LOGINLucas Ian Anderson (Lucien) “Tara na nga!” inis at naiinip niyang sabi habang nakatitig sa akin.Mabilis kong hinawakan ang malamig at malambot niyang kamay. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa sling bag niya na agad kong isinabit sa aking balikat. Habang naglalakad kami patungo sa malawak na pool area, ramdam na ramdam ko kung paanong inaagaw ng kanyang presensya ang atensyon ng halos lahat ng lalaking nadadaanan namin.At ang atensyon naman ng mga babae sa paligid—nasa akin.Umupo si Ysabelle sa isang nakalatag na chaise lounge. Sa simpleng pag-upo at pag-unat pa lang ng kanyang mga binti, mas lalong lumitaw ang magandang kurba at kaputian ng kanyang katawan.Inilapag ko ang kanyang bag sa tabi, hinubad ko ang aking sando, at naupo ako sa mismong tabi niya. Inakbayan ko siya nang mahigpit, inilapit sa aking katawan, at sinulyapan nang napakatim na tingin ang grupo ng mga lalaking hindi magkandatuto sa katitig sa kanya.“Mister, hindi ba tayo mag-swimming?” mahina niyang tanong
Muli kaming nakarating sa malaking resort kung saan naroon din ang hotel suite na tinuluyan namin. Imbes na dumiretso sa kuwarto, diretso kaming naglakad patungo sa malawak na swimming pool area.Tama nga si Mister—maraming tao. May mga pamilya, may mga turistang nagrerelax. Pero hindi naman siksikan. Sapat lang para maramdaman mong buhay at masaya ang lugar.Sa probinsya namin noon, kapag may ganitong malaking pool ka, ibig sabihin napakayaman mo na. Kaya kadalasan, sa purong TV ko lang ito nakikita.“Saan ako magbibihis, Mister?” nakangiti kong tanong habang dala ang bag.“Tsk. Sundan mo ’ko,” simangot niyang sabi pero inalalayan ako.Sumunod ako sa kanya, hindi pa rin nawawala ang napakalapad kong ngiti.Tumigil siya sa labas ng isang shower room.“Dito. Bilisan mo. Hihintayin kita rito sa labas,” seryoso niyang sabi habang sumasandal sa pader.Nginitian ko siya nang matamis bago ako pumasok sa loob.Sa loob ng shower room, agad akong humarap sa malaking salamin. Hinubad ko ang pan
Lucas Ian Anderson (Lucien)Pero ako… Ako ang nakaintindi sa matinding ibig sabihin niyon.At hindi ako handa.Paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang sinabi niya.‘Kung nakakaadik ang shabu, ibig bang sabihin nun ay shabu ka, Mister, kasi adik na adik ako sa’yo.’Paulit-ulit. Parang sirang plaka na nagpapanic sa loob ng utak ko. Parang sumpa na kumapit sa buo kong sistema.Muli. At muli. At muli.“Putangina…” naibulong ko na lang nang tuluyang mag-sink in ang lahat ng iyon sa akin.Tiningnan ko siya nang diretso, humihiling at umaasang may mababasa akong kahit anong maliit na senyales na biro lang iyon o kaya’y panggagago lang.Wala.Nagpatuloy lang siya sa pagkain nang kumportable, parang wala lang sa kanya ang bomba at apoy na binanat niya kanina. Para bang hindi niya sinindihan ang isang malaking sunog sa loob ng dibdib ko. Para bang wala siyang binagabag at winasak na emosyon sa akin.Nakakainis.Bakit parang wala lang sa kanya ang mga salitang may sobrang lakas at mapanirang epekt
Lucas Ian Anderson (Lucien) “Oo, bakit? Aangal ka?” inosente pero palabang tanong nito.Sa simpleng tanong na iyon, parang may dambuhalang alon na biglang humampas sa dibdib ko.Hindi dahil sa matapang na tono ng boses niya—kundi dahil sa kawalan niya ng takot. Hindi ko inaasahang aamin siya nang ganoon kadali, at lalong hindi ko inakalang ganoon niya iyon ibabato sa akin: diretso sa aking mga mata, walang alinlangan, at walang kaunting pagtatago.Natigilan ako. Ang akala ko’y iiwas siya. Nasanay akong ang mga tao sa paligid ko ay nagpapakita ng hiya, nagpapanggap, o tumatawa na lang kapag nahuhuli. Pero si Ysabelle? Pinili niyang harapin ako nang ganoon lang—parang napakanormal na bagay sa kanya ang konsepto ng selos, na para bang isang likas na karapatan niya iyon sa buhay ko.Hindi ko napigilang huminto sa paghinga ng ilang segundo.Sa loob-loob ko, parang may kumawala at nagdiwang. Parang may marangyang mga alitaptap at fireworks na pumutok sa isip ko, sabay-sabay, walang pasinta
Sumakay kami sa mabilis at makinang na elevator. Pinindot niya ang pinakamataas na floor number, at tahimik kaming dumaan sa maikling biyahe paakyat. Pagbukas ng pinto, hinila niya ulit ako patungo sa malawak na pasilyo.Hawak niya ang card, patingin-tingin sa mga kulay gintong numero sa bawat pinto.“I found it,” sabi niya sa wakas nang huminto sa dulo ng pasilyo.Inilapat niya ang card sa maliit na scanner. Tumunog iyon nang mahina at nagbago ang ilaw patungong berde. Binuksan niya ang mabigat na pinto at pinapasok ako nang una.Pagpasok na pagpasok ko pa lang—Nanlaki ang dalawa kong mata sa sobrang gulat.Isang napakalaking kama na balot ng puting silip at malalambot na unan. Isang dambuhalang TV sa pader. At isang napakalawak na salaming bintana na umaabot mula sahig hanggang kisame!“WOW!” malakas kong sigaw sa labis na gulat at tuwa sabay mabilis na patakbong lumapit sa glass window.At doon sa labas ng bintana… bumungad sa akin ang pinakamagandang tanawin sa buong buhay ko.An
Parang umiikot pa at nanlalabo ang utak ko nang marinig ko ang baritonong boses na iyon na tumatawag sa akin. Mabigat pa ang aking mga talukap mula sa malalim na pagtulog, pero mas malakas at mas nakakapanginig ang hatak ng sarili kong pangalan habang binibigkas ng kanyang mga labi. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.At sa aking pagmulat, nagulat ako.Napakalapit ng kanyang mukha sa akin.As in, sobrang lapit—ilang pulgada na lang ang distansya ng kanyang ilong at labi sa akin, at naamoy ko agad ang pamilyar at napakabangong amoy ng kanyang hininga.Dahan-dahan at tila nahipnotismo kong napatingin sa kanyang mga labi. At bago pa man makasingit ang utak ko ng kahit anong matinong payo o takot, nauna na ang katawan ko.Inangat ko ang aking ulo at idinampi ko ang aking mga labi sa labi niya.Mabilis lang. Isang iglap at munting paglapat. Pero sapat na iyon para magwala at kumabog nang todo ang puso ko sa loob ng aking dibdib.Agad ko ring inalis ang aking mga labi mula sa kanya







