries sa aming booth. Katabi ko lang si Mateo, ang five-year-old kong anak, na parang na-bore yata sa pag-aabang ng mga customer. "Mom, can I go explore?" reklamo ni Mateo habang nilalaro ang isa sa mga mood toppers ng pastries namin. "Promise po hindi po ako magpunta sa malayo." Tiningnan ko ang paligid. The crowd was insane. Elite level na mga tao ang naglalakad-lakad, holding wine glasses like it was a fashion accessory. Ayokong mawala siya sa mga paningin ko, but the hustle was real. "Okay, go," sabi ko habang patuloy sa pag-aayos ng display tray. "Pero, bawal ang gala lang. You have to be productive, okay? Dalhin mo ‘tong mga sample box. Offer free taste sa mga tao. Be charming, baby, pero don't go too far." "Copy, Mom!" excited niyang sagot sabay bitbit ng maliit na tray ng aming signature marshmallow-filled pastries. Pinanood ko siyang mag-weave through the crowd. He looked so small amidst the giants in suits and designer dresses. Akala ko mag-iikot lang siya malapit sa booth ko, pero nakita ko siyang huminto sa booth ng VitaSpring Juice Corporation. The atmosphere there was heavy, too posh and too stiff. Nag-release sila ng 'New Tropical Rush' juice. I was about to call Mateo back nang makita ko siyang lumapit sa mga VIPs. My heart did a triple jump. Nakita ko ang aking anak na inalok ng free taste ng isa sa mga guests. Ngumiti lang si Mateo saka napatingin sa mismong host ng event. There, sa hindi inaasahan, nasilayan ko ang mukha ng lalaking pilit kong iniiwasan. No! Hindi maaari! Kumabog nang mabilis ang aking dibdib sa sobrang panic. It was Marco Delgado, ang lalaking akala ko ay nakabaon na sa limot limang taon na ang nakalipas. Kinuha ni Mateo ang baso ng 'Tropical Rush' mula sa tray. Pinapanood ko siya na humihigop, habang gustong-gusto ko na siyang hilahin mula sa letcheng lalaking yun. Pero hindi pwede. Hindi kasi dapat mahalata ni Marco na kaharap niya ang batang pinaghahanap nila noon, ang batang magliligtas sa kanilang imperyo na dati ay nabuo lamang sa isang pagkakamali. Napansin ko agad ang pagbabago ng expression sa mukha ni Mateo, na parang slow-motion na eksena sa isang horror movie. Sa isang iglap, lumamig ang simoy ng hangin. The way Mateo looked at the juice, the way he tilted his head, and the silence that suddenly smothered the booth? It was like a fuse had been lit. "Ano ba naman ito, too sweet!" rinig kong boses niya na parang nagsusuka. "Gumagawa ba talaga sila ng juice? Bakit parang umiinom ako ng liquid sugar?" The entire section went dead silent. Ang mga high-society guests ay napatigil sa kanilang mga pinag-uusapan, just as their glasses frozen mid-air. Ang kumpiyansa naman ni Marco, yung million-dollar niyang ngiti ay naglaho bigla, napalitan ito ng bakas ng matinding pagkalito at papatinding inis. "Mateo, pakiusap tumigil ka," tahimik kong dasal sa isip habang nagmamadali akong makipagsiksikan sa gitna ng mga tao. Pero huli na ang lahat. Ipinapaliwanag na ng limang taong gulang na bata sa mismong CEO kung bakit ang kanilang brand-new product ay hindi pasok sa standard ng aking anak, na para bang it was a total failure. "Sabi ni Mommy, pag natural juice daw ay kailangan fresh ang fruit," tuloy-tuloy na dagdag ni Mateo, as if he was giving a business review to an employee. "Ito? Magic sugar lang ang nilagay niyo para maging matamis. Kulang sa soul ang timpla." Tumigil ang mundo. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Marco kasabay nito ang paglaki ng mata ng mga tao, maging ang ilang mga vloggers na nagla-live stream ay hindi nakapagsalita. "Talaga ba?" pabulong na tanong ni Marco. Imbes na palayasin ang bata, lumuhod siya sa harap nito. "Then tell us, what’s missing?" Tinitigan ni Mateo ang juice. "Hindi na po siya lasang prutas. Hindi ito kid-friendly. Masyadong pang-matanda ang chemistry, pero fake naman." "Then tell your Mom na turuan akong magproduce ng kid-friendly na juice." Ito ang sagot ni Marco, habang inayos niya ang kwelyo ng anak ko. Ramdam ko ang bawat hibla ng tensyon sa hangin habang nakayuko si Marco, dahan-dahan at tila may halong pangungutya niyang inaayos ang kwelyo ng kanyang anak. Ang bawat galaw niya ay kalkulado, isang pagpapamukha ng kapangyarihan. Shit. Parang nagre-react tuloy ang bawat nerve endings sa katawan ko, like they were screaming at me to run, na kunin si Mateo at ilayo siya sa mismong ama niya. Ngunit ang tadhana ay may malupit na sense of humor. Biglang tumingala si Mateo, ang mga mata niya ay naniningkit sa tuwa nang sandaling masilayan niya akong papalapit. "Mommy!" sigaw niya sabay turo sa akin. Napatigil si Marco. Ang mga kamay niyang nasa kwelyo ay bahagyang nag-igting bago siya tumingin sa direksyon kung saan ako nakatayo. No! There, nagtagpo na rin sa wakas ang aming mga paningin. All of a sudden, ang ingay ng paligid ay naglaho at napalitan ng mapanuring katahimikan. Nanlaki agad ang mga mata niya. Gulat na gulat sa katotohanang pinagtagpo siya ng sarili niyang bangungot, na may kasamang katibayan ng nakaraan naming matagal na nilang pinaghahandaan. "Mona?" Ang tawag niya ay isang mahinang bulong, pero ramdam ko ang bigat nito na punong-puno ng intensity na halos tumagos sa aking dibdib. Sa utak ko, paulit-ulit na tumutunog ang aking survival mantra: Avoid, evade, survive. Pero nandito na kami. Walang harang. Walang pagtataguan. At ang pinaka-masakit sa lahat? Walang kamalay-malay ang anak ko na ang lalaking nasa harap niya ngayon ay ang mismong lalaki na gusto akong burahin noon. "Takbo, Mona!" paulit-ulit na sigaw ko sa sarili na halos madapa na sa pag-iwas sa crowd. Sa isip ko, sana isipin niyang guni-guni lang ang lahat, isang glitch sa matrix na dala ng pagod at pressure. Pero sa loob-loob ko, nanginginig na ako sa takot dahil sa mga what-if scenarios na naiisip ko bigla. Paano kung hindi na bumalik si Mateo sa booth namin? Paano kung tuluyan na siyang nakuha ni Marco na ang tingin sa buhay ay parang investment portfolio lang? Huminto ako sa isang madilim na corner malapit sa exit, hingal na hingal at yakap ang sarili. Ramdam ko ang pag-init ng aking katawan habang unti-unting bumabalik sa diwa ko ang lahat. That night. Five years ago, kung saan ang isang pagkakamali ay naging katumbas ng pagkawala ng lahat ng aking pangarap.Present TimeHingal na hingal ako habang naglalakad pabalik sa booth. Kumakabog pa rin ang puso ko sa sobrang panic, na parang gustong kumawala sa loob ng aking dibdib. Pero paglingon ko sa stall namin, my breath hitched in relief. Buti nalang talaga! Nakabalik na pala si Mateo. Nakaupo sa maliit niyang stool habang abala na ngayon sa pag-aayos ng mga natitirang marshmallow-filled pastries."Anak!" mabilis akong lumapit, kinapa-kapa ko ang balikat niya, tinitingnan kung may kulang ba o kung may nagbago. "Are you okay? May nangyari ba? May sumama ba sa’yo pabalik dito?"Tumingala siya sa akin, walang kaalam-alam, inosente as ever. "Mommy, chill! You look like you’ve seen a ghost. Okay lang ako. Naubos ko na yung samples, tapos napagod na rin ako kaka-explain sa mga matatandang masungit. Staying here is better. Marami pang tao na gustong bumili ng pastries mo."I let out a shaky sigh, trying to steady my breathing. "Good. That’s good. Dito ka na lang, okay? Stick to the booth. Huwag
Ang buong mansyon ay puno ng mga bulaklak na puti at gold. Ang bawat sulok ay kumikinang sa ilalim ng mga chandelier, pero sa paningin ko, mukha lang itong entablado ng isang napakalaking libingan ng dignidad ko.Ngayon ang Legacy Announcement Event. Ang araw kung saan ipakikilala ng mga Delgado ang kanilang 'heir' sa buong San Vicente. At ako? Ako ang main prop.Hindi pala si Marco ang kasabay ko, kundi si Sarah. Nakabuntot siya kay Marco, naka-gown na parang siya ang tunay na asawa. Ang mga kamay nila? Magkahawak lang naman habang naglalakad sa red carpet. Ako? Nakasunod sa likod na parang aninong pinilit na palamutian ang kanilang masayang pamilya."Don't you dare ruin this," bulong ni Doña Elena sa gilid ko habang naglalakad kami patungong stage. "Pagkatapos ng announcement na 'to, tapos na ang silbi mo. Remember that."Tumingin ako sa paligid. Bawat bisita, bawat camera, bawat journalist ay nakatuon sa sanggol na hawak ni Sarah. Well, nagtataka naman ang iba kung bakit hindi
Nine months, siyam na buwan na akong buntis at malapit na akong manganak. Ang bigat ng tiyan ko ay tila kasing-bigat na ng lahat ng insultong kailangang kong lunukin araw-araw. Nakaupo ako sa gilid ng kama, hinihingal habang sinusubukang isuot ang tsinelas ko.Biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Pumasok si Doña Elena, ang boses niya ay parang basag na salamin sa loob ng kwarto."Mona! Ang bagal-bagal mo! Hindi dahil buntis ka ay kailangan mo nang maging reyna sa loob ng kwartong 'yan," matalim niyang sabi, habang ang mga mata niya ay mapanuring nakatitig sa aking namamagang paa."Kahit malapit ka nang manganak, hindi ibig sabihin ay exempted ka sa trabaho. May mga bisita tayo mamaya, at gusto kong makita na malinis ang mansion. You’re just a surrogate, don't forget your place."Tumayo ako nang dahan-dahan, hawak ang aking bewang. Gusto kong sumagot, pero alam ko ang kapalit. Kaya mas mabuting manahimik.Pagbaba ko sa sala, naabutan ko sina Marco at Sarah na nasa sofa. Nag
Ang mga chandelier ay kumikislap na parang nang-iinsulto sa akin. Sa isip ko, ang reception hall na 'yun ay isang napakalaking joke. Isang expensive, high-budget, at soul-crushing na circus.Naroon ang ilan sa mga bibigating bisita ng pamilyang Delgado, habang ako? Nakatayo lang sa gitna ng spotlight, suot ang isang gown na mukhang mamahalin pero parang tali ng sako na pilit ginawang wedding dress. Ikinasal ako nang ganun-ganun lang. Ayoko sana pero wala akong magagawa, hawak nila ako sa leeg."Wala si Inay, wala rin si Itay?" wika ko sa sarili habang sinusubukang hanapin ang ni katiting presensya ng aking pamilya. Well, I forgot. Bakit ko pa sila hahanapin kung tinabunan na sila ng pera at banta ng pamilyang Delgado? "You must be Mona?" Isang magandang lalaki ang biglang lumapit sa akin. Ang mukha niya ay tila hinubog ng langit, na para bang hindi niya kailanman nasilayan ang kahirapan. "Congratulations, Misis Delgado." Yumukod pa siya sa harapan ko at marahang hinagkan ang likod n
Five years ago, tahimik ang buong dining room sa mga oras na iyon habang nakatayo lang kaming mga maid sa gilid, naghihintay na tawagin. Pero si Doña Elena? Ramdam namin ang init ng dugo niya na kumukuryente sa buong sulok ng pader."Isang maid? Really, Marco?" basag ni Doña Elena sa katahimikan matapos mapatigil sa kanyang kinakain. "Ang baba naman ng standards mo! Sa lahat ng babae sa mundo, bakit sa maid pa?"Galit na galit talaga si Doña sa nakalap niyang chismis, halatang hindi matanggap na magkakaroon siya ng apo sa isang katulong. Napahigpit naman ako sa paghawak ng aking skirt, dala ang inaasahan na reaksyon nila.Gusto kong sabihin na ako ang babaeng yun. Pero nanuyo ang aking lalamunan. Bigla ko kasing naalala ang banta ni Marco, na hindi dapat ako magsusumbong dahil tiyak sa kamatayan ang bagsak ng pamilya ko. Ginamit niya ang kahinaan na yun para manahimik ako at magkunwaring hindi niya ako pinagsamantalahan."Calm down, Elena," malamig na sabi ni Don Julio na abala sa
MONA’S POV Ang 'Grand Food & Wine Expo' sa lungsod ay hindi biro. Punong-puno ito ng mga high-society foodies, sikat na restaurateurs, at mga tao na walang-bukas kung gumastos. Busy ako sa pag-aayos ng mga signature marshmallow-filled pastries sa aming booth. Katabi ko lang si Mateo, ang five-year-old kong anak, na parang na-bore yata sa pag-aabang ng mga customer. "Mom, can I go explore?" reklamo ni Mateo habang nilalaro ang isa sa mga mood toppers ng pastries namin. "Promise po hindi po ako magpunta sa malayo." Tiningnan ko ang paligid. The crowd was insane. Elite level na mga tao ang naglalakad-lakad, holding wine glasses like it was a fashion accessory. Ayokong mawala siya sa mga paningin ko, but the hustle was real. "Okay, go," sabi ko habang patuloy sa pag-aayos ng display tray. "Pero, bawal ang gala lang. You have to be productive, okay? Dalhin mo ‘tong mga sample box. Offer free taste sa mga tao. Be charming, baby, pero don't go too far." "Copy, Mom!" excited ni







