LOGINFive years ago, tahimik ang buong dining room sa mga oras na iyon habang nakatayo lang kaming mga maid sa gilid, naghihintay na tawagin. Pero si Doña Elena? Ramdam namin ang init ng dugo niya na kumukuryente sa buong sulok ng pader.
"Isang maid? Really, Marco?" basag ni Doña Elena sa katahimikan matapos mapatigil sa kanyang kinakain. "Ang baba naman ng standards mo! Sa lahat ng babae sa mundo, bakit sa maid pa?" Galit na galit talaga si Doña sa nakalap niyang chismis, halatang hindi matanggap na magkakaroon siya ng apo sa isang katulong. Napahigpit naman ako sa paghawak ng aking skirt, dala ang inaasahan na reaksyon nila. Gusto kong sabihin na ako ang babaeng yun. Pero nanuyo ang aking lalamunan. Bigla ko kasing naalala ang banta ni Marco, na hindi dapat ako magsusumbong dahil tiyak sa kamatayan ang bagsak ng pamilya ko. Ginamit niya ang kahinaan na yun para manahimik ako at magkunwaring hindi niya ako pinagsamantalahan. "Calm down, Elena," malamig na sabi ni Don Julio na abala sa kanyang wine. "It's a blessing in disguise. Sa totoo lang? The board is breathing down my neck. Kailangan nila ng heir, they need stability, not a playboy who only spends his nights burning money in clubs." "It’s a huge scandal, Julio!" sigaw ni Doña. "Papayag ka na lang bang galing sa isang basura ang heir ng pamilya natin?" "What do you want me to do?" sagot ni Don Julio, sabay inom ng wine. "May panahon pa ba si Marco na mabigyan tayo ng apo? Scandal or not, we need an heir." “At sa mga maid pa talaga?” madiin na tanong ni Doña Elena. Ang mga mata niyang may bahid na kutsilyo ay pabalik-balik sa amin. "My son is a legacy, not a charity for the help!" “Kaysa naman sa mga babae niya sa night clubs?” dugtong ni Don Julio, hindi man lang inaalis ang tingin sa hawak na baso ng vintage wine. “Papayag ka bang sa mga social climber siya magkakaanak? Sa babaeng nanggagaling sa kanal? At least alam natin kung anong uri ng dugo ang nananalaytay sa mga maid natin, Elena." Tumawa nang mapait si Doña Elena, isang tunog na walang bahid ng saya. “Kung ganun, gusto ko ang mayordoma nating si Sarah!" Biglang tumahimik ang buong silid. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, pero mas matindi ang lamig na gumapang sa sikmura ko. “She is well-mannered, at ang tanging pinagkakatiwalaan ko sa lahat. She knows her place.” Pagkatapos, dahan-dahang gumapang ang tingin niya papunta sa akin, kasabay ng mga pananalita niyang puno ng pandidiri na parang may nakita siyang uod sa pagkain niya. “Unlike her. Look at her. She’s clumsy, careless, at walang class. Para siyang basahan na pinulot lang sa kalsada. Kung sa kanya lang naman ako magkakaapo, mas pipiliin ko pa ang mga social climber na yun." Tumingin naman si Don Julio sa akin, walang imik at walang judgment. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ako habang pinapakinggan ang pagmamaliit ng asawa niya. Napatayo na lang din si Marco at mabilis na lumapit sa hanay namin. “Mama, hindi ko naman type ang babaeng ito. Masyado siyang malayo sa standards ko. Besides, kung ano man ang nangyari sa amin, it was just a mistake. A total mistake." Parang sinaksak ako ng libo-libong karayom. Mistake? Ang batang nasa sinapupunan ko ay itinuturing niyang pagkakamali? Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya sa harap ng mga magulang niya o kung sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa magiging anak namin. “So, it's her?” paninigurong tanong ni Don Julio, napatigil sa nginunguya niyang pagkain. “Nabuntis mo ba si Mona, Marco?" Hindi na rin ako nakapagpigil. Ayokong i-deny ni Marco sa harap ng mga magulang niya ang anak naming dalawa. Kaya, kusa nang gumalaw ang mga paa ko at humakbang pasulong, sa harap ng mga tao na ang tingin sa akin ay isang dumi lang sa carpet. "Hindi po iyon pagkakamali." Suminghap muna ako saglit saka naghanap ng lakas ng loob para sabihin sa kanina ang totoo. “At hindi po ako basahan.” Agad namang tumigil ang kanilang mundo, at mabilis dumako sa akin ang mga tingin nila. Tumawa si Doña Elena, isang tunog na parang kuko na nagkakalmot sa blackboard. “Oh, my god. Are you serious? Hinding-hindi ka papatulan ng anak ko, girl. Look at you! You’re just a pathetic, climbing little rat!" “Lasing ako sa mga gabing yun,” dugtong ni Marco, ang boses ay kasing-lamig ng yelo sa baso niya. “Pinagsasamantalahan niya ako. Ni hindi ko nga gusto ang nangyari sa amin, eh." Wow! Ang kapal! Binaligtad pa talaga niya ang kwento. Siya ang nag-blackmail sa akin, siya ang humila sa akin sa dilim, tapos ngayon, ako ang lalandi? Ako ang lason? Humugot muna siya ng hangin bago tumingin ulit sa mga magulang niya. “Nalaman ko na lang na buntis siya. At ako pa ang ama ng batang nasa sinapupunan niya. Do I have a choice? She planned everything, Mama. She framed me up. What for? Para umangat. Pero ang totoo niyan? I don't like her. Si Sarah naman talaga ang gusto ko." Ang presensya ngayon ni Doña Elena ay parang bagyong humagupit sa dining room. Sa isang iglap, bigla siyang napasugod at kaagad akong sinabunutan. “Kalapastangan! Hayop kang babae ka! Dahil sa'yo, magiging katatawanan kami ng buong San Vicente! Hindi ako papayag na dugo mo ang magiging tagapagmana ng pamilyang ito!” “Enough the drama, Elena,” pag-aawat ni Don Julio sa kanyang asawa. “Kailangan natin silang ikasal." “WHAT?” Nanlaki ang mga mata nila sa gulat. Nalaglag naman ang panga ko. Kasal? Hahayaan lang ni Don Julio na ikasal ako kay Marco habang para na akong patayin sa galit ni Doña Elena? “Are you out of your mind, Papa?!” singhal ni Marco. “I’d rather die than being tied to a servant like her!" “You reckless, idiot! Kalat na kalat na sa buong San Vicente ang balita, at ayokong masira ang image ng pamilya natin," nagsimula nang magpaliwanag si Don Julio. "We need to play the long game. Ipapakita natin sa publiko na ang pamilyang Delgado ay hindi tumitingin ng social status. We’ll curate a narrative, a modern love story that we ‘welcomed’ the girl despite her background.” “Julio!” tutol ni Doña, naglalakad na nang pabalik-balik, mukhang mahihimatay sa frustration. “Kukunin na lang natin yung bata pagkatapos niyang manganak. Then after that, itapon natin siya kung saan siya galing!” "Nag-iisip ka ba?" Tinitigan ni Don Julio si Doña, isang tingin na nagpatahimik agad sa reyna. “Mas halata yun. People aren't stupid, Elena. Kung sa pagkapanganak pa lang ay mawawala na siya, they will call it a scheme. A setup just to secure the heir. Magmumukha tayong mga halimaw sa Board at sa public." Tumingin pa siya siya sa akin, tapos kay Marco. “We will give them five years. Limang taon na acting, na kunwaring pamilya silang dalawa. After that, we’ll see.” Five years? Limang taon na pagpapanggap na mahal ako ng lalaking kinamumuhian ako? Wala silang mga puso! Ano ba ang tingin nila sa akin? Hindi porket naninilbihan ako para makabawi ang pamilya ko sa kanila ay ganito na lang ang gagawin nila sa akin! “Fine,” sagot ni Marco na walang pag-aalinlangan. “If that’s what the Board wants? It's alright with me. But don't expect me to be a loving husband." Pilit kong nilulunok ang aking laway 'pagkat nanginginig na ako sa sobrang galit. Nakakuyom naman ang aking mga kamay sa skirt, dama ang bigat ng limang taon na nakapasan sa aking balikat at ang desisyong wala naman akong karapatang tumutol.Present TimeHingal na hingal ako habang naglalakad pabalik sa booth. Kumakabog pa rin ang puso ko sa sobrang panic, na parang gustong kumawala sa loob ng aking dibdib. Pero paglingon ko sa stall namin, my breath hitched in relief. Buti nalang talaga! Nakabalik na pala si Mateo. Nakaupo sa maliit niyang stool habang abala na ngayon sa pag-aayos ng mga natitirang marshmallow-filled pastries."Anak!" mabilis akong lumapit, kinapa-kapa ko ang balikat niya, tinitingnan kung may kulang ba o kung may nagbago. "Are you okay? May nangyari ba? May sumama ba sa’yo pabalik dito?"Tumingala siya sa akin, walang kaalam-alam, inosente as ever. "Mommy, chill! You look like you’ve seen a ghost. Okay lang ako. Naubos ko na yung samples, tapos napagod na rin ako kaka-explain sa mga matatandang masungit. Staying here is better. Marami pang tao na gustong bumili ng pastries mo."I let out a shaky sigh, trying to steady my breathing. "Good. That’s good. Dito ka na lang, okay? Stick to the booth. Huwag
Ang buong mansyon ay puno ng mga bulaklak na puti at gold. Ang bawat sulok ay kumikinang sa ilalim ng mga chandelier, pero sa paningin ko, mukha lang itong entablado ng isang napakalaking libingan ng dignidad ko.Ngayon ang Legacy Announcement Event. Ang araw kung saan ipakikilala ng mga Delgado ang kanilang 'heir' sa buong San Vicente. At ako? Ako ang main prop.Hindi pala si Marco ang kasabay ko, kundi si Sarah. Nakabuntot siya kay Marco, naka-gown na parang siya ang tunay na asawa. Ang mga kamay nila? Magkahawak lang naman habang naglalakad sa red carpet. Ako? Nakasunod sa likod na parang aninong pinilit na palamutian ang kanilang masayang pamilya."Don't you dare ruin this," bulong ni Doña Elena sa gilid ko habang naglalakad kami patungong stage. "Pagkatapos ng announcement na 'to, tapos na ang silbi mo. Remember that."Tumingin ako sa paligid. Bawat bisita, bawat camera, bawat journalist ay nakatuon sa sanggol na hawak ni Sarah. Well, nagtataka naman ang iba kung bakit hindi
Nine months, siyam na buwan na akong buntis at malapit na akong manganak. Ang bigat ng tiyan ko ay tila kasing-bigat na ng lahat ng insultong kailangang kong lunukin araw-araw. Nakaupo ako sa gilid ng kama, hinihingal habang sinusubukang isuot ang tsinelas ko.Biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Pumasok si Doña Elena, ang boses niya ay parang basag na salamin sa loob ng kwarto."Mona! Ang bagal-bagal mo! Hindi dahil buntis ka ay kailangan mo nang maging reyna sa loob ng kwartong 'yan," matalim niyang sabi, habang ang mga mata niya ay mapanuring nakatitig sa aking namamagang paa."Kahit malapit ka nang manganak, hindi ibig sabihin ay exempted ka sa trabaho. May mga bisita tayo mamaya, at gusto kong makita na malinis ang mansion. You’re just a surrogate, don't forget your place."Tumayo ako nang dahan-dahan, hawak ang aking bewang. Gusto kong sumagot, pero alam ko ang kapalit. Kaya mas mabuting manahimik.Pagbaba ko sa sala, naabutan ko sina Marco at Sarah na nasa sofa. Nag
Ang mga chandelier ay kumikislap na parang nang-iinsulto sa akin. Sa isip ko, ang reception hall na 'yun ay isang napakalaking joke. Isang expensive, high-budget, at soul-crushing na circus.Naroon ang ilan sa mga bibigating bisita ng pamilyang Delgado, habang ako? Nakatayo lang sa gitna ng spotlight, suot ang isang gown na mukhang mamahalin pero parang tali ng sako na pilit ginawang wedding dress. Ikinasal ako nang ganun-ganun lang. Ayoko sana pero wala akong magagawa, hawak nila ako sa leeg."Wala si Inay, wala rin si Itay?" wika ko sa sarili habang sinusubukang hanapin ang ni katiting presensya ng aking pamilya. Well, I forgot. Bakit ko pa sila hahanapin kung tinabunan na sila ng pera at banta ng pamilyang Delgado? "You must be Mona?" Isang magandang lalaki ang biglang lumapit sa akin. Ang mukha niya ay tila hinubog ng langit, na para bang hindi niya kailanman nasilayan ang kahirapan. "Congratulations, Misis Delgado." Yumukod pa siya sa harapan ko at marahang hinagkan ang likod n
Five years ago, tahimik ang buong dining room sa mga oras na iyon habang nakatayo lang kaming mga maid sa gilid, naghihintay na tawagin. Pero si Doña Elena? Ramdam namin ang init ng dugo niya na kumukuryente sa buong sulok ng pader."Isang maid? Really, Marco?" basag ni Doña Elena sa katahimikan matapos mapatigil sa kanyang kinakain. "Ang baba naman ng standards mo! Sa lahat ng babae sa mundo, bakit sa maid pa?"Galit na galit talaga si Doña sa nakalap niyang chismis, halatang hindi matanggap na magkakaroon siya ng apo sa isang katulong. Napahigpit naman ako sa paghawak ng aking skirt, dala ang inaasahan na reaksyon nila.Gusto kong sabihin na ako ang babaeng yun. Pero nanuyo ang aking lalamunan. Bigla ko kasing naalala ang banta ni Marco, na hindi dapat ako magsusumbong dahil tiyak sa kamatayan ang bagsak ng pamilya ko. Ginamit niya ang kahinaan na yun para manahimik ako at magkunwaring hindi niya ako pinagsamantalahan."Calm down, Elena," malamig na sabi ni Don Julio na abala sa
MONA’S POV Ang 'Grand Food & Wine Expo' sa lungsod ay hindi biro. Punong-puno ito ng mga high-society foodies, sikat na restaurateurs, at mga tao na walang-bukas kung gumastos. Busy ako sa pag-aayos ng mga signature marshmallow-filled pastries sa aming booth. Katabi ko lang si Mateo, ang five-year-old kong anak, na parang na-bore yata sa pag-aabang ng mga customer. "Mom, can I go explore?" reklamo ni Mateo habang nilalaro ang isa sa mga mood toppers ng pastries namin. "Promise po hindi po ako magpunta sa malayo." Tiningnan ko ang paligid. The crowd was insane. Elite level na mga tao ang naglalakad-lakad, holding wine glasses like it was a fashion accessory. Ayokong mawala siya sa mga paningin ko, but the hustle was real. "Okay, go," sabi ko habang patuloy sa pag-aayos ng display tray. "Pero, bawal ang gala lang. You have to be productive, okay? Dalhin mo ‘tong mga sample box. Offer free taste sa mga tao. Be charming, baby, pero don't go too far." "Copy, Mom!" excited ni







